Share

Kabanata 04

VANCE'S POV

HINDI ko masabi na kailanman hindi ko naisip na gugustuhin kong tikman ang katawan nila. 

Natanong ako ni Wena, paano kung may isang lalake na magkagusto sakin na nadiskubre ang tunay na pagkatao ko tapos maghuhubad sa harap ko?

Ang sagot ko lang. Magwa-walk out ako syempre! Paninindigan kong lalake pa rin ako kasi hindi pa ako handang ilantad kung sino ako. 

Hindi ako nagdalawang isip na sumagot ng ganun dahil sa totoo lang hindi ko pa maisip noon ang imahe ng lalakeng gagawa ng ganon. 

Napalunok ako't napakagat ng labi nang maisip na, paano nga kung gawin 'yon ni Steven sa harap ko para lang mapaamin ako?

Napalunok ako. Bigla akong nainitan. Naramdaman ko ang pamumula ang mukha ko.

Napapikit ako nang damhin ng kamay ko ang d****b ko. Naalala ko ang pagdampi ng kamay doon ni Steven kanina. Ang haplos niya nagbigay ng kakaibang init sa buo kong katawan.

Unti-unti akong namilipit sa kilig sa kinauupuan ko nang bigla akong magising dahil sa mainit na gatas na tumapon sa akin. 

Bigla akong nagising sa kasalukuyan. Sinampal ko ang sarili ko. 

Bakit ba naiisip ko na mangyayari 'yon? Ang layo na agad ng narating ng isip ko!

Napabuntong hininga akong napatitig sa buwan

Kahit kailan wala akong sinisi kung bakit naging ganto ako? Pero simula ng makumpirma ko sa sarili ko ang gusto ko. 

Nag-umpisa na akong manalangin at mag-asam na sana may isang tao din na nakalaan para sa akin. Hindi babae kundi isang lalake. 

Pumasok sa isip ko si Steven. 

Sana siya nalang ang para sakin... 

Sana totoo ang sinasabi niya...

Pero kung totoo nga iyon, handa na ba ulit ako?

Susundin ko na ba ang puso ko?

Tutugunan ko na ba ang pangangailangan ng pagkatao ko?

Dahil noong una ko palang siyang nakita ay nagustuhan ko na siya...

NASA audio visual room kami ngayon sa University na pinapasukan namin. Ako, si Wena, Braxton, Calvin, Davion at si Delsie. Si Delsie ay isa sa mga investigator ng Fraternity na kung saan isa din si Braxton sa namumuno doon. 

Nandito kami para pag-usapan ulit ang insidenteng nangyari samin ni Steven kahapon na ngayon ay malaking usapin sa campus namin. 

Kinakabahan ako nang mag-flash sa screen ang presentation ni Delsie. 

Inumpisahan ni Delsie ang presentation sa pagbibigay ng ilang personal na impormasyon saming dalawa ni Steven.

Tapos, idinagdag niya kung ano ang pagkakakilala samin ng mga tao sa University namin. 

Vance N. Haidezo, 2nd year Journalism. He is a working student. Writer and Photographer ng Journalism Club.

Kilalang friendly, hard working, at isa sa heartthrob guy na kabilang sa sikat na grupo ng magkakaibigan dito sa Unibersidad. 

Oo totoo, sikat ang grupo ng kaibigan namin. Kasi nga mga popular o pinag-uusapan madalas ang mga kaibigan ko. Ako lang ang parang ordinaryo sa kanilang lahat. 

Si Braxton, fraternity leader. Kinikilala at kinatatakutan ng marami. Isa siyang Business Management student.

Si Calvin, student council officer at Architecture student. 

Si Davion, theater actor, dancer at singer. Isa siyang Film Director Student. 

Si Wena, human rights advocate, writer at B.S. Pharmacy Student. 

Ako naman, simple at gwapo lang. Ha! Ha! Writer din ako at madalas nage-emcee or host sa mga University events namin. Marami ang gusto at nanghihikayat sakin na sumali ng pagent like Mr. University pero hindi ako sumasali. Hindi ako straight guy kaya gusto kong ibigay ang ganong kompetisyon sa mga straight na lalake. 

Na-excite ako ng mag-flash sa screen ang pangalan ni Steven. Grabe! 'yong puso ko hindi mapakali. 

Steven Kiazxon, isang transferee 3rd year Business Management student. Kilalang fraternity man, bad boy type, certified hot guy at may fans club na sa University. 

Nangingiti ako dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Steven nang sumunod sa slide ay ang pagpapakita ng mga pictures ko na halatang kuha ng ibang tao. Ang mga litrato ay kuha habang naglalakad ako, nakikipagkwentuhan, kumakain at iba pa. 

Naiinis ako sa mga pictures ko na ginamit para sa presentation. Dalawa lang kasi ang picture ko na maganda ako. Ooops! I mean, na gwapo ako. Yung iba ang papangit na, merong nakangiwi ako, ang laki bunganga ko habang sumusubo ako ng kinakain ko, nakanganga habang nakatulala tapos meron pang pasubsob na ako sa lupa. 

Humagalpak ng tawa sina Braxton, Calvin at Davion habang hinahampas-hampas pa ako ni Wena na tawang-tawa din na akala mo kinikiliti. 

"Ah. Ha. Ha," plastic akong tumawa.

Nagpipigil akong sigawan sila dahil kay Delsie. 

Tumikhim ako bago pa-machong nagsalita kay Delsie, "Bakit naman ganyan ang mga pictures na ginamit mo para sakin?"

Sarap din sabunutan ng taong gumawa ng presentation na 'yan! Kakaloko! Di man lang kumuha ng maayos na pictures. 

"Actually, galing 'yan sa publication nila Wena 'yan." 

Malamang na kuha 'yon ng mga bago nilang mga photographer at sinama sa collections nila. Mukhang matagal na ang mga pictures at kuha mula sa iba't ibang okasyon. 

"Pinakita din namin kay Braxton ang mga pictures mo at 'yan ang napili niya," paliwanag ni Delsie. 

Tumango nalang ako. Hindi na ako umimik. Wala na, talo na agad ako eh si Braxton pala ang pumili eh. 

Hindi ko matapunan nang tingin si Wena at Braxton baka kasi hindi ko mapigilang mairapan ko sila.

"I actually realize na gwapo ka pa din kahit anong itsura mo," nakangiting titig sakin ni Delsie. 

Paki ko naman sa realization niya di ba?! 

Pinilit ko nalang ngumiti. Sana'y na akong sabihin na gwapo at hindi ako masaya kapag sinasabi sakin 'yon ng may pang-aakit na tingin. 

"Uy!" tukso ni Calvin at Davion samin. 

Napahigpit ang hawak ko sa upuan parang gusto kong paliparin 'yon papunta sa dalawa. 

Parang mga gago! Nanunukso pa!

"Ituloy mo na Delsie." 

Para akong nabunutan ng tinik nang sabihin 'yon ni Braxton. 

"Nagblu-blush na si Vance dahil sa titig mo eh!" dugtong niya.

Ay! isa pa pala tong si Braxton! Kainis!

"Sorry, hindi ko mapigilan," kilig pang sulyap sakin ni Delsie. 

Hays! inuubos din ng babaeng ito ang pasensya ko!

Umirap ako ng humarap na si Delsie sa screen. Nagbago ang mood ko ng lumabas sa slide ang pictures ni Steven. 

Wow! grabe! napakagwapo niya!

Halatang hindi din niya din napaghandaan at alam na kinukuhanan siya kaya paano niya nagagawang napakagwapo pa din niya sa paningin ang mga pose niya habang sakin parang katawa-tawa. Mag mga picture din siya na pasubo siya ng chips tapos madadapa pero grabe ang gwapo niya. 

Nabitin ako nang matapos ang pagpapakita ng pictures nito. Hindi na ako umangal baka mahalata pa nila ako lalo pang mukhang hindi ko napipigilan ang sarili kong matulala. 

Bigla ko nalang naramdaman ang daliri ni Wena na pasimpleng itinulak ang baba ko pataas, napapanganga na pala ako ng hindi ko namamalayan.

Sumenyas siya na umayos ako bago ako mahalata ni Delsie. 

"Galing din ba sa publication niyo yan?" bulong ko sa kanya. 

Tumango siya. 

Ngumiti ako. 

Pahingi ako!

"Gusto mo ng kopya?"

Naramdaman kong namula ang pisngi ko bago ko siya sagutin, "No, thanks."

Pasimpleng natawa si Wena, "Let me know if you want a copy."

Napakagat-labi ako nang pigilan ko ang sarili kong mangiti at saka nagpanggap akong hindi ko siya narinig.

Umayos ako ng upo at nag-focus sa presentation. Naka-flash na doon ang mga senaryong kumakalat at pinag-uusapan na diumano'y naganap sa pagitan namin ni Steven. 

Scenario one: 

Nanood ng rehearsal si Vance nang hindi nito nagustuhan ang eksena ni Steven at Wena. Pinagbintangan ni Vance si Steven na sinasadyang saktan si Wena kaya sinuntok niya ito. Umiwas sa gulo si Steven pero hindi ito tinigilan ni Vance. Hinabol ni Vance si Steven at hinamon ng away kaya natulak ni Steven si Vance. Pinagbantaan ni Vance si Steven na ipapabugbog ito kay Braxton at sa mga fraternity member nito. Pinagbantaan din ni Vance na sisirain ang pangalan ni Steven at mga tutulong dito gamit ang impluwensya at popularity nila Calvin, Davion at Wena. Kaya nasuntok ni Steven si Vance dahil hindi siya tinitigilan nito. Hindi nagpakita ng takot si Steven at sinabihan nito si Vance na, "Wala akong pakialam kung magsumbong ka! Aabangan ko ang pagtatapat natin."

Scenario two: 

Hindi sinasadyang nasuntok ni Vance si Steven nang makita niyang sinasaktan nito si Wena. Nang malaman niyang uma-acting lang ang dalawa ay agad siyang humingi ng tawad pero tinulak at sinuntok lang siya ni Steven. Pagbagsak ni Vance sa lupa, nilapitan siya ni Steven at sinakal habang nagbitaw ng pagbabanta. "Sa susunod bago kilalanin mo muna kung sino ang binabangga mo. Pumili ka ng kakalabanin kung ayaw mong mapahamak ka at ang mga kaibigan mo."

Katahimikan. 

Walang makapagsalita agad. Kahit ako paulit-ulit kong binabasa ang mga senaryong 'yon. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang kumakalat na balita.

"Nanatiling ganto ang mga hinala ng mga studyante sa nangyari dahil wala pang naglalabas ng malinaw at totoong nangyari," sabi ni Delsie. 

Wala pa ding nagsasalita hanggang sa ipakita niya ang mga screen shots ng ilang mga komento sa nangyari. 

May mga nagtatanggol sakin pero may mga nagagalit din. Sa mga komento ay nababanggit din ang mga pangalan nila Wena, Braxton, Calvin at Davion. Ganon din ang pangalan ng magkaibang fraternity ni Steven at Braxton. 

Wala pa ding nagsasalita samin. Nanatili lang kaming lahat na nakatitig sa screen. 

Nagulat ako sa sumunod na nabasa ko doon bago 'yon basahin ni Delsie. 

Resulta: 

1. Posibleng maging umpisa ng fraternity war sa pagitan ng fraternity na kinapapalooban ni Steven at Braxton. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abaton Claire
ohh no ......... is this war?? mga chismosa nga nman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status