Share

Chapter Five

Author: Faith Lovelle
last update Last Updated: 2024-10-06 11:09:33

Halos matumba si Lucille sa ginawa ni Dylan, mabuti na lamang at nakabalanse siya.

Nagkataong tapos na suriin ng doktor ang matanda nang makita sila nito.

"Oh Mr. Saavedra, nandito na pala kayo. Maayos na ang kalagayan ng Lolo mo sa ngayon, pero mahina pa siya at kailangan niya pa rin ng pahinga. Tutukan mo ang kaniyang pagkain, bawal din siyang ma-stressed o malungkot. Dapat ay good mood lang palagi, at higit sa lahat, inumin ng tama sa oras ang mga gamot." 

Matapos maghabilin ng doktor ay tuluyan na itong umalis. 

Bahagyang nakaupo ang matanda sa kama at kumaway sa kanila.

"Oh Dylan, Lucille nandito pala kayo," masayang bati nito sa kanila.

"Kakakasal niyo lang, dapat ay hindi na kayong nag-abala pa na magpunta rito. Imbes na, nagsasaya kayo ngayon ay narito kayo," saad nito.

"D-don, Antonio, sorry po" nauutal sa kabang saad ni Lucille.

"Bakit hindi mo pa rin palitan ang tawag mo sa akin? Saka bakit ka humihingi ng tawad?" Takang tanong ng matanda.

"K-kasi po--"

Napatigil siya sa pagsasalita nang hawakan siya ni Dylan nang mahigpit sa braso saka tingnan nang makahulugan.

"Lolo, ibig sabihin ni Lucille ay paano kami nagsasaya kung nandito kayo sa hospital at nakaratay."

Nagulat si Lucille sa ipinakita ni Dylan.

"Napakabait mo talagang bata Lucille," tumatawang saad ng matanda.

"Sapat na sa aking pumunta kayo rito para dalawin ako mga apo. Sabi ng doktor ay maayos na ang kalagayan ko kaya huwag na kayong mag-alala. Madaming mga doktor at nurse ang magbabantay sa akin dito. Mas magiging masaya si Lolo kung masaya kayong dalawa kaya lumakad na kayo at mag-date. Iho, ikaw nang bahala kay Lucille." 

"Okay 'Lo, magpahinga ka ng mabuti," paalam ni Dylan sa matanda saka hinawakan ang kamay ni Lucille. 

Magkahawak-kamay silang lumabas ng silid ngunit pagkasara ng pinto ay agad siyang binitawan ni Dylan.

Niluwagan nito ang necktie na tila ba sakal na sakal ito.

"Hindi puwedeng sumama ang loob ni Lolo, itago muna natin 'to sa kaniya pansamantala. Kapag nalaman niya na pinilit niya akong magpakasal sa babaeng tulad mo, tiyak na hindi siya matutuwa."

Kahit hindi naman sabihin ni Dylan ay nauunawaan na iyon ni Lucille kaya hindi na siya kumibo.

Kunot ang noo at matalim ang mga mata ni Dylan nang bumaling ito sa kaniya. 

"Your filthy name doesn't deserve to stay on Saavedra's family registration book even for a second. You're such a shame!" He spat.

Alam niyang kontrata lang ang kasal nila pero alam niya ring hindi niya deserve ang ganoong klase ng mga salita.

Daig niya pa ang sinampal at labis siyang napahiya.

Kuyom ang mga palad na nanlalamig ay mas pinili na lang niyang manahimik.

Totoo naman eh, marumi siyang klase ng babae. Pinagpalit niya ang dangal niya sa pera at ibinenta niya ang sarili niya. 

"Asikasuhin na natin ang divorce sa lalong madaling panahon. Meet me there on time. Pero habang nagpapagaling pa si Lolo, kailangan mong magpanggap na asawa ko. Naintindihan mo?"

"Oo," sagot niya. 

Walang sabi-sabi siya nitong tinalikuran at iniwanan. Napangiti na lamang ng mapakla si Lucille. 

Hindi niya masisi si Dylan kung bakit ito nagagalit pero alam niya sa sarili niyang hindi siya karapatdapat na tratuhin ng ganito. 

Sino ba ang babaeng hindi magpapakasal para sa pag-ibig? 

Imbes na tumuloy sa bahay nila sa Tagaytay ay dumiretso na lang siya sa dormitory ng paaralan na kaniyang pinapasukan.

Sa tindi ng galit ni Dylan sa kaniya ay mukhang hindi nito gugustuhin na makita siya.

Kinagabihan ay may natanggap siyang tawag mula Kay Jerome.

"Kuya Dylan is available next Wednesday. He will go to the Civil Affairs Beareu to file a divorce. Can you go with him?"

"I'll be there on time."

Matapos ibaba ang tawag ay normal naman ang pakiramdam niya.

Alam niyang kasunduan lang naman ang kasal nila at walang dapat ikalungkot, hindi niya lang akalain na matatapos ito agad ngayong kakakasal pa lang nila.

Sa bihirang pagkakataon pagkatapos ng ilang araw na pagod at problema ay nakatulog ng mahimbing si Lucille. 

Gumising siya ng maganda at magaan ang pakiramdam kinabukasan. 

Gumayak siya patungo sa ospital kung saan siya ay isang intern sa Department of Surgery. Nag-aaral siya ng medisina sa Western Univeristy at umaga ang shift niya ngayon. 

Himala na wala masyadong pasyente at mukhang makakauwi siya ng tama sa oras. 

Nang matapos ang kaniyang duty ay agad siyang  nagbihis para pumunta sa paboritong lugar nilang magkakaibigan. 

Pagdating niya ay naroon na sila Wendy at Michael, silang tatlo ay magkakaklase na simula pa elementarya at sa iisang university din pumasok ng kolehiyo. 

Si Wendy at Lucille ay parehong kumuha ng medisina ngunit magkaiba ng major at si Michael naman ay kumuha ng kursong tungkol sa pagnenegosyo at naunang nagtapos sa kanila. 

Masyado na silang abala sa kani-kaniyang mga buhay at madalang nang magkita. 

Si Michael ay galing sa ibang bansa at nang umuwi ito ay agad na inimbitahan ang dalawang kaibigan para lumabas. 

Nang dumating si Lucille ay nakita niya ang napakaraming pagkain sa kanilang lamesa. 

"Nandito na si Lucille."

"Bakit ang dami niyo namang inorder?" tanong niya. 

"Ang takaw ni Michael, kala mo ilang taon hindi nakakain. Di naman niya mauubos lahat 'yan buti na lang nandito tayo. Grabe siya, binablackmail pa tayo." 

"Oy, hindi ko kayo kikidnapin huwag kayo mag-alala. Si Lucille lang kikidnapin ko kasi malakas 'yan kumain matutulungan niya ko ubusin 'to. Huwag natin bigyan 'yan si Wendy." biro ni Michael.

"Nakakainis 'to!" maktol ni Wendy saka sila masayang nag-asaran. 

Lucille felt calm and relaxed. 

"Lucille, narinig mo na ba?" Tanong ni Michael. 

"Ang alin?" Balik na tanong ni Lucille habang kumakain.

Nagkatinginan si Michael at Wendy saka sabay na nilagyan ng ulam ang kaniyang plato.

"Tama, narinig mo na ba ang balita na babalik na raw si Kevin?" 

Natigilan si Lucille, wari'y nag-isip sandali saka umiling.

"No."

Nag-message siya sa grupo, iniimbitahan niya ang lahat para sa isang mini reunion pag-uwi niya. 

Ang grupong sinasabi nila ay mga dati ring kaibigan ni Lucille, nang maghiwalay sila ni Kevin ay iniwanan na rin niya ang mga kagrupo kaya wala siyang balita.

"So, pupunta ka ba?" Tanong ni Wendy.

"Ano bang dapat kong Gawin? Dapat ba kong pumunta?

"Hmm, class reunion 'yon. Bihira lang ang mga ganoong okasyon," sagot ni Michael.

Umiling si Lucille. 

"Wala na kong planong makita si Kevin kahit kailan magmula no'ng maghiwalay kami," sagot niya.

Habang nagsasalita ay hindi niya namalayan na naikuyom niya pala ang kanyang palad.

"Relax, 'wag kang magalit Lucille." Sinamaan ng tingin ni Wendy si Michael.

"Sabi ko naman sa'yo huwag mo ng banggitin eh. Huwag kang pumunta, sino bang gustong makita ang hayop na lalaking 'yon!"

"Sorry,"

"Kung hindi lang umeksena 'yong Kevin na 'yon noon, sana kami na ni Lucille matagal na. Hindi naman niya inalagaan ang prinsesa ko," saad ni Michael. 

Muntik maibuga ni Wendy ang kaniyang iniinom.

"Mahiya ka naman sa mukha mo oy!" 

"Bakit? Guwapo naman ako ah!" Natatawang saad ni Michael. 

Bumaling si Michael kay Lucille.

"Kumusta? Pinahihirapan ka pa rin ba ng matandang bruha?" Tukoy nito sa madrasta niyang si Martha.

Dahil magkakababata sila ay hindi naman lingid sa mga kaibigan niya ang sitwasyon niya at wala na siyang balak ikwento sa mga ito ang huling ginawa ng madrasta sa kaniya. 

"Okay lang ako, ako pa ba?"

Naging kuntento naman si Michael sa sagot ng dalaga at mukha naman talagang maayos ang kalagayan nito.

"Basta magsabi ka lang kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako palagi." Paalala niya sa kababata.

"At ako rin!" Sabay taas ng kamay ni Wendy. 

Tumango si Lucille at saka ngumiti.

Natutuwa siya na nandiyan ang kaniyang mga kaibigan para sa kaniya pero hindi naman siya para humingi ng tulong sa mga ito. 

Mga nakadepende pa ito sa kanilang magulang at alam niya ang kaniyang limitasyon. Bukod doon ay naresolba na rin naman ang problema niya sa pera.

Matapos nilang kumain ay nauna nang umalis si Michael, may iba pa itong aasikasuhin. Sumunod sila ni Wendy at umuwi sa kanilang dorm na tinutuluyan. 

Noong gabing iyon ay hindi siya makatulog. 

Pabaling-baling siya sa higaan ngunit sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang guwapong imahe ng isang lalaki. 

"Babalik na si Kevin?"

Ilan taon na nga ba silang hindi nagkita. Tatlong taon na rin.

Pagsapit ng Sabado ay pumunta siya kung saan naka-admit si Jun-Jun.

Regular niya itong dinadalaw upang samahan kahit pa tila may sarili itong mundo at bihira siyang pansinin. 

Habang nasa bus ay tumunong ang kaniyang social media account, may nagpadala ng friend request.

Nang makitang hindi naman niya kilala ay agad niya itong binalewala.

Pagdating sa facility, bitbit ang mga dalang pasalubong para sa kapatid ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

"Iyak! Bakit ayaw mong umiyak!"

"Wala kang kwenta!"

Matining na boses ng babae ang narinig niya. 

Hindi lang iyon, isang malakas at malutong na sampal din ang pumailanlang kasabay ang isang aroganteng tawa. 

"Hindi ka man lang marunong umiyak pag sinampal ka? Wala ka talagang kuwenta bakit ba nabuhay ka pa?"..

Parang umakyat ang dugo sa ulo ni Lucille kaya agad niyang binuksan ang pinto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Dangerous Beast    86

    Maaga pa lang ng umaga, kakadating pa lang ni Dylan sa opisina nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Jane."Dylan..." mahinahong sabi ni Jane, tila may pag-aalangan sa boses."Bakit?" sagot ni Dylan habang iniipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya."Ahm... my mom wants to invite you for dinner tonight. Pwede ka ba?"Agad na kinabahan si Jane, natatakot na baka tanggihan siya ni Dylan. Kaya naman mabilis niyang idinugtong, "Birthday niya kasi tonight... she will be very happy if you come. Please, Dylan? Okay lang ba?"Natahimik si Dylan saglit. Pinisil niya ang tulay ng ilong niya, halatang pagod. Pero sa huli, sumagot ito."Okay, pupunta ako."Kinagabihan. Hindi mapakali si Jane habang naghahanda ng hapunan."Ma, okay na ba talaga?" tanong niya habang inaayos ang hapag-kainan.Napatingin si Shawnren sa anak at tumaas ang kilay, "Relax, Jane. Kung hindi ka makakahinga nang maayos, paano ka magiging isang mabuting Mrs. Saavedra sa future, ha?" may bahid ng biro

  • Taming The Dangerous Beast    85

    Habang magkasabay na naglalakad sina Lucille at Dylan, napansin nilang naglalaro ng chess si Rodrigo kasama ang matandang lalaki. Si Dylan ang sinadyang tawagan ni Rodrigo para umuwi ng maaga.Masayang ibinalita ni Lucille ang tungkol sa nakatakdang operasyon ni Rodrigo."Grandpa, ayos na po lahat. Nakausap ko na si Dr. De Mesa, kayo na lang po ang pipili ng araw para sa surgery ninyo."Ngunit sa halip na sumang-ayon, ngumiti lamang si Rodrigo at umiling."Wag muna. Hindi pa ito ang tamang panahon."Nagkatinginan sina Lucille at Dylan, litong-lito sa sinabi ng matanda.Maya-maya, may kumatok sa pinto at pumasok si Liam, bitbit ang isang tambak ng mga magazine, picture albums, at kung anu-ano pa."Sir."Lumapit si Liam, inilapag ang mga bitbit sa lamesa, saka lumingon kina Dylan at Lucille."Tingnan n'yo ito nang mabuti."Nagtinginan silang dalawa. Para saan ito?Ngumiti si Rodrigo at ipinaliwanag."Mga wedding dress styles 'yan at mga venue para sa kasal. Piliin n'yo kung alin ang mag

  • Taming The Dangerous Beast    84

    Sa isang bihirang araw na pahinga, abala pa rin si Lucille.Natapos na niya ang mga translation na tinanggap niya noon, at ngayong araw ay makikipagkita siya sa editor-in-chief.Kasabay nito, nagdesisyon na rin siyang mag-resign sa trabahong iyon.Ngayong alam na niya ang intensyon ni Kevin, kailangan niyang putulin na ang anumang pag-asa nito, kaya hindi na niya matatanggap ang kabutihang ipinapakita nito.Bukod pa rito, kailangan na niyang maghanda para sa exam at sabay na rin niyang kukunin ang trabaho ni Yang Huaiqing, kaya wala na siyang oras para sa iba pang bagay.Nanghinayang ang editor-in-chief.Pumunta si Lucille kay Michaela, na ganoon din ang naramdaman.Pero iba ang naging pokus nito."Wala na talagang pag-asa si Kevin?"Nabanggit na sa kanya ni Eaen ang tungkol dito. Alam ni Michaela na hindi naging madali ang buhay ni Kevin nitong mga nakaraang taon.Pumikit sandali si Lucille at malinaw ang kanyang isipan."Hindi ako matatanggap ng pamilya ni Kevin. Ang sakit na iyon,

  • Taming The Dangerous Beast    83

    Nararamdaman niya na kailangan na niyang umalis sa Liwan ngayon. Ayaw niyang manatili sa iisang silid kasama si Lucille kahit isang segundo pa.Pero gabi na, malakas pa rin ang ulan sa labas, at bukas ng umaga, kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo.Naiinis na kinuha ni Dylan ang sigarilyo, sinindihan ito, humithit ng dalawang beses, at pumasok sa guest room.Buti na lang at laging malinis ang mga ekstrang kwarto sa bahay ng mga Saavedra, kung hindi, hindi niya alam kung saan siya matutulog ngayong gabi.Nakahiga siya sa sofa, at doon niya naramdaman ang lamig sa kanyang katawan.Dahil lahat kay Lucille, pero siya, wala man lang pakialam.—Kinabukasan ng umaga, napansin ni Liam na magkaibang kwarto ang tinulugan ng mag-asawa, kaya agad niya itong sinabi kay Rodrigo.Tumango si Rodrigo. “Hayaan mo sila, bata pa naman. Kung hindi sila mag-aaway ngayon, kailan pa? Kapag matanda na?”Napatawa si Liam. “Sa tingin ko nga po, gusto ni Sir Denver si Lucille. Hindi siya m

  • Taming The Dangerous Beast    82

    "Anong gagawin mo?" Napatitig si Lucille, hindi maintindihan ang inaasta ni Dylan habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya.Ang gwapong mukha ni Dylan ay malamig at seryoso, at ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay puno ng bigat."Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba't binigyan na kita ng card? Wala ka bang magamit na pera?""Ha?"Nanlaki ang mata ni Lucille, hindi inaasahan na magagalit ito ng ganoon lang.Napapaso na rin ang pasensya niya.Itinulak niya si Dylan gamit ang libreng kamay niya. "Lumabas ka! Ayoko kang makita! Matutulog na ako!"Pero nanatili lang si Dylan sa kinatatayuan niya, hindi man lang natinag."Ikaw..." Napatigil si Lucille, sabay taas ng tingin sa kanya. Nang titigan siya ni Dylan, may kung anong ekspresyon sa mga mata nito—parang may nakita itong ibang emosyon sa kanya.Saka lang napansin ni Dylan ang ice pack sa pisngi ni Lucille.Bigla niyang naalala ang nangyari kanina—nasampal siya ni Shawnren!Hinawakan niya ang pulso ni Lucille

  • Taming The Dangerous Beast    81

    Nagulat si LucilleNakita niyang inilabas ni Albert ang kanyang pitaka. Sa edad niyang iyon, nakasanayan pa rin niyang magdala ng pera.Agad niyang kinuha ang isang bungkos ng salapi at iniabot ito kay Lucille."Kulang ba ang pera mo? Narito si Daddy, kunin mo muna ito. Kung hindi pa sapat, bibigyan pa kita."Hindi gumalaw si Lucille.Ano 'to?Matapos siyang balewalain ng kanyang ama mula noong walong taong gulang siya, ngayon bigla na lang itong nag-aalala sa kanya?Nang hindi niya kinuha ang pera, wala nang nagawa si Albert kundi hawakan ang kamay niya at pilit ipinasok ang pera rito."Sige na, tanggapin mo na."Kumunot ang noo ni Lucille at mabilis na hinila ang kanyang kamay palayo.Malamig at matigas ang kanyang ekspresyon. Ano man ang dahilan ng pagiging kakaiba ng kanyang ama ngayon, hindi niya matatanggap ang ipinapakitang malasakit nito."Kunin mo na!""Ayoko!" sagot niya bago tumalikod at lumakad palayo."Lucille, huwag kang umalis!"Pero hinawakan siya ni Albert.Dahil ayaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status