Napatitig ako kay Alexis. Umiiyak na ito, mukhang napikon na sa mga kuya nito.
"I'm sorry little sis kasalanan namin ito kung bakit naging ganiyan ka." pabuntong hiningang sabi ni kuya Aries. "No kuya wala kayong kasalanan, ginusto ko ito kaya sana naman ay tanggapin na ninyo na ito na talaga ako." sagot nito sa mga kuya nito bago ito umalis at tumakbo palayo. Naiwang natitigilan at nagkatitigan na lang ang mga kuya ni Alexis bago sabay-sabay na napabuntong hininga ang mga ito. Maya-maya ay ako naman ang binalingan ng tingin nila kuya Ashton. Pare-parehong nakangisi na ang mga ito sa akin. "Good job, Elijah!" nakangiting sabi sa akin ni kuya Ashton sabay tapik pa sa balikat ko. Nagtataka namang napatingin ako kay kuya Ashton. Para namang nabasa nito ang nasa isip ko at sinagot ako nito kahit na hindi ko pa naisasatinig ang gusto kong itanong dito. "Matagal na naming gustong idispatsa iyang girlfriend ni bunso na si Jessica eh, sobrang landi kasi niyan kung sino-sino na lang ang sinasamahan kapag wala si Alexis, hindi naman namin masulot kay bunso dahil magtatampo 'yon sa amin, mabuti na lang talaga at sakto ang dating mo dito sa gym Elijah! Nailigtas mo ang kapatid namin sa gold digger na babaeng iyon!" Natutuwang sabi sa akin ni kuya Ashton. Natuwa rin ako sa papuri sa akin ni kuya Ashton. Kaya proud ko siyang sinagot, "Mabuti na lang talaga at napakaguwapo ko kuya at sa maniwala ka man at hindi ay kahit na sinong babae ay kaya kong paibigin." nagmamalaki kong sagot dito na lalong ikinatuwa nito. "Sigurado ka ba diyan?" natatawa namang sabat ni kuya Aries. "Naman!" pagmamayabang ko pa. "Kahit na babaeng may pinakamatigas na puso ay kaya mong palambutin?" tanong ulit ni kuya Ashton. "Kahit na nga bakla ay kaya kong baliwin." biro ko pa sabay tawa ng malakas na sinabayan ng mga ito. "Loko ka talaga Elijah!" nakangising sabi sa akin ni kuya Ariel sabay batok sa akin. "Aray ko naman kuya! Nasobrahan ka ata sa tuwa." Reklamo ko sa kaniya na lalong ikinangisi lang nito. "Tara na nga sa resto bar ko, doon na lang tayo at makapang hunting naman ng mga hot babes, isang linggo na kong hindi nakakatikim ng babae eh" aya ni Abel. "Teka lang.. kuya Ashton, nasaan na pala ang babaeng irereto mo sa akin?" pigil ko sa mga ito ng bigla kong maalala ang nirereto nitong chika babes sa akin. Bigla ay naging seryoso ang mukha ni kuya Ashton. "Nako, talo ako sa pustahan kaya hindi ko nagawang babae yung dapat na irereto ko sa'yo, baka sa ibang araw na lang." dahilan nito na may kasamang palatak. Ang balak kasi niya kanina ay i-set up sila ni Alexis para sana sa isang simpleng dinner na kasama silang magkakapatid pero bago pa man niya makausap si Alexis ay nagpang-abot na ang mga ito at sa unang pagkikita pa lang ng mga ito ay hindi na kaagad maganda ang simula kaya naman problemado siya ngayon kung paano niya kakausapin si Alexis para mapalapit niya ito kay Elijah. "Akala ko pa naman ay makakarami na ako ng babae ngayon." kunwari ay reklamo ko kay kuya Ashton at hindi ko pinansin ang huling sinabi nito. "Kaya nga doon na lang tayo sa resto bar ko mag hunting ng mga chicks, tiyak na makakarami tayo doon." nakakalokong sabat ni Abel habang inaakbayan ako. "Sulitin mo na ang mga babae ngayon habang malaya ka pa." makahulugang dagdag pa nito na ikinatawa nilang magkakapatid. Wala man lang akong kamalay-malay sa pinaplano ng mga ito sa akin. -- END OF FLASHBACK.. "See? Hindi ka nakasagot." boses ni daddy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Pero dad, tuwang-tuwa naman sa akin sila kuya Ashton dahil sa ginawa ko, nailayo ko ang kapatid nila sa maling tao." kat'wiran ko kay daddy. "Pero kahit na, may point is babaero ka pa din! At hindi ka na nagbago kaya itong pagpapakasal lang ninyo ni Alexis ang nakikita naming paraan para magtino kayo pareho." giit ni daddy. "Pero dad--" maya-maya ay nakaisip ako ng kalokohan para hindi na maituloy ni daddy ang pamimilit niya sa akin na ipakasal ako kay alexis. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil future ko ang nakasalalay dito. Baka kapag naging asawa ko na si Alexis ay araw-araw lang akong bugbugin no'n eh sayang lang ang kaguwapuhan ko kung ang tomboy lang na iyon ang makikinabang sa akin. "Sige dad, papayag akong ipakasal ninyo ako sa sigang tomboy na 'yon-- este kay Alexis pala basta't bigyan ninyo ako ng sampung dahilan kung bakit kailangan ko siyang pakasalan!" sabi ko kay daddy. Sa isip ko ay hindi masasagot ni daddy ang tanong ko sa kaniya kaya ngayon pa lang ay nagdidiwang na ako. "You have 10 minutes para sagutin ang tanong ko dad, your timer starts now." dagdag ko pa sabay ini-angat ko ang relo ko at inorasan si daddy. Tila naman naaligaga si daddy at mabilis siya nitong sinagot. "Teka lang saglit, una ay para magtino ka na sa kalokohan mo, pangalawa ay gano'n din si Alexis, pangatlo ay hindi ka na bumabata, pang-apat ay gusto ko ng magka-apo, panglima--" ngising-ngisi ako ng wala ng maisagot si daddy sa akin kaya binilangan ko na siya. "Malapit ng matapos ang ibinigay ko sa'yong oras daddy, ten, nine, eight--" pero hindi pa natatapos ang pagbibilang ko ay biglang natauhan si daddy. Bigla ay nagsalubong ang mga kilay nitong napatitig sa akin. "Niloloko mo ba ako Elijah?!" pagalit na tanong sa akin ni daddy. "Ako itong nagsasabi sa'yong pakasalan mo si Alexis tapos ay ako ang hinihingian mo ng dahilan kung bakit mo siya kailangang pakasalan, hindi ba't ikaw ang dapat na mag-isip niyon!" galit ng bulyaw nito. Napangiwi ako, sayang! Akala ko pa naman ay maiisahan ko na si daddy. "Akala ko lang naman ay makakalusot." mahinang sabi ko na hindi nakaligtas sa pandinig ni daddy. "Malapit na akong mawalan ng pasensiya sa iyo Elijah! Gusto mo bang ipatapon na lang ulit kita sa America?" hamon nito sa akin. Alam kasi nitong kaya ako nagkumahog na umuwi ng Pinas ay hina-hunting ako ng Amerikanong tatay ng naka-fling ko at gusto nitong pakasalan ko ang anak nito dahil buntis daw ang anak nito at dahil alam kong hindi naman talaga sa akin ang ipinagbubuntis ng anak nito ay mabilis akong nag-impake at humingi ng tulong kay daddy para makauwi ako kaagad sa Pilipinas. Paano ba naman kasi niya mabubuntis ang babaeng iyon eh hindi naman niya ugaling putukan sa loob ang mga babaeng nakaka-sex niya at palagi siyang gumagamit ng condom dahil hindi pa siya handang maging ama. "Think about it Elijah!" dagdag pa nito. "Daddy naman.." maktol ko kay daddy. Parang wala naman itong ibinigay na magandang option sa akin. Dito sa Pinas ay pakakasal siya sa tomboy. Sa America naman ay aako siya ng batang hindi naman kaniya. "Dad inisip niyo na ba ang magiging future ko kapag pinakasalan ko si Alexis?" nangongonsensiya kong tanong kay daddy. "Of course hijo! At nakikita ko ang magandang future ninyo ni Alexis." kampante at nakangiti pang sagot nito. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala na akong maikatwiran kay daddy.Naalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock na nasa paanan ko kaya naman inis na kinuha ko iyon para patayin pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung anong oras na! 8am na ng umaga at ngayon ang unang araw na papasok ako sa company ni daddy natititak kong magagalit iyon kapag na-late ako kaya naman dali-dali akong bumangon para magpa-alam kay daddy na male-late ako ngayon, sa kakamadali ko ay nakalimutan ko na ang nangyari kagabi at hindi ko din napansin si Alexis sa kama ko dahil nakabalot ito ng kumot. Paglabas ko ng kwarto ay kaagad kong hinanap si daddy, naroon ito sa sala nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. May mainit na kape din sa table. Nagulat pa ako nang makita kong naroon din sila kuya Ashton, Aries, Azriel at Abel na prenteng nakaupo. Napatingin sa akin ang mga ito nang makita nila ako. Napabuga pa ng iniinum na kape si kuya Ashton nang makita ako kasabay ng tawanan ng mga ito. Napalingon na din sa akin si daddy dahil nakatalikod ito sa gawi ko at nak
Matapos kong makaligo ay kaagad akong bumalik kila kuya Ashton, nag-iinuman pa din ang mga ito at walang nagpapatinag.Paglapit ko pa lang sa mga ito ay tinanong na kaagad ako ni kuya Azriel kung nasaan na si Alexis."Where's our little princess? Is she alright? Nalasing ba?" Sunud-sunod na tanong nito."She's in my room kuya, mukha namang hindi siya nalasing at isa pa ay nagpapahinga na siya." Pagsisinungaling ko sa mga ito kahit na ang totoo ay lasing na lasing naman talaga si Alexis at napaka-kulit, ayaw ko kasing mag-alala lang ang mga ito, isa pa ay hindi na naman makakalabas si Alexis sa kwarto ko dahil ni-lock ko iyon. "Hindi siya makakatakas sa akin." Sa isip ko.Maya-maya ay bigla kong naalala si Ellie."By the way, where's Ellie, kuya?" Baling ko kay kuya Ashton."She's in her room too at tulog na siya, hindi naman pala niya kayang mag-inum ay nagpakalasing, sinabayan pa si Alexis eh hindi naman iyon natatalo sa inuman." Pumapalatak na sabi ni kuya Ashton."That stubborn br
Ikinuwento nito sa akin ang lahat ng tungkol sa nakaraan ni Alexis. Nagkaroon pala ng boyfriend si Alexis noon pero niloko lang ito, nasaksihan pa nito ang panloloko ng ex-boyfriend nito. Kaya pala naging tomboy si Alexis ay nasaktan na ito, ang buong akala ko ay masakit na yung pinagdaanan ko pero mas grabe pala ang sakit na naranasan ni Alexis. Pareho pala kaming nabigo sa pag-ibig, ang kaibahan lang namin ay bigla na lang akong iniwan ni Melody-- walang nangyaring break up, ni walang goodbye, at walang closure, basta na lang siyang naglaho na parang bula kung kailan hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya kaya halos mabaliw ako noon. Maging ang misunderstanding nila kuya Azriel at Alexis ay nalaman ko din kaya pala nagpunta ng Norway si kuya Azriel. Ang buong akala ko dahil ka-close ko ang lahat ng kuya ni Alexis ay alam ko na ang buhay nila, mali pala ako. May mga kwento sila na ngayon ko pa lang nalalaman.Ang sabi ni kuya Ashton dahil bahagi na ako ng pamilya nila dap
""Your drunk already." Bigla akong napalingon sa nagsalita, medyo may tama na ako ng alak ng mga sandaling iyon pero wala akong paki-alam, gusto ko pang mag-inom at makalimutan ang kahihiyan ko kanina. "Hindi pa ako la--sheeng!" Sagot ko dito. Si Elijah ang dumating. Medyo blurred na din ang paningin ko sa dami ng nainom kong alak. Lumapit ito sa akin at kinuha ang bote ng alak na nasa kamay ko. "This is enough, lasing ka na." Malumanay na sabi nito. "Hoy! Te--ka, hindi pa nga ako la--sheeng, akin na yan! Magwawalwal ako, kasa--l ko ngayon!" Sagot ko dito at pilit kong inagaw kay Elijah ang bote ng alak na kinuha nito sa akin. "I said, enough. Let's get inside, magpahinga ka na." Maawtoridad na sabi nito. "And who are you para manduhan ak--o?!" Inis na tanong ko dito at dinuro ko pa ito. "I'm your husband." Simpleng sagot nito. "Ahhh! Wala akong paki-alam! Give me that wine! I want to get drunk!" Inis na sagot ko dito. "Tsss... Kuya Ashton was right, matigas n
Hindi pa man ako nakakalayo ay nakabuntot na sa akin si Ellie. "Ate, wait!" Pigil nito sa akin. Napalingon tuloy ako dito. "Come here ate, because it's your wedding day, dapat ay magsaya tayo, let's drink and celebrate!" Bungad sa akin ni Ellie na sinang-ayunan ko. Niyaya ko na din si Sheyna, noong nakaraan ko pa kasi gustong mag-inum hindi lang ako makahanap ng pagkakataon dahil masyado akong busy sa trabaho at bantay-sarado pa ako ng mga kuya ko. Dinala kami ni Ellie sa likurang bahagi ng mansion kung saan walang makakakita sa amin, tinakasan ko din ang mga bisita na kanina pa bumabati sa akin dahil pagod na akong makipagkapwa tao sa kanila, hindi naman kasi ako sanay makipag socialize sa ganitong uri ng mga event. "Bahala na ang Elijah na iyon na humarap sa mga bisita tutal ay kamag-anak naman niya ang lahat ng mga iyon." Bulong ko sa sarili ko. "Ate Alexis, just wait me here, magpapakuha lang ako ng maiinom natin." Sabi sa akin ni Ellie. Tumang lang ako bilang sag
Kaya nang mag-aya sila daddy na pumunta na kami ng venue ay mabilis pa sa alas cuatro na pumayag ako sa mga ito. Sa kotse ni kuya Ashton na ako nagmadaling sumakay kahit na pinilit ako ni daddy na dapat ay sa kotse ni Elijah ako sumakay dahil mag-asawa na daw kami nito ay nagmatigas ako baka kasi kung anong gawin sa akin ng lalaking iyon. Wala ng nagawa si daddy at maging si Elijah nang tuluyan na akong makapasok sa kotse ni kuya Ashton at magpanggap na tulog, totoo naman na napagod ako sa simbahan, paano ba naman ay napakaraming tao doon ang pilit kong nginitian kahit na hindi ko naman sila kilala. "You tired, little sis?" Nag-aalalang tanong sa akin ni kuya Ashton nang mapatingin ito sa akin. "A bit kuya, but don't worry, I'm fine." Sagot ko dito. "Congratulations on your wedding, little sis." Bati pa nito. Nginitian ko lang si kuya bilang sagot, wala naman kasi akong maisip na isagot sa kaniya dahil hindi naman ako masaya na ikinasal ako, para lang ito sa pustahan nami