Share

Take you out (BL - Taglish)
Take you out (BL - Taglish)
Author: DauntlessThird

Prologue

Vance's POV

"VANCE mahal kita!" sigaw ni Steven sakin nang talikuran ko siya.

Napahinto ako.

Napigilan ko ang sarili kong lingunin siya pero hindi ang pagpatak ng mga luha ko.

Humugot ako ng malalim na paghinga. Umaasa akong mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Sinikap kong maging matatag ang boses ko, "Hindi na 'yon mahalaga," pikit ko, "makakaalis ka na-"

"That matters to me!" hatak niya sa braso ko.

Nanghihina ako kaya madali niya akong naisandal sa pader. Yumuko ako, nanalangin akong hindi niya makita ang mga luha ko.

"Sakin mahalaga 'yon," angat niya sa mukha ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Steven.

For the last time. Gusto kong matitigan ang mukha niya, mabasa ang mga mata niya at marinig ang boses niya ng masmalapitan.

Naramdaman ko ang hirap ng kalooban niya ng humugot siya ng malalim na paghinga.

"Mahalaga sakin na malaman mong mahal na mahal kita Vance," paos at seryoso niyang sabi.

Napakagat-labi ako.

Shit! hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Bakit pa Steven?"

Gago ka! lalo mo lang akong pinapahirapan at sinasaktan!

"Para magkaroon ako ng pag-asa na mahihintay mo ako..."

Namuo ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na napigilang tuluyang mapaiyak.

Ang sama mo!

Nanghihina akong hinampas ang kamao ko sa dibdib niya. Tinanggap niya 'yon. 

Gusto ko na siyang yakapan sa pangalawang pagkakataon na ginawa ko 'yon.

Hindi siya natitinag. Marahan niyang pinahid ang mga luha ko.

Napapikit ako nang damhin ang mga kamay niya sa pisngi ko.

Halos magmakaawa na ako nang magmulat ako't salubingin ang titig niya.

Nag-iwas siya nang tingin sakin saka pumikit.

"Wag kang umalis..." pakiusap ko.

Nahampas niya ang pader sa gilid ng ulo ko ng muli niya akong tignan.

Namuo ang luha niya na kanina pa niya pinipipigilan. Kita ko ang sakit at hirap ng kalooban sa bawat pagtaas at baba ng paghinga niya.

Pakiramdam ko kapag hiniling ko ulit sa kanya 'yon, mananatili talaga siya sa tabi ko.

Umiling ako't niyakap siya.

Hindi pwede! Gustuhin man naming manatiling magkasama ngayon, alam kong hindi pwede. Kailangan niyang umalis.

Ramdam ko ang piit niyang pagluha.

"Babalik ako... Vance," higpit ng yakap niya sakin, "mahihintay mo ako di ba?" 

Sinapak ko ang likod niya.

Maghintay ang salitang ayokong marinig mula sa kanya. 'Yong mga nagsasabi kasi ng ganon madalas napakatagal bumalik.

Halos tumutol ako ng humiwalay siya sa katawan ko.

Ayoko!

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Umiiyak lang ako. Hindi nagsasalita. 

"Hintayin mo ako... Please... Babalikan kita..." pabulong niyang sabi.

Muling humigpit ang yakap niya sakin. Hinayaan niya akong umiyak muna tapos maya-maya ay nagsalita na siya.

"Vance, imulat mo ang mga mata mo at tignan ang pagsikat ng araw."

Ginawa ko ang sinabi niya habang hinahaplos niya ang likod ko.

Nakita kong unti-unting sumisikat ang araw. Napakaganda niyon pero nakakalungkot.

"Sa susunod na pagsikat ng araw darating ako, pangako..." humigpit pa ang yakap niya. "Sa araw na 'yon hindi na tayo magkakahiwalay."

Unti-unting kumakalma ang puso ko at umasa sa sinabi niya.

Napasinghap ako, "Steven, ayoko ng matagal!"

Baka mamatay ako sa lungkot!

"Wag mo kong paghintayin ng matagal Steven!"

Napaiyak ako matapos kong maalala ang huling pagkikita naming 'yon ni Steven. 

"Steven, bakit mo ako pinaghihintay ng matagal?!"

Dumilat ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.

Napakasakit... Hindi ako makahinga sa sakit...

Ilang taon nang sumisikat ang araw tulad ngayon pero wala pa ding Steven na bumabalik.

Unti-unting humakbang ang mga paa ko sa kalawakan ng kalupaan kung nasaan ako.

Hakbang na naging takbo, takbo na pabilis nang pabilis.

Nasanay na akong pagurin ang sarili ko kapag pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

Nasa motocross track ako ngayon. Okay lang naman na tumakbo ako nang tumakbo dito ngayon dahil sabi ng tagapangalaga, wala namang gagamit ng lugar na 'yon ngayon dahil pansamantala itong nakasarado.

Ang motocross field na to ay isa sa pagmamay-ari ng misteryosong bilyonaryong tagapagmana na gagawan ko ng documentary film ang pang araw-araw niyang buhay. 

Kagat-labi kong inakyat ang pabundok pero may patag sa ibabaw na disenyo ng isa sa mga obstacle doon. Kung hindi ako nagkakamali 'yon ang tinatawag nilang tabletop track.

Napahinto ako nang mapansin kong maputik na ang tinatakbuhan ko. Pagod akong napayukong naitukod ang kamay ko sa hita ko habang naghahabol ng paghinga.

Napatingala ako sa araw, naiinis ako. Pakiramdam ko sinusundan niya pa din ako para saktan ako ng mga alaala ni Steven.

Hindi ko napigilan ang sarili sigawan ang araw na 'yon!

"Ano pa bang gusto mo?! Ilang libong ulit ka pang sisikat bago dumating sa harap ko si Steven?!" sigaw ko at saka parang na babaliw na ngumiti.

Bakit nga ba 'yong araw ang sinisisi ko? Si Steven ang dapat sumagot sakin kung bakit ang tagal niyang dumating!

"Steven! bumalik ka na?! Wag mo na akong paghintayin ng matagal! Nasaan ka na? Ilang libong pagsikat pa ba ng araw ang hihintayin ko bago kita makasama?!"

Napaiyak ako. Ume-echo sa paligid ang boses ko.

Napatingala ako sa kalangitan. Umaasa na baka may sagot akong makuha doon. 

Ilang saglit pa, may narinig akong tunog ng motorcycle na papalapit sa kinaroroonan ko. 

Nagulat ako ng may motorcycle na lumipad sa ere. Parang nag-slow-motion ang buong paligid nang mag-hang sa ere ang rider niyon. 

Nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. 

Ang bilis ng pangyayari. Nanatili akong nakatayo't nakatanaw sa naka-motor. Kitang kita ko kung paano humiwalay 'yong rider sa motorcycle nito. Ang motorcycle papunta sa kanan tapos 'yong lalake sa kaliwa naman, papunta sakin. 

Tumalon ito! Tila lumilipad na pabagsak sakin!

Kumabog ng malakas ang dibdib ko habang pabagsak siya sakin. 

Natatakot ako pero gusto ko siyang iligtas. Iniisip ko kung iiwasan ko siya mapapasama ang bagsak niya. 

Sasaluhin ko siya! Tama, ganon ang dapat kong gawin!

Pero hindi pala ganon kadali.

Sinalubong ko ang katawan niya at nang maglapat ang katawan namin, naramdaman kong napakalakas ng pwersa niya. 

Nayanig ang buong katawan ko.

Nawalan ako ng kontrol at tuluyan na niyang natangay nang bumagsak kami sa putikan at nagpagulong-gulong pababa sa lupa.

Ang sakit sa katawan, nahihilo ako at takot na takot. 

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakayakap sakin ang lalake at hindi ako binibitawan. Ramdan kong iniingatan pa niya ako. 

Nang huminto kami, nakaibabaw ako sa kanya habang nakayakap sa dibdib niya.

Nagtama ang mga mata namin nang tignan ko siya. Hindi ko maitsurahan ang mukha niya dahil nakasuot ito ng goggles at helmet. Nataranta ako nang makita ko ang dugo sa mukha niya. 

Ipinagpasalamat ko nang maramdaman ko pa ang paghinga niya.

Pumihit ako pakalas sa kanya pero umangat ang braso niya at yumakap sakin. May lakas pa siyang hindi ako pakawalan. 

Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong nagliparan ang mga butterfly sa tiyan ko. Ito 'yong pakiramdam ko kapag nasa malapit sakin si Steven.

Umangat ang kamay ko para kilalanin kung sino ang rider.   

Nang biglang may malakas na pagsabog kaming naramdaman.

Hindi ako makapaniwala na sumabog ng ganon kalakas ang motorsiklo niya.

Impossible. Paanong nangyari 'yon?  

Ang pagsabog na 'yon ay napakalakas na nagpayanig sa lupa at samin.

Naramdaman ko ang impact at init na hatid niyon saka ko napansin ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko.

Tuluyan akong nanghina. Naramdaman ko din ang pagbitaw ng yakap niya sakin.

Pumatak ang luha ko.

Narinig ko pa ang boses ng mga taong papalapit samin bago ako mawalan ng malay. 

"Steven!"

----- ----- ---- ---- 

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the auhor's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status