Share

Chapter 12

Daniexsa's POV

NARAMDAMAN ko ang pagluwag nang paghawak nito sa aking buhok kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong makaalis sa kamay ni Lorenzo. Agad namang hinawakan ni Mr. Riego ang aking palapulsuhan at agad akong inilagay sa kaniyang likuran upang masigurodong hindi na ako muling mahahawakan pa ni Lorenzo sa pagkakataong ito.

Napangisi ito nang salubungin ang malamig na tingin ni Mr. Riego at animo'y tuwang-tuwa pa sa mga oras na ito. Wala na s'yang matatakbuhan pa at ito na ang katapusan n'ya sa paggawa ng mga krimen!

"What? Are you going to kill me, Mr. Riego?" Mapanuyang sambit nito at idinikit n'ya pa ang sariling noo sa baril na hawak ni Mr. Riego. "Shoot me, goddamn it! Kill me, fucking bastard!!" Umalingawngaw ang malakas nitong sigaw ngunit kinuha naman ni Officer Feliciano ang pagkakataong ito upang malagyan s'ya nang posas na ikinagulat n'ya.

"Sa presinto ka na magpaliwanag, Mike Lorenzo! Marami kang kasong kahaharapin kaya mas mabuti nang ihanda mo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status