SERYOSO ANG EKSPRESYON ni Theo. Pormal ito sa suot na puting long sleeve at slacks. Pero nang sumulyap ito kay Amanda ay lumambot ang ekspresyon nito kaya mas lalong binalot ang puso ni Jennie ng inggit."Anong ginagawa mo dito, Theo?" si Amanda ang nagtanong, bakas ang confusion sa mga mata nito."Nalaman ko dahil sa driver mo. At may kailangan din kasi tayong pag usapan," sagot naman ni Theo."Ano naman iyon?""Tungkol sa divorce agreement natin," ani Theo. "At gusto ko rin sanang makita si Baby Alex. Kailan ka pwede?" tanong pa nito.Napaisip naman si Amanda. "Pwedeng ngayon..." sagot niya kasi kung tungkol lang din sa divorce, talagang kailangan niyang asikasuhin iyon. "Sigurado ka?""Oo, sigurado ako."Tumango si Theo. "Sige. Halika na kung gano'n," aya pa nito at iginaya si Amanda sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan.Ang akala ni Theo, sasakay na si Amanda sa kaniyang kotse. Pero mabilis naman itong humiwalay sa kaniya. "Hindi ko na kailangang sumabay pa s
NAGULAT SI AMANDA sa sinabi ni Jennie. Pero ewan ba niya, matapos ng mga kasamaan na ginawa ng mga magulang ni Sofia noon sa kaniya, hindi niya magawang maniwala agad kahit na halos maiyak ni si Jennie sa harapan niya ngayon."Totoo ba iyang sinasabi mo?" tanong ni Amanda at napataas ng kilay.Mabilis tumango si Jennie. "O-Oo! Hirap na hirap na sila! Talagang ginawa lahat ni Sir Theo upang mahirapan sila! At ang pinaka last resort na lang nila ay ang... m-mamalimos sa kalsada," naiiyak na sagot pa niya. "Nagsasabi ako ng totoo. Sana nga biro lang lahat ng ito, eh. Pero hindi...""Kung gano'n, dalhin mo ako sa kanila. Gusto kong makita at makumpirma kung totoo ba talaga ang sinasabi mo," malamig na sabi pa ni Amanda."S-Sige! Sumama ka sa akin kung gano'n," ani Jennie at iginaya niya agad si Amanda. Naglakad sila papalayo sa clinic kung saan galing si Amanda at ilang metro lang ay nakita na nila ang mga magulang ni Sofia na nasa gilid ng kalsada at namamalimos.Talagang nagulat si Ama
NAG IYAKAN SILA doon. Sobrnag namiss ni Amanda ang stepmom maging ang kaniyang kaibigang si Loreign.Matapos ang yakapang iyon, napatingala na lang si Amanda sa kalangitan. May maliit na ngiting namuo sa kaniyang labi at bumulong ng, "Finally. Natapos din lahat..." Tila hapong hapo siya sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya. Bagama't nakakapagod at sobrang sakit, nagpapasalamat pa rin siya sa nasa itaas dahil nalagpasan niya ang lahat ng iyon.Ilang metro sa direksyon nila ay si Theo na pinagmamasdan lang sila, lalo na kay Amanda. Talagang sumunod siya rito kahit pa masakit sa parte niyang makita itong umalis. Nagiging masokista na siguro siya.Si Loreign ang unang nakapansin kay Theo. Kumunot ang noo ni Amanda at binalingan din ang tiningnan ni Loreign at bahagyang nagulat pa nang nakitang si Theo pala ang tinititigan nito."Tingnan mo at ang kapal ng mukha niyang magpakita dito!" iritadong wika ni Loreign at akmang pupuntahan na si Theo sa direksyon nito pero mabilis na hinuli ni A
HINDI INASAHAN NI Amanda ang tanong na iyon mula kay Theo. Syempre ang buong akala niya ay sarado na ang tungkol sa usaping iyon para kay Theo lalo pa at sa paniniwala nito, si Sofia ang may ari ng mga recordings na iyon. Pero ngayong nabuksan ulit iyon, hindi maiwasan ni Amanda ang magulat. Kasi may pakialam pa pala si Theo tungkol sa katotohanan.Nagbalik tuloy sa isipan niya ang mga araw na iyon. Iyak siya nang iyak sa pag aalala kay Theo. Akala niya ay hindi na ito magigising. Pero mabuti na lang at lumaban ito. At inaamin naman ni Amanda na kahit papaano ay masaya siya dahil may naitulong ang mga recordings niyang tumutugtog ng violin noon sa paggising nito mula sa pagkakacoma."Hindi naman na mahalaga ang tungkol sa bagay na iyan ngayon," malamig na wika ni Amanda. Nang natapos ito sa pagpirma ng divorce agreement, inilapag na niya ulit iyon sa table sa gilid. Tumagal pa ang tingin niya doon. Parang hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Nakapirma na rin siya sa wakas do'n. Mul
NAPAHILAMOS SI Theo sa mukha bago nagtungo sa malaking bintana at napasulyap na lang doon habang malalim na nag iisip. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at napailing na lang."Iyan ba talaga ang gusto mo, Amanda?" tanong pa ni Theo kahit na hindi pa rin talaga siya makapaniwala.Tumango si Amanda. "Oo. Matagal ng ganito ang gusto ko," puno ng kumpiyansang anito.Napaigting na lang ang panga ni Theo. Ang gusto niya lang naman ngayon ay ang mapabuti si Amanda. Ayaw niya muna na bigyan ito ng stress. Kaya kahit masakit sa parte niya ay tumango pa rin siya."Sige... kung iyan ang gusto mo," sagot ni Theo kahit pa labag naman iyon sa loob niya. Ayaw niyang ituloy ang divorce o umalis si Amanda. Pero wala naman na siyang magagawa. Iyon ang gusto ni Amanda. "Pagbibigyan kita, Amanda. Ibibigay ko lahat ng gusto at kailangan mo. Kung gusto mong umalis kasama ang anak natin... sige. Pero sana ay 'wag mo akong tanggalan ng karapatan na makita siya lalo na kapag namimiss ko siya..."
NEVER TALAGANG NAGING mabait si Theo. Kung galit siya, hindi na talaga minsan siya nakakapag isip ng maayos. Inaamin naman niya iyon sa sarili dahil iyon naman ang totoo.Para sa kaniya, tama lang na magdusa ang ina niya. Galit na galit siya lalo pa sa mga ginawa nito kay Amanda. Ang dami nitong pwedeng kantiin pero talagang pinili nitong si Amanda pa talaga na importante kay Theo.Habang karga si Amanda sa bisig niya, ipinasok ni Theo ang babae papasok ng mansion. Sinalubong pa sila ng ilang mga kasambahay at mababakas agad sa mukha nila ang pag aalala nang makita si Amanda."Diyos ko po, Ma'am Amanda! P-Paanong... anong nangyari sa inyo? Bakit po nagkaganito kayo?!" tarantang sabi ng isa na tila ba hindi na alam ang gagawin. Parang maiiyak na nga rin ito, eh.Kahit nanghihina, sinubukan pa rin ni Amanda na ngumiti sa mga kasambahay para hindi sila masyadong mag alala. Pinilit niyang magsalita pero walang namutawing mga salita mula sa kaniyang mga labi. Naiintindihan naman iyon ng mg
IBINALOT NI Theo ang coat niya kay Amanda upang panangga sa lamig ng gabi. Tahimik lang sila sa biyahe at mas lalong bumibigat ang loob ni Theo. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Ang ospital na inaakala niyang makakatulong kay Amanda ay isa palang impyerno para sa kaniya. Hindi ito naalagaan ng mabuti kagaya ng inaalala niya.Napabuntong hininga na lang si Theo nang makita kung gaano kalaki ang pagbabago ni Amanda. Bumagsak talaga ang timbang nito at mas lalong walang kabuhay buhay ngayon ang mga mata.Walang salita na namutawi sa labi ni Amanda at nanatili lang ang mga tingin sa labas mula sa bintana ng kotse. Para bang may interesante itong bagay na nakikita doon. Pilit iyon inintindi ni Theo. Wala naman siyang magagawa doon dahil alam niyang marahil ay nabigla pa rin ang mga babae sa lahat ng mga nangyari. Mabuti na lang at naialis na niya ito doon."Sorry..." marahang bulong ni Theo kay Amanda nang bahagyang tumigil ang kotse dahil nasa may bandang intersection na sila. Nang
BUMUHOS ANG malakas na ulan kanina na natagalan ang biyahe ni Theo papunta sa ospital. Malamig ang gabi pero sa hindi malamang dahilan, may iba siyang lamig na nararamdaman sa loob niya ngayon. At may kaba sa dibdib niyang hindi niya alam kung saan nanggagaling.Siguro ay hindi na rin siya makapaghintay sa pagkikita nila ni Amanda. Gusto na niya itong maiuwi agad. Gusto na niya itong makasama para makumpleto na silang pamilya. Mabubuo na rin sila sa wakas!Matagal bago lumabas si Theo sa kaniyang kotse. Pero makalipas ang ilang sandali, bumaba na siya at naglakad. Ang kaso habang naglalakad ay muntikan na siyang natisod dahil sa nakakalat na plastic bottle. Kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar ang kulay ng bottle na iyon. Kaparehas ng bottle na ipinadala niya kay Amanda.Umiling si Theo. "Baka kaparehas nga lang talaga..." bulong niya. Bakit naman kasi ikakalat iyan, 'di ba? Mamahalin ang bottle na iyon kaya hindi naman siguro iiitsa ng facility dito sa ospital iyon lalo na't alam
TUMAWA SI ESMEDALDA upang pagtakpan ang kaba sa dibdib. Hindi niya maiwasang matakot dahil sa seryosong ekspresyon ni Theo ngayon sa harapan nila. Pero syempre, hindi niya ipapakitang kabado siya."A-Ano bang pinagsasabi mo diyan, Theo? Wala kaming alam diyan," ani Esmeralda bago nag iwas pa ng tingin."'Wag niyo akong gawing tanga! Bakit niyo ginawa lahat ng iyon sa akin?!" asik pa ni Theo na halatang nagpipigil ng magwala sa galit.Napalunok na lang si Esmeralda. "T-Theo, mali naman yatang nadadamay pa dito si Sofia. Wala na siya. Kahit kaunting respeto lang sa kaniya, pwede bang ibigay na lang natin iyon para sa ikatatahimik ng lahat? At wala talaga kaming alam sa sinabi mong paratang mong iyan..." litanya pa nito.Natawa na lang ng sarkastiko at napailing pa. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Esmeralda ngayon."Talaga lang, huh? Respeto? Matapos lahat ng ginawa niya at pati na rin kayo? Sa tingin niyo deserve niya ni katiting na respeto ngayon? Hinayaa