Share

Chapter 4

MASAMA ang tingin ni Maruja kay Adam simula pa kanina. Ngunit ang lalaking nasa kanyang harapan ay kalmado lang na nakaupo sa upuan nito. Hindi talaga inaasahan ni Maruja na mangyari iyon. Samantalang hindi niya naipagkakailang pamilyar sa kanya ang sensasyong naramdaman niya kanina.

"What? Are you going to stared me until later?" Adam was smirking at her, his happy seeing her reaction.

Parang gusto tuloy niyang sampalin ito. Inis na tumayo si Maruja at hinablot ang kanyang bag. Wala siyang mapapala dito. Her mission for today is failed. Paniguradong bungangaan na naman siya mamaya ng kaibigan niya kapag nalaman ito. Bago umalis ay dinuro niya si Adam na ngayo'y titig na titig sa kanya.

"Ulitin mo pa ang ginawa mo at sinisiguro kong malalaman ito ni Ate Jessa!" Tumalikod siya ay naglakad patungo sa pinto.

"Do you think she will believe in you? She loves me, Maruja." Who cares kung mahal ito ng Ate niya? Marami din namang nagmamahal sa kanya. Hindi nga lang tao, siguro mga hayop. Mahal naman siya ng alaga niyang pusa.

Hindi maiwasang irapan siya ni Maruja at muling sinamaan ng tingin. Sa susunod na lamang niyang gagawin ang plano. Sa ngayon ay ayaw na mula niya itong makasama. Kahit sobrang lakas ng tambol ng puso niya ay hindi niya hahayaan na daigin nito ang emosiyon niya.

"Okay! Hindi ko naman tinatanong!" Mataray siyang sumiring at naglakad palabas ng opisina nito.

Saktong pagpasok ni Maruja sa elevator ay narinig niya ang boses ni Adam. Nang lumingon ay agad niya itong nakita, halos gusto niyang isara bigla ang elevator sa sobrang kaba niya ngunit masyadong mabakal ang pagsarado no'n. Inis na napapadyak na lang siya ng tuluyang nakapasok na ito. At ang lalaking ito ay walanghiyang tumabi pa sa kanya.

"Where are you going?" he asked, a stunned expression crosses his face.

Maruja crossed her arms. "Somewhere, kung saan hindi ko makikita ang mukha mo!"

Hindi na ito pinansin ni Maruja hanggang sa bumukas ang elevator. Masama ang templa ng kanyang mukha na lumabas sa kompanya nito. Hindi niya alam kung guniguni lamang niya iyon pero may narinig siyang nag-uusap bago siya makalabas. Hindi alam ni Maruja kung siya ba ang tinutukoy ng mga ito.

"Siya ba ang girlfriend ni Sir Adam?"

"Hindi ko alam. But she's pretty, bagay sila ni Sir."

"Ang swerte niya."

Kumunot ang noo ni Maruja. Nagtataka siya kung bakit gano'n ang usapan ng mga ito. Hindi ba alam ng mga ito ang tungkol sa Ate niya at kay Adam? Hindi ba binalita iyon? Adamo Navida is a famous engineer and billionaire too, kaya hindi niya inaasahan na walang may nakakaalam na may fiance na ito. Natigilan si Maruja at nilingon ang kompanya ni Adam. Napalabi siya kasabay ng pagtaas ng kilay niya.

"So, hindi pa nakakapunta si Ate sa kompanya ng baliw na 'yon?" Knowing her Ate, mahilig magpunta iyon sa kung saan-saan kaya himalang hindi man lang nito binibisita ang kompanya ng fiance.

Akmang papasok na si Maruja sa kanyang kotse ng may nauna sa kanya doon. Nabibiglang sisinghalan na niya ito ng makita kung sino ang walang habas na pumasok sa kotse niya. Anong ginagawa nito dito? Kinunutan niya ito ng noo.

"What are you doing? Lumabas ka nga diyan! Nagmamadali ako!" Totoong nagmamadali siya. Pupunta pa siya kay Arvin ngayon at hindi maaaring sumama ang lalaking ito.

"Ipagmamaneho kita. Hop in, Maruja." Ngumisi ito sa kanya saka sinara ang pinto. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na lang kahit labag iyon sa kanya.

Sa kompanya niya siya nagpunta muna. Kapag nakaalis na ito saka na lamang siya magtungo doon. Sabay silang lumabas ni Adam ng kotse pagkarating doon. Ibinigay nito ang susi. Nang makuha iyon ay hinintay niyang umalis ito ngunit nagsalubong ang kanyang kilay ng makitang hindi man lang ito umaalis sa kanyang harapan.

Nang tingnan niya ito ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Biglang naalala ni Maruja si Arvin kaya napaiwas siya ng tingin dito. Lumapit si Adam sa kanya at hinila ang kanyang baywang. Halos lumuwa ang mata niya.

"A-Adam, ano ba!" Luminga-linga siya sa paligid at pilit na lumayo dito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya.

"Can you come with me tomorrow?" he asked at lalong nilapit ang mukha sa kanya.

"Ha? Saan? At bakit ako ang tinatanong mo niyan?" Napapalunok pa siya. Hindi niya alam kung nararamdaman din ba ni Adam ang lakas ng kabog ng puso niya dahil sa masyado itong dikit sa kanya.

"In Palawan, I have a seminar there for three days. I need an companion so I'm asking you." Hinaplos nito ang pisngi niya na tinampal naman niya. Patuloy pa din siya sa pagpupumiglas dito. "Stop wiggling! Do you want me to kiss you again, hmm?"

Agad na napatigil si Maruja. Masama ang tingin niya dito. "Bakit hindi si Ate ang isama mo? I'm busy —"

"Kahit ang kapalit no'n ay ang dokumento ng lupa?" putol nito sa sasabihin niya.

Hindi mapigilan ni Maruja na panlakihan ng mata. Nakita niyang napangisi ito sa naging reaksiyon niya. Nang bitawan siya nito ay nakaramdam siya ng kaba at pagkataranta.

"If you don't want, then I think ang Ate mo na lang ang isasama —" Hindi na niya ito pinatapos pa at malakas na sumagot dito.

"Sasama ako! I'll ready my things na para bukas. Hintayin na lang kita dito, okay bye!" Umalis na agad siya sa harap nito. Mahirap na at magbago ang isip nito.

Narinig pa ni Maruja ang pagtawag nito ngunit hindi na niya pinansin. Agad siyang sumakas sa kotse at pinaharurot ito. Ngunit bago dumeretso sa bahay niya ay dinalaw na muna niya si Arvin. She buy his favorite flower which is tulips. Mahilig kasi ang dating nobyo sa mga bulaklak. Ang daming alam nito lalo na kapag mga bulaklak na ang pinag-uusapan.

Pagkarating sa sementeryo ay binagtas niya kung saan nakalibing si Arvin. Hindi niya maiwasang malungkot at masaktan nang makarating doon. Dahan-dahan niyang nilapag ang bulaklak sa gilid ng lapida nito. Mga alala nila ay nanumbalik sa kanya hanggang sa hindi niya mapigilan ang unti-unting pagtulo ng kanyang mga luha.

"I miss you, Love! Kamusta kana diyan? Sana masaya ka kung nasaan ka man." Ngumiti siya ng mapait. "Hanggang ngayon sinusubukan ko pa ring buuin muli ang sarili ko. Mahirap, Love. Ang hirap kalimutan ka, at maging masaya ng tuluyan. Dalawang taon na ang nakakalipas pero nandito pa din ang sakit. Sobrang daya mo eh, iniwan mo na lang ako bigla. You didn't wait me. Iniwan mo ako ng hindi tinutupad ang isang pangako mong sabay tayong tatanda. Maayos na ang lahat ng pinaghirapan natin, ang bahay at kompanya. Ikaw na lang ang kulang, Love. Sobrang miss na miss na kita, minsan nga naisip ko na din na sumunod sa'yo diyan pero alam kong magagalit ka." Tumingala siya at tinitigan ang langit. "Malapit ko ng makuha ang lupa love, at masisimulan ko na rin tuparin ang huling pangarap mo. Hinding-hindi kita bibiguin. Mahal na mahal kita, Arvin! Hangga't narito ka pa sa puso ko hindi ako magmamahal ng iba ng higit pa sa pagmamahal ko sa'yo!"

Pagkatapos niyang makipag-usap dito ay umalis na din siya. Pagkarating ng bahay ay nag-ayos siya ng dadalhin bukas. Last month lang natapos ang bahay na pinagawa nila ni Arvin noon. Naudlot kasi ang pagpagawa nila ng mamatay ito. Hindi niya agad naasikaso dahil sa kanyang pagdadalamhati sa pagkamatay nito. Arvin dead because of brain tumor. Walang alam si Maruja sa sakit nito dahil tinago nito iyon sa kanya. Kapag magkasama sila ay malakas naman ito ay hindi mahahalatang may sakit. Napaghinalaan pa nga niyang may babae ito noong panahon na ilang linggo itong hindi nagpapakita sa kanya. Ang dahilan pala ay nandoon ito sa hospital. Huli na niya ng malaman, nag-aagaw buhay na ito hospital. Tumawag lang sa kanya ang private doctor nito. Sinabi pala ni Arvin sa doktor nito na huwag sabihin sa kanya ang tungkol sa sakit nito ngunit sa huli ay sinabi ng doktor nito sa kanya dahil sa awa din nito. Umaasa kasi si Arvin na gagaling pa ito kaya ayaw nitong ipaalam sa kanya.

Wala ng magulang si Arvin, namatay dahil sa paglubog ng barko. Hindi nito alam kung may mga kapamilya pa ba itong naiwan. Bata pa siya ng ilayo siya ng mga magulang niya. Walang pinakilalang malalapit na kapamilya ang magulang nito.

"Saan ka pupunta, babae? At talagang hindi mo ako isasama?" Biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

"Isasama ako ni Adam sa Palawan, kung gusto mong sumama ay sa kanya ka magsabi." Konti lang ang dinala niyang damit dahil tatlong araw lang naman sila doon.

"Oh Adam! Bakit ikaw ang isasama niya, aber?" Ziegfred asked her.

Nagkibitbalikat siya. "I don't know. May kapalit ang pagsama ko sa kanya, bekebop. I'll come with him in exchange of documents of the land. Mas okay na rin ito kaysa ang gawin ang plano mo na akitin siya." Hinarap niya ito. "My first try was failed, bekebop."

Halos maikutan naman siya nito ng mata. "Huhulaan ko, imbis na ikaw ang umakit sa kanya ay ikaw pa ang naakit niya right?"

Napalabi si Maruja. "I didn't expect that he will kissed me, bekebop. Hindi dapat nangyari 'yon, wala dapat na mangyaring gano'n." Sinapo niya ang sentido at dahan-dahang hinilot ito.

"H-He what? He kissed you? Ano ba naman 'yan, Maruja Del Russo! Did you let that happened?" Tinitigan nito ang mukha niya hanggang sa mupo ito sa tabi niya na umiiling-iling. "And you will come with him? I'm just concerned to you, babae. I know you're very marupok in everything. So, I'm asking you ...can you really do it in three days? Wala bang magbabago sa tatlong araw na iyon? I want you to remember that you can't love him even more. You knew he's off limit. Nakatali na siya sa Ate mo, so you better distance yourself from him. You understand me?"

Nakaramdam ng bahagyang kirot sa puso si Maruja. Kahit anong iwas niyang huwag masaktan sa narinig ay nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paanong naging ganito ang nararamdaman niya para kay Adam. Alam niyang hindi pa naman niya ito mahal. She like him, at iyon ang alam niya. Pero nasasaktan siya kapag naririnig na nakatali na ito sa iba, at sa Ate pa niya.

I can do it. Matatapos ang tatlong araw ng hindi lalala ang nararamdaman ko sa kanya. After three days, sinisigurado kong lalayo na ako.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status