เข้าสู่ระบบNapatingin ang lahat kay Chlorothea ng bumukas ang pinto ng restaurant ng Kingdom Hotel. Kasalukuyang nasa loob ng restaurant ang buong pamilya ni Chlorothea. Mula sa Lolo Lucien, sa ama niyang si Draven Thessara hanggang sa mga apo ng lolo niya mula sa dalawa pa nitong anak at kapatid ng papa niya.
Lahat napatingin sa dalaga na may halong gulat ang mukha. Tila ba hindi nila inaasahan na darating doon ang dalaga. O mas Magandang sabihin ni isa sa kanila hindi ini-expect na darating ang dalaga. Ilang taon na itong nasa ibang bansa at ngayon lang ito bumalik matapos ang ilang taong pakakalayo sa pamilya nila.
“Mukhang nandito na ang lahat ng miyembro ng pamilya. Ilang sandali nalang darating na rin ang bisitang hinihintay natin.” Wika ng matandang si Lucien saka tumayo sa kinauupuan.
“Miyembro ng pamilya? Unang beses ko yatang narinig sa inyo yan.” Sakristong wika ng dalaga saka tumingin sa matandang lalaki na nakatayo at nakahawak sa tungkod nito.
“Chlorothea!” malakas na wika ng isang lalaking nakasuot ng Suit. Ito ang ama ni Chlorothea. Si Draven Thessara, ang panganay na anak ni Lucien Thessara.
“Alam niyo pa pala ang pangalan ko. Was it, what? 15 years? Fifteen years na tiniis niyo akong hindi makita. Tiniis niyo ang anak niyo na mamuhay sa ibang bansa. Your Legitimate Daughter.” Wika ng dalaga na diniinan ang huling sinabi.
“While your Mistress, and your illegitimate children are living the life they stole from me.” Dagdag pa ng dalaga saka napatingin sa isang babaeng sopistika ang pananamit. Katabi nito ang isang lalaking Nakasuit nang suit at dalawang dalaga.
“Stole? Anong kalokohan ang sinasabi mo? Wala kaming inaagaw sa’yo. Baka may jetlag kapa at kung ano-ano ang kalokohang pumapasok sa isip mo. Naalog ba ng eroplano ang utak mo?” wika ng isang dalaga na tumayo at tumingin kay Chlorothea,
“Naalog ang utak? O baka gusto mong alugin ko yang Utak mo ng maalala mo kung ano ang papel niyo.” Wika pa ng dalaga.
“Ano----” gigil na wika ng dalaga na akmang lalabas sa kinauupan pero pinigilan ng katabing dalaga ang braso nito.
“That’s enough!” malakas na wika ni Lucien.
“Minsan lang tayo nagkasama ng ganito ang bangayan niyo pa ang maririnig ko. Ito ba ang klase ng pamilya na gusto niyong ipakita sa kaibigan ko?” wika ng matanda.
“Ayaw niyo naman palang makita tayo ng ganito ng kaibigan niyo. Bakit niyo ako pinauwi dito? Alam niyo namang maayos ang lagay ko doon. Tahimik ang buhay ko na malayo sa inyo. I am sure. Gusto niyo ring tahimik ang buhay niyo.” Wika pa ng dalag.
“Dapat hindi ka nalang pumayag na umuwi. Hindi ka tanggap dito.” Wika ni Noelle saka binitiwan ang kamay ng kapatid.
“That’s one of the world’s wonders that I am having a hard time grasping.” Sakristong wika ng dalaga. “I am the legitimate child. My Dad Marries my mom. But then again. I am the one treated as an outsider. Cast away at kinalimutan. Napa-irony ng buhay hindi ba papa.” Dagdag pa ng dalaga saka tumingin sa ama niya.
“Chlorothea tumigil kana. Hanggang ngayon ipinapakita mo pa rin yang kagaspangan nang ugali mo. At nagtataka ka parin ba kung bakit ka inilayo?” wika ni Meynard na nasa tabi ni Noelle. Siya ang panganay na anak ni Draven sa pangalawang asawa nitong si Yvette.
“Tumigil ako. Why don’t you make me.” Wika ng dalaga saka tumingin sa binata ng diretso. Wala siyang pakialam kung nakikita man sila ng mga kapatid ng papa niya o ng mga pinsan nila. Hindi naman malinis ang pamilya nila. Ito ang bahong tinatago ng mga Thessara.
She, the legitimate daughter of Draven Thessara, was sent to another country at the age of Eight (8). Kasama niyang umalis noon ang mama niyang may sakit at tulala. Halos walang kinakausap. She died in pain. Alone and sad. Hindi niya iyon makakalimutan. Malalim ang galit na tinatanim niya sa puso para sa ama niya. Ang amang akala niya magiging sandigan niya. Ito pa pala ang taong sisira ng lahat ng paniniwala niya, lalo na sa pag-ibig at kasal.
“I said that’s enough.” Wika ng matanda. “It was our mistake dahil naging kulang ang judgment namin---” natigilan ang matanda ng biglang napatawa nag sakristo ang dalaga.
“I’m sorry. Nakakatawa lang kasi. Pagkukulang sa judgement? Anong klaseng judgement naman ang maitatawag na kampihan niyo ang kabit keysa sa asawa? Parang ayokong maniwala sa judgment ng mga matatanda.” Anang dalaga at tumalikod.
“Oh, Saan ka pupunta?” habol ni Draven ng makitang tumalikod ang anak niya.
“Magpapahangin sa labas. Wala pa naman ang mga ka meeting niyo. Hindi ko gusto ang hangin dito nakakasakal.” Wika pa ng dalaga saka naglakad papalabas ng hindi hinihintay ang magiging reaksyon nila. Napatingin lang ang lahat sa dalaga habang nakikitang papalabas ito ng restaurant. Ang Binatang si Henry naman ay aligagang umiwas sa daanan ng dalaga ng makitang naglakad ito patungo sa pinto.
“Ang sama Talaga ng ugali niya.” Wika ni Nerissa na bumalik sa pagkakaupo.
“Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo Draven. Siguro nga lumaki siyang mag-isa pero hindi naman dahilan iyon para tratuhin niya tayo ng ganito.” Wika pa ni Yvette.
“I think she has every right reason to do so.” Wika ni Celestine na nagsalita napatingin naman sa kanya si Draven at Yvette.
“Ano namang ibig mong sabihin?” tanong ni Yvette.
“Huwag na tayong mag maang-maangan pa. Alam natin ang dahilan nang galit ng batang iyon.” Wika ni Celestine at tumingin kay Lucien. Tila naunawaan naman ni Lucie ang gustong sabihin ng anak niya kaya inilayo nito ang tingin. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa pamilya nila.
Si Chlorothea ang anak ni Draven sa babaeng pinakasalan nito. She was young and in love. Nahulog sa charisma ni Draven. They got married at nagkaroon ng anak. Hindi noon alam ng in ani Chlorothea na si Draven ay may ibang kinakasama. Si Yvette, nalaman lang nila ang tungkol dito noong Walong taon na si Chlorothea. Nagkaroon ng sakit ang mama ng dalaga dahil sa depression. Ipinadala sa ibang bansa. Silang mag-ina ay itinago mula sa publiko. Chlorothea was treated as an outsider and an illegitimate child. Habang ang mistress ng papa niya ay lumipat sa mansion nila and assumes her mother’s place. Walang ni isa man sa pamilya ng mga Thessara ang nagtanggol sa mama niya. Kaya alam ni Celestine ang galit na taglay ni Chlorothea sa kanila. Hindi naman niya masisis ang dalaga.
“I think it’s time para mag move on siya.” Wika pa ni Meynard.
“It’s not that easy.” Wika pa ni Eira ang anak ni Celestine.
“Hayaan na muna natin siya. Hindi pa naman dumarating ang kaibigan ko.” Wika ni Lucien. Sa loob ng matanda, guilty siya kung bakit ganoon ang asal ng apo. Naging makitid ang utak niya at hindi naging maganda ang judgement sa mga bagay-bagay.
Tahimik ang convention hall nang bumukas ang malalaking pinto.Sabay na humakbang sina Lysander at Chlorothea patungo sa altar. Hindi magkadikit ang kanilang mga balikat, ngunit hindi rin magkalayo isang distansyang sinadya, kontrolado.Ramdam ni Lysander ang mga matang nakatutok sa kanila. Mga dignitaryo. Mga kaibigan ng pamilya. Mga taong sanay sa kasunduan at alyansa.Pero sa bawat hakbang, mas malinaw ang isang bagay: hindi ito operasyon.At iyon ang unang pagkakataong nalito siya.Huminto sila sa harap ng altar. Ang officiant ay nagsalita mga salitang pamilyar sa kasal ngunit hindi iyon ang naririnig ni Lysander. Ang naririnig niya ay ang tibok ng sariling dibdib. Steady. Pero mas mabigat kaysa dati.“Do you, Lysander Ashcroft-----”Tumayo siya nang tuwid. Automatic. Parang nasa formation.“----Take Chlorothea Thessara as your lawfully wedded wife?”Isang segundo ang lumipas.Isang seg
“Are you sure ayaw mong ihatid kita sa altar?” tanong ni Draven habang nakatayo sa gilid ng dressing room.Araw iyon ng kasal ni Chlorothea at Lysander. Sa malaking convention hall ng Empire Mall, pag-aari ng mga Ashcroft,idaos ang seremonya. Isang linggo pa lamang mula nang ipahayag ng dalawang matanda ang kasunduan, ngunit agad na itinulak ang kasal. Parang may hinahabol. Parang may kinatatakutan, lalo na’t lantad ang pagtutol ng dalaga mula pa sa simula.Hindi agad sumagot si Chlorothea. Nakatayo siya sa harap ng salamin, tuwid ang likod, hindi nanginginig ang kamay.“You don’t need to,” wika niya, malamig ang tinig. “It’s not like I’m marrying this man because I like him.”Hindi siya tumingin sa ama.“Your family wanted this. I’m just a pawn.”Sa wakas, humarap siya kay Draven.“And don’t act like you’re a father to me.” Parang ma
“Nice to meet you po,” magalang na wika ni Chlorothea kasabay ng isang maingat na ngiti.Ngunit walang tugon. Hindi man lang gumalaw ang mga labi ng dalawang lalaki sa halip, tinitigan lamang siya nang diretso, malamig at mapanuri. Para bang sinusukat ang kanyang presensya, hinuhusgahan kung karapat-dapat ba siyang naroon.Unti-unting gumuhit ang pagkailang sa dibdib ng dalaga.Magkapatid nga sila, bulong ng isip niya. Parehong hindi marunong ngumiti.Pinilit pa rin niyang panatilihin ang ngiti, kahit ramdam niyang unti-unti itong naninigas.“Come,” wika ng matanda, saka siya marahang inakay papasok ng mansyon.Hindi na kumibo si Chlorothea. Sa halip, napatingin siya kay Lysander, na nanatiling tahimik at walang bakas ng emosyon sa mukha. Samantala, inutusan ni Aurelian ang mga maid servant na kunin ang mga gamit ng dalaga at dalhin sa silid ni Lysander isang utos na muling nagpabigat sa dibdib niya.Habang naglalakad pa
Matapos ang ilang minutong paghihintay sa labas ng bangko, dumating ang assistant ni Lolo Lucien sakay ng isang itim na sedan. Mahinang huminto ang sasakyan sa harap nila. Mabilis na bumaba ang lalaki at binuksan ang pinto sa likod isang kilos na sanay na sanay, walang sinasayang na oras.Hindi nagsalita si Chlorothea. Tahimik siyang sumakay, diretso ang likod, walang emosyon sa mukha.Napansin agad iyon ni Lysander.Kanina lamang, may lambot pa sa kilos ng dalaga may init kahit nakikipagtalo. But the moment the assistant arrived, parang may switch na pinindot. The softness vanished. Napalitan ng malamig, kontroladong ekspresyon.Isang maskara.Tahimik na umupo si Lysander sa passenger seat. Nang makasakay na silang lahat, agad na binuhay ng assistant ang makina at umalis ang sasakyan.Walang nagsalita.Sa loob ng kotse, tanging ingay ng makina at ng kalsada ang maririnig. Mula sa rearview mirror, sinulyapan ni Lysander ang dalaga. Nakahilig ang ulo nito sa headrest, nakapikit ang mga
“General, secure na ang perimeter. Pwede na tayong bumalik sa HQ,” mariing ulat ng binatang nakasuot ng tactical gear habang mabilis na pumapasok sa loob ng bangko.Lumapit siya kay Lysander at agad na nag-saludo. Sa gilid ng kanyang paningin, napansin niya ang presensya ni Chlorothea. Napatingin ang dalaga sa kanya at sa isang iglap, nagtagpo ang kanilang mga mata.Bahagyang tumigas ang kanyang tindig. Halata ang saglit na pagkabigla, agad ding napalitan ng disiplina. Hindi niya inaasahang makikita ang Heneral na nakikipag-usap sa isang sibilyan sa gitna ng operasyon.Sa kanyang isipan, malinaw ang isang bagay: hindi ito karaniwang sitwasyon at may dahilan kung bakit naroon ang dalaga.“Captain, ikaw na ang bahala sa natitirang operasyon. May aasikasuhin lang ako,” mariing wika ni Lysander bago bumaling kay Chlorothea.Sinundan ng tingin ng binatang Kapitan ang dalagang tinutukan ng atensyon ng Heneral. Isang segundo lamang iyon sapat upang mapansin, ngunit hindi sapat upang magtanon
“Holdap to walang kikilos.” Sigaw nang isang lalaki sa loob nang isang bangko sabay tayo. Kasunod niyang tumayo ang apat pang lalaki na nasa iba’t-ibang bahagi nang bangko. Nagpaputok pataas ang lalaki dahilan upang magkagulo ang mga tao sa loob nang bangko at napayuko. Ang mga Clerk naman sa desk at isa-isang nagtago sa ilalim nang kanilang mesa dahil sa labis na takot. Lalo pang napuno nang takot ang loob nang bangko nang biglang barilin nang lalaki ang Security guard. Agad din namang lumapit ang dalawang sa pinto upang magbantay doon.Ang dalawa pang lalaki ay lumapit sa dalawang teller at sinabihan ang mga ito na lagyan nang pera ang bag na ibinigay nila. Nanginig ang kamay nang dalawa habang naglalagay nang pera sa loob nang bag. Maya-maya pa ay biglang dumating ang mga pulis car at ilang SWAT member.“Pare mga pulis.” Wika nang isang lalaki sa pinto. Narinig nilang nagsalita ang isang pulis at sinabing Sumuko sila nang maayos upang walang mapahamak.“Hindi nila tayo mahuhuli di







