VANCE'S POV
COLLEGE Days.
Nagpasalamat ako sa maid na naghatid sakin papunta sa garden kung nasaan si Wena.
Nang makaalis na ang maid ay pinagmasdan ko ang ganda ng ayos sa labas. Nakakahalina ang mga halaman bago ka makapasok sa sentro ng garden.
May mga ibon at butterfly pa na nagliliparan sa paligid.
Napabaling ako sa pasukan ng garden at natanaw ko mula doon si Wena kasama ang isang lalake.
Nakuha ng lalake ang atensyon ko nang makita ko ang itsura at tindig nito.
Bumilis ang tibok ng puso ko.Pakiramdam ko may mga paru-parong biglang nagsulputan sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit.
Ah, siguro 'yon ang sinasabi ni Wena na idine-date na niya ngayon at ipapakilala palang samin.
Ang gwapo naman! Perfect! Ganyan na ganyan ang mga tipo kong lalake.
Nakaramdam ako ng inggit. Kung may unang bagay akong kinaiinggitan kay Wena 'yon ay ang pagiging babae niya. Ang panalangin kong sana maging ako.
Para malaya akong magmahal at mahalin ng isang lalakeng pinapangarap ko.
Para matanggap ako ng lahat ng hindi humihingi ng paliwanag kung bakit ito ang kasariang pinili ko.
Humugot ako ng malalim na paghinga at matipid na ngumiti. Sa kabila ng nararamdaman kong inggit masaya ako para kay Wena.
Isa si Wena na ipinagpapasalamat kong meron ako. Na tanggap kung ano ako. Na iginagalang ako. Na ipinaparamdam sakin ang halaga ko at kamahal-mahal ako.
At hindi lang siya ang meron ako. Meron pa akong tatlong ganon sa buhay ko ang mga kaibigan din namin ni Wena na sina Braxton, Calvin at Davion. Take note, mga lalake sila. Straight, hearthrob at kung minsan ay certified playboy!
Sa Unibersidad na pinapasukan namin, ang mga kaibigan ko lang ang nakakaalam
Sa kilos at itsura ko walang mag-aakala na ganon ako.
Hindi ko 'yon mailabas at maipagsigawan sa lahat dahil sa nakaraan at pamilya kong hindi tanggap kung sino ako.
Ang mahalaga, alam ko sa sarili ko ang gusto ko. At isa nga sa gusto ko ay 'yong mga tipo ng lalaking harap ngayon ni Wena.
'Yong tindig na mapapanganga ka habang papalapit sayo. Tindig na nagsusumigaw sa pagkalalake niya.
Kahit malayo tanaw ko ang mukha niyang gwapo.
Nagising ako mula sa pagmumuni-muni nang mapabaling ako kay Wena. Nasa mukha niya ngayon ang galit at takot para sa kausap habang nagsasalita.
Napabaling ulit ako sa lalake na nagngangalit ngayon ang mga panga. Kahit nakakapanghina ng tuhod ang paggalaw at pagsasalita nito, ginising ko ang sarili ko.
Sandali! nag-aaway ba sila?
Inobserbahan ko kung ano ang nangyayari."Tama na! Ayoko na!" sigaw ni Wena dahilan para mapahakbang ako.
Napahinto ako nang sampalin ng lalake si Wena gamit ang likod ng palad nito.
Nagulat ako.
Kumuyom ang mga kamao ko't patuloy na humakbang papalapit sa dalawa, hakbang na naging takbo.
Wala akong pakialam kung ano ang relasyon nila ngayon. Kaibigan ko si Wena at hindi ako papayag na may manakit sa kanya. Lalo na ngayon na hawak pa ng lalaki ang buhok ni Wena pasabunot.
"Hoy! Itigil mo 'yan tarantado ka!" sigaw kong nang makalapit.
Nabitawan ng lalake si Wena nang itulak ko siya saka umigkas ang kamao ko para bigyan siya ng nararapat na suntok.
Pero bago tumama ang kamao ko panga nito. Nagtama ang mga mata namin. Ang weird, nag-slow motion ang mundo ko. Bumilis at lalong lumakas ang kabog ng puso ko.
"Vance!" sigaw ni Wena.
Bumagsak ang lalake sa lapag. Iniiwas ko agad ang tingin ko nang makaramdam ako ng guilty at makita ang reaksyon niya.
Nagmukha siyang cool sa pagbagsak niya, pagngisi, at pagdama ng daliri niya sa gilid ng labi niyang tinamaan ng kamao ko.
"Hey!" hagilap ko sa braso ni Wena ng balakin niya pang lapitan ang gagong gwapong lalakeng 'yon! "ganyan na ba ang klase ng lalakeng dine-date mo ngayon?!" pasigaw ko nang sabi.
Hindi ko matanggap na ang tapang-tapang ni Wena sa harap namin tapos papayagan niya lang na saktan siya ng ganon.
Binawi niya ang braso niya.
Nawala na sa mukha niya ang takot na nakita ko sa kanya kanina. Napalitan na 'yon ng pag-aalala para sa lalake.
"Sumagot ka Wena!" baritonong sigaw ni Davion.
Bago ko lingunin si Davion. Sinulyapan ko ulit ang lalake na ngayon ay nakatayo na at nagpapagpag ng pantalon.
Ngumisi ako.
Lagot ka! Tiyak na hindi lamang suntok ang matatanggap mo mula kay Davion.
"We're just acting," dinig kong sagot ni Wena.
Napangiwi ako nang matawa sa sinabi niya para lang ipagtanggol ang lalake.
Umangat ang tingin sakin ng lalake saka ngumisi.
Natulala ako nang masilip ang ngiti niya.
Taglay niya ang makapal-kapal at namumulang mga labi na pagbumukas ay sumisilip ang maganda at mapuputi niyang ngipin. Napakaganda ng ngiti niya na pinaparisan ng matangos na ilong at namumungay niyang mga mata.
"Uma-acting lang kami para sa pagsasadula ng pagsasamantala sa kababaihan," sapak ni Wena sa braso ko saka ako napatingin sa kanya.
Pinagmasdan ko ang pisngi niyang nakita kong sinampal ng lalake kanina. Walang bakas doon ng daliri o senyales na may pwersang lumapat doon.
Damn! nagsasabi siya ng totoo!
"Nakalimutan mo na ba na isa ako sa magtatanghal sa event natin para sa paggunita ng international women's day?" laki ng mata niya sakin.
Saka lang ako napabaling kay Davion.
Tumango siya senyales na nagsasabi ng totoo si Wena. May bitbit siyang dokumento mukhang 'yon ang script sa dulang ineensayo nila Wena bago ako dumating."Look around," sabi ni Davion.
Iginala ko ang paningin sa paligid. Nasa table set ang iba nilang kasama. Lahat nakamasid samin. Halatang gulat sa nangyari.
Sinulyapan ko ulit ang lalake na ngayon ay nakapamulsa ang mga kamay habang nakatitig sakin.
"Siya si-"
Hinatak ko si Wena palayo at pumunta sa lugar na hindi kami maririnig ng lalake. Habang nilapitan at kinausap naman ito ni Davion.
"Wena! akala ko siya 'yong dine-date mo!" ngayon naging malambot na ang tono ko.
Nakatalikod ako sa paningin ng marami.
Umiling siya, "Hindi kami nagde-date.""Bakit ba naman kasi ang gwapo ng kinuha n'yong kapareha mo?!" na-excite ako sa nakumpirma ko sa kanya na hindi sila nagde-date. "Paano kung gustuhin ng ibang mga babae na magpabugbog nalang," nagbibiro lang ako, "makasama lang ang ganyan ka-gwapong-"
Naputol ang sinasabi ko nang lumapat ang dalawang daliri ni Wena sa bibig ko na umabot pa hanggang sa ilong ko.
Ang pangit ng itsura ko ngayon!
"Gusto ni Vance na humingi ng sorry sayo Steven!" sigaw ni Wena sa likod ko.
Nagulat ako. Hindi dahil sa sinasabi niyang paghingi ko ng tawad kundi dahil sa epekto sakin ng lalake, ang isipin na haharapin ko siya.
Steven? Steven, ang pangalan niya! God! pangalan palang ang gwapo na!
Napapikit ako saglit nang tanggalin ni Wena mga daliri sa bibig ko.
"Hurry up," siko niya sakin, "wag ka nang magpaganda dyan," pabulong niyang sabi.
Kinundisyon ko ang sarili ko nang humarap ulit sa lalake.
"Im sorry Steven!" nataranta kong sabi habang humahakbang ng mabilis palapit sa kanya.
Naabutan ko siyang naglalakad na palayo, iniwan si Davion.
Napalunok ako. 'Yong likod niya at paglakad nakakapagpakabog na ng d****b ko.
Sumenyas sakin si Davion na lapitan ko.
Humakbang ako para sundan siya. Hakbang na naging takbo.Hindi ko inaasahan ang bigla niyang paghinto at pagharap sakin. Tapos titig na titig siya sakin.
Nawalan ako ng kontrol.
Babangga ako sa kanya!
Pero hindi nangyari 'yon.
Inilapat niya ang kamay niya sa d****b ko para pigilan ang tuluyan kong pagbangga sa kanya.
'Yong paglapat ng kamay niya sa d****b ko, nagbigay sakin ng kung anong kuryenteng kumalat sa buong katawan ko.
Huminto ang paghinga ko. Malapit pa din kasi kami sa isa't isa. Isang dangkal lang ang layo namin. Medyo matangkad siya sakin ng konti kaya bahagya siyang nakayuko.
Nagkatitigan kami.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam na sa kanya ko lang naramdaman.
Parang biglang nahigop ng kamay niya ang lakas ko nang bawiin niya ang kamay sa d****b ko tapos bahagya akong tinulak.
Nanghina ang tuhod ko pero nagpakatatag ako.
Napalunok ako. Agad kong hinanap ang nawawala kong sarili sa harap niya.
Nag-angat ako ng tingin.
Ginising ko ang sarili ko, "Im-" napalunok ako. Come on! "Im sorry-"
"Hindi ako tumatanggap ng sorry," simpatiko niyang sabi.
Kahit nayabangan ako sa asta niya hindi ko maiwasang humanga sa boses niya.
Ang boses niyang nakakapanginig ng katawan.
Oh my God!
"Dinner. Mamaya 7:00 pm sa Muyareba Restaurant."
"Ano?" parang nabingi ako. "Anong gusto mo-"
"Take you out," seryoso niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko.
Inaaya niya ba akong mag-date?
Nagrambulan ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Panibagong grupo ng butterfly ang nagliparan sa tiyan ko.
Tumigil ang mundo ko at umikot lang para saming dalawa.
Damn! syempre hindi!
Nakikita naman niya na pareho kaming lalake di ba?
Ah!
Napangisi ako sa naisip ko.
Bigla kong naisip na sinasamantala niya ang pagkakataon para magpalibre ng dinner. Alam ko 'yong gantong mga galawan.
Iba din ang style nito para makapagpalibre ah!
Ang mahal kayang kumain doon sa Muyareba Restaurant. Nakakakain lang ako doon kapag nililibre ako ng mga kaibigan ko.
Paano kung pumayag nga ako tapos madami pala siyang isasama? Mapapahamak ako sigurado kasi wala sa budget ko na magbayad ng malaking bill.
Naningkit ang mata ko nang tignan si Steven mula ulo hanggang paa.
Wala sa itsura niya ang mangloloko. Sa bihis, kilos at itsura niya mukha naman siyang maraming pera. Napailing ako.
Hindi, mali ako. Marami namang taong mukhang maraming pera parang ako.
Pero ng muli ko siyang tignan. Napako ulit sa mga mapupungay at seryoso niyang mga mata ang paningin ko.
Naisip kong mali ang iniisip ko tungkol sa kanya.
"I- I-settle nalang natin ito dito," nauutal na ako, "magkano ba kailangan mo?"
Kumunot ang noo niya.
Shit! bakit ba ganon ang nasabi ko? Ako na hirap sa pera, nag-aalok ng pera para i-settle to?
'Yon nalang kasi ang naisip ko. Naalala ko kasi ang mga kaibigan kong lalake. May mga pagkakataong nagbabayad sila sa mga nasusuntok nila.
Kinabahan ako. Sana lang hindi malaki ang hingin niya.
"Pwede na ba ang three thousands?" ako na nagpresyo.
Ngumiti si Steven tapos maotoridad siyang nagsalita, "Let's date."
VANCE'S POVMAYA-MAYA pa ay tumayo na sina Steven, Ryker, Ivan at Dert at saka sabay-sabay silang naglakad.Bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko si Steven. May kung anong humahaplos sa puso ko dahilan para bahagyang humupa ang galit ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng paghanga sa kanya.Mula palang sa pagtayo niya, pagsuklay ng mga daliri sa buhok niya, pagbuntong hininga habang saglit na nagkagat-labi, ang pamumulsa niya at ang paglakad niya habang sinasabayan ang tatlo ay naging kaakit-akit sa paningin ko. Parang nag-slow motion ang paligid habang naglalakad sila. Para bang nanonood ako ng isang music video. Tila isang magandang tugtugin ang nabubuo sa pagpintig ng puso ko habang sinusundan ng mga mata ko si Steven. Kasunod ng pag-ihip ng hangin ang tila tuluyang pagtangay niyon sa galit sa dibdib ko, natira nalang ang damdamin kong muling nahuhulog para sa kanya.Ah, paano niya nagagawang galitin ako at pawiin 'yon agad ng hindi niya namamalayan?"Wow!" biglang
VANCE'S POVNAKATUTOK ang atensyon ko sa cellphone nang maramdaman ko ang pag-park ng sasakyan sa gilid ng kalsada. "Vance may kukunin lang ako, hindi ako magtatagal. Dito ka muna," dinig kong sabi ni Davion sabay tanggal ng seatbelt niya.Papunta kami ngayon sa shooting site kung saan namin gagawin ang isang short film. Ako ang isa sa kinuha nilang pansamantalang magiging kapalit ng cinematographer nila."Okay," sulyap ko sa kanya sabay tingin sa labas ng sasakyan kung saan kami huminto. Kasabay nang pagsara ng pinto ang pagkalabog ng puso ko nang matanto kong nasa lugar kami malapit sa iniiwasan kong puntahan, ang building kung saan nakaburol ang labi ni Drew. Nasa loob na kami ng University. Bakasyon pa naman pero marami pa ring estudyante ang pumupunta dito. Ang iba ay dahil sa summer classes, trainings, activities at iba pa tulad ng burol ni Drew. May tatlong araw nang nakaburol si Drew. Tinanggap ng Unibersidad namin na dito siya iburol bilang pagkilala sa kanyang mga magand
VANCE'S POV"SINO ka?" sabay naming tanong nang mahawakan ko ang braso niya.Isang binatilyo na sa tantsa ko ay nasa high school palang. Matalim ang mga tingin niya sa akin. Napansin ko agad ang pagkakahawig niya kay Drew kaya agad kong binitawan ang braso niya."Sinong nagpadala sayo?!" sunod niyang tanong. Pero bago pa ako makasagot ay muli na namang umigkas ang mga kamao niya papunta sa akin. Muli kong inilagan ang mga 'yon.Umatras ako ng masmalayo sa kanya at saka nagtaas ako ng kamay. "Sandali-" Ngayon ay umigkas na din ang mga paa niya sa ere para patamaan ako.Ah! wala siyang balak na pakinggan ako. Umiilag lang ako at umaatras.Kahit na inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko ay hindi pa rin siya tumitigil. Hindi nito makuha na wala akong planong lumaban sa kanya at mukhang hindi din ito madaling sumuko para tamaan ako. Kita ko ang matinding galit sa mga mata niya... Galit para sa isang kalaban... Kalaban na banta sa buhay niya at sa mga taong mahalaga sa kanya.
VANCE'S POVNAGKAGAT-LABI ako nang pigilan ko ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko. Ngayong gabi nakita ko ang pagluha ng tatlong taong mahalaga sa buhay ko at ayoko ng ganitong pakiramdam.Una si Steven, pero ganon pa man ipinagpapasalamat ko na sa gitna ng pagluha niya ay mababakas ang tapang sa mga mata niya na harapin ang lahat ng ito. Si Davion, nakita ko ang palihim niyang pagluha habang nasa medyo madilim ang kinaroroonan namin kanina. Kita ko ang sakit at pagsisisi sa mukha niya.At ngayon ulit si Wena...Kumuyom ang kamao ko. Tama bang ako talaga 'yong nasa tabi nila ngayon?Naalala ko ang sinabi ni Steven kanina bago niya ako iwan sa mga kaibigan ko. "Even if this is happening, gusto kong nasa tabi kita dahil ikaw ang pinagkukunan ko ng lakas at dahil mahalaga ka sa akin. So it is okay to let your friends know that you are here for them, dahil alam kong mahalaga ka rin sa kanila at isang kaibigan na pwede din nilang pagkunan ng lakas."Dinama ko ang malamig na pag-
VANCE'S POVNAPAPIKIT ako. Napapikit ako para hindi na tumatak pa sa alaala ko ang pag-alis ni Wena tulad ng pagtatak sa isip ko ng pag-alis ni Steven kanina na sumusugat ngayon sa puso ko.Umawang ang labi ko nang gumuhit ang sakit sa puso ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napakasakit. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko may nakatarak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.Kumuyom ang mga kamao ko. Napadilat ako. Tumingala sa kalawakan at saka sumigaw.Sumigaw ako ng napakalakas. Ibinuhos ko sa pagsigaw ang bigat sa dibdib ko na hindi ko kayang bitbitin ng matagal.Sumuntok ako sa lapag. Ibinuhos ko sa pagsuntok ang galit, takot at sakit sa puso ko. Umasa akong mababawasan ang nararamdaman ko pero hindi. Habang nasa alaala ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon, lalo lang akong nahihirapan. Lalo kong nakikita kung gaano ka-komplikado ang lahat."Tang-nang buhay to!" sigaw ko ng ibwelo ko ang kamao ko para sa pinakamalakas na suntok na kaya kong ibigay sa lapag. Nang biglang m
VANCE'S POVNANATILI lang silang nakatingin sa akin. "Tulad ni Wena mga human rights advocates sila," pa-uulit ko, "mga aktibista lang sila at hindi armaduhan!""Wala silang pakialam," agad na sagot ni Braxton bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo, "at alam mo dapat 'yon," madiin pero maingat niyang sabi.Para akong sinampal sa sinabi ni Braxton. Blangko akong napatitig sa kanya.Ah! oo nga pala. Kilala ko ang Tito at ang Daddy ko.Tinatawag silang tagapaglingkod ng bayan pero humihinga at umaakto sila na pag-aari nila ang lahat ng meron sa probinsya namin pati na ang mga tao, pati ang mga buhay nito. Kahit na iniluklok sila ng taong-bayan para magsilbi, gampanan ang posisyong sinumpaan nila at tuparin ang mga pangako nila tuwing eleksyon.Ang totoo, umupo sila sa posisyon para sa pansarili nilang interes at kapakinabangan, para sa pera at kapangyarihan. Posisyon na magbibigay proteksyon sa interes nila at magbibigay katuwiran sa mga mali nilang desisyon na ikinapapahamak ng mamamaya