Share

CHAPTER 2

Author: Magic Heart
last update Last Updated: 2022-06-20 15:30:07

"No, sir. Tamara Nicole Austria is a victim. She's not a culprit," malakas na sabi ni Andrei sabay tayo sa upuan niya. 

Nasa isang meeting siya sa camp ng mga sundalo at pilit niyang ipinaglalaban ang buhay ni Tamara. Balak na kasing tapusin ng mga alagad ng batas ang buhay ng dalaga. 

"Lt. Montillano, Tamara Austria is very dangerous," diin ng kasamahan niya. 

"Yes, she is. Ngunit sino ba ang nagtulak sa kaniya para malagay siya sa sitwasyon na iyon? Tayo, 'di ba?" 

"Kung hindi natin siya papatayin, baka tayo ang patayin niya kapag bumalik na ang alaala n'ya," naibulalas ng isang general. 

"Now, I get it. Takot kayong maisahan ni Miss Austria kaya nagkakandarapa kayong patayin siya. Sobra naman yatang kaduwagan iyan!" insulto ni Andrei sa mga kasamahan niya. 

Natahimik ang lahat ng nasa meeting. Sa harapan nila ay nakalatag ang picture ni Tamara noong teenager pa lang siya at ngayong dalaga na siya. Sa edad na twenty-seven ay wala pa rin naaalala ang dalaga kung bakit siya ipinadala ng isang grupo ng mga sundalo sa Devils Angel Mafia Organization. 

"She failed on her mission. Kapag hinayaan natin siyang mabuhay pa, ibig sabihin ay pwedeng ang tahimik nang sitwasyon ay magbago. Another thing, this lady was well-trained by our group. Eventually, naging mas magaling pa siya after being the member of the elite force ng organisasyon na dati nating target. Malalagot din tayo sa mga tao kapag nalaman nila ang ginawa natin sa isang down na teenager noon," mahabang sabi ng isa pang sundalo.

"Kayo lang. Wala pa ako sa organisasyon noong ginawa n'yo iyan," bulong ng isip ni Andrei.

The fine Lieutenant could not believe what he heard during the meeting. Hindi niya akalain na nagawa ng mga tinitingala niyang tao ang pagsamantalahan ang kahinaan ng isang inosenteng babae. 

Buo ang loob na sinabi ni Andrei sa mga kasamahan na hindi siya papayag na patayin ng sinuman sa mga ka-grupo niya ang babaeng inalok niya agad ng kasal. Nagbanta siya na kapag may nangyaring masama rito ay lalabas sa public ang ginawang mali ng mga kasamahan nila, fifteen years ago. 

"We are a team, Lt. Montillano," paalala sa kaniya ng mga kasamahan. "Our job is to save this country sa mga mafia organizations na unti-unting sumisira sa atin."

"I agree. We are teammates. Subalit ipapaalala ko lang sa inyo na ang Devil's Angel Mafia Organization at Sabado Boys ay kakampi na ng government. Gusto n'yong patayin ang babaeng iyan dahil natatakot kayong mabunyag ang ginawa ninyong maling gawain sa nakaraan at hindi dahil member siya ng elite force ng isang kilalang mafia group. You are all unreasonable." 

Pabagsak na isinara ni Andrei ang pintuan ng silid nang lumabas siya. Sa labas ay sunod-sunod ang pagbuga niya ng hangin. Iniwan niya ang yaman ng kaniyang pamilya para sa katarungan na hinahanap niya para sa kan'yang Daddy. Subalit hindi niya kayang pumatay ng inosente lalo na kung ang taong iyon ay ang babaeng nagpatibok agad sa puso niya noong unang nakita niya pa lang ito sa picture. 

Bilang alagad ng batas na nakatuka sa mafia world, aalis na siya sa kampo at pansamantalang mamumuhay bilang ordinaryong tao. Hindi niya gustong umalis na may sama siya ng loob sa mga kasamahan at ganoon din ang mga ito sa kaniya. 

"Lt. ano ang plano mo habang isa kang ordinary citizen?" tanong ni Lt. Almario. Siya ang matalik na kaibigan ni Andrei. Nagsimula ang friendship nila noong mga bagong salta pa lang sila sa organisasyon.

"Pakakasalan ko na siya," biro ni Andrei sa kaibigan. Ang tinutukoy niya ay si Tamara.

"Sira ka ba, bro. Ilalagay mo ang buhay mo sa kapahamakan." 

"Lt. Almario, I already proposed to her."

"What the fûck, man? Are you serious?" 

"Yes. I'm fücking serious, bro."

Tinapik-tapik ni Andrei ang balikat ng kan'yang kaibigan. Hindi naman siya nito tinigilan hanggang sa mailagay niya ang huling uniform sa bag na dadalhin niya pagbalik sa mansion nila. 

Katulad nang madalas niyang gawin, nag-commute na lang si Andrei pagkalabas niya ng kampo. Isang simpleng maong pants and t-shirt na kulay itim lang ang suot niya. Kung hindi lang dahil sa kaniyang gupit at tindig, no one would suspect him na isa siyang walang kinatatakutan na alagad ng batas.

Halos tatlong oras din na byahe mula kampo hanggang sa Montillano Mansion na matatagpuan sa bayan ng Angono Rizal. May mansion ang pamilya n'ya sa Q.C. subalit ayaw niya munang pumirma roon. Dahil sa pagiging sundalo n'ya kaya nakasanayan na niya ang buhay bundok. 

Pagdating sa bahay nila, sinalubong agad si Andrei ng kaniyang Yaya Nora. Pinaghahalikan siya ng matandang babae kahit pawisan siya. Inaasahan na ni Andrei ang tagpong iyon dahil wala nang magulang ang sasalubong sa kan'ya. His mother died after she gave birth to him and his father died due to an unknown person na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya. 

"Anak, anong gusto mong kainin o inumin? Hindi ka man lang kasi nagpasabi na darating ka kaya hindi kami nakapaghanda," sabi ni Yaya Nora. 

"Magpapahinga na muna po ako, Yaya." 

Dumiretso si Andrei sa dati niyang silid. Malinis iyon at properly organized kahit matagal nang panahon siya huling natulog roon. Pabagsak niyang inilapag sa sahig ang dala niyang bag. Halos ibaon niya rin ang sarili sa kama. Loneliness struck him. 

Andrei looked at the pictures on the wall and he remembered the good old days of his family. Inilagay niya ang mga braso sa likod ng kaniyang ulo at ginawa niya itong unan. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. His dad loved him so much. He showered him with care and affection. Palagi siyang una sa priorities nito. At kahit pinilit niya itong mag-asawa muli, hindi nito ginawa. 

Until one day, tinawagan siya ng Uncle David niya na patay na ito. Nakaaway daw kasi ng daddy niya ang isang miyembro ng mafia group nang pumunta ang mga ito sa casino. Sinunog ng grupo ng nakaaway ng Daddy niya ang mansion nila noon sa Quezon City. Isa sa casualties ng sunog ang kaniyang ama. Mula Spain, bumalik siya sa bansa para maging isang ganap na sundalo. Many people advised him na mag-hire na lang ng tauhan pero hindi n'ya ginawa. Gusto n'yang siya mismo ang makahanap sa taong pumatay sa daddy niya. 

To avoid the feeling of nostalgia, muling bumangon si Andrei. Kinuha n'ya sa bag ang picture ni Tamara at pinakatitigan ito. 

"You will be my wife," he said. Lumabas siya ng silid at humingi sa mga katulong ng frame at nilagay n'ya roon ang picture ni Tamara. 

Habang isinasabit niya sa dingding ang picture frame na may picture ni Tamara, nag-ring ang cellphone niya. Hindi niya iyon pinansin ngunit makulit ang tumatawag. 

"Bro, kumusta?" tanong agad ni Lt. Almario. 

"Bahay na ako. Bakit ka tumawag?" 

"Mukhang palalabasin din ako. Pwede bang makitambay sa mansion mo?" 

"Oo naman, bro. Pero nandito ako ngayon sa Angono. Kailan ang labas mo ng kampo?" 

"Wala pang schedule. Advance lang akong mag-isip." Tumawa ng malakas ang kaibigan ni Andrei. "May balita ako tungkol kay Tamara mo. Pupunta raw ito ng isang resort diyan sa Angono. May balak na naman ang mga blackships." 

"Full details, bro?" 

"Ise-send ko sa iyo. Bro, hindi ka dapat makita ng mga iyon dahil mainit na sila sa iyo," paalala ng kaibigan niya. "Okay, Lt. Montillano, bahala ka na sa mafia's gem." 

Pagkatapos mag-usap ng magkaibigan ay parang ipo-ipo na nagpalit ng damit niya si Andrei. Alam niya ang pinadalang address ng kaibigan n'ya kaya hindi niya na kailangan pang hanapin iyon.

"Aalis ka ba agad?" tanong ni Yaya Nora nang nakita siya nitong tumatakbo pababa ng hagdanan. 

"May pupuntahan lang po akong resort. Baka bukas na ako makabalik," paalam ng binata sa matanda sabay halik sa noo nito. 

Samantala, sa Jewel Paradise ay magalang na sinalubong si Tamara ng staffs ng resort. Nagpaalam muna siya kina Kaizer at Kryzell na magbabakasyon siya. Gusto niya kasing ayusin muna ang sarili n'ya. Lately, feeling niya ay pagod na pagod siya sa mga nagaganap sa buhay n'ya. Panay din ang sakit ng ulo niya. 

"Nasaan ka na?" tanong ni Kryzell sa kaniya mula sa kabilang linya. 

"Nandito na ako. Okay na ako rito. Huwag ka nang mag-alala." 

"Sabihin mo lang kung kailangan mo ng isang batalyon at padadalhan kita riyan. Well, alam kong mas magaling ka pa kaysa sa limang miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization pero baka lang naman kailanganin mo." 

Natatawa na pinatay ni Tamara ang tawag dahil sa mga hirit ng kaibigan niya. Noong una, akala niya ay hindi n'ya makakasundo ang asawa ng boss nila dahil sobrang tapang nito pero iba ang nangyari. Ngayon ay para na silang magkapatid na kapag nasasaktan ang isa't isa ay dama ng bawat isa. 

Lalo pang tumindi ang samahan nila ng maging nobyo niya si Samuel. Unfortunately, isang linggo bago ipanganak ni Kryzell ang second child nito ay namatay naman ang nobyo n'ya dahil sa aneurysm. Biglaan ang lahat kaya hindi niya napaghandaan. Nangyari iyon, dalawang araw bago ang kasal nila.  

"Wohh! Ang saya ng buhay!" she shouted. "Ang saya-saya, puro paghihirap na lang!" 

Pinigilan ni Tamara ang luha niya. Ayaw n'yang makita ng iba ang kahinaan niya. Simula teenager pa lang s'ya, ang turing na sa kaniya ng mga kamag-anak ay malas siya kaya nang mamatay ang buong pamilya niya dahil sa massacre, siya ang sinisi ng lahat.

"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo," sabi ng isang resort staff. Iniabot nito kay Tamara ang isang stem of pink rose. 

Napangiti ang dalaga dahil paborito niya iyon. Subalit dala ng pagiging magaling na miyembro ng mafia organization, hindi tinanggap ng dalaga ang bulaklak. 

"Kanino galing iyan?" usisa ni Tamara. 

"Doon po sa gwapong lalaki nakatayo roon sa… Wala na siya." 

"Pakitapon na lang." Mabilis na tumalikod si Tamara. Sanay na siyang pinag-uukulan siya ng tingin ng mga lalaki dahil bukod sa maganda ang kan'yang mukha, balingkinitan din ang kaniyang katawan. 

Lumakad si Tamara papunta sa kan'yang silid. Subalit bago siya lumiko sa right wing corridor ay bigla siyang hinablot ng isang lalaki. Mabilis ang naging reaksyon ni Tamara. Agad niyang nahawakan sa braso ang lalaki at inundayan ng suntok sa panga. 

Subalit napakabilis kumilos ng lalaki. Nailagan nito ang suntok niya at sa halip ay hinuli rin nito ang kamay niya. 

"Umalis na tayo rito, ngayon din," sabi ni Andrei.

"Ikaw na naman! Ano ba ang kailangan mo sa akin? Noong last na nagkita tayo, bigla kang nawala pagkatapos mong kumaway sa akin tapos ngayon, sumulpot ka na parang wala lang. Multo ka ba?" 

"Kung lahat ng multo ay kasing pogi ko, lahat ng lalaki ay mag-uunahan para maging multo na lang sila," wika ni Andrei sabay hila kay Tamara. 

"Bitiwan mo ako! Saan mo ako dadalhin? Tulong! Tulong!" sigaw ng dalaga. Pinilit niyang kumawala kay Andrei pero nilagyan nito ng posas ang kanang pulsuhan niya at kaliwang pulsuhan nito. 

"Nailagay ko na sa kotse ang mga gamit mo. Gusto mong magbakasyon, right? I know a good place where you can relax and unwind." 

Ngumisi si Andrei dahilan para dukutin ni Tamara ang baril na nasa kaniyang baywang. Subalit nagulat siya nang maalala niyang iniwan n'ya nga pala ito sa kaniyang silid. Nang lingunin ni Tamara si Andrei, isang hàlik sa labi ang isinalubong nito sa kaniya. 

"Where is our engagement ring?" tanong ni Andrei. 

Nakagat ni Tamara ang kaniyang labi at hindi niya alam ang isasagot dahil sa mga paru-parong lumilipad sa kaniyang sikmura. Nahawakan niya na lang ang kaniyang labi at napatingin siya kay Andrei na noon ay sobrang dilim na ng mukha. 

    

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Grabe ka Andrei may pa halik Kapa Kay Tamara.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya Ang pumatay sa ama ni Andrie at may amnesia pala Si Tamara
goodnovel comment avatar
Dimple
ayiiee Andrei masyadong mabilis.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Tamara, The Mafia's Gem    EPILOGUE

    Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p

  • Tamara, The Mafia's Gem    WAKAS

    Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 103

    Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 102

    Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 101

    Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 100

    “Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status