LOGINBUMISITA ULIT si Amanda sa ospital. Inalagaan niya ang kaniyang ama at sinubukang kalimutan ang lahat kahit na sa totoo lang ay naiinis na siya kay Theo. Siya lang naman ang puno't dulo ng mga inaalala niya ngayon at ang hindi nito pagpayag sa divorce.
Kasama niya ngayon ang stepmom niya. Magkatulong sila sa pag-aalaga sa padre de pamilya kahit anong awat nito sa kanila.Makailang saglit lamang ay nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa si Theo na siyang nagpakunot ng noo ni Amanda. Pasimple pa siyang kinalabit ni Sylvia na para bang nagtatanong kung bakit naparito si Theo nang hindi man lang nagsasabi.Nakipagtitigan lang si Amanda kay Theo na para bang ang daming gustong sabihin. Siguro patungkol sa divorce agreement. Tila nakaramdam naman si Sylvia ng tensyon sa pagitan ng dalawa."Naku, Theo! Napadalaw ka, anak?" ani Sylvia bago tumikhim at tiningnan si Amanda. "Amanda, 'wag kang basta tumayo na lang diyan! Asikasuhin mo ang asawa mo. Baka gusto niya ng mansanas. Ipagbalat mo siya at nang makakain."Kaagad umiling si Theo at naupo sa sofa. Mukhang pormal at gwapo pa rin itong tingnan sa suot nitong puting longsleeve na ang manggas ay nakatupi hanggang siko. "Ayos lang ako. Ang totoo niyan ay may mahalagang bagay sana akong sasabihin patungkol sa lagay ngayon ni Papa. At sana pumayag po kayo."Pasimpleng tumaas ang kilay ni Amanda, nagtatakha kung ano na naman ba ang tumatakbo sa isip ng lalaki."Ano 'yon, hijo?" si Sylvia na ang nagtanong."Gusto ko sanang mailipat si Papa sa mas maayos na ospital. 'Yung mas maaasikaso siya at matututukan ng doktor para mabilis din ang paggaling niya."Akmang magsasalita na si Amanda at tatanggi pero naunahan na siya ng sariling ama. Seryoso na dati pa ang padre de pamilya pero tila mas sumeryoso ito ngayon habang nakatitig kay Theo."Hindi na kailangan. Maayos naman ang kalagayan ko dito. At magaling na magaling din ang doktor ko," sagot nito."Gusto ko lang naman po kayong maging kumportable."Napakunot ito ng noo. "Bakit? Kumportable naman ako dito, ah? Hindi na kailangan 'yang lipat lipat na 'yan. Gagastos pa ng malaki.""Hindi niyo naman po kailangang alalahanin ang gastos. Ako na po ang bahala doon."Matigas pa rinh umiling ang lalaki. "Kahit na! Pinal na ang desisyon ko. Dito lang ako sa ospital na ito."Umigting lamang ang panga ni Theo pero hindi na nag-abalang sumagot pa. Ramdam naman ni Amanda ang tensyon sa pagitan ng ama at kay Theo kaya nagpasya siyang mabilis na lang binalatan ang mansanas. Inilahad niya ang mansanas sa lalaki."O-Oh. Kumain ka muna," alok ni Amanda kahit mariin lang nakatitig si Theo sa kaniya. Tila may marami pa siyang gustong sabihin pero hindi na niya nailabas pa dahil sa mariing tingin ng padre de pamilya.Hindi tinanggap ni Theo ang mansanas. Napilitan lamang si Amanda sa pagbalik no'n sa lalagyan nang hawakan siya ni Theo sa kaniyang palapulsuhan."Pa, iuuwi ko na po muna si Amanda, kung ayos lang. Magpalakas at magpagaling po kayo," ani Theo sa mas pormal na tono.Tumango lang ang matanda. Nang nakalabas na ang dalawa ay makahulugang tingin lamang ang ipinukol ng matandang lalaki kay Sylvia. Tumikhim ang ginang."Ano ka ba naman, honey? Bakit ka naman tumanggi sa alok ni Theo? Para rin naman sa 'yo iyon. Dapat tinanggap mo na lang!" tila nai-stress na winika ni Sylvia.Bumuntong hininga ang matanda. "May napansin lang ako sa kanila," anito imbes na sagutin si Sylvia."Ano naman 'yon?""Parang may mali sa dalawa. At ang unica hija ko... may iba sa kaniya ngayon habang tumititig sa asawa niya. Hindi na kagaya dati na may kislap. Parang nagdadamdam."Tumawa si Sylvia. "Kung anu-ano ang iniisip mo. Maayos ang dalawa! 'Wag mo na lang pansinin iyon.""Paanong hindi papansinin kung parang ang lungkot lungkot ng anak ko kanina?""Masaya si Amanda! Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ini-stress mo na naman ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Magpahinga ka na lang nang mabuti.""Nag-aalala lang ako. Ang panganay ko, hindi na maganda ang sitwasyon ngayon at nakulong. Ayokong pati ang pangalawa kong anak ay maging miserable rin ang buhay."Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Inalo na lang ang asawa sa pamamagitan ng paghaplos sa balikat. Naiintindihan niya naman kung bakit ito nagkakaganito.NAGPUPUMIGLAS SI Amanda habang hila-hila siya ni Theo papuntang parking lot. Mahigpit ang hawak ng lalaki sa kaniyang palapulsuhan, ayaw siyang pakawalan at sigurado siyang magmamarka ang hawak niyang iyon sa kaniyang balat."Bakit ba sumusulpot na lang bigla, huh?!" ani Amanda habang pinupukulan ng masamang tingin si Theo.Bumuntong hininga si Theo na para bang paraan niya iyon upang pakalmahin ang sarili. "Sinasagad mo talaga ang pasensya ko, Amanda," sabi nito na para bang nagpipigil ng galit.Kumunot ang noo ni Amanda. "Ako pa talaga, huh? Kung sana nakipag-cooperate ka agad at pumirma ng divorce agreement, edi sana masaya tayong lahat ngayon!""Divorce na naman! Paulit-ulit na lang!""Talagang uulit-ulitin ko hangga't pumayag kang palayain na ako. Ayoko na nga, 'di ba? Pagod na akong maging mabuting asawa mo! Nasagad mo na rin ang lahat ng pasensya ko!"Tumawa ng mapakla si Theo. "Wala akong pakialam kung pagod ka na. Alam mo ang mas mahalaga sa akin? Ang makita kang nagdurusa dahil tama lang sa 'yo 'yan! Kaya hindi! Hindi ka magiging malaya mula sa akin!"Mas lalong sumama ang tingin ni Amanda. Bago pa siyang muling magsalita, hinila na siya ni Theo at sapilitang ipinasok sa kotse. Lalabas pa sana siya pero locked na ang pintuan. Mabilis ding pumasok si Theo sa loob na kotse at pinaharurot iyon papalayo.Napakapit na lang nang mahigpit si Amanda sa seatbelt at tila malalagutan nang hininga. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Theo ng kotse at mahigpit ang hawak sa manibela na para bang doon lahat ibinubuhos ang prustrasyon. Nakaigting din ang panga nito at deretso lang ang tingin sa daan.Ilang minuto lamang ay narating na nila ang tapat ng mansion nilang mag-asawa."Bakit tayo nandito? Ayoko nang bumalik dito, Theo! Ayoko nang makasama ka pa!"Binalingan siya ni Theo nang mariing tingin habang kinakalas ang seatbelt. Walang lumabas na salita mula rito na siyang pinagtakha ni Amanda.Huminga ng malalim si Theo bago kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Binuksan niya ang bintana ng kotse at bumuga ng usok. Nagpumilit muli si Amanda na buksan ang pintuan ng kotse pero wala talaga. Locked iyon at tanging si Theo lang ang makakabukas niyon."Palabasin mo na nga ako dito!" sigaw niya sa lalaki na para bang relax na relax na sa paninigarilyo.Hindi sumagot si Theo ulit bago may kung anong hinugot mula sa kaniyang bulsa. Kumunot ang noo ni Amanda nang iabot iyon sa kaniya nang lalaki. Nang masilayan ang pamilyar na kislap ng diyamante ay hindi maiwasang magulat ni Amanda."B-Bakit na sa 'yo iyan? Naibenta ko na 'yan!""Isuot mo 'yan ngayon. Walang magdidivorce kailanman, Amanda," sagot nito sa seryosong tono.Iyon ay ang singsing.At mukhang nagawan ng paraan ni Theo para makuha muli iyon.NANGINGINIG PA RIN talaga ang tuhod ni Amanda pagkalabas ng bahay. Parang kinakapos siya ng hininga dahil sa maikling interaksyon nila ni Theo. Pero hindi niya maiwasang mas mainis sa sarili.Bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin siya kay Theo?Nandoon pa rin ang malakas na tibok ng kaniyang puso na hindi na niya napigilan pang mapasapo doon. Napapikit na lang siya ng mariin. Hindi na niya alam kung paano siya nakauwi nang matiwasay sa gabing iyon.Pagkarating niya sa bahay ay para bang nanghihina siya bigla. Kumuha siya ng malamig na tubig sa loob ng ref at nilagok iyon sa nanginginig na kamay.Mayamaya pa ay biglang tumawag si Damien sa kaniya. Kinalma naman niya ang sarili bago sinagot iyon."H-Hello?""Hi. Nadisturbo ko ba ang pagpapahinga mo?" bungad na tanong ni Damien."Ah... hindi naman. Bakit?" sagot ni Amanda. Hindi nga pala nito alam na hindi naman siya dumiretso agad ng uwi."Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Mayamaya ay uuwi na rin ako. Nagbook ako ng malapit n
"IPAPAHATID NA kita," pag offer ni Theo matapos matahimik ni Amanda ng ilang segundo. Nang nakabawi ay iniba na lang ni Theo ang usapan. Napansin niyang kanina pa gustong umuwi ni Amanda kaya naman hindi na napigilan pa ni Theo ang mag offer na ihatid ito.Agad na umiling si Amanda. "Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko," pagtanggi niya.Tumango si Theo. "Pero... pwede ba kitang samahan umuwi na lang?" lakas loob na tanong niya."At bakit?""Kasi... gusto kong makita ang mga anak natin," pag amin ni Theo.Pakiramdam ni Amanda ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya naisip na darating agad ang araw na ito. Pero hindi naman maiiwasan. Mangyayari at mangyayari pa rin ito. Hindi niya pwedeng alisin na lang basta si Theo sa buhay nila lalong lalo na sa mga anak nila. May karapatan pa rin ito bilang ama ng mga bata."Sige," tipid na sagot ni Amanda.Parang gustong magtatalon bigla ni Theo sa tuwa. Pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay nagpasalamat na lang siya sa babae
"'WAG PO KAYONG mag alala, Ma'am. Wala po akong sasabihin kay Sir Damien tungkol dito," makahulugan na sabi pa ng driver.Natigilan nang bahagya si Amanda doon. Bakit pakiramdam niya nagtataksil siya kahit na hindi naman? Wala naman siyang gagawing masama. Tumango lang si Amanda at kalaunan ay naglakad na papasok sa dating bahay.Tahimik ang paligid. Para bang mas lalong naging walang kabuhay buhay ang lugar. May kung anong bigat siyang nararamdaman sa loob loob niya habang naglalakad.Rumagasa muli sa isipan niya ang mga alaala sa bahay. Hindi naging maganda ang mga memorya niya doon pero hindi rin naman niya maitatanggi na kahit papaano, may mga bagay na talaga namang masasabi niyang sumaya siya. Nagsama sila nila Theo at ang anak nila na tila isa silang normal na pamilya. Pero may lamat nga lang dahil hindi naman sila okay ni Theo.Mas naglakad pa patungo sa loob si Amanda at muli siyang sinalubong ng katahimikan. Nang mas pumasok pa siya, nagulat siya nang nakita si Theo sa may
SA LOOB LOOB NI THEO ay parang pinapatay na siya sa sakit. Sa kabila ng kaniyang ngiti ay sobra siyang nasasaktan. Inaasahan naman na niyang tuluyang makakamoved si Amanda sa kaniya. Pero ang sakit sakit pa rin pala kapag isinasampal na mismo sa mukha niya ang katotohanan.Tinalikuran na siya ni Amanda at hindi pa man din ito gaanong nakakalayo, saka naman dumating ang lalaking sinasabi nito. Nilapitan ni Damien si Amanda at nagpatong ng coat sa balikat nito upang hindi ito lamigin.Umigting ang panga ni Theo dahil sa sobrang selos. Siya dapat iyon, eh. Pero dahil ganito ang sitwasyon niya, ni wala man lang siyang magawa.Parang ang sweet sweet nilang dalawa. May pinagbubulungan sila na sila lang ang nakakaalam. Pasikretong kumuyom ang kamay ni Theo dahil do'n."Malamig..." ani Damien kay Amanda matapos ipatong ang coat.Napahawak doon si Amanda upang hindi mahulog ang coat. Pero para siyang natuklaw ng ahas nang may mapagtanto. Ang perfume sa coat ay parang kaamoy ng kay Theo. Sa is
SUMAPIT ANG PANIBAGONG taon. Bumalik si Amanda sa syudad nang walang pinagsasabihan na iba para dumalo sa isang importanteng okasyon. Inimbitahan siya ni Mrs. Madriaga para doon.At dahil nga kahit papaano ay close sila ng babae, nagkwentuhan na sila ng kung anu ano at hindi na nga mapigilan pang ungkatin ang tungkol sa buhay ni Amanda."Kumusta ka na, Amanda?" tanong ng ginang habang may maliit na ngiti sa labi."Maayos naman po. So far, nakakayanan naman namin ng mga anak ko araw araw kahit na mahirap," sagot ni Amanda."Mabuti naman kung gano'n. Eh, 'yung kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan no'n? Loreign ba?"Tumango si Amanda. "Opo. Ayon nga... medyo hindi maayos ang lagay ng kaibigan kong iyon. Namatay kasi ang asawa niya..." pagkukwento niya. Nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng kaibigan niya pero wala naman na siyang magagawa do'n. Nangyari na at ang tanging ipinagdarasal na lang niya ay sana balang araw, maging maayos din ang lagay ng kaibigan niya.Naiba pa ang usapan hanggan
"DADDY, NASAAN po kayo?"Halos maluha si Theo pagkarinig iyon sa kaniyang anak habang kausap ito sa telepono. Halatang kyuryuso ang bata kung ano na ang nangyayari sa kaniya pero hindi niya masabi ang totoo."A-Ah... nasa abroad si Daddy, anak," sagot ni Theo at kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang sariling maging emosyonal.Hindi sumagot si Baby Alex. Pero halatang dismayado ito. Naiintindihan naman iyon ni Theo. Syempre, sino ba namang anak ang hindi makakaramdam ng tampo kung hindi man lang niya nakikita ang ama nito.Naging madalang ang komunikasyon nilang mag ama kalaunan. Hanggang sa natigil na nga iyon nang tuluyan. Kasabay nang pagbigat ng loob ni Theo ay ang paglala rin ng kondisyon niya. Sa halos isang taon, nakawheelchair lang siya lagi at minsan, nakatitig sa kawalan. Mabuti na lang at kahit papaano nakakapagtrabaho pa rin siya sa bahay. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kompaniya ng basta. At isa pa, mas nakakatulong iyon sa kaniya para maging okupado ang uta







