/ Romance / Tame Me: Sweet Defiance / Someone’s Fantasy

공유

Someone’s Fantasy

작가: Fleurdelis
last update 최신 업데이트: 2026-02-19 09:48:45

“Lolo, bakit ka humingi ng dispensa sa masamang ugaling ipinapakita ng babaeng iyon?” matalim na tanong ni Nerissa.

Hindi siya pinansin ng matanda. Sa halip ay tumingin ito kay Lysander.

“Lysander, hijo… sana ikaw na ang umintindi. Hindi naging madali ang buhay ni Chlorothea. Malaki ang naging papel ng pamilyang ito sa sakit na dinadala niya.” Mabigat ang tinig ni Lucien. “Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin, sa ama niya, sa aming lahat.”

Napasimangot si Nerissa ngunit nanahimik.

“Wa
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Tame Me: Sweet Defiance   Someone’s Fantasy

    “Lolo, bakit ka humingi ng dispensa sa masamang ugaling ipinapakita ng babaeng iyon?” matalim na tanong ni Nerissa.Hindi siya pinansin ng matanda. Sa halip ay tumingin ito kay Lysander.“Lysander, hijo… sana ikaw na ang umintindi. Hindi naging madali ang buhay ni Chlorothea. Malaki ang naging papel ng pamilyang ito sa sakit na dinadala niya.” Mabigat ang tinig ni Lucien. “Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin, sa ama niya, sa aming lahat.”Napasimangot si Nerissa ngunit nanahimik.“Wala ba siyang naikukuwento sa iyo?” tanong ni Draven.Bahagyang natawa si Lysander. “I don’t think I’m the type of person na pagkukwentuhan niya ng personal niyang buhay. I believe she sees me as her arch-enemy.”“Arch-enemy? Pagkatapos niyang pilitin ka sa kasal na ito? Sabihin mo, talagang hindi maganda ang ugali niya,” singit ni Nerissa.“Hindi pa siya handang magsalita,” patuloy ni Lucien. “Pakiramdam niya kalaban niya ang lahat. Ngunit ang totoo, kailangan lang niya ng masasandalan. Isang ba

  • Tame Me: Sweet Defiance   No Appetite for Sympathy

    “Papa, Anong ibig mong sabihing darating ang representative ng C-Nexus dito?” Gulat na wika ni Celestine ng sabihin sa kanila ni Lucien na hindi lang isang family gathering ang Dinner na iyon dahil darating doon Representative ng C-Nexus. Lahat nakatingin sa padre de pamilia na puno ng pagtataka. Kakalabas lang nito mula sa hospital. Inatake siya dahil mismo sa usaping iyon pero bakit nito gugustuhing makita ang representative ng kompanyang iyon.“Papa, dapat nagpapahinga ka ngayon, Bakit-----”“Kung hindi natin haharapin ang usaping ito ngayon, Kailan pa? nakausap ko na ang abogado ko at ang legal team ng Kingdom. C-Nexus and Kingdom have come to terms and agreement sa magiging----”“So, ibebenta mo ang hotel natin.” Bulalas ni Draven.“That’s the only way to save us.” Wika ni Lucien sa anak niya. Matapos magsalita ang matanda. Saka naman pumasok ang dalawang Binatang nakasuot ng Suit matangkad at matipuno. Isa sa kanila may suot pang salamin.Simpleng tumingin si Chlorothea sa dalaw

  • Tame Me: Sweet Defiance   Walls Higher Than Buildings

    Napakunot ang noo ni Chlorothea ng makita sa labas ng hospital si Lysander. Sa pagkakaalam niya ay busy ang binata sa mga trabaho nito sa headquarters kahit nga sa bahay ng ama nito malimit na silang magkita naging busy na rin kasi siya sa Clinical Rotation niya. Kaya naman nakakapagtaka na Makita ang binata na nasa labas ng Hospital at sinusundo siya. Ni minsan hindi pa naman siya sinundo ng binata.Napatingin si Chlorothea sa paligid at napansin ang mga dalagang nakatingin sa binata at nagbubulungan. Saka naman napataas ang kilay niya. Nakatayo lang ito sa tabi ng kotse and he is already attracting girls. Mukhang mas lalawak pa ang fanclub ng Binatang heneral dahil doon. He is not even wearing his usual military uniform or camouflage na damit pero nakukuha pa rin nito ang atensyon ng lahat dahil sa kakisigan nito.“What are you doing here?” tanong ni Chlorothea na lumapit sa binata.“Sinusundo ka.” Simpleng wika ng binata at binuksan ang pinto ng Passenger’s seat ng sasakyan.“You k

  • Tame Me: Sweet Defiance   No Reason to Stay

    Nakatayo si Chlorothea sa labas ng silid ni Lucien sa ospital. Nakalampas na sa kritikal na sitwasyon ang matanda at ngayon ay nasa yugto na lamang ng paggaling. Sa nagdaang mga araw, hindi siya pumasok upang dalawin ito kahit pa naroon siya sa ospital araw-araw dahil sa kanyang clinical rotation.Hindi rin siya nagpakita sa pamilya niya.Kapag wala nang tao sa silid ni Lucien, saka lamang siya lumalapit. At sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi siya pumapasok. Tumitigil lamang siya sa labas ng pinto nakatayo, tahimik, walang emosyon sa mukha.Dahil sa kilos na iyon, lalo lamang nagalit sa kanya ang pamilya ng ama niya. Tinawag siyang walang utang na loob. Anak na walang pakialam kung mamatay man ang sarili niyang lolo.Hindi iyon ikinagulat ni Chlorothea. At lalong hindi siya naapektuhan.Hindi naman talaga siya naroon para makipag-ayos o makipagplastikan sa kanila. May isa lang siyang dahilan at iyon ay pagbayarin

  • Tame Me: Sweet Defiance   Thunder, and Something Else

    “Did you sprain your leg?” tanong ni Lysander habang nakasalo pa rin ang kamay niya sa balikat ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa paa nito.“Stand still.”Hindi naghintay ng sagot ang binata. Yumuko siya upang silipin ang paa ni Chlorothea.Pagdampi ng kamay niya sa bukung-bukong ng dalaga, bigla itong napaigtad at napahawak sa likod ng suot niyang damit. Napatingin si Lysander sa kanya, agad napansin ang reaksiyon.“This is what you get for being stubborn,” wika niya, hindi galit masyadong kontrolado para doon.“I don’t need your unsolicited opinion,” irap ni Chlorothea habang iniiwas ang paa niya. Mas maingat na ngayon, hindi na niya ipinapahampas sa semento.“Still stubborn,” anang binata habang tumatayo sa harap niya.Hindi sumagot ang dalaga. Naiinis siya sa binata, sa sarili niya, sa katahimikan sa pagitan nila. At para bang sinasadya ng kalangitan, muling gumuh

  • Tame Me: Sweet Defiance   Uncharted Variables

    Hindi naman humindi si Aurelian sa mungkahi ni Lysander na sa driver na lang magpahatid patungo sa hospital. At sa sandaling pumayag ang matanda, nagmamadaling tumalikod ang binata, ang hakbang ay mas mabilis kaysa karaniwan. Naiwan si Aurelian na nakatingin lamang sa likuran ng anak, nagtataka kung ano ang biglaang nagbago.“Stupid General.” Gigil na usal ni Chlorothea habang naglalakad sa kalsada, tinatakpan ang tenga na para bang kaya niyang patahimikin ang boses sa loob ng ulo niya. “Dahil marunong kang mag-profile, akala mo pwede mo na akong i-analyze? Wala ka bang ibang alam kundi military strategies?”Hindi niya pinapansin ang daan. Hindi ang mga sasakyan. Hindi ang mga taong kasalubong. Punô ng galit at inis ang dibdib niya lahat nakaipon sa isang pangalan.“He is getting on my nerves. How can someone be so stupid, so stoic, so insensitive?”Papahapon na, ngunit hindi niya iyon namamalayan.Sa kawal

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status