Share

Chapter 10

Daniexsa's POV

BAHAGYA akong ngumiti bago tuluyang kumaway kay Allen nang papalayo na ang sasakyan nito mula sa aking kinatatayuan. Sumalubong sa aking mukha ang malamig na hangin, kaya naman pasimple kong inilibot ang aking paningin sa paligid dahil kanina ko pa nararamdamang may nakamasid sa akin at hindi nga ako nagkamali.

Sa isang sulok kung saan may isang poste ay nakatayo roon ang isang lalaking nakasuot ng isang kulay itim na hoodie. Pinaningkitan ko pa ito ng mga mata ngunit hindi ko makita ng maayos ang mukha nito.

Napansin nitong nakatitig na ako sa kaniya kaya naman agad na itong tumilikod saka naglakad papalayo, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong pumasok sa loob at pasado alas-dose na pala ng madaling araw.

Napakatahimik ng paligid, tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig. Marahan akong umakyat sa pangalawang palapag ng aming bahay upang dumiretso na sa aking kuwarto ngunit nang mapadaan ako sa kuwarto ng aking mga magulang ay agad rin akong napa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status