NAPATUNGO NA lang si Amanda sa balikat ng kapatid. Pakiramdam niya ay nanghina siya sa mga nalaman. Hindi niya talaga lubos maisip na ang itinuring niyang kaibigan ay isa palang huwad at traydor."Alam niya lahat ng mga pinagdaanan ko kay Theo, Kuya. Ikwinento ko lahat sa kaniya kasi may tiwala ako sa kaniya. Pero hindi ko talaga inaakala na ang itinuring kong kaibigan ay siya rin pala ang dahilan ng pagbagsak natin noon..." pagkukwento pa ni Amanda sa kapatid. "Hindi ko na alam... hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi na ipinakita niya sa 'kin...""Alam kong mabigat ito, Amanda. Pero lalabas din ang lahat. Sisiguraduhin ko iyan..." Sabi na lang ni Armando at hinaplos ang likod ni Amanda.Naiyak na ng tuluyan si Amanda. Kaarawan pa naman niya ngayon. Nagsimula sa masaya dahil sa wakas ay nakita na niyang muli ang kaniyang Kuya Armando tapos ito naman ngayon ang malalaman niya. Bakit naman binawi agad ang sayang naramdaman niya kanina?Nagstay pa ng ilang minuto si Amanda doon.
GULAT NA GULAT pa rin talaga si Amanda. Hindi siya makapaniwala. Nasa harapan niya talaga ngayon ang Kuya niya.Iisang tao lang naman ang may gawa nito. Si Theo... siya lang naman ang may kakayahang palabasin sa kulungan si Armando na ganito kadali. At dahil dito, parang mas naging espesyal tuloy ang birthday niya."Happy birthday to you..." pagkanta ni Sylvia na lumapit na rin nang hindi namamalayan ni Amanda. May hawak itong cake at nakangiti sa kaniya ng malawak.Si Baby Alex ay hindi na rin namalayan ni Amanda na nagising na rin at bumaba na. Ang unang ginawa ng bata ay talagang nanakbo kay Armando at yumakap dito."Tito! Andito po kayo!" bulalas ni Baby Alex. Kilala nito ang lalaki dahil ikinukwento ito madalas ni Amanda sa kaniya. Matalino si Baby Alex kaya naman natatandaan nito lahat ng tungkol kay Armando.Hinipan na ni Amanda ang kandila sa cake matapos siyang magwish. Grabe. May init na bumabalot sa puso niya ngayon dahil nandito talaga ang kuya Armando niya! Ang haba rin n
BUSY SI AMANDA sa pagrereview ng mga ilang dokumento tungkol sa restaurant niya. About iyon sa sales at hindi niya maiwasang matuwa. Malaki kasi ang kita nila at kahit hindi siya magpunta doon, maayos magtrabaho ang mga empleyado niya. Hindi bumababa ang sales nila.Habang busy sa pagtingin ng dokumento si Amanda, saka naman dumating si Theo. Napansin nito ang pinagkabusyhan ni Amanda at hindi mapigilang magsalita tungkol doon. Pasimple pa nitong hinawakan sa balikat ang babae na parang nakaakbay na ito."Gusto mo ng tulong para diyan? Pwede kong iutos sa finance sa kompaniya ko. Para hindi ka na gaanong mahirapan pa," pag offer pa ni Theo ng tulong.Agad na umiling si Amanda. "Hindi naman na kailangan. Hindi nila trabaho ito. At alam ko ring busy sila," aniya. "Ayaw kong makasagabal sa iba. Gusto kong imaintain ang pagiging professional ko," dagdag pa niya.Natawa si Theo. Expected naman na niya iyon pero umasa pa rin siya kahit papaano na mabago ang isip ni Amanda. Gusto lang din n
ANG HULING PAGKAKATANDA ni Amanda kay Luigi ay isa itong mabuti at madaling lapitan na tao. Natatandaan pa niya noon na nakakasalamuha niya ito kapag may mga event. Hindi pa lugmok ang pamilya nila noon at kaya pang makipagsabayan sa mga taga alta. Hindi pwedeng hindi mo mapansin ang isang Luigi Torregoza. Sa tikas at gwapo ba naman ito.Ngayon ay nakita na niya naman ito. At gusto siya nitong makausap. Nag aalangan si Amanda kasi alam naman niya kung gaano kadisgusto dito si Theo. Pero naisip niya na siguro ay ayos lang din naman. Kaya naman tumango siya sa sinabi ni Luigi at mabilis na lumabas na kotse. "Ano po ang pag uusapan natin?" magalang na tanong ni Amanda.Bumuntong hininga si Luigi bago tuluyang sumagot. "Gusto ko lang malaman kung kumusta na ang... anak at apo ko..."Natigilan si Amanda doon. Hindi niya mapigilang maguluhan. Kasi syempre, iniwan niya si Theo noong bata pa ito tapos ngayon ay kakamustahin niya? Na para bang walang nangyari. Pero hindi magawang magalit ni
"G-GIO..." NAUUTAL na banggit ni Loreign sa pangalan ng lalaki. Nilunok niya ang tila bikig sa lalamunan at mas pinagmasdan ang mukha ni Gio.Ito ang lalaking nariyan lagi para sa kaniya. Tinanggap siya ng buo at handa siyang pakasalan. Hindi dapat siya nag iisip ng iba. Kay Gio, dapat payapa siya. Walang mangyayaring masama."Ayos ka lang ba? Medyo namumula ang mga mata mo..." ani Gio at umigting ang panga.Bahagyang nag iwas ng tingin si Loreign. "A-Ah. Ikaw kasi, eh! Tears of joy iyan. Hindi ko lang mapigilang maiyak kasi ikakasal na rin tayo soon..." sagot niya sa lalaki.Hindi pa rin talaga makapaniwala si Loreign na naging sila ni Gio. Sobrang perfect ba naman kasi nito para sa kaniya. At ito lang ang lalaking nagustuhan niya na willing siyang alayan ng kasal... na hindi nagawa ni Gerald noon. Sobrang laki ng pagkakaiba nila. Kung si Gio ay handang ibigay sa kaniya lahat ng gusto niya, si Gerald ay hirap at maraming kailangang ikonsidera.Kaya natutuwa talaga si Loreign na nagka
"SASAMA DAPAT si Gio ngayon pero nabusy, eh. Kaya hindi nakasama," ani Loreign habang kausap si Amanda. Nasa coffee shop na sila ngayon kung saan sila nagdecide na magkita. "Pero kumusta ka na? Kayo ni Theo... 'yung tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong pa nito.Napainom nang wala sa oras si Amanda sa inorder. Ang totoo niyan ay masama pa rin talaga ang loob niya dahil sa negative na result. Pero wala naman na siyang magagawa doon. Wala namang mangyayari kung mas pagtuonan pa rin niya ng pansin iyon."Ayon... negative. Binilinan ako ng doktor na 'wag masyadong mastress kasi baka iyon ang isa sa rason kung bakit hindi ako nabubuntis," sagot niya sa kaibigan.Bumakas ang awa sa mga mata ni Loreign. "Sorry, Amanda..." sambit nito dahil alam naman niyang masakit iyon sa parte ni Amanda lalo pa at nag eexpect talaga ito. Hindi na niya napigilan ang sariling abutin ang kamay ni Amanda para mahawakan iyon.Bahagyang natawa si Amanda dahil do'n. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. At