Share

Chapter 2

MARUJA choose to stay away after she knew that Adam was her Ate Jessa's fiance. Minabuti niyang umiwas  sa binata kaysa ang lumala ang nararamdaman niya at malaman ng kanyang Ate ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi pa nakakalimutan ni Maruja ang dating nobyo kung kaya hangga't maaari ay gusto niyang umiwas sa tukso. Si Adam na siyang tukso para sa kanya.

And it's been three months nang may mangyari sa kanila ng lalaking hindi niya kilala sa bar. Kahit anong pilit ni Maruja na alalahanin ang lahat ay wala siyang maalala sa gabing iyon. Napailing at napapabuntonghininga na lang siya. Hindi siya makapaniwala na ibinigay niya sa lalaking hindi niya kilala ang kanyang virginity. Maruja rested her back on the swivel chair and massage her temple because of frustration.

"What?" Hindi maiwasang mapasigaw ni Maruja nang marinig ang sinabi ng kanyang kausap sa kabilang linya. "Anong may ibang buyer ang lupang gusto kong bilhin? Mrs. Obsangga, you told me that I'll —"

"I'm sorry Miss Del Russo pero gusto niyang bilhin ang lupa sa dobleng halaga!"

It can't be. Hindi makakapayag si Maruja na may bumili ng lupang iyon. Kahit ilang milyones pa ang mawala sa kanya basta mapasakanya lamang ang lupang iyon. That land was very important to her dahil iyon ang lupang nais bilhin ng dating nobyo upang gawing nature sanctuary. At dahil wala na ito ay siya ang pagpapatuloy no'n. She can't disappointed him.

"I'll triple it!" aniya.

"He told me if you triple the price mas lalo niyang tataasan ang halaga ng ibabayad niya. I'm really sorry Miss Del Russo but —" Mukha siyang pera!

"Fine! I'll talk to him. Tell him to meet me somewhere that he was comportable with. Nahiya naman ako sa kanya, baka kapag ako ang pumili ng lugar ay mag-iinarte pa siya! Ako na ang inagawan, ako pa mag-aadjust para sa kanya! Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang inaagaw ang bagay na ako naman ang nauna!" She's frustratedly ended the call.

Tumayo si Maruja at kinuha ang kanyang bag. Paglabas ng kanyang opisina ay mataman niyang tiningnan ang kanyang sekretarya na halos ingudngod na ang mukha sa salamin na hawak nito.

"Grace, kapag may nagpunta ditong bekebop na nakadamit lalaki at hanapin ako ay sabihin mong may kikitain ako. Dumeretso na kamo siya bahay dahil uuwi din ako pagkatapos." She's still busy looking at her face on the mirror. Maruja sighed heavily. "Do you get it?"

Sumulyap sa kanya si Grace and gave her a thumbs up. "Noted ma'am!"

Naglakad si Maruja patungo sa elevator. Nang makita siya ng mga empleyado ay tumabi ang mga ito pagkatapos siyang batiin. Deretso lang ang kanyang tingin. Mag-isa lamang siyang sumakay sa elevator dahil iyon ang isa sa patakaran niya sa kompanya niya. Ayaw niyang may nakakasabay siya sa pagsakay maliban na lang sa mga taong malalapit sa kanya.

Paradise Place, third floor, 143 room.

Iyon ang natatanggap ni Maruja na text mula kay Mrs. Obsangga. Paradise Place? That's a perfect place for a couple. Iyon ang lugar na paboritong puntahan nila ni Arvin noon, ang dating nobyo niya. Bakit kailangan doon sila magkita? Dahil magmula ng mawala si Arvin sa buhay ni Maruja ay hindi na siya nagtangkang bumalik pa sa lugar na iyon.

Hindi dahil sa gusto niyang makalimutan ang alaala nila ni Arvin doon kundi dahil ayaw niyang bigla na lang siyang mag-collapse doon dahil sa halong-halong emosiyong na mararamdaman niya. Sa ilang taong pilit  niyang pag-iwas sa lugar na iyon ay mapapabalik lang pala si Maruja doon ng isang taong walanghiyang umagaw ng lupang gusto niyang bilhin.

Pinaharurot ni Maruja ang kanyang sasakyan patungo doon. Kahit ayaw man niya ay wala siyang magagawa. Importanteng makuha niya ang lupa at kung ito ang paraan para makuha iyon ay kakayanin niya.

Pagdating pa lang ni Maruja sa lugar ay halos ayaw niyang ihakbang ang kanyang paa papasok. Bumuntonghininga siya, paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa dahan-dahan siyang pumasok. Kapag nakita ni Maruja ang taong dahilan kung bakit siya nandoon ay sasampalin talaga niya ito. Wala siyang pakialam kung babae o lalaki man ito.

Pagpasok pa lamang ni Maruja sa lugar ay mariin na niyang naipikit ang mga mata dahil sa mga alaalang nanumbalik sa kanya. Alaala ng nakaraan ...alaala ng namayapang nobyo. Kumuyom ang kamay niya at pinakalma ang kanyang sarili. Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Pagdating sa third floor nito ay hinanap niya ang sinasabing kwarto. She rolled her hand slowly so that she can ready it to land on the face of the person who's inside of this room. She knocked two time until it opened. Walang sere-seremonyas na sinampal ni Maruja ang taong bumukas no'n. Ngunit halos lumuwa ang kanyang mata ng makita ang buong mukha ng taong sinampal niya.

"What the‽" he growled. Namumula ang pisngi nito dahil sa lakas ng ginawa niyang pagsampal.

"A-Adam?" Napalunok si Maruja. What is he doing here? Siya ba ang taong bumili ng lupa?

"Why did you slap my face?" Masama ang tingin nito sa kanya.

Napatingin si Maruja sa buong lugar hanggang sa maalala niya kung nasaan siya. Hindi niya maiwasang mapalabi at irapan ang binata. Naramdaman niya ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi inaasahan ni Maruja na ito ang madadatnan niya doon.

"I didn't slap you in the face, okay? I high fived it!" Kahit kinakabahan ay nagawa niyang itulak ito at pumasok sa loob. Hindi siya nandoon para sa konting paghanggang naramdaman niya ...nandoon siya para maisakatuparan ang pangarap ng kanyang dating nobyo.

Sinara nito ang pinto at sumunod sa kanya. "If you do that again, I'll throw you out that fucking window you— what are you doing?" he asked nang imbis na dumeretso siya sa upuan ay nagtungo siya sa bintana at sinilip ang taas no'n.

"Checking how high will I drop and see if it's worth it," she answered.

"Tsk! Stop this nonsense and let's just talk. Sa pagkakaalala ko ay ikaw ang may kailangan sa 'kin." Umupo si Adamo sa pang-isahang sopa at nagdekwatro. Sumandal ito doon,  nilagay ang  kanang siko sa armchair at nilaro ng daliri nito ang labi habang nakatitig kay Maruja.

Nagbago naman ang mood ni Maruja. Hinarap niya ang binata at sinamaan ito ng tingin. "Why do you want to buy the land? Ako ang nauna sa lupang iyon, Adam!" Hindi niya maiwasang mapasigaw.

Adam smirk when he saw Maruja's expression. Sa ikalawang pagkakataon ay nakita niya ulit ang ganoong ekspresyon ng dalaga.

"Then? Okay let say, you're the first that look that land but Mrs. Obsangga decided to sell it to me even you triple the price."

Kumuyom ang mga kamay ni Maruja. Mukhang mahihirapan siya dito. "Hindi ako papayag! I won't let anyone buy that land ...even you Mr. Navida." Umiling-iling siya.

"It is very important to you, huh?" His face become blank.

Maruja sighed and divert her gaze. "It is. Sa sobrang importante ng lupang iyon ay kaya kong itaya ang lahat ng kayamanan ko mabili lang 'yon." Walang emosiyon siyang tiningnan ni Maruja. "Kung bibilhin mo lang naman iyon dahil trip mo lang, tumigil kana. I know you Mr. Navida, alam kong tatayuan mo lang naman ng kung anong magugustuhan mo ang lupang iyon. Hindi nakakatawa ang mga pinaggagawa mo."

"I'm a businessman Miss Del Russo, I can do anything on that land," he coldly answered then stared at her eyes intently. Nawala ang emosiyon sa mukha ni Adam nang makita ang talim na mga titig ni Maruja.

"I need it more that you need it, Adam. Kung walang kwenta lang naman pala ang ipapatayo mo sa lupang iyon, maghanap ka ng ibang lupa. Kapag pinilit mo pa ang gusto mo ay ipapalamon ko sa'yo lahat ng lupa sa lugar na iyon!" Tumalikod si Maruja at akmang lalabas na ng magsalita ito.

"Patatayuan ko ng resort ang Ate Jessa mo ang lugar na iyon. And it's not walang kwenta lang, Miss Del Russo." Naramdaman niyang tumayo din ito at nagtungo sa kanyang pwesto.

Isang kirot sa dibdib ni Maruja ang kanyang naramdaman. Kumuyom ang kamay niya at mariing ipinikit ang mga mata. "Resort? Is it very important to all of you? Resort niyo kaysa sa pangarap ng taong namayapa na? Para sa akin ay isang kahibangan at walang kwenta ang ipapatayo mo."

Umalis si Maruja sa lugar na iyon ng hindi ito nililingon. Habang nagmamaneho patungo sa bahay niya ay hindi niya maiwasang mapaluha. Hindi niya inaasahan na ang lalaking kaagaw niya sa lupang gusto niya ay ang lalaking hinahangaan niya... ang lalaking nakaagaw na ng pansin niya.

"Saan ka na naman gumura babae, nang hindi ako kasama aber?" bungad kay Maruja ng kanyang kaibigan bekebop.

Ziegfred Gauran— anak ng isang pulis na may mataas na antas. Isang bekebop na nagtatago sa damit ng lalaki dahil sa tatay nitong homophobic. Nag-iisang lalaki lang siya kasi kaya sino ang mag-aakala na kulay berde ang dugo niya?

Si Ziegfred lang ang nag-iisang kaibigan ni Maruja. Bestfriend na nga ang turing niya dito. Sa sobrang close nila ay minsan iniisip ng iba na kasintahan niya ito na siyang hinayaan naman nila dahil alam naman nilang imposibleng mangyari iyon.

"Nakipagkita ako sa isang buyer ng lupang bibilhin ko sa San Juan. That man is so gago! Wala namang kwenta ang ipapatayo niya sa lupang iyon makikipag-agawan pa sa 'kin!" Gigil na gigil si Maruja at ramdam iyon ng kanyang kaibigan.

"Sino ba iyan? Papabol ba? Akong bahala sa kanya," he said while smiling widely.

"Adamo Navida," she simply said.

Nanlaki ang mga mata ni Ziegfred sa sinabi niya. Kilala nito ang lalaking iyon dahil naikwento na niya ito dito. "The man you secretly like?"

"No other than." Nagtungo si Maruja sa kanyang kama at pagod na humiga doon. Bumuntonghininga siya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para pumayag itong ibigay na lang sa kanya ang lupa.

Bakit kasi tinarayan mo pa kanina. Iiling-iling na kastigo niya sa sarili.

"I need to think a way para mapapayag siyang ibigay na lang sa 'kin ang lupa," she muttered.

Ziegfred heard it kaya tumalon ito sa kama niya ay niyugyog ang balikat niya. "I have one."

Napatingin si Maruja sa kanya. "What is it?"

"You... You need to seduce him."

"What?" she shouted in his sudden answered. She can't believe it.

Ziegfred rolled his eyes and cross his arm above his chest. "That's the only way you have, babae. O baka may naisip ka pang iba?"

Natahimik siya at hindi napigilang mag-isip. Gusto niyang makuha ang lupa na iyon sa kahit anong paraan kaya kung hindi madaan ang lalaking iyon sa usapan, sa santong harot na may kasamang paspasan na lang. She won't be worry at her Ate Jessa for now. Ang importante kay Maruja ngayon ay ang lupang gustong bilhin din fiance ng nakakatandang kapatid niya. Adam pushed her into this, kung hinayaan na lang sana nito ang lupa sa kanya ay walang ganitong mangyayari.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status