Share

CHAPTER 252: The Ticket

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-05-18 22:27:04

AALIS NA SANA si Theo ngunit nagulat siya sa taong bigla na lang kumatok sa bintana ng kaniyang kotse. Iritado niyang binalingan si Jennie.

Oo, si Jennie na naman. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa babaeng ito. Lagi na lang pasulpot sulpot kung nasaan siya.

Halatang stress na ang babae. Pero naglalakas loob pa ring lapitan si Theo. Mukhang puyat at hindi na rin nakapag ayos ng mabuti, malayong malayo sa dati nitong postura na presentable lagi at parang hindi nadidikitan ng dumi.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" iritadong tanong ni Theo kay Jennie.

Napalunok na lang si Jennie at hindi agad nakasagot. Pinapangunahan siya ng kaba. Talagang buong tapang niyang sinundan si Theo sa kanila ng mga nakita niya kanina. Nakita niya kung paano nito halikan bigla si Amanda, maging ang pagkakasampal nito.

Pero hindi maintindihan ni Jennie. Kahit harap harapan na siyang inaayawan ni Amanda, parang hindi pa rin sumusuko si Theo. Gusto niya pa rin ang babae. Binalot na naman ng inggit an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Annabelle Lim
ah ganun ba,ikaw ba ang author
goodnovel comment avatar
nagiePangani
npaka Arte m Amanda. bkit dmo bgyan ng change c Theo.
goodnovel comment avatar
Jaydee Peroso
lumipas ng dlawang taOn o higit pa bumalik na si Amanda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 252: The Ticket

    AALIS NA SANA si Theo ngunit nagulat siya sa taong bigla na lang kumatok sa bintana ng kaniyang kotse. Iritado niyang binalingan si Jennie. Oo, si Jennie na naman. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa babaeng ito. Lagi na lang pasulpot sulpot kung nasaan siya. Halatang stress na ang babae. Pero naglalakas loob pa ring lapitan si Theo. Mukhang puyat at hindi na rin nakapag ayos ng mabuti, malayong malayo sa dati nitong postura na presentable lagi at parang hindi nadidikitan ng dumi."Ano na naman ba ang kailangan mo?" iritadong tanong ni Theo kay Jennie.Napalunok na lang si Jennie at hindi agad nakasagot. Pinapangunahan siya ng kaba. Talagang buong tapang niyang sinundan si Theo sa kanila ng mga nakita niya kanina. Nakita niya kung paano nito halikan bigla si Amanda, maging ang pagkakasampal nito.Pero hindi maintindihan ni Jennie. Kahit harap harapan na siyang inaayawan ni Amanda, parang hindi pa rin sumusuko si Theo. Gusto niya pa rin ang babae. Binalot na naman ng inggit an

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 251: The Goodbye?

    "MAY KUKUNIN LANG ako sandali sa labas," paalam ni Theo at sinadyang ibahin ang usapan dahil ayaw na niya ang takbo no'n. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Amanda kaya minabuti niyang huminga saglit. "Sasama ako," sabi bigla ni Amanda kaya natigilan si Theo.Napaisip naman si Theo. Pero kalaunan ay napatango na lang siya. "Sige. Kung iyan ang gusto mo," anito.Lumapit bigla sa kanila si Sylvia, mukhang tatawagin na sila para kumain. Pero narinig din nito ang usapan nila. Concern itong napatingin kay Amanda. Ngumiti naman ng bahagya si Amanda para iparating na magiging okay lang siya."Lalabas lang ako saglit, Ma," paalam ni Amanda kay Sylvia. Bumuntong hininga lang naman si Sylvia at kalaunan ay tumango pa rin.Nauna si Theo at akmang susunod na rin si Amanda pero nagulat siya nang biglang kumawag ang kamay ni Baby Alex habang nakatingin sa direksyon ni Theo."D-Dada! Dada!" Nagulat naman si Baby Alex doon. Para bang may isip na si Baby Alex at alam nitong kalaunan ay aalis na rin

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 250: The Reason Why She's Unhappy

    SERYOSO ANG EKSPRESYON ni Theo. Pormal ito sa suot na puting long sleeve at slacks. Pero nang sumulyap ito kay Amanda ay lumambot ang ekspresyon nito kaya mas lalong binalot ang puso ni Jennie ng inggit."Anong ginagawa mo dito, Theo?" si Amanda ang nagtanong, bakas ang confusion sa mga mata nito."Nalaman ko dahil sa driver mo. At may kailangan din kasi tayong pag usapan," sagot naman ni Theo."Ano naman iyon?""Tungkol sa divorce agreement natin," ani Theo. "At gusto ko rin sanang makita si Baby Alex. Kailan ka pwede?" tanong pa nito.Napaisip naman si Amanda. "Pwedeng ngayon..." sagot niya kasi kung tungkol lang din sa divorce, talagang kailangan niyang asikasuhin iyon. "Sigurado ka?""Oo, sigurado ako."Tumango si Theo. "Sige. Halika na kung gano'n," aya pa nito at iginaya si Amanda sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan.Ang akala ni Theo, sasakay na si Amanda sa kaniyang kotse. Pero mabilis naman itong humiwalay sa kaniya. "Hindi ko na kailangang sumabay pa s

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 249: The Envy And Jealousy

    NAGULAT SI AMANDA sa sinabi ni Jennie. Pero ewan ba niya, matapos ng mga kasamaan na ginawa ng mga magulang ni Sofia noon sa kaniya, hindi niya magawang maniwala agad kahit na halos maiyak ni si Jennie sa harapan niya ngayon."Totoo ba iyang sinasabi mo?" tanong ni Amanda at napataas ng kilay.Mabilis tumango si Jennie. "O-Oo! Hirap na hirap na sila! Talagang ginawa lahat ni Sir Theo upang mahirapan sila! At ang pinaka last resort na lang nila ay ang... m-mamalimos sa kalsada," naiiyak na sagot pa niya. "Nagsasabi ako ng totoo. Sana nga biro lang lahat ng ito, eh. Pero hindi...""Kung gano'n, dalhin mo ako sa kanila. Gusto kong makita at makumpirma kung totoo ba talaga ang sinasabi mo," malamig na sabi pa ni Amanda."S-Sige! Sumama ka sa akin kung gano'n," ani Jennie at iginaya niya agad si Amanda. Naglakad sila papalayo sa clinic kung saan galing si Amanda at ilang metro lang ay nakita na nila ang mga magulang ni Sofia na nasa gilid ng kalsada at namamalimos.Talagang nagulat si Ama

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 248: The Pleas

    NAG IYAKAN SILA doon. Sobrnag namiss ni Amanda ang stepmom maging ang kaniyang kaibigang si Loreign.Matapos ang yakapang iyon, napatingala na lang si Amanda sa kalangitan. May maliit na ngiting namuo sa kaniyang labi at bumulong ng, "Finally. Natapos din lahat..." Tila hapong hapo siya sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya. Bagama't nakakapagod at sobrang sakit, nagpapasalamat pa rin siya sa nasa itaas dahil nalagpasan niya ang lahat ng iyon.Ilang metro sa direksyon nila ay si Theo na pinagmamasdan lang sila, lalo na kay Amanda. Talagang sumunod siya rito kahit pa masakit sa parte niyang makita itong umalis. Nagiging masokista na siguro siya.Si Loreign ang unang nakapansin kay Theo. Kumunot ang noo ni Amanda at binalingan din ang tiningnan ni Loreign at bahagyang nagulat pa nang nakitang si Theo pala ang tinititigan nito."Tingnan mo at ang kapal ng mukha niyang magpakita dito!" iritadong wika ni Loreign at akmang pupuntahan na si Theo sa direksyon nito pero mabilis na hinuli ni A

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 247: The New Chapter

    HINDI INASAHAN NI Amanda ang tanong na iyon mula kay Theo. Syempre ang buong akala niya ay sarado na ang tungkol sa usaping iyon para kay Theo lalo pa at sa paniniwala nito, si Sofia ang may ari ng mga recordings na iyon. Pero ngayong nabuksan ulit iyon, hindi maiwasan ni Amanda ang magulat. Kasi may pakialam pa pala si Theo tungkol sa katotohanan.Nagbalik tuloy sa isipan niya ang mga araw na iyon. Iyak siya nang iyak sa pag aalala kay Theo. Akala niya ay hindi na ito magigising. Pero mabuti na lang at lumaban ito. At inaamin naman ni Amanda na kahit papaano ay masaya siya dahil may naitulong ang mga recordings niyang tumutugtog ng violin noon sa paggising nito mula sa pagkakacoma."Hindi naman na mahalaga ang tungkol sa bagay na iyan ngayon," malamig na wika ni Amanda. Nang natapos ito sa pagpirma ng divorce agreement, inilapag na niya ulit iyon sa table sa gilid. Tumagal pa ang tingin niya doon. Parang hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Nakapirma na rin siya sa wakas do'n. Mul

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 246: The Sign

    NAPAHILAMOS SI Theo sa mukha bago nagtungo sa malaking bintana at napasulyap na lang doon habang malalim na nag iisip. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at napailing na lang."Iyan ba talaga ang gusto mo, Amanda?" tanong pa ni Theo kahit na hindi pa rin talaga siya makapaniwala.Tumango si Amanda. "Oo. Matagal ng ganito ang gusto ko," puno ng kumpiyansang anito.Napaigting na lang ang panga ni Theo. Ang gusto niya lang naman ngayon ay ang mapabuti si Amanda. Ayaw niya muna na bigyan ito ng stress. Kaya kahit masakit sa parte niya ay tumango pa rin siya."Sige... kung iyan ang gusto mo," sagot ni Theo kahit pa labag naman iyon sa loob niya. Ayaw niyang ituloy ang divorce o umalis si Amanda. Pero wala naman na siyang magagawa. Iyon ang gusto ni Amanda. "Pagbibigyan kita, Amanda. Ibibigay ko lahat ng gusto at kailangan mo. Kung gusto mong umalis kasama ang anak natin... sige. Pero sana ay 'wag mo akong tanggalan ng karapatan na makita siya lalo na kapag namimiss ko siya..."

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 245: The Three Wishes

    NEVER TALAGANG NAGING mabait si Theo. Kung galit siya, hindi na talaga minsan siya nakakapag isip ng maayos. Inaamin naman niya iyon sa sarili dahil iyon naman ang totoo.Para sa kaniya, tama lang na magdusa ang ina niya. Galit na galit siya lalo pa sa mga ginawa nito kay Amanda. Ang dami nitong pwedeng kantiin pero talagang pinili nitong si Amanda pa talaga na importante kay Theo.Habang karga si Amanda sa bisig niya, ipinasok ni Theo ang babae papasok ng mansion. Sinalubong pa sila ng ilang mga kasambahay at mababakas agad sa mukha nila ang pag aalala nang makita si Amanda."Diyos ko po, Ma'am Amanda! P-Paanong... anong nangyari sa inyo? Bakit po nagkaganito kayo?!" tarantang sabi ng isa na tila ba hindi na alam ang gagawin. Parang maiiyak na nga rin ito, eh.Kahit nanghihina, sinubukan pa rin ni Amanda na ngumiti sa mga kasambahay para hindi sila masyadong mag alala. Pinilit niyang magsalita pero walang namutawing mga salita mula sa kaniyang mga labi. Naiintindihan naman iyon ng mg

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 244: The Angry Son

    IBINALOT NI Theo ang coat niya kay Amanda upang panangga sa lamig ng gabi. Tahimik lang sila sa biyahe at mas lalong bumibigat ang loob ni Theo. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Ang ospital na inaakala niyang makakatulong kay Amanda ay isa palang impyerno para sa kaniya. Hindi ito naalagaan ng mabuti kagaya ng inaalala niya.Napabuntong hininga na lang si Theo nang makita kung gaano kalaki ang pagbabago ni Amanda. Bumagsak talaga ang timbang nito at mas lalong walang kabuhay buhay ngayon ang mga mata.Walang salita na namutawi sa labi ni Amanda at nanatili lang ang mga tingin sa labas mula sa bintana ng kotse. Para bang may interesante itong bagay na nakikita doon. Pilit iyon inintindi ni Theo. Wala naman siyang magagawa doon dahil alam niyang marahil ay nabigla pa rin ang mga babae sa lahat ng mga nangyari. Mabuti na lang at naialis na niya ito doon."Sorry..." marahang bulong ni Theo kay Amanda nang bahagyang tumigil ang kotse dahil nasa may bandang intersection na sila. Nang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status