VANCE'S POV
"ANO? Bali-balita na sa campus ang nangyari samin ni Steven? Ganon kabilis kumalat ang balita?" nabibigla kong sabi.
Bumaling silang lahat sakin, nagtataka kung bakit hindi ko alam 'yon.
"Im sorry, hindi ko alam kasi pagkatapos nang nangyari umuwi na agad ako. Nasira 'yong cellphone ko kanina kaya hindi ako makabalita kung ano na ang mga nagaganap na dapat kong malaman."
Kanina nang suntukin ako ni Steven at bumagsak ako sa lupa, nabasag ang cellphone ko dahil nasa likod na bulsa ng pantalon ko 'yon nakasuksok.
Tumango-tango sila.
Bumaling ko kay Wena isa sa mga writers ng Publication namin sa campus.
"Well, that's one of the things we're talking about right now on our freedom wall on campus and on social media. Dahil maraming taong nag-aalala kay Steven," saglit akong sinulyapan ako ni Wena, "at syempre sayo din. Nagre-react 'yong mga tagahanga ninyo sa campus pero mas maraming nagagalit sayong mga tagahanga ni Steven," tapos bumaling siya kay Braxton, "pati mga fraternity member nila. Because of the false news they received about what happened. "
"Ano?!" nabibigla kong sabi.
"Can you guys tell me first what happened? Kailangan ko ng detalye," sabi ni Braxton na sakin bumaling.
Tinapik ng paa ko ang paa ni Wena saka ako sumenyas sa kanya nang tumingin siya sakin.
Ayokong magkwento nate-tense ako. Baka mamaya kung ano pa ang masabi ko.
Fraternity man si Braxton, tinitingala at kinatatakutan ng karamihan sa campus namin. Pinakaayaw niya na may mang-aaway at mananakit samin.
Bagaman may pag-aalinlangan si Wena, idinetalye niya kung ano ang nangyari kasama na ang aking kwento nang hinabol ko si Steven. Na humingi ako ng tawad at nag-alok ng tatlong libo bilang danyos sa pagkakasuntok ko sa kanya. Sa palagay ko nainsulto ko si Steven kaya sinuntok niya rin ako.
"Eh bakit parang sa tono mo pinagtatanggol mo si Steven?" singkit ng mga mata ni Braxton kay Wena.
"Im not?!" tanggi agad ni Wena. "Sinabi ko sayo kung ano ang nakita at narinig ko-"
"Ibig kong sabihin sa part na hinabol ni Vance si Steven. It was unbelievable what they talked about."
Kinabahan ako.
Bumaling silang lahat sakin dahil sa sinabi ni Braxton.
Im helpless, bakit ba ang hirap nilang paniwalain?
Bumaling sakin si Wena, "I think, pareho kami ng iniisip ni Braxton. It's more convincing that Steven punched you because he really has a habit of not accepting mistakes. Kung ano ang ginawa mo sa kanya 'yon din ang gagawin niya sayo pero bago niya gawin 'yon, he will tell you first so that you are ready. 'Yon ang wala sa kwento mo."
Hindi ko inaasahan 'yon.
"If he didn't tell you early that he would punch you like you did to him. It means, his reason is mysterious and it won't end like that. Isa pa, tingin ko hindi ang sinabi mo ang makakapagpainsulto sa kanya. Hindi siya ganon. Hindi siya ganon kadaling mainsulto," pagtutuloy ni Wena.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ganon ang reaksyon nila sa kwento ko.
Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko na ba ang totoo o paninindigan pa rin ang una ko ng mga sinabi. Kung sasabihin ko ang totoong nangyari, paano ako mag-uumpisa?
"Tinakot ka ba niya?"
Nagitla ako sa baritonong boses ni Braxton.
"Hindi!" iling ko agad.
Nagtinginan ang mga kaharap ko.
"Okay," tango ni Braxton.
"Ano bang maling balita ang kumakalat tungkol sa nangyari?" naalala kong tanungin kay Wena.
Matipid lang siyang ngumiti sakin tapos nagtinginan sila ni Braxton.
"Wag mo na munang alalahanin 'yon ngayon. Magpahinga ka nalang muna," sabi ni Davion.
"Pag-usapan nalang ulit natin to bukas," sabi ni Braxton ng bumaling kay Wena.
Tumango si Wena, "Inaayos na namin ni Delsie ang mga detalye."Kinakabahan ako. Si Delsie ang investigator ng fraternity nila Braxton.
Bago pa ako mag-alala bumaling na sakin si Wena tapos ngumiti."Don't worry, everything is okay."
Tumango ako. Binaliwala ko ang mga negatibong iniisip ko.
Doon na natapos ang usapan namin tungkol kay Steven.
Kahit pakiramdam ko hindi sila naniniwala sakin. Nanatili pa din akong nanindigan sa sarili ko na tumahimik nalang.
Naiba na agad ang topic namin. Ganon kami, marami kasi kaming pinag-uusapan. Di namin nakasanayan na paulit-ulit na pinag-uusapan ang isang paksa pero minsan di namin maiwasan.
Hindi tulad ng dati na madaldal ako, ngayon tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Nakikitawa kapag may nakakatawa. Tumatango-tango, kunwari naiintindihan ko 'yong sinasabi nila.
Habang si Steven lang ang iniisip ko.NAKAALIS na silang lahat.Oras na ng tulog ko pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok.
Nasa labas ako ngayon ng balkonahe. Umiinom ng gatas, nagmumuni-muni, ninanamnam ang mahalinang ambiance ng gabi at pinapansinin ang ganda ng kabilugan ng buwan sa langit.
Humugot ako ng malalim na paghinga nang pumasok sa isip ko si Steven.
Kakaiba ang saya na nararamdaman ko ngayon, na ngayon ko nalang ulit naramdaman. 'Yong pakiramdam na may magandang mangyayari sakin sa hinaharap.
"Narinig mo? Gusto kita," naaalala kong sabi sakin ni Steven.
Kahit anong subok kong wag maniwala hindi ko mapigilan ang sarili kong mangarap na hindi 'yon pagpapanggap.
Hindi naman sa pagyayabang pero isa ako sa mga lalakeng binabansagang heart throb sa Unibersidad namin.
Minsan naglalakad kaming apat nila Braxton, Calvin at Davion palapit kay Wena. Nang biglang nagtilian ang isang grupo ng mga schoolmate naming mga babae. Muntik na din akong mapatili kasi kung makatili sila parang may biglang bumagsak sa harap nila na mga gwapong lalake.
Namalayan ko nalang na ako pala 'yong isa sa mga tinitilian nila. Hindi nila pansin na isa talaga akong babae inside at nagagawa ko lang mag-inarte kapag nasa harap ng mga kaibigan ko.
Sanay na akong nililigawan at pinagtatapatan ng pag-ibig ng mga babaeng nagkakagusto sakin. Pero 'yong effort at salitang I love you, walang dating sakin kasi nga lalake ang gusto ko. Kaya kinakaibigan ko nalang ang mga girls at hindi ko sinasadyang ma-friend zone lang sila.
Hindi ko na mabilang kung ilang sampal ang tinanggap ko ngayong taon mula sa mga babaeng umasa para sa pag-ibig ko.
Minsan naman hindi sampal ang ibibigay sakin kundi tanawin na nakakapagbaligtad ng sikmura ko.May mga babaeng hindi nakapagpigil na naghuhubad sa harap ko.
Noong nangyari 'yon natulala ako.
Shit! ang ganda ng katawan niya!
Saglit akong hindi nakagalaw. Napatitig ako hindi dahil naaakit o gusto kong angkinin ang katawang 'yon kundi dahil ganon ang gusto kong maging katawan ko kung isisilang ako na isang babae ang kasarian.
'Yong unang naghubad sa harap ko hindi sinasadyang nasaksihan 'yon ng mga kaibigan ko.
Nagulat ako sa nakakadiring pagkakataong 'yong kaya bigla nalang akong umalis at nagtatatakbo palayo.
Hindi ko 'yon napaghandaan. Hindi ko alam ang gagawin. Mabuti nalang at nandoon si Wena na tinakpan ang katawan ng babae mula sa iba pang mga mata.
Sya nga pala, 'yon ang isa sa kagandahan na may babae sa grupo namin kasi may mga bagay na babae lang talaga ang makakagawa.
Back to the topic, pagkatapos nang nangyari napagkwentuhan namin 'yong magkakaibigan.
Tinanong ko sila kung ano ang dapat kong gawin sa mga ganong sitwasyon?
Hindi kasi nila nagustuhan na tinakbuhan ko 'yong babae. Kilala din kasi nila 'yon kaya naawa sila.
Sabi ni Calvin, okay lang naman na ganon ang nagawa noong unang pagkakataong maranasan ko 'yon. Pero kapag nangyari daw ulit ang ganon sikapin ko na daw na wag takbuhan 'yong babae at isipin kung ano ang dapat kong gawin sa ganoong sitwasyon.
Hindi ko naiwasan na tanungin sila kung naranasan na ba nila 'yon at anong ginawa nila.
Sabi ni Calvin, noong may naghubad sa harap niya. Nilapitan niya 'yon tapos naghubad siya ng jacket at itinaklob sa katawan ng babae. Tapos binuhat niya papunta sa kwarto niya. Well, girlfriend naman kasi niya 'yon!
Si Davion naman, sanay na nakakakita ng katawan ng babae. Nagpa-paint kasi siya. Nagbabayad siya ng babae para pumunta sa harap niya at ipinta. Kaya noong may naghubad sa harap niya.
Nilapitan niya 'yon at tinakpan ang katawan. Naalala ko 'yon saktong dumating ako matapos niyang takpan ang katawan ng babae. Narinig ko ang sinabi niya sa babae.
"Don't do this again. Ingatan mo ang pagkababae mo't pagkatao sa harap ng iba lalo na kung hindi ka naman sigurado na mahal ka din niya. You should just give yourself to the man you love and loved you."
Pagkatapos ng ilang linggo, niligawan niya 'yong babae. Actually, noong araw daw na naghubad sa harap niya 'yong babae plano na niya iyong ligawan.
Hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot noong babae si Davion.
At ang panghuli, si Braxton. Kung alam ko lang kung sinong babae ang nagpaplanong maghubad sa harap niya. Babalaan ko na agad! Ang salbahe niya kasi.
Nasa isang resort kami noon, dumalo kami sa isang party. Pagpasok namin nila Calvin at Davion sa isang kwarto kung saan kami nagpaplanong mag-inom.
Nasaktuhan namin ang pagsasalita ni Braxton sa babae na naghubad na sa harap niya.
"Why don't you dance a little to entertain me?" sabi niya sa babae, nasa tono ang pang-iinsulto. "Sorry ha, hindi kasi kagandahan ang katawan mo para maakit ako kaya kung sasayaw ka baka ma-entertain ako kahit konti."
Sa totoo lang ang gandang katawan ng babae.
Napansin na kami ng babae bago kami tumalikod nila Calvin at Davion.
"So-sorry!" agad kong sigaw. "Hindi namin sinasadya! Akala namin-"
"It's okay," putol sakin ni Braxton, "baka maging proud pa siya kapag marami ang nakakaalam ng kababawan niya."
Natulala kaming lahat nang umalis si Braxton at iwan ang umiiyak na babae.
Pero noong gabi na 'yon, napansin kong nagkulong sila ng girlfriend niya ng matagal sa kwarto.Kaya sa mga sumunod na babaeng naghubad sa harap ko, alam ko na kung ano ang gagawin ko. Kumukuha ako ng pantakip sa babae tapos humihingi ako ng sorry na nagawa nila 'yon para sakin.
Hindi ko masabi na kahit kailan hindi pa pumapasok sa isip ko na gusto kong tikman ang katawan nila. Im sorry.
VANCE'S POVMAYA-MAYA pa ay tumayo na sina Steven, Ryker, Ivan at Dert at saka sabay-sabay silang naglakad.Bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko si Steven. May kung anong humahaplos sa puso ko dahilan para bahagyang humupa ang galit ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng paghanga sa kanya.Mula palang sa pagtayo niya, pagsuklay ng mga daliri sa buhok niya, pagbuntong hininga habang saglit na nagkagat-labi, ang pamumulsa niya at ang paglakad niya habang sinasabayan ang tatlo ay naging kaakit-akit sa paningin ko. Parang nag-slow motion ang paligid habang naglalakad sila. Para bang nanonood ako ng isang music video. Tila isang magandang tugtugin ang nabubuo sa pagpintig ng puso ko habang sinusundan ng mga mata ko si Steven. Kasunod ng pag-ihip ng hangin ang tila tuluyang pagtangay niyon sa galit sa dibdib ko, natira nalang ang damdamin kong muling nahuhulog para sa kanya.Ah, paano niya nagagawang galitin ako at pawiin 'yon agad ng hindi niya namamalayan?"Wow!" biglang
VANCE'S POVNAKATUTOK ang atensyon ko sa cellphone nang maramdaman ko ang pag-park ng sasakyan sa gilid ng kalsada. "Vance may kukunin lang ako, hindi ako magtatagal. Dito ka muna," dinig kong sabi ni Davion sabay tanggal ng seatbelt niya.Papunta kami ngayon sa shooting site kung saan namin gagawin ang isang short film. Ako ang isa sa kinuha nilang pansamantalang magiging kapalit ng cinematographer nila."Okay," sulyap ko sa kanya sabay tingin sa labas ng sasakyan kung saan kami huminto. Kasabay nang pagsara ng pinto ang pagkalabog ng puso ko nang matanto kong nasa lugar kami malapit sa iniiwasan kong puntahan, ang building kung saan nakaburol ang labi ni Drew. Nasa loob na kami ng University. Bakasyon pa naman pero marami pa ring estudyante ang pumupunta dito. Ang iba ay dahil sa summer classes, trainings, activities at iba pa tulad ng burol ni Drew. May tatlong araw nang nakaburol si Drew. Tinanggap ng Unibersidad namin na dito siya iburol bilang pagkilala sa kanyang mga magand
VANCE'S POV"SINO ka?" sabay naming tanong nang mahawakan ko ang braso niya.Isang binatilyo na sa tantsa ko ay nasa high school palang. Matalim ang mga tingin niya sa akin. Napansin ko agad ang pagkakahawig niya kay Drew kaya agad kong binitawan ang braso niya."Sinong nagpadala sayo?!" sunod niyang tanong. Pero bago pa ako makasagot ay muli na namang umigkas ang mga kamao niya papunta sa akin. Muli kong inilagan ang mga 'yon.Umatras ako ng masmalayo sa kanya at saka nagtaas ako ng kamay. "Sandali-" Ngayon ay umigkas na din ang mga paa niya sa ere para patamaan ako.Ah! wala siyang balak na pakinggan ako. Umiilag lang ako at umaatras.Kahit na inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko ay hindi pa rin siya tumitigil. Hindi nito makuha na wala akong planong lumaban sa kanya at mukhang hindi din ito madaling sumuko para tamaan ako. Kita ko ang matinding galit sa mga mata niya... Galit para sa isang kalaban... Kalaban na banta sa buhay niya at sa mga taong mahalaga sa kanya.
VANCE'S POVNAGKAGAT-LABI ako nang pigilan ko ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko. Ngayong gabi nakita ko ang pagluha ng tatlong taong mahalaga sa buhay ko at ayoko ng ganitong pakiramdam.Una si Steven, pero ganon pa man ipinagpapasalamat ko na sa gitna ng pagluha niya ay mababakas ang tapang sa mga mata niya na harapin ang lahat ng ito. Si Davion, nakita ko ang palihim niyang pagluha habang nasa medyo madilim ang kinaroroonan namin kanina. Kita ko ang sakit at pagsisisi sa mukha niya.At ngayon ulit si Wena...Kumuyom ang kamao ko. Tama bang ako talaga 'yong nasa tabi nila ngayon?Naalala ko ang sinabi ni Steven kanina bago niya ako iwan sa mga kaibigan ko. "Even if this is happening, gusto kong nasa tabi kita dahil ikaw ang pinagkukunan ko ng lakas at dahil mahalaga ka sa akin. So it is okay to let your friends know that you are here for them, dahil alam kong mahalaga ka rin sa kanila at isang kaibigan na pwede din nilang pagkunan ng lakas."Dinama ko ang malamig na pag-
VANCE'S POVNAPAPIKIT ako. Napapikit ako para hindi na tumatak pa sa alaala ko ang pag-alis ni Wena tulad ng pagtatak sa isip ko ng pag-alis ni Steven kanina na sumusugat ngayon sa puso ko.Umawang ang labi ko nang gumuhit ang sakit sa puso ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napakasakit. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko may nakatarak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.Kumuyom ang mga kamao ko. Napadilat ako. Tumingala sa kalawakan at saka sumigaw.Sumigaw ako ng napakalakas. Ibinuhos ko sa pagsigaw ang bigat sa dibdib ko na hindi ko kayang bitbitin ng matagal.Sumuntok ako sa lapag. Ibinuhos ko sa pagsuntok ang galit, takot at sakit sa puso ko. Umasa akong mababawasan ang nararamdaman ko pero hindi. Habang nasa alaala ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon, lalo lang akong nahihirapan. Lalo kong nakikita kung gaano ka-komplikado ang lahat."Tang-nang buhay to!" sigaw ko ng ibwelo ko ang kamao ko para sa pinakamalakas na suntok na kaya kong ibigay sa lapag. Nang biglang m
VANCE'S POVNANATILI lang silang nakatingin sa akin. "Tulad ni Wena mga human rights advocates sila," pa-uulit ko, "mga aktibista lang sila at hindi armaduhan!""Wala silang pakialam," agad na sagot ni Braxton bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo, "at alam mo dapat 'yon," madiin pero maingat niyang sabi.Para akong sinampal sa sinabi ni Braxton. Blangko akong napatitig sa kanya.Ah! oo nga pala. Kilala ko ang Tito at ang Daddy ko.Tinatawag silang tagapaglingkod ng bayan pero humihinga at umaakto sila na pag-aari nila ang lahat ng meron sa probinsya namin pati na ang mga tao, pati ang mga buhay nito. Kahit na iniluklok sila ng taong-bayan para magsilbi, gampanan ang posisyong sinumpaan nila at tuparin ang mga pangako nila tuwing eleksyon.Ang totoo, umupo sila sa posisyon para sa pansarili nilang interes at kapakinabangan, para sa pera at kapangyarihan. Posisyon na magbibigay proteksyon sa interes nila at magbibigay katuwiran sa mga mali nilang desisyon na ikinapapahamak ng mamamaya