Share

58. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

KASALUKUYAN siyang kumakain mag isa. Puro tauhan lang ng mga binata ang nasa mansion ngayon ang kasama niya para bantayan siya. Ang usapan ng mga ito dapat ay nasa bahay ang isa para masiguro na hindi siya tatakas kaya nagpaiwan si Draken, pero nakiusap siya rito na kung pwede ay bilhan siya ng langka na hinog na hinog at walang mga buto kaya napilitan itong umalis.

Nakagat niya ang labi. "Bwisit nakalimutan ko!" Mahina niyang tinuktukan ang ulo. Mamaya ay makahalata ito na naglilihi pala siya. Hindi niya mapigilan ang mainis sa sariling katangahan.

Paano ay naglalaway talaga siya. Pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog paghindi niya 'yon nakain mamayang gabi.

Nagulantang siya ng makarinig ng malakas na pagsabog. Napatayo siya sa takot at gulat. Ang mga tauhan ng mga binata ay nagkagulo at tumakbo palabas para tingnan kung ano ang nangyari.

"Regina!"

Hindi makapaniwala na tumingin siya kay Amara na mayro'ng kasama na limang lalaki, may dala ang mga ito na nakalagay sa mga maleta n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status