Share

CHAPTER 3

Malakas ang tahip ng dibdib ni Tamara habang nakasakay siya sa isang sasakyan kasama ang sa tingin niya ay baliw na lieutenant. Galit ito sa kaniya dahil sinabi niyang ibenenta niya ang singsing na ibinigay nito sa kaniya para may magamit siya sa bakasyon niyang iyon. Gustuhin man niyang sumigaw ay hindi niya magawa dahil nabubusalan siya nito ng panyo at nakaposas din ang kaniyang mga kamay.

"Kapag nakawala ako rito, babasagin ko ang itlog nito at gagawin kong tortang talong ang alaga niya," mga naglalarong salita sa isip ni Tamara. "Para na rin akong si Kryzell. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon na lang ang trato niya kay boss. Ang dami talagang mga lalaking walang magawa sa buhay kun'di pag-initan ang mga babae."

"Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?" tanong ni Andrei sa kaniya. "Siguro naiisip mong masarap akong húmalïk. Tama ako, 'di ba?"

Iniiwas ni Tamara ang tingin niya sa kaniyang katabi. He is cold and very dominiting ang personality subalit hindi man lang na-i-intimidate ang dalaga. 

"Humanda ka sa akin once na makalagan mo ako," banta ni Tamara habang nakatingin sa kamay niyang nakaposas. Maging ang mga paa niya ay nakatali kaya hindi siya makakilos. 

"Alam mo, hindi mo ako kaaway. Inililigtas lang kita mula sa mga gustong pumatay sa iyo. Tutal gusto mo ng bakasyon kaya sa mansion ko na lang ikaw magbabakasyon," Andrei said with a wide smile. 

Tamara acted as if she did not hear anything. Her blood was boiling and all she wanted was to kick his ass. But she remained silent. Naghihintay lang talaga siya ng tamang tiyempo para makaganti sa lalaking bigla-bigla na lang dumarating at nawawala. 

Nang dumating ang dalawa sa mansion ng mga Montillano sa Angono, mabilis na bumaba ng sasakyan niya si Andrei. Sinalubong naman sila ni Yaya Nora. Napamaang ito ng makita ang maganda at kalmadong babae na kasama ng kaniyang alaga. Hindi makapaniwala ang matanda na sa kabila ng kalagayan ng dalaga ay nagawa pa nitong ngumiti ng bahagya pagkatapos tanggalin ni Andrei ang busal nito. 

Ipinatong ni Andrei ang kanan niyang braso sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Humarap siya kay Tamara na noon ay naghihintay lang din ng sasabihin niya. 

"Tamara, I'm sorry kung biglaan ang ginawa kong pagdukot sa iyo. I have no bad intention talaga sa action kong ito. Nabalitaan ko kasi na nanganganib ang buhay mo kaya to the rescue agad ako," paliwanag ng binata. 

Tumaas lang ng bahagya ang kilay ni Tamara. Dahil sanay sa pagiging tahimik kaya hindi man lang siya kumibo. Nakikiramdam lang siya sa paligid.

"Look, alam kong magaling ka sa baril at martial arts pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hahayaan muna kitang nakaposas. Baka kasi maisipan mo ulit na bumalik sa Jewel Paradise, delikado yon. May gustong pumatay sa iyo roon at iniligtas lang kita." 

"Bakit mo ako kailangang iligtas? Wala kang obligasyon sa akin," mahinang sabi ni Tamara.   

"Simply because I want you to be my wife kaya hindi ako papayag na mapahamak ka," nang-aakit na sagot ng binata. 

Binuhat ni Andrei ang dalaga. Isinampa niya ito sa kaniyang balikat. Ni hindi man lang pumalag si Tamara. Subalit alerto siya. Tinatandaan niya ang dinadaanan nila. Hanggang sa pumasok sila sa isang magarbong silid. 

"Paano mong nalaman na nasa panganib ang buhay ko?" muling tanong ni Tamara nang ilapag siya ni Andrei.

Inilapit ng binata ang mukha niya sa dalagang hindi man lang kinakabahan. Halos half an inch na lang ang pagitan ng mga ilong nila at nakatitig siya sa labi ng dalaga. 

"Malalaman ko talaga iyon dahil my intelligence kami," sagot ni Andrei sabay pitik sa ilong ng bihag niya. 

"Lieutinant, mga kasamahan mo ba ang bumaril sa akin sa may Baywalk?" 

"Ang dami mo namang tanong, Tamara. Siya nga pala, wala ka bang naalala na kahit ano?" 

Napatingin si Tamara kay Andrei. 

"Ano naman ang dapat kong maalala?" tanong ng isip niya. "Sana nga pwede akong makalimot para mawala pansamantala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkamatay ni Samuel." 

"Balewalain mo na ang tanong ko sa 'yo. Si Yaya Nora na ang magtatanggal ng posas mo kasi baka kapag ako ang gumawa, patayin mo ako. Believe me, Tamara. Gusto ko lang talagang iligtas ka. You are free to stay here. I know you're dangerous dahil magaling ka sa pakikipaglaban pero naniniwala akong hindi mo kami papatayin. Mr. Gerzon did his best para maging malaya kayo, huwag mo sanang sayangin." 

Napakurap-kurap si Tamara. Naitanong niya sa sarili kung bakit tila maraming alam ang lalaking kausap niya. Nagtataka rin siya kung paanong nalaman nito ang tungkol sa Boss Kaizer niya at maging sa naging effort ng mafia boss para mabalewala ang lahat ng kaso laban sa bawat isang member ng Devil's Angel Mafia Organization. 

Nang maiwan si Tamara ay sinuri n'ya ang silid. Patalon-talon na lumapit siya sa bintana to check kung kakayanin niyang tumakas mula roon. Nang mag-ring ang cellphone niya, hirap na hirap siyang dinukot iyon. 

"Letche! Paano ko ba sasagutin ito?" mahina niyang tanong. 

"Ako na." Mabilis na dinukot ni Andrei ang cellphone ni Tamara mula sa bulsa ng suot nitong short. Siya na rin ang pumindot sa screen para tanggapin ang tawag. 

"Sino ito?" tanong ni Tamara sa binata nang inilapit nito sa kaniya ang cp. Nagkibit-balikat lang naman ang huli. 

"Anong sino ito? Tamara, where are you now? Ligtas ka ba? May nagaganap na barilan sa Jewel Paradise kaya na-highblood si Kryzell." Nag-aalalang boses ni Kaizer ang narinig ng dalaga.

"Ano'ng sinabi mo, boss?" tanong ng dalaga sa nasa kabilang linya. 

"Mukhang ligtas ka sa nagaganap na barilan sa Jewel Paradise. Wala akong putok ng baril na naririnig sa background mo." 

"O-o-po, boss, safe ako."

Nagpaalam agad si Kaizer nang mabatid nitong ligtas si Tamara at natahimik ulit ang silid. Nakangiti si Andrei nang ibaba niya ang cellphone ng dalaga. Tinawag ng binata si Yaya Nora at ibinigay niya sa matanda ang hawak na susi.

"Bakit mo naman kasi kailangan pang lagyan ng posas ang batang ito. Mukha naman siyang mabait kaya tiyak na hindi ka niya sasaktan. Sa ganda at amo ng mukha nito, malabo na gumawa ito ng mali," sabi ng yaya ni Andrei. 

Lihim na napangiti si Tamara. Kahit noon pa man ay sinasabi na ng mga kasamahan niya na para siyang anghel. Ang maganda niyang mukha ay madalas nagagamit niyang weapon sa bawat laban. Ang maamo niya kasing mukha ay malayo sa tunay niyang abilidad. 

Si Andrie na tumayo sa may pintuan ay malikot ang mga mata. Sa sobrang tahimik ni Tamara ay hindi niya mabatid ang gusto nito. Napakahinhin din nito kaya nanghuhula siya sa bawat kilos ng dalaga. 

"Thank you for saving me," sabi ni Tamara kay Andrei nang matanggal na ni Yaya Nora ang posas n'ya. 

"Mabuti naman at naniwala ka na," sabi ni Andrei. "Anyways, you can stay here as long as you want. You are free to do horseback riding, swimming or kahit anong gusto mong gawin. Huwag kang mahihiya. You are also free to leave pero sana i-try mo munang e-enjoy ang lugar namin para hindi naman sayang ang pagpunta mo rito." 

"Excuse me, hindi ako pumunta rito," bara agad ni Tamara sa binata. 

"Oo nga pala. Miss Tamara Austria, enjoy your stay here. Si Yaya Nora na ang bahala sa iyo." Kumindat muna si Andrei bago siya umalis ng silid.

"Hija, ano'ng gusto mong kainin?" tanong ng matanda sa seryosong dalaga. 

"Wala po. Manang, pwede ko po bang ikutin ang buong paligid?" 

"Aba'y oo naman! Gusto mo ba ng makakasama, hija?" 

"Huwag na po. Gusto ko po sanang mapag-isa."  

Hahakbang na sana si Tamara palabas ng silid nang makita niya ang kan'yang mga gamit na maayos na nakalagay sa isang tabi. Lumapit siya sa kaniyang bag at kinuha niya ang kaniyang baril. Nagtataka siya na hindi man lang iyon kinuha ni Andrei gayong alam nitong mayroon siya noon. 

"Pinakakagat lang ba ako ni Lieutenant o totoo ang ipinapakita niya sa akin?" tanong ng isip ni Tamara. 

Nauna nang lumabas ng silid ang yaya ni Andrei at sumunod naman sa kaniya si Tamara. Ang sabi ng matanda ay mag-elevator na lang daw ang dalaga ngunit tumanggi siya. Sa halip ay sumunod siya kay Yaya Nora. 

Nagdadalawang-isip si Tamara kung aalis ba siya sa Montillano Mansion o mananatili muna roon pansamantala tutal ay hindi siya nakakaramdam ng panganib kahit kasama niya si Andrei. 

Nang nasa may hagdanan na sila, nahagip ng mata ni Tamara ang isang larawan. Napahawak siya sa railings ng hagdanan at napatigil din siya sa paghakbang. 

"Sino siya? Nakita ko na ba siya?" tanong ni Tamara sa sarili n'ya. 

Subalit ang matinding pag-iisip niyang iyon ay nagdulot ng sobrang sakit ng ulo. She can't breath properly kaya sisinghap-singhap siya. Hanggang sa napasigaw na lang siya dahil sa sobrang sakit ng ulo. 

Sa 'di kalayuan ay nakita ni Andrei ang nangyayari sa kaniyang bisita. Dali-dali niyang nilapitan ito at ganoon na lang ang gulat niya nang sa paglapit niya kay Tamara ay bumunot agad ito ng baril at itinutok iyon sa kaniya. 

Sa kabila ng matinding tensyon kina Andrei at Tamara, walang kamalay-malay ang dalawa na may mga nagplaplano na kung paano sila itutumba. Ang isa sa kanila ay nakatayo lang mula sa 'di kalayuan at nakangising pinagmamasdan ang gulat na nakarehistro sa mukha ni Andrei. 

Comments (21)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Naku sino nman Kaya Ang mga nakatingin kila Andrei at Tamara..Sino Kaya Ang NASA larawan at bigla nalang sumakit Ang Ulo ni Tamara.. thank you Author
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya Ang nagmamasid Kay Andrie at Tamara at sino Yung nakita ni Tamara sa naka bitay na picture frame?
goodnovel comment avatar
Dimple
ay mahal na rin ng salawahan kung puso si Andrei .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status