共有

K-6

作者: LonelyPen
last update 最終更新日: 2025-04-06 23:31:27

"Ikaw pala ang caregiver ng pinsan kong gago?" wika ni Lewrick, ang pinsan ni Brandon.

Mabagal na tumango si Bea. "Yes po, sir. Ako nga po," magalang niyang sagot.

Hindi niya maiwasang titigan ang binatang si Lewrick. Matanda lang ng dalawang taon si Brandon sa binata. Katulad ni Brandon, guwapo rin ang binatang si Lewrick. May dugo kasing Spanish kaya naman makalaglag panty ang itsura. Nakapang-aakit ang titig nito habang si Brandon, nakatatakot na parang nanlalapa. Bad boy look na masungit ang itsura ni Brandon habang si Lewrick naman ay good boy na playboy look.

"Bakit ka pala naging caregiver niya? Hindi sa binobola kita pero masyado kang maganda para maging caregiver. You look like a model. Sigurado akong sinisigawan ka niya kapag may mali kang nagawa, tama?"

Alanganing ngumiti si Bea sabay tango ng mabagal. "Pero ayos lang naman po. Kakayanin ko po ang trabaho na ito at masasanay din po ako sa ugali ni sir Brandon."

Bumuntong hininga si Lewrick. "Well, hindi ko alam kung nabanggit na sa iyo ni lola Laurel kung bakit siya ganiyan. Dahil iyan sa ginawa ng daddy niya sa mommy niya. Nagloko kasi. And then, namatay ang mommy niya sa stress, sinasang sakit no'n para kay Brandon. At doon na nagsimula ang kaniyang ugali niya. Mainitin ang ulo. Akala mo galit sa mundo."

"Nabanggit na po sa akin kaya iniintindi ko na lang po si sir Brandon. At isa pa, kailangan ko po ang trabahong ito. Kaya hindi po ako puwedeng magreklamo," aniya bago nginitian ng matamis ang binata.

Hindi napansin ni Bea na napakurap si Lerwick nang ngitian siya nito. Nagpaalam na siya sa binata dahil mag-aasikaso na siya ng pagkain ni Brandon. Habang si Lewrick naman ay nagtungo sa kuwarto ni Brandon.

"Alam mo na bang mawawala ng isang linggo yata si madam Laurel dito?" wika ni manang Flor.

Mabagal na umiling si Bea. "Hindi ko po alam. Wala po siyang nabanggit sa akin."

"Ah okay. Maglilibang iyon dahil nai-stress siya sa apo niyang si Brandon. Nasabi niya sa akin na pinagalitan niya raw si Brandon dahil nga sa pagiging bossy nito masyado. At dahil na rin sa palagi kang sinisigawan. Kaya ngayong wala si madam Laurel, pilitin mong huwag magkamali. Wala si madam. Wala kang kakampi. Si madam ang kakampi natin dito dahil kapag napansin niyang hindi na naman maganda ang trato ni Brando sa mga tao dito, pinagagalitan niya talaga," mahabang salaysay ni manang Flor.

Biglang kinabahan naman si Bea doon. Napalunok siya ng laway bago napakamot sa kanyang ulo. "Salamat po sa tip. Opo, talagang pinipilit kong huwag magkamali. Sa totoo lang, medyo nahihirapan po ako sa trabaho kong ito. Hindi naman siya ganoon kahirap pero iyong amo ko naman, masyadong iba ang ugali. Masyadong boss at masakit magsalita. Tagos talaga sa buto."

"Hayaan mo na, tiis lang. Kapag gumaling na rin naman siya, tapos na ang pagiging caregiver mo sa kanya. At nakaipon ka pa ng pera. Hindi na magtatagpo pa ang landas ninyo."

Simpleng ngiti lamang ang sinagot ni Bea sa matanda bago ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

SAMANTALA, na tumawa si Brandon sa sinabi ng kanyang pinsan. Inilingan niya ito. "Talagang wala ka ng ibang inisip kun'di babae? Puro kalandian na lang ang tumatakbo sa isipan mo?"

Tumawa si Lewrick. "Bakit ba? Eh talaga namang maganda ang caregiver mo! Parang model nga eh. Napansin ko pa ang malaking hinaharap niya. For sure, malambot iyon kapag nilamas."

"Tangina mo. Puro kalibugan ang iniisip mo. Bakit hindi ka na lang magpa-busy sa negosyo niyo ni tito?" asar na wika ni Brandon.

"Tapos na. Ako ang nagpupunta doon sa pinatatayo niyang apartment. Ilang apartment din iyon kaya marami na naman siyang kikitain kapag inupahan ang lahat ng iyon. Nakakapagod din. Tatlong lupa ang binila niya sa magkakaibang lugar. At iniikot ko iyon. Chine-check ko kung nasusunod ba ang design ng bawat apartment pati na kung inaayos ba ang trabaho ng mga tao doon," tugon naman ni Lewrick.

"Eh 'di maigi. May nagagawa kang maganda sa buhay mo. Hindi iyong puro ka babae. Wala ka ng ibang inatupag kun'di makipag-one night stand sa mga iyan. Isang araw, tatawanan na lang kita kapag nagka-AIDS ka," nakangising wika ni Brandon.

"Marunong naman akong pumili ng babae. Sa katunayan, interesado nga kaagad ako diyan sa caregiver mo. Magpapaalam na kaagad ako sa iyo. Puwede ko ba siyang landiin?" nakangising sabi ni Lewrick.

Kinuha ni Brandon ang unan sa kama niya at saka ito binato sa pagmumukha ng kanyang pinsan. "Tigilan mo s'ya! Baka lalong maging tanga sa trabaho eh. Imbes na maalagaan ako ng maayos, baka panay mali pa. Humanap ka ng ibang babaeng kakanain mo."

Malakas na tumawa si Lerwick. "Sus! Gusto mo lang masolo iyang caregiver mong maganda!"

Asar siyang tinawanan ni Brandon. "Saan banda ang gandang sinasabi mo? Para sabihin ko sa iyo, hindi ako nagagandahan sa kanya. Masyado na ngang common ang itsura niya kung tutuusin. Sabagay, mababa kasi ang taste mo sa babae kaya lahat sa iyo, maganda. At talagang babaero ka lang talaga. Lahat, pinapatulan mo. Nakakadiri ka."

"Woah! Para namang hindi ka nakikipag-one night stand sa iba! Kung makapagsalita ka naman parang ang linis mo!" bulyaw ni Lewrick.

"Wala akong sinabi na malinis ako. At isa pa, hindi naman ako katulad mo na halos araw-araw. Bihira lang akong magkaroon ng interes sa babae. Kapag nasa mood lang din ako. At isa pa, hindi naman basta-bastang babae ang mga kinakama ko. Mga anak ng mayor, gobernador, model, artista at marami pang babae na mayaman at kilala. Kahit sabihin na nating maganda nga iyang si Bea, hindi ko iyan papatulan. Masyado ko namang binaba ang standard ko para patulan ang isang caregiver," mayabang at madiin na wika ni Brandon.

Tumango-tango lamang si Lewrick. Mayamaya pa, pumasok na sa kuwartong iyon si Bea dala ang pagkain niya. Napatingin siya sa mukha ni Bea. Hindi niya lang maamin sa sarili na maganda si Bea. Dahil naiinis siya sa ginawa nito sa kanya. Si Bea kasi ang unang sumuntok sa guwapo niyang mukha.

"Kumain na po kayo, sir," magalang na wika ni Bea.

"Alam ko. Hindi mo ako kailangang pagsabihan. Umalis ka na nga," pagtataboy niya sa dalaga dahil ayaw na niyang makita pa ang magandang mukha ni Bea.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K21

    Lumipas ang anim na buwan mula nang ikasal sina Brandon at Bea. Ang mansyon ng pamilya ay mas masigla kaysa dati — puno ng halakhak, amoy ng bagong lutong pagkain, at mas maraming bulaklak sa hardin dahil mahilig si Bea magtanim mula nang lumipat siya roon bilang asawa ni Brandon. Isang araw ng Sabado, maagang nagising si Bea. Nakasuot siya ng simpleng dress habang abala sa paghahanda ng agahan. Hindi na siya sanay na mag-isa sa kusina dahil kadalasan ay katulong siya ni Brandon sa pagluluto, pero ngayong araw ay gusto niyang sorpresahin ito. Pumasok si Brandon, suot pa ang pajama, at ngumiti. “Good morning, asawa ko.” Napangiti si Bea at inabot ang tasa ng kape sa kanya. “Good morning din sa iyo, asawa ko. Nakahanda na ang almusal. Umupo ka na.” Umupo si Brandon at tinikman ang niluto ng asawa. “Hmm… alam mo, mas masarap yata ‘to kaysa sa luto ni Lola Laurel.” “Ay, nako, huwag mo ngang sabihin ‘yan kay Lola,” natatawang sagot ni Bea. Biglang pumasok si Lola Laurel na may d

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K20

    Mabilis ang paglipas ng mga linggo mula nang mag-propose si Brandon kay Bea. Sa bawat araw, mas lalong tumitibay ang relasyon nila at mas nadarama ni Bea na tama ang naging desisyon niya. Ngayon, dumating na ang pinakahihintay nilang araw — ang kasal. Maagang gumising si Bea, hindi dahil sa alarm clock, kundi sa kaba at saya na magkahalong gumugulo sa dibdib niya. Sa salamin, nakita niya ang sarili sa puting gown na napili nila ni Brandon. Simple pero elegante, may mga lace sa balikat at bahagyang palda na dumadaloy hanggang sahig. Ang mommy ni Brandon at si lola Laurel ang nag-ayos sa kanya, halatang emosyonal habang inaayos ang belo. “Ang ganda-ganda mo, iha,” sabi ng mommy ni Brandon, pinipigil ang luha. “Parang kahapon lang, caregiver ka lang dito sa bahay… ngayon, ikaw na ang magiging asawa ng anak ko.” “Salamat po, mommy,” mahina pero masayang sagot ni Bea. “Kung tutuusin, hindi ko rin po akalain na darating ‘to.” Si Lola Laurel naman ay hinaplos ang pisngi niya. “Ma

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   k19

    Makalipas ang dalawang buwan mula nang maging opisyal silang magkasintahan, iba na ang buhay sa mansyon ng pamilya ni Brandon. Wala na ang tensyon at sungit na dati’y tila naninirahan sa bawat sulok ng bahay. Sa halip, punô ng halakhak, kuwentuhan, at mga maliliit na sandaling pinapahalagahan ng lahat. Ngayon, girlfriend na siya ni Brandon. At gaya ng dati, hindi pa rin ito mapakali kapag hindi niya kasama. Tuwing umaga, dinadalhan siya ng kape kahit siya na mismo ang gumagawa noon para sa sarili. Sa hapon, magkasama silang naglilibot sa bayan o kaya’y nagbabasa ng libro sa veranda. Sa gabi, madalas silang mag-uusap nang mahaba tungkol sa mga pangarap nila. Pero sa kabila ng lahat ng saya, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may matagal nang pinaplano si Brandon. Niyaya ni Brandon si Bea na magpunta sa isang resort sa tabing-dagat. Hindi na ito nakapagtataka para kay Bea dahil mahilig silang maglakad-lakad at mag-relax, pero napansin niyang masyadong tahimik si Brandon sa biy

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   k18

    Makalipas ang tatlong linggo mula noong gabing umamin si Brandon kay Bea, at ang nangyari sa kanila, malaki na ang ipinagbago ng lahat. Hindi na siya nakasandal sa tungkod, hindi na rin nagpapanggap na mahina. Sa halip, araw-araw ay maaga siyang bumabangon para mag-ehersisyo. At higit sa lahat, nawala na ang dating sungit at kayabangan na nakasanayan ng lahat sa bahay. Ngayon, nakangiti siyang pumasok sa kusina kung saan abala si Bea sa paghahanda ng almusal. “Good morning, Bea,” masayang bati ni Brandon. Napalingon si Bea, at kahit sanay na siya sa bagong bersyon nito, hindi pa rin siya makapaniwalang nagbago talaga si Brandon. “Good morning din, Brandon. Ayos na ba yung exercise mo?” “Yup. At tingnan mo…” Pinakita niya ang mabilis at maayos na paglakad papalapit sa mesa. “No limp, no pain.” Napangiti si Bea. “Wow, bongga! Proud ako sa iyo.” Kumislap ang mga mata ni Brandon sa papuri. “Hindi ko magagawa ‘to kung hindi dahil sa iyo. Kung hindi mo ako tinulungan, baka h

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K17

    Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Maliban sa marahang hampas ng hangin sa mga kurtina at tunog ng orasan sa dingding, walang ibang maririnig. Nasa kwarto si Bea, nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko habang pinipisil-pisil ang laylayan ng kanyang blusa. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang eksena kaninang umaga—ang pagkakatayo ni Brandon, at ang lahat ng kasinungalingan na ginawa nito para lang manatili siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa kabaliwan ng lalaki, o magagalit pa rin dahil sa pambabalewala nito sa tiwala niya. May kumatok. Tatlong mahihinang katok na sinundan ng isang maikling katahimikan. “Bea…” boses ni Brandon, mababa at may halong pag-aalinlangan. Hindi siya sumagot. Ngunit makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Nakatayo si Brandon sa may bungad, hawak-hawak ang tungkod na halatang hindi naman niya gaanong kailangan. “Pwede ba… mag-usap tayo?” mahina niyang sabi. Tumingin lang si Bea, hindi gumagalaw. “Ano pa bang kai

  • Taming The Arrogant Boss (SPG)   K-16

    BRANDON LUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO, hindi na maitatanggi pa ni Brandon na may nararamdaman na siya para kay Bea. At labis siyang naiinis sa kanyang sarili dahil nahulog siya sa isang caregiver. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Talagang lumalim na ang nararamdaman niya para kay Bea. Kung tutuusin, kayang-kaya na niyang maglakad ulit pero nagpapanggap pa rin siyang hindi makalakad. Ginawa niya iyon para alagaan pa rin siya ni Bea at asikasuhin. "Saan ka na naman galing, ha? Kinausap mo na naman ba ang pinsan ko?" galit niyang tanong kay Bea. Mabilis na umiling si Bea. "Hindi po, boss. Tinulungan ko lang na magtapon ng basura si manang. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabalik." Tumingin si Brandon sa ibang direksyon dahil napapatitig na naman siya sa ganda ni Bea. "Nagugutom na ako. Pakainin mo na ako," maawtoridad niyang sabi kay Bea. "Sige po, boss. Sandali lang," sabi ni Bea bago nagmamadaling nagtungo sa kusina. Pagbalik ni Bea, dala na niya ang tray na may

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status