Share

K-12

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-04-21 23:17:18

"Naramdaman mo ba iyon? Itutusok ko iyan sa iyo kapag malikot ka," pilyong wika ni Brandon sabay tawa.

Hindi alam ni Brandon kung bakit gustong-gusto niyang asarin si Bea. Wala naman siyang balak na gahasain ang dalaga. Kahit na sa totoo lang, hindi niya maiwasang maakit sa magandang katawan ng dalaga.

Maganda si Bea at kaakit-akit ang katawan. Aminado siya doon. Ngunit ayaw niyang magkaroon ng damdamin para sa dalaga. Tama lang na magkaroon siya ng pagnanasa sa dalaga. Hanggang doon lang. Hanggang pagnanasa lang pero walang pag-ibig.

"Natatawa ako sa iyo. Ang lamig-lamig sa kuwarto ko pero pawisan ka. Bakit? Ramdam mo ba ang alaga ko sa puwetan mo?" nakangisi niyang sabi.

Narinig niya ang paglunok ng laway ni Bea. "S-Sir, hindi niyo po dapat pinadadama iyan sa akin. Ayoko po niyan. Takot po ako diyan."

Humagalpak siya ng tawa at saka lumayo sa dalaga. "Ano? Takot? Bakit? Anong akala mo dito? Nangangagat? Nakakamatay? Nagbibigay nga ito ng bagong buhay eh!"

Pinagmasdan n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thanks for the update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-14

    BEA KINABUKAS, NILINIS NI BEA ang makalat na kuwarto ng kanyang boss. Makalat kasi talaga sa kuwarto si Brandon. Wala itong pakialam kung maging makalat ang kuwarto niya dahil alam naman niyang lilinisin iyon ni Bea. Si Bea lang din kasi ang puwedeng maglinis ng kuwarto niya. At si Brandon ang may gusto no'n. Abala sa pagwawalis si Bea nang biglang pisilin ni Brandon ang kanyang puwet. Hindi niya napansing nakalabas na pala ng banyo ang kanyang boss. "Ano ba, sir? Nagiging manyak ka na yata!?" inis niyang sabi sa kanyang boss. Ngumisi si Brandon habang nakatitig sa kanya. "At nagiging pabebe ka naman yata? Huwag kang piling inosente, Bea. At huwag kang maarte. Pasalamat ka nga, ginagawa ko pa sa iyo ito. Kunwari ka pa, gusto mo namang hinaharot kita." Umirap si Bea. Hindi naman niya talaga gustong minamanyak siya ni Brandon. Wala lang talaga siyang magawa. At isa pa, kailangan niya lang talaga ng pera. "Ano? Hindi ka makapagsalita diyan? Halika nga dito. Alalayan mo akong u

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-13

    Ilang linggo pa ang lumipas, nakakahakbang-hakbang na ng maayos si Brandon. Kung tutuusin, kayang-kaya na ni Brandon lumakad mag-isa pero mas gusto niyang inaalagaan siya ni Bea. "Ayusin mo nga iyang mukha mo," inis na sabi ni Brandon sa kanya. Kumunot ang noo ni Bea at saka hinawakan ang kanyang mukha. "Bakit po, sir? May dumi po ba ako sa mukha?" Nag-iwas ng tingin ang kanyang boss. "Masyadong maganda," bulong nito at hindi niya iyon narinig. "Ano po, sir? Pasensya na po hindi ko narinig," aniya sabay kagat labi. Pinandilatan siya ng mata ni Brandon. "Wala! Ang bingi mo. Halika na nga dito! Alalayan mo na akong maglakad!" Napakurap si Bea dahil bahagyang tumaas ang boses ni Brandon. Lumapit siya sa binata at saka kinuha ang braso nitl bago inilagay sa kanyang balikat. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Brandon nang mahigpit. Damang-dama niya ang mainit na katawan ni Brandon. Hanggang dibdib lamang siya ng binata. Kaya pakiramdam niya, habang yakap siya ng kanyang boss,

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-12

    "Naramdaman mo ba iyon? Itutusok ko iyan sa iyo kapag malikot ka," pilyong wika ni Brandon sabay tawa. Hindi alam ni Brandon kung bakit gustong-gusto niyang asarin si Bea. Wala naman siyang balak na gahasain ang dalaga. Kahit na sa totoo lang, hindi niya maiwasang maakit sa magandang katawan ng dalaga. Maganda si Bea at kaakit-akit ang katawan. Aminado siya doon. Ngunit ayaw niyang magkaroon ng damdamin para sa dalaga. Tama lang na magkaroon siya ng pagnanasa sa dalaga. Hanggang doon lang. Hanggang pagnanasa lang pero walang pag-ibig. "Natatawa ako sa iyo. Ang lamig-lamig sa kuwarto ko pero pawisan ka. Bakit? Ramdam mo ba ang alaga ko sa puwetan mo?" nakangisi niyang sabi. Narinig niya ang paglunok ng laway ni Bea. "S-Sir, hindi niyo po dapat pinadadama iyan sa akin. Ayoko po niyan. Takot po ako diyan." Humagalpak siya ng tawa at saka lumayo sa dalaga. "Ano? Takot? Bakit? Anong akala mo dito? Nangangagat? Nakakamatay? Nagbibigay nga ito ng bagong buhay eh!" Pinagmasdan n

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-11

    Nagkaroon na nga ng dalawang kama sa kuwarto ni Brandon. Maayos at malaki naman ang kama ni Bea kaya makakatulog siya ng maayos. Nakahinga siya ng maluwag dahil may sarili na siyang kama. Hindi niya kasi gustong makatabi sa iisang kama ang masungit niyang boss. "Baka mag-inarte ka pa niyan? Magkalayo ang kama natin sa isa't isa. At malaking kama iyang binili ko para maayos ang tutulugan mo. May balak ka pa bang magreklamo?" kunot noong wika ni Brandon. Mabilis na umiling si Bea. "Wala po akong balak magreklamo, sir. Maraming salamat po sa maayos at komportableng matutulugan." "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko, may lakas ka pa ng loob mag-reklamo. Dapat nga, maging masaya ka pa at magpasalamat dahil dito ka pa sa kuwarto ko matutulog. Makakasama mo ang isang katulad ko. Tama ba?" mayabang na wika ni Brandon. Napangiwi si Bea. "Sige po, sir. Salamat po," walang gana niyang sabi. 'Ang yabang talaga ng lalaking ito. Feeling niya sobrang guwapo niya. May mas guwapo pa naman sa

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-10

    "Bukas, dito ka na sa kuwarto ko matutulog." Nanlaki ang mga mata ni Bea sa kanyang narinig. "Po? Pe-Pero bakit? May kuwarto naman po ako. At isa pa, hindi naman kita boyfriend, sir para tabihan kita sa pagtulog," gulat na sambit ng dalaga. Tinawanan siya ni Brandon. "At ano bang akala mo sa akin? Gusto kang makatabi? Dalawang kama dito sa kuwarto ko. Magkatapat lang tayo ng higaan. Hindi tayo magtatabi. Ang suwerte mo naman kung gagalawin kita. Hindi basta-bastang mga babae ang ginagalaw ko, Bea. Hindi ang katulad mo na mababang uri. Mayayaman at anak ng mga kilalang tao ang mga babaeng pinapatulan ko. Itatak mo iyan sa kukote mo." Napayuko na lamang si Bea sa sinabing iyon ni Brandon. Nanliit na naman siya sa sinabi ng binata. Tama naman ito. Nasisi tuloy niya ang kanyang sarili kung bakit naisip pa niyang may gagawing masama sa kanya ang binata. Sino nga ba siya ulit? Ah, isang caregiver lang. Kaya hindi siya pagnanasaan ni Brandon. Marahil wala lang itong choice dahil siya

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-9

    Nagpaalam si Bea na mag-day off muna siya dahil masyado siyang napagod kay Brandon at nai-stress siyang bigla sa kalokohang pinaggagawa nito sa kanya. Tatlong beses na siyang hinalikan ni Brandon. Ngunit naiinis siya sa sarili dahil sa lahat ng iyon, nasarapan siya. "Buwisit talaga ang lalaking iyon!" inis niyang sabi sa sarili habang naglalakad. Nang matapat siya sa inuupahan ng kaibigan niyang si Baks, tatlong beses siyang kumatok. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto at nakangiting sinalubong siya ng kaniyang kaibigan. "Wow! Ang ganda mo lalo! Bakit bigla kang naging blooming? Maganda ka naman talaga, in born na iyan pero bakit parang mas lalo ka yatang gumanda? Anong ginawa mo? Mukhang hiyang ka yata sa pagiging caregiver mo?" nanlalaki matang tanong sa kanya ni Baks. Humalukipkip siya at saka pumasok na sa loob ng inuupahan nito. Naupo siya sa sofa doon. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Anong hiyang? Anong blooming? Stress nga ako sa inaalagaan ko! Animal na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status