Beranda / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 193

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 193

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-25 22:37:18

Sa kabilang dako.

Tahimik ang gabi sa Tagaytay. Ngunit sa loob ng tahanan ng pamilya Diosdado, mainit at mabigat ang hangin—hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa damdaming pilit isiniksik ng mga taon.

Matapos ang emosyonal na tagpo kay Belinda at Romeo, dumating ang dalawa pang mahalaga sa buhay ni Ana—sina Nenita at Philip Villa, ang mga magulang ni Luke at dating biyenan ni Ana.

Pagkarating nila, agad silang sinalubong ni Luke. Ngunit hindi si Luke ang una nilang hinanap. Nang makita ni Nenita si Belle, napahinto siya sa paglalakad. Hawak ang dibdib, tinitigan niya ito nang buong lalim—mga matang naghanap ng anak ng ilang taon, at ngayo’y muling nakaharap sa parehong mukha… ngunit ibang kaluluwa.

"Belle…" mahinang sambit ni Nenita. "Ikaw ba talaga…?"

Tumango si Belle, marahan, habang hawak ang kamay ni Anabella.

"Opo, ako po si Belle… ang kakambal ni Ana. Ako po ang nag-alaga kay Anabella, at ako rin po ang tumindig sa pangalan ng kapatid ko… para sa hustisya."

Napaluha si Nenita.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 203

    Kitang-kita ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, at sa bawat hakbang nila palapit ay tila ba dala nila ang kalinga ng isang pamilyang handang dumamay kahit hindi nila lubos na maunawaan ang sakit.“Sara!” tawag ni Glenda habang mabilis na lumapit at umupo sa gilid ng kama. Inabot niya ang kamay ng dalaga at mariing hinawakan. “Ano’ng nangyari? Narinig ka naming sumigaw. Pagpasok namin, pawis na pawis ka, nanginginig pa. Diyos ko, akala ko kung ano na.”Sumunod si Romero, humahangos, at kita rin sa mukha ang matinding pag-aalala.“May narinig kaming iyak,” ani Romero. “Sabi ni Aling Dory sa kusina, may sigaw kang binigkas… ‘Anak natin… Love, bumalik ka na…’ Sara, nanaginip ka ba?”Hindi agad nakasagot si Sara. Tahimik siyang nakaupo, hawak pa rin ang kumot na parang ito na lang ang kaya niyang kapitan. Umiling siya. Tumango. Umiling ulit. Hindi rin niya alam ang isasagot.Sa huli, dahan-dahang bumuka ang kanyang bibig. Mahina ang tinig, halos pabulong, pero tagos sa puso.“Nanaginip a

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 202

    Samantala sa tunay na AnaGabing tahimik. Malamig ang simoy ng hangin. Sa loob ng kwarto ni Sara sa Crystal Clear J Resort, tahimik siyang natutulog, yakap ang isang maliit na unan. Sa labas, maririnig ang huni ng mga kuliglig at ang banayad na hampas ng alon sa pampang.Ngunit sa mundo ng kanyang diwa… ibang-iba ang tagpo.Sa panaginip, dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Sara. Nasa loob siya ng isang engrandeng mansion. Malawak ang sala, may mga chandeliers na tila bituin sa kisame. Kumakaway ang mga kurtinang kulay ivory sa bawat dampi ng hangin. Mabango ang paligid, amoy rosas at lavender.Sa kanyang mga bisig, may hawak siyang isang sanggol. Maputi, makinis, at tahimik na natutulog habang nakasiksik sa dibdib niya.Napangiti si Sara.Hindi niya alam kung sino ang sanggol. Pero ramdam niya sa puso niya—mahalaga ito. Mahal na mahal niya ito.Habang tinatanaw ang magandang hardin mula sa bintana ng mansion, may mga hakbang na lumapit mula sa likuran. Mabigat. Pamilyar.Isang lalake

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 201

    Samantala sa Panig ni Belle. Pag-uwi ng Magulang ni Belle sa AustraliaMaagang dumating sa airport sina Luke, Belle, Anabella, at ang munting si Baby Leo. Sa kabila ng kasiyahang hatid ng muling pagkikita, dama ang bigat ng paalam. Sa mga mata ni Clyde at Sophia Smith, naroon ang halu-halong damdamin—tuwa para sa bagong yugto ng buhay ni Belle, at lungkot na kailangan na nilang bumalik sa Australia.Suot ni Belle ang simpleng floral dress, habang mahigpit na yakap-yakap si Baby Leo, na mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib. Si Anabella naman ay nakakapit kay Luke, habang masayang kumakaway sa paligid—walang muwang sa bigat ng pamamaalam na nagaganap.“Hindi namin alam kung paano kami makakapagpasalamat, Belle,” ani Sophia habang hinahaplos ang buhok ng anak. “Ipinagmamalaki ka namin. Hindi lang bilang anak, kundi bilang isang ina, at bilang isang babae na pinili ang katotohanan at pagmamahal sa lahat ng pagkakataon.”Niyakap ni Belle ang ina nang mahigpit, pinipigilan ang luha na b

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 200

    Samantala sa tunay na Ana.Isang Linggo PagkataposTanghali. Mainit. Dumidikit sa balat ang singaw ng araw. Ang langit ay bughaw ngunit tila mabigat. Sa loob ng isang eleganteng coffee shop sa Crystal Clear J Resort, umupo si Adrian sa pinakadulong sulok. Tahimik ang paligid pero maingay ang kanyang isipan. Pinatawag siya ni Vanessa. Isang huling pag-uusap daw. Isang pakiusap na halos ayaw niyang tugunan, pero nanaig ang konsensya. Baka ito na ang huling pagkakataong matuldukan ang lahat.Pumasok si Vanessa. Pulang bestida. Maayos ang buhok pero maputla ang mukha. Parang uminom ng ilang gabi nang walang tulog. May lungkot sa mga mata niya na tila ba dumudurog ng kaluluwa.Umupo siya sa harap ni Adrian. Tahimik. Hindi agad nagsalita.“Bakit mo ako pinatawag, Vanessa,” tanong ni Adrian. Walang emosyon. Diretso. Matigas.Napakagat ng labi si Vanessa. Nilalaro ang tasa ng kape sa harapan. Mahinang tinig ang lumabas sa kanya.“Gusto ko lang… kahit sandali… makasama ka. Makita ka. Kausapin

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 199

    Napahinto siya. Napalingon sa paligid, ngunit alam niyang wala namang ibang tao roon. Ngunit may naramdaman siya—hindi takot, kundi kapayapaan. Isang pakiramdam na tila may yumakap sa kanyang kaluluwa.Napatingin siya sa langit, kung saan ang buwan ay tila mas maliwanag kaysa dati.“Ate Ana…” mahina niyang bulong. “Nandiyan ka ba?”Ibinaba niya ang kanyang kamay sa kanyang tiyan—sa pusong minsan ay puno ng kaba, takot, at pagkalito. Ngunit ngayon, ang pusong iyon ay payapa na. Puno ng pagmamahal.“Walang anuman, Ana. Ako ang dapat magpasalamat sa’yo… dahil sa iyo, natutunan kong magmahal, magpatawad, at lumaban para sa pamilya.”Lumapit si Luke, tahimik lang at walang sinabi. Yumakap siya kay Belle mula sa likod, sabay patong ng kanyang kamay sa balikat nito. Naramdaman niya ang bahagyang pag-iyak ni Belle, ngunit alam niyang hindi ito luha ng dalamhati—kundi luha ng paghilom.“Narinig ko siya, Luke…” bulong ni Belle. “Narinig ko ang boses ni Ana. Sinabi niyang… salamat.”“Alam ko,” s

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 198

    Samantala sa Panig ni Belle,Ang araw ay maaliwalas. Ang langit ay bughaw, tahimik, at tila ba nakikiisa sa pagdiriwang ng isang panibagong yugto sa buhay ng isang pamilyang pinagbuklod ng tadhana at pagmamahalan.Ilang araw matapos manganak si Belle, pinayagan na rin siyang ma-discharge mula sa ospital. Mahina pa siya, ngunit sa kanyang mga mata ay nagniningning ang liwanag ng isang inang puno ng pag-asa. Bitbit niya ang sanggol na si Leo sa kanyang mga bisig—mahimbing itong natutulog, tila ba tahimik na nakikinig sa tibok ng puso ng kanyang ina.Habang tinutulak ni Luke ang wheelchair ni Belle palabas ng ospital, nakatayo sa may labas si Anabella. Nang makita niya ang kanyang mommy Belle, dali-daling tumakbo ito, walang pakialam sa mga taong nadaanan niya."Mommy!" sigaw ng bata, puno ng pananabik.Napangiti si Belle, at kahit may kaunting sakit pa sa kanyang katawan, binuksan niya ang kanyang mga bisig upang salubungin ang anak sa yakap."Anak..." bulong ni Belle. "Nandito na si ba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status