Share

Chapter 5

"NAGUGUTOM ako!” Lumapit si Maruja kay Adam mula sa pagkakahiga sa kama. Kanina pa sila gising ngunit kahit isa sa kanila ay ayaw lumabas kapag hindi kasama ang isa. Adam was busy with his laptop, mula pa ito kagabi. 

He let her sleep at the bed, at ito ay natulog sa sopa. Malaki ang espasiyo no‘n kahit na tatlong tao ay kasiya doon. Alas kuwatro pa lamang ay nagising na sila kaya ngayon ay gutom na gutom si Maruja. Ngunit ang lalaking kasama niya ay mukhang hindi pa narinig ang kanyang sinabi. Kanina pa niya pinaulit-ulit sabihin iyon ngunit tutok talaga ito sa ginagawa. 

Dahil sa naramdaman pagkagutom ay inis na tumayo si Maruja. Kung ayaw nitong kumain ay mas mabuting umalis na siya. Mas okay nga‘t hindi ito sumama sa kanya. Dumeretso siya sa maleta at kinuha ang mga pinamili kahapon. She choose a blonde wig, she put some make up. Inayos niya ang sarili bago naglakad patungo sa pinto.

“Saan ka pupunta?” Bago pa siya makalabas ng kwarto ay narinig niya ang boses ni Adam.

Inis naman niya itong nilingon. “Kung wala kang planong kumain mabulok ka dito dahil ako kanina pa gustong lamunin lahat ng gamit dito!” Lumabas siya ng kwarto nang hindi ito hinihintay na sumagot.

Nagtungo siya sa restaurant na malapit sa hotel nila. Kung tutuusin ay pwede naman sila mag-order na lang ngunit hindi niya gusto ang pagkain sa hotel na iyon. Masarap naman ang pagkain nila pero hindi iyon sapat sa panlasa niya. Mas gusto niya sa hotel na pinagkainan nila ni Adam kahapon.

Hindi niya alam kung susunod ba ito sa kanya pero mas mabuti nang handa. She order for two person. Habang naghihintay ay nilibang niya ang sarili sa pagtingin sa paligid hanggang sa may umupo sa harapan niya.

“Did you order already?” he asked while smiling widely.

Tinarayan niya ito. “What are you doing here? Akala ko ba ay busog ka pa?”

“Did I say that?” 

Natigilan siya. “No, but you —”

“Then I‘m hungry,” wika nito. Nang tumayo ito ay nangunot ang kanyang noo. Nakasunod lang ang tingin niya dito nang buhatin nito ng bahagya ang upuan saka itinabi sa kanya. Nang makaupo ay tinitigan na naman siya nito. “Why are you wearing a  wig? Nag-make up ka?”

“For my safety of course! I know paparazzi was everywhere. Mahirap na baka kumalat iyon at malaman ni Ate.” Saktong dumating ang pagkain nila pagkatapos niyang sabihin iyon. 

They eat silently. Mabuti na lang at marunong namang makiramdam nitong katabi niya. She doesn‘t like talking while eating dahil nawawalan talaga siya ng gana. Every time na susubo si Maruja ay tumitingin siya sa paligid. Hindi niya maiwasang magmasid dahil baka bigla na lang may mga reporters na lumapit sa kanila. Ngunit lahat ng mga kumakain doon ay walang hawak na cellphone o camera man lang. Wala naman siyang napapansin kakaiba maliban na lamang sa mga babaeng nakatingin sa lalaking katabi niya na para bang hindi siya nakikita ng mga ito.

She pouted her lips and wiped her lips a tissue gently. Umirap siya kay Adam na napansin niyang nakatingin na sa kanya. Bigla yata siyang nainis. Bago pa ito makapagsalita sa iniwan na niya ito doon. She want to go and visit all the store in the Palawan, maghahanap siya ng pwedeng ibigay sa bekebop na kaibigan. 

Ngunit bago pa makalabas si Maruja sa restaurant ay may mga braso nang pumulupot sa kanyang baywang. Sa amoy na nanunuot sa kanyang pang-amoy ay agad niyang nakilala ito. Sinubukang niyang lumayo ngunit ayaw siyang bitawan nito.

“Wala ka bang seminar ngayon?” she asked nang mapagod siya kakapiglas sa hawak nito.

He shook his head at deretso lang ang tingin nito. “Mamayang tanghali pa,” he answered.

Pagkatapos nilang maglibot ay umalis na si Adam upang magtungo sa seminar nito. Dalawang oras lang naman daw iyon kaya ang ginawa niya ay nagtungo siya sa kwarto nila. Mainit na din kaya doon na muna niya hihintayin ang binata. Saktong pagdating niya sa kwarto ay ang pagtonog ng cellphone niya. The bekebop was calling. Agad niya iyong sinagot.

“Bakit?” bungad niya.

“As always, hindi ka talaga marunong bumati. Anong chika mo, babae?” So tumawag lang ito para maki-chismis? Napailing siya.

“Walang may nangyaring maganda sa araw ko simula ng dumating kami dito! That jerk is so annoying!” naiinis na wika niya at tumalon sa kama. 

“What happened?” 

“I‘ll tell you when we come back. For now, let me sleep dahil inaantok ako! See you, I miss you already!” natatawang saad niya.

“Fine! Sorry but I don‘t miss you!” Then he ended the call.

She put her cellphone on the table bago natulog. But before that she texted Adam na gisingin siya kapag nakabalik na ito dahil maglilibot siya.

MATAPOS ang seminar ay nabasa ni Adam ang mensahe ni Maruja. Napailing siya. Kaya ng yayain siya ng mga kasamahan ay tumanggi na siya dahil gusto niyang makasama ang dalaga. Pinuntahan niya si Maruja sa kwarto nila, at doon nga nakita niya itong mahimbing na natutulog sa malaking kama. She look so tame and tender in that state. Hindi niya maiwasang haplusin ang pisngi nito. Bago pa magising ni Adam ang dalaga ay tumunog muli na ang kanyang cellphone. Napabuntonghininga siya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. 

“Jessa?” Nagtungo siya sa beranda upang kausapin ito.

“You answer my call, huh? But what the hell? You didn't even call me. You didn't text me. Nothing! Hanggang kailangan ako maghihintay, Adam?” Her loud and irratating voice echoed to Adam ear. 

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “You know the reason, Jessa.”

“Ako ang fiance mo Adam, baka nakakalimutan mo ang kasunduan nating dalawa? Kung ayaw mong ipa-abort ko itong bata —”

“Stop!” Tumiim ang bagang niya. Lagi na lang ganito ang pinag-aawayan nila. Kung hindi lang ito buntis ay matagal na niya itong iniwan. Malayong-malayo ang ugali nilang makapatid. “You better stop talking about abortion Jessa, dahil kapag may mangyaring masama sa bata ay malalagot ka sa ‘kin. Huwag mo akong susubukan. I can make your life miserable anytime I wanted to!” Saka niya pinatay ang tawag. 

Muli siyang pumasok at umupo sa kama. He clenched his jaw nang maalala ang gabing may nangyari sa kanila ni Maruja. Umaasa siyang maaalala nito iyon ngunit ilang buwan na ang lumipas pero parang wala man lang itong reaksiyon. Thinking that Maruja didn‘t remembered about what happened to them makes him frustrated. Parang gusto na lang niyang ipaalala dito ang gabing iyon. That‘s the most memorable night happened to Adam‘s life but sadly, the woman can‘t remembered it. 

“Baby?” He sweetly caress her cheek with his thumb. “Wake up, sleepyhead!” 

Mabuti na lang at agad nitong iminulat ang mga mata. Nang tuluyan na itong nakadilat ay nagkatitigan pa sila. Adam wants to smirk when Maruja stared him hanggang sa gumalaw ang labi nito saka ngumuso sa kanya. 

“Alis na tayo?” she asked softly.

Tinulungan niya itong makabangon. Nang tumango siya ay agad itong pumasok sa banyo, siguro para mag-ayos. Sasamahan kasi niya itong maglibot. He can't leave her roam around by herself. Sa nangyari kahapon ay hindi niya ito hahayaang mapag-isa pang muli.

“Anong oras ang seminar mo bukas?” Tinaasan ni Maruja ng kilay ang katabing lalaki.

“Wala na. Tinapos na namin kanina so tomorrow I am free.” Sandali itong natigilan. “What if we try to go at the other island? Bukas ba tayo bumalik.”

Napatingin siya dito. “Other island? I thought, other island was dead? No trees. Wala nang katao-tao? How come?” 

Nagtataka lang siya. Sa pagkakaalam niya ay wala na talagang Isla na mas maayos dito. Bago pa siya makapagsalita ulit ay hinila na siya ni Adam pabalik sa kwarto. Nakasunod lamang siya nang ayusin nito ang maleta nila. At hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili na nakasakay sa yate. Si Adam ang nagmamaneho no‘n. 

“Let‘s stay here for tonight.” 

Napanganga na lamang siya ng hilahin siya nito papasok sa loob ng isang may kalakihang bahay doon. The house was so beautiful. Para itong sinaunang bahay, gawa iyon sa kahoy. Kahit saang angulo tingnan ay maayos ang bawat angulo. Malinis at maaliwalas ang buong paligid. It's look like nililinisan ang bahay na ito araw-araw dahil sa linis at ganda pa din ng buong lugar. 

“Kanino ‘to? Hindi ba tayo pagagalitan?” Nilibot niya ang buong paligid, bawat gamit at sulok ng bahay ay tiningnan niya. 

“Sa Lolo ko ito, pinamana niya sa ‘kin. Come, I'll show you your room.” Sumunod naman siya. 

Pagbukas pa lamang ni Adam ng isang kwarto ay halos mahulog na ang panga niya. Sobrang laki kasi ng kwartong iyon. Mukhang malaki pa ito sa condo unit niya. Ngunit paano nangyari, kung titingnan sa labas ay hindi naman kalakihan ang bahay. 

“This is so cool, sana pala ay matagal mo na akong niyayang pumunta dito. Ang ganda ng bahay.” Nagmamadaling nagtungo siya sa kama at tumalon doon. “Sobrang lambot.”

“You want to live here?” Nahihimigan niya ang aliw sa boses nito kaya napalabing tiningnan niya ito.

“Kung ibibigay mo sa ‘kin itong bahay, bakit hindi?” Mahina siyang tumawa at sinenyasan itong lumapit. “Tingnan mo sobrang lambot ng kama. Ganito din ang sa kwarto mo?” 

“Yeah,” malamig na wika nito at tumabi sa kanya ng higa. Ngunit ilang minuto ang lumipas nang bahagyang bumangon ito at itinukod ang siko sa kama, bahagyang dumungaw sa kanya. 

Hindi niya maiwasang mailang sa ginawa nito. Akmang babangon siya nang itinukod nito ang isang kamay sa kabilang gilid niya, upang mapaloob siya sa mga bisig nito.

“A-Adam...”

“Do you want to live here with me?”

Hindi alam ni Maruja kung nabibingi lamang ba siya sa kanyang narinig. Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Pigil ang hiningang napatitig siya dito. Nang dahan-dahang bumaba ang mukha nito ay hindi niya maiwasang mapapikit. Maruja waited his lips to meet her. May kung anong excitement siyang naramdaman na dapat ay hindi.

And I want you to remember that you can't love him even more. You knew he's off limit. Nakatali na siya sa Ate mo, so you better distance yourself from him. You understand me?

Hanggang sa nag-echo sa kanya ang sinabi ng kanyang kaibigan. Naimulat niya ang mga mata. Bago pa niya maitulak si Adam ay dumampi na ang labi nito sa kanya. Sa pagdampi pa lang ng labi nito ay para bang hinalukay na ang kanyang tiyan. She felt the sensation and contented by his kisses. Napapikit siya nang mariin. Saka wala sa sariling isinabit ang pareho niyang kamay sa batok nito. Masakit

sa dibdib ang sobrang kabang nararamdaman niya, nahaluan pa iyon ng kakaibang alon dulot ng matinding emosiyon.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rosalinda Terado
Please more more updates
goodnovel comment avatar
Emily Dilao
update please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status