VANCE'S POVSINALUBONG nina WENA at Braxton si Steven at sa inaya na lumayo sa karamihan.Tipid akong ngumiti at tumango nang akbayan ni Braxton si Steven at saka sumenyas sa akin na hihiramin muna nila ito at silang tatlo lang muna nila Wena ang mag-uusap.Humugot ako ng malalim na paghinga ng hindi nagtama ang mga mata namin ni Steven. Nag-aalala ako dahil mahahalata sa mukha niya ang pag-aalala pagkatapos niyang kausapin ang Tita niya sa cellphone.Nagsasalit-salitan ang tingin ko kina Wena at Steven. Hinintay kong lingunin nila ako pero hindi nangyari.Tinawag ko si Wena pero hindi na niya ako napansin, parang lumulutang ang isip niya habang nagbabasa at nagta-type ng messages sa cellphone niya."Vance,” tawag sa akin ni Davion, dinig kong may galit sa tono niya.Nadatnan kong pinapakalma niya ang sarili nang lingunin ko siya. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin."Hayaan muna natin silang mag-usap.""I think so." Lapit sa amin si Xiana, ang girlfriend ni Davion."
VANCE'S POVNANATILI lang silang nakatingin sa akin. "Tulad ni Wena mga human rights advocates sila," pa-uulit ko, "mga aktibista lang sila at hindi armaduhan!""Wala silang pakialam," agad na sagot ni Braxton bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo, "at alam mo dapat 'yon," madiin pero maingat niyang sabi.Para akong sinampal sa sinabi ni Braxton. Blangko akong napatitig sa kanya.Ah! oo nga pala. Kilala ko ang Tito at ang Daddy ko.Tinatawag silang tagapaglingkod ng bayan pero humihinga at umaakto sila na pag-aari nila ang lahat ng meron sa probinsya namin pati na ang mga tao, pati ang mga buhay nito. Kahit na iniluklok sila ng taong-bayan para magsilbi, gampanan ang posisyong sinumpaan nila at tuparin ang mga pangako nila tuwing eleksyon.Ang totoo, umupo sila sa posisyon para sa pansarili nilang interes at kapakinabangan, para sa pera at kapangyarihan. Posisyon na magbibigay proteksyon sa interes nila at magbibigay katuwiran sa mga mali nilang desisyon na ikinapapahamak ng mamamaya
VANCE'S POVNAPAPIKIT ako. Napapikit ako para hindi na tumatak pa sa alaala ko ang pag-alis ni Wena tulad ng pagtatak sa isip ko ng pag-alis ni Steven kanina na sumusugat ngayon sa puso ko.Umawang ang labi ko nang gumuhit ang sakit sa puso ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napakasakit. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko may nakatarak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.Kumuyom ang mga kamao ko. Napadilat ako. Tumingala sa kalawakan at saka sumigaw.Sumigaw ako ng napakalakas. Ibinuhos ko sa pagsigaw ang bigat sa dibdib ko na hindi ko kayang bitbitin ng matagal.Sumuntok ako sa lapag. Ibinuhos ko sa pagsuntok ang galit, takot at sakit sa puso ko. Umasa akong mababawasan ang nararamdaman ko pero hindi. Habang nasa alaala ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon, lalo lang akong nahihirapan. Lalo kong nakikita kung gaano ka-komplikado ang lahat."Tang-nang buhay to!" sigaw ko ng ibwelo ko ang kamao ko para sa pinakamalakas na suntok na kaya kong ibigay sa lapag. Nang biglang m
VANCE'S POVNAGKAGAT-LABI ako nang pigilan ko ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko. Ngayong gabi nakita ko ang pagluha ng tatlong taong mahalaga sa buhay ko at ayoko ng ganitong pakiramdam.Una si Steven, pero ganon pa man ipinagpapasalamat ko na sa gitna ng pagluha niya ay mababakas ang tapang sa mga mata niya na harapin ang lahat ng ito. Si Davion, nakita ko ang palihim niyang pagluha habang nasa medyo madilim ang kinaroroonan namin kanina. Kita ko ang sakit at pagsisisi sa mukha niya.At ngayon ulit si Wena...Kumuyom ang kamao ko. Tama bang ako talaga 'yong nasa tabi nila ngayon?Naalala ko ang sinabi ni Steven kanina bago niya ako iwan sa mga kaibigan ko. "Even if this is happening, gusto kong nasa tabi kita dahil ikaw ang pinagkukunan ko ng lakas at dahil mahalaga ka sa akin. So it is okay to let your friends know that you are here for them, dahil alam kong mahalaga ka rin sa kanila at isang kaibigan na pwede din nilang pagkunan ng lakas."Dinama ko ang malamig na pag-
Vance's POV"VANCE mahal kita!" sigaw ni Steven sakin nang talikuran ko siya.Napahinto ako.Napigilan ko ang sarili kong lingunin siya pero hindi ang pagpatak ng mga luha ko.Humugot ako ng malalim na paghinga. Umaasa akong mawala ang sakit na nararamdaman ko.Sinikap kong maging matatag ang boses ko, "Hindi na 'yon mahalaga," pikit ko, "makakaalis ka na-""That matters to me!" hatak niya sa braso ko.Nanghihina ako kaya madali niya akong naisandal sa pader. Yumuko ako, nanalangin akong hindi niya makita ang mga luha ko."Sakin mahalaga 'yon," angat niya sa mukha ko.Nagtama ang mga mata namin ni Steven.For the last time. Gusto kong matitigan ang mukha niya, mabasa ang mga mata niya at marinig ang boses niya ng masmalapitan.Naramdaman ko ang hirap ng kalooban niya ng humugot siya ng malalim na paghinga."Mahalaga sakin na malaman mong mahal na mahal kita Vance," paos at seryoso niyang sabi.
VANCE'S POV COLLEGE Days. Nagpasalamat ako sa maid na naghatid sakin papunta sa garden kung nasaan si Wena. Nang makaalis na ang maid ay pinagmasdan ko ang ganda ng ayos sa labas. Nakakahalina ang mga halaman bago ka makapasok sa sentro ng garden. May mga ibon at butterfly pa na nagliliparan sa paligid. Napabaling ako sa pasukan ng garden at natanaw ko mula doon si Wena kasama ang isang lalake. Nakuha ng lalake ang atensyon ko nang makita ko ang itsura at tindig nito.Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may mga paru-parong biglang nagsulputan sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit. Ah, siguro 'yon ang sinasabi ni Wena na idine-date na niya ngayon at ipapakilala palang samin. Ang gwapo naman! Perfect! Ganyan na ganyan ang mga tipo kong lalake. Nakaramdam ako ng inggit. Kung may unang bagay akong kinaiinggitan kay Wena 'yon ay ang pagiging babae niya. Ang panal
VANCE'S POV "LET'S Date-" "May date ako mamaya-" naputol ko ang sinasabi ko nang masabayan ko ang sinasabi niya, "kaya hindi kita masasamahang kumain," nabibigla kong pagpapatuloy. Humina ang boses ko sa huli kong sinabi, pakiramdam ko kasi gusto kong bawiin ang sinabi ko. Napalunok ako nang tila masilip ko sa mga mata niya ang hapdi na idinulot nang sinabi ko. Napako ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya papalapit sakin.Isang hakbang nalang ang lapit namin nang huminto siya. Kita ko ang pag-angat ng d****b niya. "I want to take you out co'z i want you," titig niya sa mga mata ko. "For now, lets date first," pabulong at paos ang boses niya. Nanalangin ako na sana bawiin niya ang sinabi niya at sabihin na isa lang 'yong biro. Sige na! sabihin mo na! Para na akong mabibingi sa lakas ng kalabog ng puso ko. "Narinig mo?" madiin niyang sambit, "gusto kita." Umiling ak
VANCE'S POV"ANO? Bali-balita na sa campus ang nangyari samin ni Steven? Ganon kabilis kumalat ang balita?" nabibigla kong sabi.Bumaling silang lahat sakin, nagtataka kung bakit hindi ko alam 'yon."Im sorry, hindi ko alam kasi pagkatapos nang nangyari umuwi na agad ako. Nasira 'yong cellphone ko kanina kaya hindi ako makabalita kung ano na ang mga nagaganap na dapat kong malaman."Kanina nang suntukin ako ni Steven at bumagsak ako sa lupa, nabasag ang cellphone ko dahil nasa likod na bulsa ng pantalon ko 'yon nakasuksok.Tumango-tango sila.Bumaling ko kay Wena isa sa mga writers ng Publication namin sa campus."Well, that's one of the things we're talking about right now on our freedom wall on campus and on social media. Dahil maraming taong nag-aalala kay Steven," saglit akong sinulyapan ako ni Wena, "at syempre sayo din. Nagre-react 'yong mga tagahanga ninyo sa campus pero mas maraming nagagalit sayong mga