Share

Kabanata 02

VANCE'S POV

"LET'S Date-"

"May date ako mamaya-" naputol ko ang sinasabi ko nang masabayan ko ang sinasabi niya, "kaya hindi kita masasamahang kumain," nabibigla kong pagpapatuloy.

Humina ang boses ko sa huli kong sinabi, pakiramdam ko kasi gusto kong bawiin ang sinabi ko.

Napalunok ako nang tila masilip ko sa mga mata niya ang hapdi na idinulot nang sinabi ko. 

Napako ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya papalapit sakin. 

Isang hakbang nalang ang lapit namin nang huminto siya. Kita ko ang pag-angat ng d****b niya.

"I want to take you out co'z i want you," titig niya sa mga mata ko. "For now, lets date first," pabulong at paos ang boses niya. 

Nanalangin ako na sana bawiin niya ang sinabi niya at sabihin na isa lang 'yong biro.

Sige na! sabihin mo na!

Para na akong mabibingi sa lakas ng kalabog ng puso ko. 

"Narinig mo?" madiin niyang sambit, "gusto kita."

Umiling ako't nag-iwas ng tingin. 

Humugot ako ng malalim na paghinga. 

Ano bang nangyayari sakin? Ano bang klaseng pagpapanggap ang ginagawa niya? Bakit hulog na hulog ako?

Nagtalo ang isip at puso ko. 

Gusto nang maniwala ng puso ko pero ang isip ko sinasabi na baka hinuhuli lang niya ako para sirain ako.

Umakto akong natatawa. 

Huminga siya ng malalim, sandaling pumikit upang pakalmahin ang sarili,

"Para akong sasabog kapag malapit ka sakin."

Sige, galingan mo pa!

Nagugustuhan ko ang sinasabi niya pero hindi yon dahilan para bumigay ako.

Para ilantad ko sa kanya kung ano talaga ako. Apat na taon kong itinatago 'yon sa marami at iniingatan ulit!

"I want to touch you. I want to feel you-"

"Shit! Dude!" putol ko sa kanya, brusko ang tono na parang handang sapakin ulit siya kapag nagsalita pa siya.

"Naka-floral dress ba ang tingin mo sakin ngayon? Shit! ano bang sinasabi mo?! Pareho tayong lalake!"

Nagulat ako sa reaksyon niya. Imbes kasi na maging seryoso ito ay nagpakita pa ito ng matipid na ngiti. 

"Well, your eyes and gestures can't shout what you're saying. Kung paano ka tumingin at paghinga mo sa harap ko. Pakiramdam ko pareho tayo ng nararamdaman."

Hindi ko alam kung ano paano pa dapat mag-react. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong maisip na dapat sabihin noong mga sandaling ito. 

Halata na ba ako?

Bigla kong naalala na magaling siyang umarte kanina sa harap ni Wena at sigurado ginagawa niya din sakin 'yon ngayon. 

Ngumisi ako. 

Kaya ko ding umarte sa harap niya para matapos na to para ma-save ko na ang sarili ko sa pagkahulog at paglalantad ko sa kanya. Halatang may hint na siya kung ano ako ngayon. 

Pero paano niya nalaman?

"Nagkakamali ka ng iniisip tungkol sakin," tanggi ko na sa iniisip niya.

Mas lalong lumaki ang ngisi niya sabay kagat sa labi.

Ah kainis naman eh! Panira naman 'to masyado! Bakit hindi niya ako pagbigyang magsalita muna ng hindi gumagawa ng mga bagay na nakakaakit para sa akin?

Humakbang ako palapit sa kanya. Malapit na malapit. 

Bumibilis pa din ang tibok ng puso ko pero parang nagustuhan kong tila narinig ko din ang kalabog ng puso niya o pangarap ko lang talaga 'yon na ganon din ang nararamdaman niya? 

Gusto ko din namang mapalapit sa kanya. Maamoy ang bango niya. Kahit ngayon nalang.

Bumaba ang mata ko sa labi niya. 

Nakakaakit!

"Kung hindi ka lang lalake tutugunan ko ang pagnanasa mo sakin," mahinang sambit ko.

"Hindi babae ang gusto mo-"

"Kahit lalake pa ang magustuhan ko. Hindi mangyayari ang iniisip mo dahil hindi katulad mo ang gugustuhin ko."

Para kasing aatakehin ako sa puso pag ikaw!

Sinisikap kong magsinungaling sa harap niya. 

Nasundan ko nang titig ang paglaway niya sa labi niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko sa hiya nang mahuli niya ang mata kong pinapanood 'yon. 

Umatras ako, "Maghanap ka nalang ng iba-"

Nang biglang isang malakas na suntok sa panga ang binigay niya sakin bago ko tapusin ang sinasabi ko. 

Nayanig ako. Bumagsak ako sa lapag. 

Aray! 

Lumapit siya sakin tapos nag-squat. 

Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at iharap ang mukha ko sa kanya. 

Nakita ko ang pait at lungkot sa mga mata niya.

Pigil ang paghinga ko nang bumagsak ang mata niya sa labi ko't pinahid 'yon ng hinalalaking daliri niya. 

Nakuyente ako pero dinama ko 'yon saka niya ako binitawan. 

Gulat na gulat ako. 

"Ngayon, quits na tayo," sabi niyang dinala ang hinlalaking daliri sa labi niya.

Natulala ako.

Ngumisi siya bago ako tuluyang iwan na nanghihina. Hindi ako makatayo kaya napahiga nalang ako sa damuhan. 

Napatitig ako sa mga ulap.

"Vance! Are you okay?" lapit sakin ni Wena at Davion. 

Okay lang ba ako? 

Tumango nalang ako't napapikit. 

Dinama ko ang kabog at bilis ng tibok ng puso ko. Dinama ko ang kakaibang saya na nararamdaman ko.

Napabuga ako ng malalim na paghinga nang muling magmulat. Hindi ko na iniintindi ang sinasabi nila.

"Tumabi kayo," basta 'yon lang ang nasabi ko. Nakaharang kasi ang mukha nilang dalawa sa ulap. "Ang ganda ng ulap."

"Ano?" sabay nilang sabi. 

Tulala kong inalala ang mga nangyari. 

WORKING student ako pero hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho dahil sa pasa at sugat ko. Nang makita ng manager ang itsura ko, sinabihan niya agad ako na wag pumasok hangga't hindi gumagaling ng sugat at pasa sa mukha ko. 

Nagtatrabaho ako sa isang fast food chain at kung minsan naman ay isang freelance writer. Nanghihinayang ako sa dapat sana ay sasahurin ko sa mga panahong hindi ako makakapasok sa trabaho. Ngunit kahit ganon hindi ko magawang magalit at sisihin si Steven kasi sa totoo lang masaya ako na nakilala ko siya ngayong araw.

Namumuhay akong mag-isa at pinapa-aral ang sarili ko. Ang itinuturing kong pamilya ngayon ay ang mga kaibigan ko. Hindi kasi maayos ang samahan namin ngayon ng totoo kong pamilya na nakatira sa probinsya. 

Magkakasama kami ngayon nila Wena, Calvin at Davion sa apartment na tinutuluyan ko habang hinihintay naman namin si Braxton na papunta pa lang. Magsasabay kaming maghapunan ngayong gabi. 

Nagtinginan si Calvin at Davion halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Napag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa nangyari kanina samin ni Steven. 

"Ganon nga ang nangyari, tingin ko nainsulto ko siya kasi inalok ko siya ng pera bilang danyos kaya nasuntok niya ako," paggigiit ko. 

"'Yon lang ba talaga?" 

Kinabahan ako sa tanong ni Davion.

"Didn't he threaten you?" dagdag pa ni Calvin. 

"Hindi!" agad kong sagot. 

Saglit kaming huminto sa pag-uusap nang dumating si Wena dala ang tray ng pagkain. Tumulong ang dalawa sa pag-aayos ng table habang ako inaalala ko ang mga sinabi ni Steven kanina. 

"I want to take you out co'z i want you. For now, lets date first."

Napagdesisyunan ko na hindi sabihin 'yon sa mga kaibigan ko. Under shock pa kasi ako. Natutulala ako kapag inaalala 'yon. 

Sa totoo lang nayanig ang mundo ko nang sagutin niya ang tanong ko kung ano ang gusto niyang mangyari. 

"Take you out." 

Simple lang ang mga salitang 'yon kung pakikinggan na sa una ngang dinig ay inaaya niya lang akong kumain sa labas. Pero bakit pakiramdam ko may mas malalim pang ibig sabihin ang sinabi niya?

Para bang binigyan ako ni Steven ng senyales para ilantad ang tunay kong pagkatao. Na ang kaya kong ibigin at pangarapin ay isa ding lalakeng tulad niya. 

Napangiti ako nang alalahanin ulit kung paano sinabi ni Steven na gusto niya ako. 

Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi niya dahil una ko palang siyang makita ay natipuhan ko na siya. Ngunit ayokong umasa na totoo ang mga sinabi niya sakin. 

Kaya napagpasyahan kong sarilinin nalang muna iyon. Masmabuti nang magpanggap na hindi nangyari 'yon kesa naman tuluyan akong umasa na may gusto nga talaga siya sakin. 

Ayokong isipin na posible 'yon kahit una palang kaming nagkita. Isa pa, hindi ko din binibitawan ang hinala ko na posibleng pinaglalaruan niya lang ako para sirain o guluhin ang nananahimik kong mundo. 

Pero bakit? Para ba maghiganti? Kapatid ba siya o boyfriend ng babaeng umasa na mamahalin at na-basted ko?

"Aray!" bigla kong sigaw nang maramdaman ko ang hapdi sa sugat at pasa sa labi ko. 

Idiniin kasi ng bagong dating na si Braxton ang kamay ko doon. 

"Ah masakit pala, akala ko masarap sa pakiramdam 'yang suntok sayo ni Steven kaya diniinan ko pa," upo nito sa harap ko, "ngiting-ngiti ka kasi."

Nasa gitna siya nila Calvin at Davion habang katabi ko naman si Wena.

Nagtawanan ang iba pa. 

Napairap ako habang nakangusong nagtatampo. Nagagawa ko lang to sa harap nila. 

"Hindi ah!" depensa ko. 

Ilang saglit pa, nag-focus kaming lahat sa pagkain. 

"Bakit wala agad nagsabi sakin tungkol sa kaguluhang nangyari kanina?" pagbubukas ni Braxton ng usapan pagkatapos naming kumain. 

Isa-isa kaming tinignan ni Braxton. Napainom ulit ako ng tubig. 

Bakit parang sa tono niya parang napakalaking kaguluhan ang nangyari?

"Misunderstanding lang 'yon," sagot ko. 

"Don't the troubles begin with misunderstanding?" balik na tanong ni Braxton. 

Hindi na ulit ako nakapagsalita pa. May point siya. 

Nagkibit-balikat si Calvin, "Kay Anne ko lang nalaman ang nangyari."

Si Anne ay co-officer niya sa student council. 

Nagtaas ako ng kilay nang maisip na ang layo ng course ni Anne sa mga taong nandoon kanina. Ibig sabihin ang layo ng department nito para malaman agad 'yon.

"Paano niya nalaman? Tumatambay ba siya sa ibang course?" 

“Nah! she just knows the rumors and gossip on campus,” sagot agad ni Calvin.

"Ano? Bali-balita na sa campus ang nangyari samin ni Steven? Ganon kabilis kumalat ang balita?" nabibigla kong sabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status