NAGKASAKIT ANG Lola ni Theo na si Victoria kaya napapunta siya sa mansion isang araw. Ayaw man niyang pumunta, tumuloy pa rin siya at bumisita.
"Kumusta ang lagay mo, 'La?" tanong ni Theo sa matanda habang nakahiga ito sa kama."Kayo ang kumusta ng asawa mo. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ni Victoria na ikinabuntong hininga ni Theo."'La, darating din tayo diyan," sagot na lang niya dahil wala naman sa plano 'yon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Amanda, pinapaalalahanan niya itong magpills upang hindi mabuntis."Kailan? Tumatanda na ako, Theo. Gusto ko nang makarga man lang ang apo ko bago ako mamatay!"Bumuntong hininga si Theo. "'Wag kang magsalita ng ganiyan, 'La. Mabubuhay ka pa nang matagal.""Kuu! 'Wag ka kasing kukupad-kupad. At ano itong nababalitaan ko, ah? Na may dinate ka sa Paris at pinaghandaan pa ng surprise fireworks display nung nakaraan? Gumastos ka pa talaga ng malaki!" Sinamaan siya ng tingin ng matanda."'Wag mo nang pansinin 'yon, 'La. Mas lalo ka lang mai-stress.""Talagang mai-stress ako, Theo, lalo na kung malalaman kong hindi ka magseseryoso! 'Wag ka ngang magbuhay binata. May asawa ka nang tao kaya ayusin mo 'yang ginagawa mo sa buhay," pangaral pa ng matanda.Hindi na lang nagsalita pa si Theo, ayaw nang dagdagan pa ang stress ng matanda. Pero ang nas nakatawag ng pansin niya ay huling sinabi nito bago matulog."Mabait at maalang na tao ang asawa mo, Theo. Dapat pahalagahan mo rin siya dahil kung hindi mo siya trinato ng tama, baka isang araw, mawala na lang siya bigla sa 'yo..."Kumunot ang noo ni Theo nang sumagi ang tungkol divorce sa isip niya. Mawawala si Amanda sa kaniya?Hindi mangyayari 'yon. Hindi pwede..."NAG-USAP KAYO ni Mama?" tanong ng ina ni Theo pagkalabas niya sa kwarto ng lola niya.Tumango si Theo. "Oo, Mom. Sandali lang naman 'yong pag-uusap namin dahil nagpahinga siya agad."Huminga nang malalim si Therese. "Baka pwedeng magkape muna tayo bago ka umalis?"Pinag-isipan ni Theo na mabuti. Wala naman siya masyadong importanteng gagawin ngayon. Kaya naman tumango siya.Sinundan niya ang ina sa may garden. Nagpahanda si Therese sa isa sa mga maids ng kape para sa kanilang dalawa bago sila naupo."May gusto ka bang sabihin sa 'kin, Mom?" Hindi mapigilang tanong ni Theo habang tumitig ng matagal sa ina. May kung ano sa ekspresyon nito sa mukha na hindi nagawang takpan ng kolorete nito.Nang nailapag ng katulong ang kape nila, sumimsim muna ang ginang sa tasa nito. "May gusto lang naman akong tanungin..."Kumunot ang noo ni Theo. "Ano 'yon, Mom? Importante ba 'yan?"Umiling ang ginang nang maibaba ang tasa. "Hindi naman gaano. Nabalitaan ko lang kasi na... naghahanap ng trabaho ngayon ang asawa mo..."Nag-isang linya ang labi ni Theo. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapan nila. "Gustong makipagdivorce sa akin ni Amanda," sabi niya na ikinatigil ni Therese."Ano?" Kumunot ang noo ng babae. "Bakit daw?"Nagkibit balikat si Theo. "Pagod na daw siya.""'Wag kang papayag, Theo," mariing wika ni Therese. "Kahit na anong mangyari, 'wag kang papayag. Si Amanda lang ang tanging babaeng para sa 'yo, wala nang iba. At tsaka kung sakaling magkahiwalay kayo, maaapektuhan ang kompanya. Magiging masama ang image mo. Gagawin nilang laban 'yon para mapabagsak ka."Tumawa ng pagak si Theo. "Talaga lang, Mom? 'Yan ba talaga ang inaalala mo o may iba pa?"Huminga nang malalim si Therese, tila nag-iisip bago muling nagsalita. "'Wag mong sabihing... patuloy ka pa ring nakikipagkita kay... Sofia?" Tumaas ang isang kilay nito.Umigting ang panga ni Theo at sumimsim sa kape. Nang naibaba ang tasa, seryosong tinitigan niya si Therese."Alam mo kung gaano ka-importante sa akin si Sofia, Mom," sabi ni Theo.Naparolyo ang mga mata ni Therese. "Importante siya pero masama ang epekto niya sa 'yo, Theo," mariing sabi ni Therese."Mom, si Sofia ang dahilan kung bakit ako buhay ngayon! Ang musika niya ang siyang gumising sa akin mula sa mahabang pagkakatulog.""Si Sofia nga ba?"Lumalim ang gitla sa noo ni Theo. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Mom?"Nagkibit balikat ang ina niya. "Wala naman. Baka lang naman iba ang pinaniniwalaan mo sa totoo.""O baka naman ginugulo mo lang ang isip ko dahil ayaw mo kay Sofia," akusa niya sa ina."Hindi sa ayaw ko kay Sofia, okay? Ang akin lang, hindi kayo bagay. Baka makasama lang siya sa 'yo.""At sino ang bagay sa akin na gusto niyo? Si Amanda?" Tumawa siya ng pagak."Oo! Dahil siya lang ang kayang intindihin at pagsilbihan ka. Bakit ba hindi mo makita ang halaga ng asawa mo, anak?""Hindi ko makita dahil sa kasalanan niya sa akin! Hindi lahat aabot sa ganito kung hindi dahil sa ginawa niya sa akin! Mababaw bang rason 'yon, Mom? Mababaw ba, huh?!"Nanigas bigla sa kinauupuan si Therese. "Paano kung... walang kasalanan si Amanda? Matututunan mo ba siyang mahalin?"Napahilamos na sa sariling mukha si Theo. "Alam mo, Mom... nonsense na 'tong pag-uusap natin. Aalis na ako. May aasikasuhin pa ako sa kompaniya."Walang sabing tumayo na siya doon at iniwanan ang ina."SA TINGIN MO ba nakalimutan ko na ang ginawa mo, Belle? Wala kang karapatang pakialaman ang personal na buhay ko," pangaral niya sa sekretarya nang makarating siya sa opisina. Pinagsasabihan niya ito tungkol sa fireworks display na ginawa nito nang nagpunta siya sa Paris kasama si Sofia.Hindi naman date 'yon. Nagmukha lang romantic date dahil sa fireworks display na 'yon na ideya ni Belle."S-Sir... kasi..." Halatang kinakabahan si Belle. Pinaglalaruan nito ang kamay at hindi makatingin ng deretso kay Theo. "... akala ko lang naman magugustuhan niyo 'yon.""Hindi mo alam ang mga gusto ko sa hindi, Belle. At sa tingin mo, hindi ko malalaman? Na ikaw ang may pakana ng locked jewelries sa mansion? Na ni minsan hindi nagamit ni Amanda ang mga iyon dahil pinagsabihan mo siya no'n? At tungkol sa pera, pinagdadamutan at tinatakot mo siya kahit wala akong iniuutos sa 'yong gano'n." Sinamaan niya ng tingin ang sekretarya."S-Sorry po, Sir...""Alam mo bang sa isang iglap lang, kaya kitang tanggalan ng trabaho? Wala kang karapatan, Belle. Sekretarya lang kita. Matuto kang lumugar."Humikbi si Belle. "Hindi na po mauulit, Sir!""O kaya i-assign na lang kita sa ibang branch."Umiling si Belle. "Sir, 'wag po! Pagbubutihin ko na ang trabaho ko."Umigting ang panga ni Theo at napabuntong hininga. "Umalis ka muna sa harapan ko dahil baka kung anong magawa ko sa 'yo," utos niya dito na agad naman sinunod ng babae.Nagpalamig muna siya ng ulo at hindi muna nagtrabaho. Marami siyang iniisip ngayon. Pero ang mas malaking parte ng utak niya ay naka-sentro kay Amanda.At ang pagtugtog nito ng violin...Paulit-ulit na nagpeplay iyon sa utak niya na hindi na namamalayan pa ang oras. Nabalik lamang siya sa reyalidad nang may kumatok sa pintuan ng office niya. Si Belle lang pala."Ano na naman?"Napalunok si Belle bago sumagot. "Sir, kasi... may pina-deliver na papeles ang asawa mo."Kumunot ang noo ni Theo. "Si Amanda? Ano 'yon?" takhang tanong niya."'Yung... divorce agreement niyo po, Sir."Napakuyom ng kamao si Theo sa narinig. Hindi! Hindi ito pwedeng gawin sa kaniya ni Amanda!Dahil walang divorce agreement na magaganap!BUMISITA ULIT si Amanda sa ospital. Inalagaan niya ang kaniyang ama at sinubukang kalimutan ang lahat kahit na sa totoo lang ay naiinis na siya kay Theo. Siya lang naman ang puno't dulo ng mga inaalala niya ngayon at ang hindi nito pagpayag sa divorce.Kasama niya ngayon ang stepmom niya. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa padre de pamilya kahit anong awat nito sa kanila.Makailang saglit lamang ay nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa si Theo na siyang nagpakunot ng noo ni Amanda. Pasimple pa siyang kinalabit ni Sylvia na para bang nagtatanong kung bakit naparito si Theo nang hindi man lang nagsasabi.Nakipagtitigan lang si Amanda kay Theo na para bang ang daming gustong sabihin. Siguro patungkol sa divorce agreement. Tila nakaramdam naman si Sylvia ng tensyon sa pagitan ng dalawa."Naku, Theo! Napadalaw ka, anak?" ani Sylvia bago tumikhim at tiningnan si Amanda. "Amanda, 'wag kang basta tumayo na lang diyan! Asikasuhin mo ang asawa mo. Baka gusto niya ng ma
BAKIT NA KAY Theo na ang singsing? Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Amanda sa sarili. Hindi naman na nakakagulat masyado na nasa kaniya na ulit iyon dahil kayang-kaya nitong lahat gawan ng paraan. Ipinahanap siguro ni Theo ang buyer at binili ulit.Ibinabalik niya ulit sa kaniya ang singsing. Kung sa ibang pagkakataon, baka sobrang tuwa na ni Amanda. Pero wala siyang maramdaman. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan lang ang singsing. Wala naman nang silbi iyon ngayon dahil makikipag-divorce na siya.Imbes na ubusin ang oras ni Amanda ang pag-iisip tungkol sa singsing sa sumunod na araw, inabala na lang niya ang sarili niyang bisitahin ang Kuya Armando niya sa kulungan."Ayos ka lang ba dito, Kuya?" tanong ni Amanda nang makaharap si Armando."Ayos lang ako dito. 'Yung bahay... nabenta mo na ba?" tanong ni Armando.Tumango si Amanda. "Oo, Kuya. Pero hindi gaanong kalaki 'yung pera pero ayos lang. Kahit papaano, nakatulong naman sa medication ni Daddy at para sa ibang gastusin."Isan
AALIS NA SANA si Amanda pero bigla siyang hinila sa bewang ni Theo na para bang niyayakap mula sa likuran. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki, maging ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.Malakas ang aircon sa loob ng opisina ni Theo pero parang wala iyon silbi sa init na nagmumula sa katawan nila. "A-Ano ba, Theo?" Halos pabulong na sabi ni Amanda, pilit na nagpumiglas kahit trinatraydor siya ng sariling katawan nang nagsimulang haplusin ni Theo ang katawan niya papalapit sa kaniyang dibdib.Idinikit ni Theo ang labi sa likod ng kaniyang kaliwang tenga. Ramdam ni Amanda ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Theo doon na siyang nagdala ng nginig sa kaniyang katawan.Ngumisi si Theo. "Paulit-ulit ka sa pagbanggit ng divorce na 'yan, huh? Bakit? Sino na lang ang makakapag-satisfy sa 'yo sa kama kung 'di ako? Masyado kang mapagmalaki, Amanda."Nang gumalaw muli ang isang kamay ni Theo, napunta na iyon sa kaniyang pang-upo, pumisil doon na siyang ikinakusot nang bahagya ng kaniya
HINDI ALAM ni Amanda kung paanong natapos niya ang isang tugtog kahit pa medyo distracted siya ngayon. Kagabi, dahil sa napanuod niya, parang hindi siya makapag-function bigla. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kailangan niyang magfocus sa mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin.Habang ilinalagay niya sa case ang kaniyang violin, natapunan ng pansin ni Amanda ang babaeng tila naghihintay sa kaniya sa labas. Bahagya siyang napatigil sa paggalaw.Ang isa pang Mrs. Torregoza, si Therese na ina ni Thek.Napatuwid ng tayo si Amanda dahil nakatingin sa kaniya ang ginang na para bang siya ang hinihintay. Kaya naman noong lumabas na siya, kaagad siyang sinalubong ni Therese na may seryosong ekspresyon sa mukha."May magandang coffee shop sa labas, baka gusto mong magkape muna bago pumunta sa kung saan ang susunod mong pupuntahan?"Nagulat si Amanda sa pag-anyaya ni Therese. Pero tumango pa rin siya. Kung anong pakay ngayon sa kaniya ng ina ni Theo, hindi niya alam. Naunang maglakad
SA ISANG French restaurant tumugtog si Amanda. Bigatin ang mga bisita sa lugar kaya hindi niya mapigilang malula. May mangilan-ngilan pang nag-aalok sa kaniya na maka-table siya at willing doblehin ang bayad sa kaniya pero magalang lamang na tumanggi si Amanda.Pasado alas diez na ng kausapin siya ng manager ng restaurant. Mukha namang satisfied ito sa naging performance ni Amanda at talagang nagbigay pa ng tip bago ito umalis.Nang nakalabas siya sa restaurant ay napatigil siya matapos marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan."Mandie!"Bahagyang nagulat si Amanda nang mapagtantong ang Kuya Harry niya pala iyon. Naka-park ang kotse nito malapit sa direksyon niya."Ihahatid na kita, Mandie. Gabi na, oh," ani Harry at pinagbuksan pa siya ng pintuan ng kotse nito.Gusto mang tumanggi ni Amanda dahil nakakahiya naman pero mas nakakahiya naman kung paghintayin pa niya si Harry. Kaya kaagad siyang pumasok sa kotse nito. May kung anong kinuha si Harry sa backseat at inabot iyon kay Amanda
UMIGTING ANG PANGA ni Theo at tila nagtitimpi hanggang nakapasok na nga si Amanda sa loob ng tinutuluyan nito. Naiinis siya sa sarili dahil kailangan niyang pigilan ang asawa sa kagustuhan na makipagdivorce sa kaniya, na hindi dapat simula't sapul palang.Ang laki na ng pinagbago ni Amanda. Hindi na ito ang babaeng pinakasalan niya, ang babaeng willing sundin lahat ang kagustuhan niya... ang babaeng kayang gawain lahat ng mga pinapagawa niya.Ibang-iba na siya at hindi gusto ni Theo iyon. Kahit ano na yatang gawin niya para mapabalik si Amanda sa puder niya, mukhang wala na talagang balak ang babae na baguhin ang desisyon. At ayaw niya iyon! Hindi pwedeng ganito. Si Amanda lang ang babaeng kayang tumiis sa kaniya. Kaya kailangang sa kaniya lang ito at hindi mapupunta sa iba.NANGINGINIG ANG tuhod ni Amanda habang papasok sa bahay matapos mabilis pulutin ang lunchbox na bigay sa kaniya ni Harry kanina. Hindi man lang niya namalayan na nabitawan niya iyon kanina. Naiinis siya lalo kay
NALAMAN NI Theo na tutugtog si Amanda sa isang hotel and restaurant na pagmamay-ari ng nababalitang boyfriend ng kaibigan nitong si Loreign na si Elliot. Pina-arrange na ni Theo ang schedule niya sa secretary kaya malaya siyang makakapagpunta sa lugar.Bahagyang nagulat si Secretary Belle sa change of plans na biglaan ni Theo pero ano pa nga bang magagawa niya? Ginawa na lang niya ang trabaho niya.Mga alas nueve ng gabi ay nakarating na sa hotel si Theo. Kaagad niyang namataan ang kababatang si Jaxon. Nakaupo sila sa isang upuan kasama na rin si Elliot habang may mga beer na sa lamesa. Mukhang nagsimula na silang mag-inuman.Ilan sa mga kababaihan doon ay mga famous models din. Mukhang bigatin din talaga ang mga guests dahil ang ilan ay mula sa mga maimpluwensyang mga tao sa bansa.Si Elliot ang siyang unang nakapansin sa presensya ni Theo. "Wow! This is unexpected! Theo Torregoza is in the house, everyone! Napaka-rare ng pangyayaring ito!" natatawang aniya. "Pero actually, may mas r
HABANG KARGA ni Theo sa bisig si Amanda, pumasok siya sa loob ng mansion. Kaagad siyang sinalubong ng isa sa mga katulong na bahagya pang nagulat nang makita na karga niya si Amanda."Naku! Nagbalik na pala si Ma'am!" Bulalas ng katulong na hindi na gaano pang pinansin ni Theo."Ipaghanda mo ang Ma'am mo ng mainit na sabaw," utos na lang ni Theo."Sige po!" Natarantang ani ng katulong pero halatang natuwa pagkakita na pagkakita kay Amanda. "Ah, ano pong nangyari pala kay Ma'am, Sir?" pang- uusisa pa nito."Lasing lang. Sundin mo na ang pinauutos ko," saad ni Theo bago nilagpasan na lang ang katulong na tila may katanungan pa ngunit hindi na isinaboses pa.Habang papaakyat sa hagdan ay halos mapatigil si Theo nang marinig niyang magsalita si Amanda. Paulit-ulit lang nitong binabanggit ang pangalan niya."T-Theo... Theo..." halos pabulong na anas nito. At marahil lasing, nagawa ni Amanda na ibalot nang mahigpit ang kamay sa leeg ni Theo, takot na baka mahulog. Pakiramdam ni Theo ay naw
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa