“Ano bang napapala mo sa kakaganyan mo, Salvi? Ha? Sagutin mo ko!”
Ang boses ng kanyang ama ay parang jackhammer na paulit-ulit ang bagsak sa tenga ni Salvi Calderon, kahit pa halos lunurin na sila ng alon ng dagat habang mabilis na sumusuwang ang jetski sa pagitan ng langit at tubig. Nasa likod niya ito, naka-itim na life vest at Ray-Ban shades, pero walang makakapigil sa sermon na tila tatagal habang may hangin ang mundo.
“Dad, seriously, this is dangerous. Hindi ba pwedeng tumahimik na lang tayo habang nasa gitna tayo ng dagat?” Salvi snapped habang pilit na sinasalubong ang hangin. Naka-long sleeve siya na manipis, sunglasses, at cap para protektahan ang flawless skin niya sa araw. Pero kahit anong ayos niya, hindi pa rin nito matakpan ang bigat ng sitwasyon.
“Dangerous? Alam mo kung ano talaga ang dangerous? Yung pagiging pabaya mo! Lasing ka na naman sa party na 'yon! Do you know how embarrassing it was? Anak ka ng senador! At ang headline? ‘Wild Heiress Calderon Throws Tantrum in Front of Ambassador’s Son’? Hindi ito drama series, Salvi!”
“Can we not talk about this again?” she groaned, rolling her eyes.
Pero hindi mapipigilan ang ama niya. Parang sirang plaka. “I warned you so many times! Pero hindi ka marunong makinig. Akala mo ba habang buhay kitang ililigtas? You’re 21! You should be building your future, not destroying your name under my last name!”
Salvi stared ahead, letting the wind slap her cheeks. Sa unahan, kitang-kita na ang outline ng isla—Isla Guadalupe. Ang tinatawag ng mayayaman na “retreat for the untouchables.” Isa sa mga pinakamamahaling private islands sa Pilipinas. At ang nagmamay-ari? Walang iba kundi si Hector Salvador—ang ninong niya sa binyag. A billionaire. A recluse. A man she hadn’t seen since she was eight.
“Ano ba ‘to, exile?” she muttered.
Her dad heard her. “Exactly. Exile with air conditioning and a private beach. Akala mo pa nga upgrade ‘to. Ipagpasalamat mong hindi kita ipina-rehab sa Switzerland.”
“Wow. Great parenting, Dad.”
Her father shook his head. “Bahala ka na kay Hector. He agreed to take you in for three months. Kung hindi ka pa rin matuto ro’n, good luck sa future mo. You’re cut off!” sigaw ng ama sa kanya.
Tumahimik si Salvi. Her chest tightened. She was used to threats—maraming beses nang binantaang tatanggalan siya ng allowance. Pero this time, may ibang tono ang boses ng ama niya. Final. Cold.
Ang totoo? Natatakot siya. Natatakot Talaga siyang mawalan ng ano mang sentimo, pero malungkot siya kaya nagagawa niya ang lahat ng ito.
Pagdating nila sa dock ng Isla Guadalupe, isang matipunong lalaki na naka-polo at khaki pants ang sumalubong sa kanila. May ear piece ito, mukhang assistant or security. Tumango lang ito kay Mr. Calderon at lumapit kay Salvi.
“Miss Calderon. Welcome to Isla Guadalupe. Sir Hector is waiting.”
Napatingin siya sa paligid. Ang isla ay tila postcard—white sand, turquoise water, coconut trees swaying gently. Para itong paraiso. Pero sa paningin niya, ito’y isang kulungan. At ang bantay? Isang lalaking halos hindi niya na maalala.
Sinundan niya ang assistant patungo sa isang electric cart. Walang imik ang ama niya. Hindi man lang siya tiningnan. At sa loob-loob niya, gusto niya itong batuhin ng tsinelas. Or i-post online. Pero wala siyang phone. Kinuha ng tatay niya bago sila bumiyahe.
Nice. Good luck, Salvi Reign Calderon!
Nakarating sila sa isang malaking villa—elegante pero simple. Spanish-modern style, cream-colored walls, wooden details, and huge open windows that welcomed the sea breeze.
Pagpasok nila sa loob, may lalaking nakatalikod, nakatingin sa dagat mula sa veranda. Matangkad, broad shoulders, may suot na white linen shirt na nakatupi ang manggas at dark pants. Agad siyang kinilabutan. Kahit hindi pa ito humaharap, she knew—that was Hector Salvador.
“Salvi,” her dad called her with a sigh. “Greet your godfather.”
Hector turned around slowly.
At halos napatigil ang paghinga niya.
He was older, yes—but ruggedly handsome. Tan skin, sharp jawline, intense dark eyes. There was a quiet power about him. The kind of man who didn’t need to raise his voice to be heard.
“Good afternoon, Salvi,” he said calmly, his voice deep and even.
Salvi swallowed hard. “Hi… Ninong.” Ninong? Ang cringe na tawagin siyang ninong.
She almost laughed sa sarili niyang pagkailang. Who the hell calls a man like that “Ninong”?
Hector nodded politely. “Let’s skip the formalities. Welcome to my home.”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Her father looked almost relieved. It was like passing the burden. And that burden is her!
“She’s all yours now, Hector,” he said.
“Understood.”
Walang yakapan. Walang drama. Pagkatapos ng ilang salita, umalis na ang ama niya, iniwan siyang mag-isa sa isang estrangherong naging tagapagbantay niya—ngayon at sa mga susunod na buwan.
Pagkaalis ng jetski, binalingan siya ni Hector.
“You have a room in the east wing. My staff will assist you.”
She blinked. “So... no welcome drink? No orientation?”
“You’re not a guest, Salvi,” he said firmly. “You’re here to fix your life.”
“Wow. Straight to the point,” mahina niyang turan pero alam niyang narinig iyon ni Hector dahil nakasimangot itong tiningnan siya.
“I don’t have time for games. I agreed to help your father because he helped me once. That’s all.”
She tilted her head. “So, I’m a debt payment?”
“If that’s how you want to see it.”
Naitaas niya ang kilay sa sinabi ng lalaki. Aronate rin pala itong si Hector Salvador!
Tahimik ang paligid. Ang maririnig lang ay ang alon sa malapit. Salvi suddenly felt… small. Hindi siya sanay na hindi kinakausap na parang prinsesa. Lahat ng lalaki sa buhay niya, either pinapaikot niya o sinisigawan. Pero kay Hector, iba. He didn’t even look impressed—or interested.
“You’ll follow my rules while you’re here,” Hector added. “No parties. No alcohol. No visitors. You wake up at six, help with chores, and spend the day offline.”
“Offline? You can’t be serious—”
“I am.”
“I have followers. I have—”
“You had a scandal,” he cut her off. “Now you have silence.”
Speechless siya. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o sisigaw. Pero isa lang ang malinaw—wala siyang kawala.
Kinagabihan, hindi siya makatulog.
Nakatingin siya sa putting kisame pero malamig na kwarto niya. Sa labas, naririnig niya ang mga kuliglig at hampas ng hangin sa mga puno ng niyog. Tahimik. Nakakabinging tahimik.
Wala siyang phone. Walang internet. Wala ring kasamang tao na kakampi niya.
She turned on her side and stared at the open window. From there, she could see the moon hanging low over the water. Beautiful. Peaceful. But to her, it looked like a cell window.
"Three months," she whispered. “How the hell am I gonna survive this?”
At sa kabilang parte ng villa, sa silid ni Hector, nakatayo siya sa veranda, tahimik na pinagmamasdan ang liwanag ng buwan.
“She looks just like her mother,” he muttered.
May sakit sa tinig niya. May alaala. May guilt.
Pero hindi pa oras para sa mga tanong. Hindi pa oras para sa katotohanan.
Pagkababa nila mula sa jet, agad na sinalubong ng malamig na hangin at liwanag ng hapon ang magkasamang sina Hector at Salvi. Nakahawak pa sa kamay ni Hector si Salvi, pero pagdating sa tapat ng villa, agad niya itong binitiwan.Tumigil ang hakbang ni Salvi."Hector?" mahina niyang tanong.Pero hindi ito lumingon. Sa halip, binilisan nito ang lakad at nagtuloy-tuloy sa loob ng villa. Naiwan si Salvi sa labas, hawak ang laylayan ng kanyang coat, litong-lito.Pagpasok niya sa main hallway, agad siyang sinalubong ng kasikatan—mga eleganteng bisita, kalalakihang nakasuot ng dark tailored suits, mga babaeng tila mga reyna sa kani-kanilang designer gowns. Malambot ang classical music na tumutugtog, pero ramdam ni Salvi ang tensyon sa hangin.Sa gitna ng crowd, nakita niya si Mira—nakangiti, nakasuot ng blood-red dress na hapit sa katawan. Nakatayo ito sa tabi ng isang foreigner na may uban sa buhok at mukhang may posisyon sa gobyerno."Ah, there she is," ani Mira, sabay tingin kay Salvi na
Kinabukasan, tila walang bakas ng tensyon sa hapag-kainan. Pero sa ilalim ng bawat sulyap, ng bawat ngiti, ay nagkukubli ang tensyon na bumabaga. Nakaupo si Salvi sa tapat ni Hector, ngunit ang ngiti niya ay nakatuon kay Aidan—na tila ba sinasadya ang bawat biro, bawat sulyap, bawat bulong."You should come with me tonight," sambit ni Aidan habang hinihigop ang kape. "There's a party on the next island. Masaya 'yun. Just a small group."Bago pa man makasagot si Salvi, nagsalita na si Hector. Malamig. Matigas. "She’s not here to party. She’s here to be punished."Tumahimik ang mesa. Ngunit ngumisi lang si Aidan at tumingin kay Hector. "Uncle, she’s not a prisoner. Besides, one night won’t hurt."Ilang segundo ng katahimikan. Hanggang sa sa wakas, tumango si Hector. "One hour. No more."Ang isla ay hindi niya alam na parte ng estate ni Hector. Maliit ito, may pribadong villa at open deck kung saan nagaganap ang party. May malambot na ilaw, lounge music, at mamahaling alak.Suot ni Salvi
Hindi mapakali si Salvi.Habang nakaupo sa mahaba at mamahaling hapag-kainan, panay ang sulyap niya sa dulo ng mesa kung saan naroon si Aidan—kalmado, nakangiti, at parang walang ginawang makapanindig-balahibong biro kani-kanina lang.Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa utak niya mula pa kaninang iabot siya sa breakfast nook. May ibang ibig sabihin iyon. Hindi lang iyon simpleng biro.At ang mas kinaiinis niya—parang walang pakialam si Hector.Tahimik itong kumakain, marahan ang galaw, pero tila wala sa paligid ang isipan. Ni hindi siya sinulyapan. Ni hindi sumulyap kay Aidan, na ngayon ay parang sinadya pang umupo sa tapat niya para lang magpakita ng presensya.Biglang nagsalita si Aidan habang tinutulungan ang isang staff sa paglalatag ng mga dokumento ng proyekto sa villa. “Uncle, I can help with the planning,” sabay tingin kay Salvi.Parang may subtext ang mga mata niya—parang ang gusto niyang ipahiwatig, "Don’t worry. I’ll be around."Tumigil si Hector sa pagkain at tumingi
Tahimik ang kwarto. Tanging marahang tik-tak ng antique na relo sa dingding at ang mababaw na paghinga ng dalawang katawan ang naririnig.Magkadikit ang kanilang mga katawan sa ilalim ng puting kumot. Mainit pa ang balat nila mula sa init ng sandaling nagdaan, at kahit pa nakapikit si Salvi, ramdam niyang gising pa si Hector. Naroon ang marahang paghaplos ng mga daliri nito sa kanyang braso—paulit-ulit, parang sinasaulo ang bawat pulgada ng balat niya.Nakapatong ang ulo ni Salvi sa dibdib ni Hector. Ramdam niya ang tibok ng puso nito—mabilis pa rin, tila may hinahabol.“Hindi ko alam na ganito ka magalit,” mahina niyang biro, pilit pinapatawa ang sarili kahit tila may buhol sa kanyang lalamunan.Napatawa si Hector, malalim at bahagyang masakit. “Hindi ako galit, Salvi,” bulong nito. “Nainggit ako.”“Nainggit?”“Doon sa tanong mo. Kung hanggang kailan mo ako pagsasawaan.” Tumingin ito sa kisame, hindi agad nagsalita. “Ikaw lang ang taong natanong ako ng ganyan. Na para bang… ako ang na
Nagising si Salvi sa banayad na init ng araw na dumadampi sa kanyang mukha. Ang unang naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakapulupot sa kanyang baywang—ang braso ni Hector. Nakaunan siya sa dibdib nito, ramdam ang bawat pagtaas at pagbaba ng hininga ng lalaki. Sandali siyang nanatili roon, nakikinig sa tibok ng puso nito, na parang musika na gusto niyang ulit-ulitin.It was their first time sleeping together, iyong tipong naumagahan na silang pareho habang magkatabi at kapwa hubad.Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha at tiningnan ang lalaking natutulog sa tabi niya. Walang bakas ng tikas o kasungitan na madalas nitong ipinapakita kapag gising. Sa halip, para itong batang walang dinadalang bigat sa mundo.“Ang gwapo mo, kahit tulog ka,” bulong niya sa sarili, halos mahina na parang ayaw niyang magising ito.Napakagat-labi si Salvi nang maalala ang mga nangyari kagabi—ang halik na puno ng init, ang mga yakap na parang gusto siyang gawing pag-aari, at ang mga salitang hindi
Maaga pa nang nakarating sila sa bahay—mga bandang alas kwatro ng hapon, kaya nagpasya si Salvi na maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Walang ibang tao roon kundi ang alon, ang malamig na hangin, at ang mga bakas ng yabag niya sa buhangin.Mahigit isang buwan na siyang naninirahan sa isla, at sa hindi inaasahang paraan, parang nasasanay na siya. Sa katahimikan. Sa mga taong naroon. Sa kawalan ng cellphone at internet. Kung dati ay hindi niya ma-imagine ang buhay na walang social media, ngayon ay tila mas tahimik ang mundo. Mas totoo.Tanging sa telebisyon na lang siya nakikibalita sa nangyayari sa labas. At sa tuwing napapanood niya ang ama—seryoso sa mga meeting, mabagsik sa mga panayam—napapangiti siya. Kahit palagi siyang pinapagalitan at kinokontrol, hindi niya maitatanggi… nami-miss niya ito.Habang naglalakad siya pabalik ng villa, may narinig siyang yabag mula sa likod. Paglingon niya, si Hector iyon—nakabihis na ng v-neck collar na puting polo at gray na jogger pants. Simpl