I can't help but smile while thinking about what happened last night. I had no regrets. Siguro'y nasa edad na rin kasi ako o talagang nararamdaman ko kasi na siya na. If a red string in pinky finger is real, he's the one I want to be my fated one.
Mas naramdaman ko ang sakit ng katawan pagkagising kinaumagahan. Hindi ko inasahan na mayroong hangover ang ginawa namin. Hindi na ako naglinis ng katawan at dumiretso na sa ibaba dahil nakapaglinis naman ako bago matulog kaya't hindi ako nakakaramdam ng panlalagkit sa katawan.Inasahan ko nang maaabutan ko ang mga kapatid ko sa sala. Ang hindi ko inasahan ay ang makita si Lennox. Pagkagising ko'y wala na siya sa kama. Akala ko umalis na siya dahil kagabi ang sabi niya'y aalis rin siya nang maaga.Nasa kusina siya at kausap ni Mama. Mayroong pagkain sa harapan at tingin ko'y hindi pa siya tapos mag-almusal. Nakatitig ako sa kanya habang papalapit. Sariwa pa sa isipan ko ang nangyari sa amin sa loob ng sasakyan. Iyon pa rin ang suot niya at malamang ay hindi pa siya umuwi."Ang aga ng bata na itong dumating. Mabuti at gising ka na. Aakyatin na sana kita kanina kung hindi niya lang sinabi na pagod ka sa group project na pinagpuyatan ninyo kagabi."Naitikom ko ang bibig dahil sa narinig na idinahilan ni Lennox para hindi ako akyatin ni mama. Group project, huh? What a enjoyable group project. Napagod naman talaga ako at napuyat. Masakit pa nga ang katawan. Hindi nga lang dahil sa group project na iniisip ni mama.Tinabihan ko si Lennox nang umalis si mama sa kusina para asikasuhin ang maliliit kong kapatid na nasa sala. Narinig ko ring pinagalitan niya si Along dahil nakapatong ang paa sa lamesita habang naglalaro ng games."Mabuti at hindi mo itinapon," banggit ko sa mga bulaklak, chocolate, at stuffed toy.Nasa sala kasi iyon. Hindi ko lang siguro napansin kagabi pagka-akyat namin sa kwarto."Tinapon ko. Ako ang bumili niyan…"Sinulyapan ko siya bago binalikan ng tingin ang mga nasa sala. Mas malaki ang tsokolate pati na rin ang stuffed toy na naroon. Ang bulaklak, hindi kagaya kahapon na kulay pula lang. Ngayon ay kombinasyon iyon ng red at pink. Mas maganda rin ang pagkaka-ayos. Nasa gitna ng lamesa iyon at hindi ginagalaw ng mga kapatid ko."Sayo ang bulaklak..."Pinanliitan ko siya ng mga mata sabay nagpangalumbaba."Saan mo itinapon? Sayang naman iyon!""Tss, I can buy anything you want. You don't have to accept cheap things from your lame suitors."Natawa ako. Hindi pa rin pala siya tapos sa litanya niya. Sinulyapan niya ako pero hindi matagalan ang tingin ko. Nagsisimula na naman kasi siyang sumimangot at mamula sa galit."Nagseselos ka kaagad. Eh, hindi naman iyon nanliligaw—""Binigyan ka ng bulaklak at kung anu-ano. Pagkatapos, sasabihin mo na hindi nanliligaw?"May diin ang boses niya't pinipigilang sumigaw dahil baka marinig nila kami sa sala. Napalabi ako at gusto na lang na matawa."May okasyon kasi—""Pareho lang 'yon! Nanliligaw o hindi, bago ka pa ligawan, bastedin mo na!"Napahagikgik ako at lalong humarap sa kanya."Ano naman ang idadahilan ko kapag binasted ko siya?"Binaba niya ang hawak na tinidor at kunot noo na tinusok ako ng tingin."Tell him the truth that you already have a boyfriend!"Lalong lumawak ang ngiti ko. Ang sarap pakinggan lalo't sa kanya nanggaling. Nilingon ko ang pamilya ko na busy pa rin sa sala. Hinarap ko si Lennox at ipinatong ang kamay ko sa isang hita niya.Nagulat siya na ikinatapon ng kaunting tubig sa baso na hawak niya. Iinom kasi dapat siya nang hawakan ko siya sa hita. Niyuko niya muna ang kamay kong nasa hita niya bago siya umiling at pinagpatuloy ang nabitin na pag-inom."Do you have any plan to tell your mother about us?"Kinagat ko ang labi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa hita niya."I think she already knew, but you still need to tell her. O ako na?"Umiling ako at napangiti. "Ako na…"Knowing that he wants us to be legal with my mother makes me happy."They likes me," mayabang na tumaas ang kilay niya. Natatawa akong napairap sa kanya.Alam ko. Malinaw pa sa sikat ng araw iyon. Sabik sila sa ama at sa kuya kaya mabilis nilang nakasundo si Lennox. Ang ikinakatakot ko lang ay baka makasanayan nila. Paano kung…Umiling ako at mabilis pinigilan ang negatibong pumapasok sa isipan. Hindi naman niya kailangan sabihin na mahal niya rin ako. Nararamdaman ko naman kaya hindi ko kailangan mag-alala.Nagpaalam din siya pagkatapos ng tanghalian. Binitiwan ko ang hawak na manika ng bunsong kapatid at tumayo para puntahan sa kusina si mama."Ma, tulungan na kita..." Naninimbang kong alok.Mabagal akong naghiwa ng mga gulay. Patingin-tingin ako kay mama. Agaran niyang napansin ang aking ginagawa na nagpatigil sa kanya. Siya na ang nanguna sa aking humarap."May sasabihin ka?"Nabitawan ko ang hinihiwa na gulay. Ngumiti ako ng maliit kay mama."Boyfriend ko na po si Lennox, Ma."Hindi ko siya nakitaan ng gulat sa pag-amin ko. Binalikan niya ang ginagawa habang nagsasalita."Alam ko. Napansin ko nga.""Hindi po kayo galit?"Umiling siya at seryoso ako na sinulyapan."Malawak ang pang-unawa mo at alam ko na kaya mong protektahan ang sarili mo. Marami ka nang naisakripisyo para sa amin. Hindi kita pagbabawalan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo."Mahinahon akong tumango. "Paano po kung magkamali ako ng desisyon?""Kasama sa buhay ang pagkakamali, Xena. Kung balang araw mabahiran ng sakit ang puso mo, hayaan mo lang. Kasama sa karanasan iyon kapag nagmahal ka."All those actions, sweet touches, and smiles, every bit of him, he planted it in my heart. Every day with him it grows even more and I don't want us to fall apart. Gagawin ko ang lahat para maging maayos kami. I'll be a good and faithful girlfriend. Gusto ko na siya na ang una at huli ko.Lumawak ang ngiti ko at magana muling naghiwa ng mga gulay. Nag-uusap kami ni mama habang nagluluto siya at tumutulong ako. Then, my family comes first before anything else. Pero hindi naman din daw masama kung maranasan kong magmahal.Maayos ang naging linggo ko sa eskuwela. Sa sabado at linggo na ito ay nagpaalam si Lennox na may aasikasuhin siya sa trabaho. Tumawag naman siya kanina na makakadalaw siya ngayong gabi pagkauwi niya.Nakaupo ako sa sala at inaayos ang buhok ni Mena nang marinig ko ang paggalaw ng gate. Tumayo ako para silipin iyon sa bintana. Gabi na kaya't madilim. Kung walang ilaw sa labas, aakalain ko na si Lennox ang dumating at hindi ko makikilala na si Amel ang nasa labas ng gate.Mabilis akong dinapuan ng kaba. Naibagsak ko ng malakas ang bintana pasara. Kasabay no'n, tumunog ang doorbell. Lumapit sa akin si Mama. Nanlalaki ang mata na nakatingin lang ako sa kanya at hindi kaagad nakapagsalita. Paano niya nalaman ang nilipatan namin? Paano niya kami natunton?"Bakit namumutla ka? Sino ba ang nasa labas?"Tinulak ko si mama nang balak niyang buksan ang pintuan. Hinila ko siya patungo sa bintana upang ipasilip ang nandoon na lalaking dating kinakasama niya."Ano ang ginagawa niya rito?" Takot na tanong ni mama at mabilis na lumapit sa mga kapatid ko.May kasama siyang isang lalaki na tingin ko ay adik din na kagaya niya."Ma, hindi kaya nasundan ka niya noong araw na magpunta ka sa dati natin na tinitirhan?"Umiling si Mama at naiiyak na niyakap ang mga kapatid ko."Hindi ko alam! Nag-ingat ako at hindi ko siya nakita!"Napahilamos ako ng palad sa aking mukha. Mabilis akong tumakbo sa kuwarto para kunin doon ang telepono ko at makatawag sa mga pulis.Pagka-abot ko, saktong tumunog iyon. Si Lennox ang tumatawag. Agaran kong nasagot iyon dahil sa takot. Hindi nag-iisa si Amel at natatakot ako sa maaari nilang gawin sa amin."I just got home. I'll change my clothes and go there," he said. "Do you crave anything? May ipabibili ka?"Sumilip ako sa bintana mula sa second floor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang lalaki na inaakyat ang gate namin."Bilisan mo!" Nanginginig ang boses ko dahil sa pagpapanik nang makita ang pagtalon nila pababa ng gate sa loob ng bahay."Ano ang nangyayari?" Halong pagtataka at pag-aalala na tanong niya.Hindi ko siya nasagot dahil sa pagmamadali kong tumakbo pababa. Baka mabuksan ang pinto. Walang kasama sa ibaba sina mama at ang mga kapatid ko. Hindi ko pa sigurado kung naka-lock ang lahat ng lock ng pinto."Mama ang pinto! Isara mo!" Sigaw ko nasa hagdan pa lang ako.Umiyak ang mga kapatid ko nang marinig ang pagsigaw ko. Si Along ang tumakbo sa pintuan para siguraduhin na naka-lock iyon."Xena!"Nasa kamay ko ang phone at kanina pa siya nagsasalita. Napasigaw si mama na lalong ikinalakas ng iyak ng mga kapatid ko. Hindi na napigilan ang tilian at takot na sigawan nang sabay sabay naming marinig ang putok ng baril sa nanggaling sa pintuan."What the fuck is that? Is that a gunshot?!"Napaupo ako sa hagdan nang mapagtanto na mayroon silang dala na baril. Pareho rin mapula ang mga mata nila at nasisiguro ko na katatapos lang nilang gumamit ng illegal na droga.Sinisipa nila ang pintuan pero hindi nila nabubuksan dahil may mga lock pa sa ibaba at sa itaas bukod sa door knob na binaril nila."Damn it, Xena! Answer me! What's happening?!"Puno ng galit at pag-aalala ang boses niya nang muli ko iyon idikit sa tainga ko. Nanginginig na ang kamay ko habang nakatingin sa pamilya ko."Tatawag ako ng pulis. Mamaya na kita tatawagan.""I already called!" He shouted along with his curse. "I'm driving! I'm on my way too!"Narinig ko pa ang sunod sunod na pagmumura niya at tunog ng mga sasakyan bago ko naibaba ang tawag para i-dial ang numero ng mga pulis para kung sakali na hindi makarating kaagad ang tinawagan niya.Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Nanginginig ang buong katawan ko. Takot ako pero nilalabanan ko. Pinagpapawisan ako at para akong mahihimatay."Kapag nabuksan nila ang pintuan, tumakbo kayo papunta sa sasakyan!"Tumango si Mama at si Along. Ang dalawang kapatid ko, hindi matigil sa pag-iyak. Isang putok pa ng baril kasabay ng pagsipa sa pinto ay tuluyan na nila 'yung nabuksan.Did those women deserve what Lennox did to them? My answer, I don't know. I just know that those women didn't know their worth. I also saw one of those women in person and from what I saw in her action, she has no respect for herself. I don't want to judge them because I'm not wearing their shoes, but the action they chose has no excuse.I was angry and disgusted with Lennox because of the videos he made but he patiently accepted all my hurtful words. He never cheated on me with another woman. He never insulted me in front of other people. He was there whenever I needed him. There's no question, he deserves a second chance.He lied but he learned. Kahit pa kasalungat sa gusto niya ang paglayo ay ginawa niya dahil ayaw niya akong pilitin at ayaw niyang maging makasarili. Hinayaan niya na maging mapayapa ako sa paglayo niya kahit ang naging kapalit ay pagkawasak niyaIt took me years to finally realised that I judged him like the way they judged me after they watched my video. I did the
Gusto kong maiyak sa harapan ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ipinasok ko sa bulsa ang mga nanginginig na kamay at yumuko para hindi mahalata ng mga kasama ko sa elevator na namumula ang mga mata ko.Did she really mean it? Did she really loves Creed? Kung hindi niya mahal bakit namin sila naabutan sa ganoong ayos? Parehong n*******d. Katatapos lang ba nila? Hindi na ba sila umabot sa kuwarto kaya't sa sala na nila ginawa?"Lennox! Saan ka?" Tawag ni Al nang makita ang pagtalikod ko para sumakay sa sariling sasakyan."Mauna na ako," mahina na sagot ko.Tumingala ako at ibinalik sa loob ng mga mata ang luha na muntik nang bumagsak sa loob ng elevator. Pigil na pigil ako dahil nakakabawas sa pagkalalaki ko ang pag-iyak. Subalit pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, hindi ko naman din iyon napigilan.Ang sakit. 'Tang ina."Hoy, bakit mauuna ka? Sabay sabay na tayo!" Katok ni Al sa bintana ng sasakyan ko na hindi ko pinansin at nauna nang umalis bago pa niya makita ang
I can't look at her while she's crying, especially when I know that I'm the reason why she's shedding tears right now. She's right. I destroyed her. And I deserved all the disgust I've seen in her eyes. Lahat ng mga ginawa ko bago ko siya makilala ay pinagsisisihan ko na. Kung mas naging mabuti lang sana akong tao, hindi sana siya nandidiri ng ganito. If only I could have seen it coming, I could have done something differently. But, It's too late to regret now. I already fucked up everything.Only with her I felt different emotions. It was only with her that I experienced being happy, desperate, afraid, sad, and only with her did I cry. The only woman who gave me those emotions now wants me to get lost. She's done with me now. She's done with a liar and cold hearted man like me.Iyon ang huling hiling niya. Iyon ang pakiusap niya. Ano'ng karapatan ko para hindi ko iyon ibigay sa kanya? Ayokong maging makasarili gaya nang sinabi niya kaya hahayaan ko siya dahil alam ko na hindi ko na ma
I needed a bucket of self-control when I first saw her closely. She loves biting her lips like she's always seducing me or inviting me for a kiss. I don't know if it's her tactic or just her mannerism.Nakangisi akong mag-isa at natawa sa sarili nang maalala ko ang mga tingin niya. The way she looked and gawked at me. She's obviously attracted to me. I bit my lower lip as I stifled my smirk. Damn it. She likes me. Pumikit ako at nakaramdam ng saya.Dahan-dahan, nawala ang ngiti ko. Mabilis akong napadilat at naibaba ang hawak na alak. Shit. Umiling ako at tinawanan ang mga naiisip ko. Bakit tuwang tuwa ako? Right. I felt good because of my planned work. That's it. Yeah. That's it."Are you sure you don't want to teach another class and subject?""Yeah. I'm sure.""Isang klase lang ang tinuturuan mo…."Kinakausap ako ng head teacher ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kanya dahil may pinapanood ang mga mata ko. Inaabangan ko siya ng tanaw habang papasok sa school. Natitigilan lang
"Lennox!"Napangisi ako nang makita si Bob at Al na nanlaki ang mga mata. Nasa likod namin ang mga nakaaway ko noong nakaraang araw."Tumakbo na tayo!" Naduduwag na suhestiyon ni Bob.Natawa kami ni Creed sa kanya. Umiling ako at hinarap ang mga tumawag sa akin. Isang kilalang gangster ang mga ito sa kabilang eskuwelahan. Naglalakad kami sa eskinita ng mga kaibigan ko. Kadadaan lang namin sa bahay ni Roiland kaya apat na lang kami na nasa masikip at madilim na lugar na ito."Why? Do you want to say hello to my fist again?"Napahawak si Creed sa tiyan niya at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Wala pang isang linggo nang makaaway namin ang mga ito. Mas marami siyang kasama ngayon. Nakaraan kasi'y lima lang sila. Ngayon, walo na pero puro mga patpatin naman ang mga kasama kaya't lahat sila'y mayroon mga dala na mga panghampas na tubo at mga kahoy."Ang yabang mo! Pinagbigyan lang kita nang nakaraan!" Galit na sigaw nito."Pinagbigyan?" Natawa ako. "Kaya pala puro pasa iyang mukha mo h
My choices might not good to others but I want to help myself to be the best version of me. I've been in the painful chapters then I turned the page and the healing process was much longer and it's not been easy. Iniwan ko ang taong mahal ko dahil natakot akong mabasag sa milyon milyong piraso ngunit kahit ano ang pinili ko ay nabasag pa rin ako.I hit the rock bottom and watched myself tear apart into million pieces. I go slowly and take my time to put it back, trying to collect myself. At nang hindi ko mapulot lahat ay iniwan ko ang ibang parte ko, and that part was Lennox.I thought that was the painful part, but it wasn't. The most painful part is to stepping out of the box and put myself first before others. Ang hirap magdesisyon para sa sarili ko lalo't nasanay ako na unahin ang iba.I only have one life and I want to allow myself to be happy right now. I will decide today for myself. And I don't have to feel sorry for choosing myself. Kahit sino ang masaktan ko at kahit sino ang