Share

Tainted Hearts 21

Nasa likod ko ang hawak na kutsilyo nang bumungad ang demonyong ngisi ng dating kinakasama ni mama. Ang kasama niya ay inikutan ng tingin ang buong bahay.

"Big time pala ang pamilya mo, Amel," hupak ang magkabilang pisngi nito at mapula ang mga mata.

"Ang tagal ko kayong hindi nakita, ah! Hindi n'yo ba ako yayakapin?" Tumawa si Amel.

Nang maglakad sila palapit sa sala, tinulak ko sa gilid sila mama. Para ako ang mas malapit kina Amel at bago maabot ang mga bata'y dadaan muna sila sa akin.

"Paano mo nalaman ang tinitirhan namin?"

"Bakit? Papaalisin mo ako? Pamilya ko kayo kaya dapat dito rin ako nakatira!"

"Hindi ka namin pamilya!"

Humalakhak siya at tiningnan ako ng masama.

"Ikaw naman! Nakasungkit ka lang ng boyfriend na mayaman yumabang ka na!"

Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo na nakatago sa likod ko.

"Boyfriend mo ba ang nagbigay nito? Nakikita ko kayo riyan sa labas na naghahalikan. Mukhang mahal na mahal ka, ha?"

Dumiin ang mga labi ko nang maalala ang anino na ilang beses kong napuna. Akala ko'y guni-guni ko lang dahil sa ilaw ng poste.

Ang kasama niya'y pinapakialaman na ang mga gamit na naroon at tinitingnan kung may mga mamahaling gamit ba na puwedeng ibenta. Walang dala ang kasama niya. Si Amel lang ang may hawak na baril.

"Ayaw n'yo kasi akong pagbuksan, nasira ko tuloy ang pintuan ninyo. Hayaan n'yo at aayusin ko na lang dahil dito rin naman ako titira—"

"Wala kang uuwian dito! Wala kang pamilya rito kaya umalis na kayo! Wala akong ibibigay sa 'yo kaya umalis ka na!"

"Huwag ka namang ganyan, Xena," humalakhak siya. "Parang wala tayong pinagsamahan, e. Magdadamot ka pa."

Habang nakikipagtalo, sinisenyasan ko sila mama.

Malapit na sila sa pinto kaya tinitigan ko si mama para ipaalala ang bilin ko. Naka-lock ang gate at hawak ni mama ang susi. Kapag nakalabas sila'y sa sasakyan ko pinapa-diretso sila Along at mga bata. Si Mama, sa gate para buksan iyon.

"Tingnan mo ito, Amel! Puwede itong mabenta!"

Sinenyasan ko sila mama nang tumalikod si Amel para busisiin ang tinutukoy ng kasama niya. Habang nag-uusap sila kung magkano iyon puwedeng ibenta, mabilis kaming kumilos lahat. Tumakbo sila mama at ang mga kapatid ko palabas. Sumunod din ako. Humarap si Amel at galit na tumakbo pahabol sa amin. Hinila ko pasara ang pintuan bago pa siya makalabas.

"Putang ina ka talagang babae ka!" Galit na galit niyang sigaw dahilan na naipit ang kamay niya sa pinto.

Dahil sa naipit niyang kamay, hindi ko nailapat ng maayos sa pagkakasara ang pinto. Nilingon ko si mama na nahihirapang buksan ang gate. Pagbalik ng tingin ko sa pinto, naabot ni Amel ang mukha ko. Nakaramdam ako ng hapdi sa parte ng balat ko na nakalmot niya.

Nanginginig ako sa takot pero binuhos ko ang lakas ko para hindi niya mabuksan ang pintuan. Naghihilahan kaming dalawa sa magkabilang panig ng pinto. Sinulyapan kong muli si mama. Pagkabukas niya sa gate, sinigawan ko siya na pumasok na sa sasakyan.

"Mamaya na iyan at tulungan mo ako rito!" Sigaw ni Amel sa kasama niya na mukhang naghahalungkat pa rin ng mabebenta.

Nataranta ako dahil kung tutulungan siya ng kasama niya'y mabilis nilang mabubuksan ang pintuan. Naalala ko ang nalaglag kong kutsilyo, nasa bandang paanan ko iyon. Dahan-dahan at maingat ko iyon na pinulot. Pagkahawak ko sa hawakan, walang pagdadalawang isip kong sinaksak ng dalawang beses ang braso niya na naipit sa pinto.

Napahiyaw siya at natuon sa sugatang braso ang atensyon. Sinamantala ko iyon, tinakbo ko ang pagitan ng pinto at sasakyan at mabilis na pumasok sa loob. Naririnig ko pa ang paghiyaw niya dahil sa sakit habang minumura ako at isinisigaw na papatayin niya ako.

Nanginginig ang mga kamay ko sa pagmamadali para paandarin ang sasakyan. Hindi ko pa maalala kung paano ang gagawin. Tinuruan ako ni Lennox sa sasakyan niya at hindi rito!

Namutla ako nang bumukas ang pinto at itinutok ni Amel ang baril na hawak niya sa sasakyan. Ang isang braso niya ay nakababa at bumabagsak ang maraming dugo mula roon.

Pumikit ako at pilit kong inisip ang mga itinuro ni Lennox. Napadilat ako nang marinig ang pagtama ng bala sa sasakyan. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi at nangangamba na mayroon masaktan sa kanila sa susunod na magpaputok siya.

"Papatayin ko kayong lahat!"

Huminga ako ng malalim nang makita sa gilid ng salamin ang tangkang pagtakbo ni Amel palapit. Dahil sa pagpapanik at sa kagustuhan na makalayo, nagawa kong mapaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung paano. Ni hindi ko na alam ang ginagawa ko. Ang alam ko lang, kailangan naming makaalis doon dahil kung hindi ay may masasaktan sa pamilya ko o ang malala ay patayin kaming lahat ni Amel.

Hinabol pa niya kami ng ilang putok ng baril pero dahil nakalayo na ay malabo na niya kaming matamaan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at wala akong dala na kahit ano. Maging ang cellphone ko ay hindi ko nadala. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang nililinga ang paligid at nagbabakasakali na may madaanan kami na police station.

Umiiyak ang mga kapatid ko pati na rin si mama samantalang nanatili naman ang tingin ko sa kalsada. Hindi ako sanay magpatakbo ng sasakyan. Nabigla rin ako sa sarili ko na nagawa ko ng maayos dahil sa pagmamadali. Hindi ko inakala na ang ilang oras na inilaan ni Lennox sa akin na mag-aral mag-drive ay maililigtas ang buhay namin ng buong pamilya ko.

Bumagal ang patakbo ko nang masiguro na malayo na kami. Walang sasakyan sila Amel at nakasisiguro ako na hindi na nila kami masusundan. Tumigil ako sa harap ng police station. Inasikaso naman nila kami kaagad at agad ding nagpadala ng mga tao sa bahay namin. Hindi ko alam kung may dumating nang mga police doon. Pero nagpadala ulit sila.

Nabahiran ng dugo ang puting damit ko dahil sa ginawang pagsaksak kay Amel. Nakaupo na ako pero nanghihina pa rin ako sa nangyari. Ang mga kapatid ko ay nililibang ng dalawang babae na pulis para tumigil sa pag-iyak. Huminga ako ng malalim at sumandal saglit sa pader na nasa aking likuran. Tumingala ako at pumikit.

Gusto ko na siyang maipakulong sa pagkakataon na ito. May dala siyang baril at nilooban nila ang bahay namin kaya sa pagkakataon na ito'y maaari ko na siyang masampahan ng kaso. Kung dati, nakakatakas siya dahil sa pagdi-deny niya sa barangay tungkol sa pananakit sa amin. Ngayon, hindi na niya puwedeng ipagkaila ang krimen na ginawa niya.

"Hey…"

Mabagal kong naidilat ang mga mata nang makaramdam ng haplos sa aking pisngi, sa parte ng balat ko kung nasaan ang maliit na kalmot ni Amel. Magandang lalaki ang namulatan ko. Nakasuot siya ng eleganteng suit at bakas sa mukha ang pag-aalala habang niyuyuko ako.

"Lennox…" Pagod at mahinang bigkas ko.

"Let's tend your wound," he said.

Ngumiti ako. "Okay lang ako. Gasgas lang ito."

Pinanatili ko ang ngiti kahit na ramdam ko ang panunuyo ng labi ko dahil sa sobrang takot kanina. Ni hindi ako makaramdam ng uhaw at gutom. Tanging pagod ang nararamdaman ko. Pagkatapos akong pagmasdan, nagbuga siya ng malalim na paghinga at tumabi sa upuan ko. Inabot niya ang kamay ko at tinitigan ako.

"You are not safe at your house anymore. Go home with me," nilingon niya ang mga kapatid ko na nalilibang na. "Come home to me with your family."

Nagkatitigan kami. Parehong tahimik.

"Miss, kailangan namin kayong makausap tungkol sa nangyari."

Inalis ko ang kamay ni Lennox at tumayo para sumunod sa sumundo sa aking pulis.

"Magnanakaw po ba ang mga nanloob?"

Umiling ako. Naramdaman ko ang paglapit ni Lennox at pag-upo sa tabi ko.

"Dating kinakasama po ng mama ko…"

"Ang tatay ninyo, nasaan? Alam na ba niya ang nangyari sa inyo?"

Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko. Napa-angat ako ng mukha kay Lennox nang hawakan niya ang kamay ko.

"Wala na po…si papa…"

Tiningnan kami ng pulis at alam kong naintindihan na niya ang sinabi ko. Tumango siya't nagsulat sa hawak niya na papel.

"Kaninong bahay ang nilooban?"

"Sa Papa ko," sagot ko. "Pinamana niya po sa akin."

Naagaw ni Lennox ang atensyon ko nang humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Nakakunot ang noo niya.

"Pinamana sa 'yo bago siya namatay?" Usisa ng pulis. Hindi ko alam kung interesado lang silang malaman o kailangan talaga itong itanong. Ganoon pa man, sinagot ko na rin.

"Mayroon po siyang kaibigan na napag-iwanan niya ng pera. Siya po ang nagbigay sa amin ng bahay at sasakyan na nanggaling sa pera ni Papa. Si…Mr. Andromeda..."

Mabilis ang naging paglingon ko sa katabi ko nang lalong humigpit ang hawak niya. Naguguluhan ang mga mata niya at hindi ko alam kung bakit at kung saan ba siya naguguluhan.

"Matagal na ba kayong nakatira roon?"

Bumalik sa pulis ang mata ko.

"Kalilipat pa lang po namin. Dati kaming nakatira sa isang iskwater area. Kasama namin doon ang nanloob sa bahay. Kapag wala akong naibigay na pera sa kanya, sinasaktan niya kami."

"Lahat kayo sinasaktan niya?"

"Lahat kami—"

Nahinto ako sa pagsasalita nang binitawan ako ni Lennox. Tumayo siya at naglakad palabas. Sinundan ko siya ng tingin. Tumigil siya sa tapat ng pinto. Marahas niyang inihilamos ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha. Kasunod, may galit na pinasadahan ng mga daliri ang buhok. Sa huli, nakita kong ikinuyom niya ang kanyang mga kamao.

Hindi pa nahuhuli si Amel at ang kasama niya. Nakatakas sila bago pa dumating ang mga pulis. Naabutan ni Lennox ang mga pulis na nasa bahay. Doon niya naitanong ang nangyari at kung nasaan kami kaya madali siyang nagtungo rito. Nasa anyo niya na pagod. Hindi na rin siya nakapag-bihis mula sa damit niya na pang-trabaho.

Paglabas ko, nakasandal siya sa dingding na pader at malayo ang tingin. Mukhang malalim ang iniisip. Tumayo siya ng maayos nang mamataan ang paglabas ko.

"Ayos ka lang ba?" Malumanay na tanong ko at lumapit para matitigan siya.

Tumango siya at ngumiti na hindi umabot sa mga mata niya. Mas mukha pa siyang pagod kaysa sa akin.

"I'm fine. Are you all ready to go home?" Paos at mahinang tanong niya.

Umalis din kami kaagad at sa sasakyan niya na kami sumakay. Tahimik kaming lahat sa loob ng sasakyan, nag-ingay lang ang mga kapatid ko pagkababa.

Manghang-mangha sila sa bahay ni Lennox. Sa malaking gate, sa malawak na tarangkahan, sa fountain, at sa malaking bahay.

Nakangisi siya nang pinagbuksan niya ng pinto ang aking mga kapatid. Pinasundan ko sila kay mama nang magsitakbuhan sila papasok sa loob. Malilikot sila at baka makabasag pa ng mga mamahaling gamit sa loob.

Naiwan ako sa labas. Tinitigan ko si Lennox habang hinihintay na makalapit siya para makapag-usap kami.

"Hindi kami magtatagal dito. Hahanap kaagad ako ng apartment bukas para malipatan namin."

He looked at me through his narrowed eyes. His strong arms carefully slipped around my waist. I looked up at him and then placed my palm to his chest where his heart is located. My other hand ran to his nape when he began planting lingering kisses on my dried lips, sucking it to get wet. After a while, he parted our lips. Ngumiti ako at yumakap sa kanya.

"You made me worried."

He buried his face on my neck to exhale a long breath. He's caressing my back as his heartbeats pounding wild.

"You don't have to leave. Just stay here with me, Xena."

Panandalian kong nakalimutan ang mga nangyari kanina dahil sa nakakakiliti na init ng hininga niya na tumatama sa aking leeg.

"Wala ka bang kasama rito?"

Umiling siya, nasa leeg ko pa rin ang mukha.

"Just housemaids…"

Kinagat ko ang labi ko pagkatapos maisip ang sunod na tanong.

"Hindi ba dito nakatira si…" sinadya kong bitinin. Lumuwag ang yakap niya para matingala ako.

"Sa ibang bahay. And frankly, we're not entirely living together. I'm just calling her whenever I want to fuck. She wants to cuddle after so out of respect I'm letting her stay."

Pinamulahan ako sabay napababa ng tingin dahil sa bulgar niyang pagsagot. Natawa siya at muli akong niyakap.

"You cuddled her? Niyayakap mo siya habang natutulog katulad ng ginawa natin sa kuwarto ko?"

He chuckled on my neck. Mas inipit ako ng braso niya. Para niya akong niyayakap na pinipisa.

"Are you really sure you want to talk about it right now?"

Tumango ako at dinama ang init ng katawan niya.

"Fine. She was hugging me but I wasn't. I'm a stomach sleeper," he laughed.

"Nakadapa kang matulog? Bakit noong nasa kuwarto ko tayo, nakayakap ka sa akin?"

He groaned and bit my neck gently.

"Because it's you," he murmured huskily. He began planting wet kisses on my neck up to my jaw and the side of my lips. "You changed me without you realising it, Xena. And you made me guilty for everything that I've said and done."

Komen (4)
goodnovel comment avatar
Ronalyn Pimentel
oh di nalamat mo din ang katotohan Lennox..
goodnovel comment avatar
Winhadi Dkc
Good story
goodnovel comment avatar
Mira Capiral
Ganda ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status