Daniexsa Zirina Alcantara is a twenty-five-year old woman who's into guns and bullets. Her dream is to be the top agent in industry that's why she pursued her dream to become a secret agent. Her mission is to eliminate their enemies especially the unidentified drug lord. When she met a handsome cold hearted CEO, Pierro Raizon Riego. Is she able to do her mission with him? Or her unprotected heart will be the target of the game?
View MoreDaniexsa's POV BAGO pa man kami makalabas sa ospital ay saka naman nagmamadali ang mga nurses na mailagay sa stretcher ang kakababa lamang sa ambulansyang taong isinugod rito. Napahinto ako nang makilala ang taong iyon at maging si Mr. Riego ay agad na nakuha ang atensyon ng taong parehang pamilyar sa aming dalawa! O-Officer F-Feliciano! "Officer! Officer!" Sigaw ni Mr. Riego at agad na lumapit sa kinaroroonan nito. Maging ako ay sumunod na habang tulak tulak ang stretcher na kinaroroonan nito at maraming dugo ang nakamarka na sa damit nito. "S-Si.. M-Mike... L-Lorenzo," hirap na hirap na itong makapagsalita at mukhang napuruhan ito nang husto! "N-Nakatakas s'ya!" Iyon ang huling katagang binitawan nito bago tuluyang maipasok sa operating room! Napanganga na lamang ako sa aking narinig at kitang-kita ko naman sa mga mata ni Mr. Riego ang labis na emosyon nito. Agad itong tumingin sa akin na halos magtagpo na ang dalawang kilay, "Let's go! Ihahatid na kita, nak
Daniexsa's POV NARAMDAMAN ko ang pagluwag nang paghawak nito sa aking buhok kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong makaalis sa kamay ni Lorenzo. Agad namang hinawakan ni Mr. Riego ang aking palapulsuhan at agad akong inilagay sa kaniyang likuran upang masigurodong hindi na ako muling mahahawakan pa ni Lorenzo sa pagkakataong ito. Napangisi ito nang salubungin ang malamig na tingin ni Mr. Riego at animo'y tuwang-tuwa pa sa mga oras na ito. Wala na s'yang matatakbuhan pa at ito na ang katapusan n'ya sa paggawa ng mga krimen! "What? Are you going to kill me, Mr. Riego?" Mapanuyang sambit nito at idinikit n'ya pa ang sariling noo sa baril na hawak ni Mr. Riego. "Shoot me, goddamn it! Kill me, fucking bastard!!" Umalingawngaw ang malakas nitong sigaw ngunit kinuha naman ni Officer Feliciano ang pagkakataong ito upang malagyan s'ya nang posas na ikinagulat n'ya. "Sa presinto ka na magpaliwanag, Mike Lorenzo! Marami kang kasong kahaharapin kaya mas mabuti nang ihanda mo
Daniexsa's POV PINALIPAS ko muna ang ilang oras bago tuluyang pumasok sa isang magarang restaurant kung saan naghihintay sa akin si Mike Lorenzo.Ito kasi ang eksaktong lokasyon na kaniyang napili at wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang gusto nito upang malaman kung ano nga ba talaga ang pakay n'ya. "I have a reservation under the named of Mr. Mike Lorenzo..." Tugon ko sa isang receptionist matapos ako nitong tanungin. Agad naman itong ngumiti saka marahang tumango at may isang lalaki pa ang nag guide sa akin kaya naman sinundan ko lamang ito. Nang makapasok kami sa isang VIP room ay tanaw ko na agad ang taong sinadya kong puntahan rito. Prente lamang itong nakaupo habang sumisimsim ng isang red wine. At matamang nakatitig sa akin habang papalapit na ako sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi nito na para bang galak na galak akong makita agad s'yang tumayo upang salubungin ako at mas lalong ngumiti sa aking harapan kaya kahit labag man sa loob ko ay matamis ko ito
Daniexsa's POV BAHAGYA akong ngumiti bago tuluyang kumaway kay Allen nang papalayo na ang sasakyan nito mula sa aking kinatatayuan. Sumalubong sa aking mukha ang malamig na hangin, kaya naman pasimple kong inilibot ang aking paningin sa paligid dahil kanina ko pa nararamdamang may nakamasid sa akin at hindi nga ako nagkamali. Sa isang sulok kung saan may isang poste ay nakatayo roon ang isang lalaking nakasuot ng isang kulay itim na hoodie. Pinaningkitan ko pa ito ng mga mata ngunit hindi ko makita ng maayos ang mukha nito. Napansin nitong nakatitig na ako sa kaniya kaya naman agad na itong tumilikod saka naglakad papalayo, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong pumasok sa loob at pasado alas-dose na pala ng madaling araw. Napakatahimik ng paligid, tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig. Marahan akong umakyat sa pangalawang palapag ng aming bahay upang dumiretso na sa aking kuwarto ngunit nang mapadaan ako sa kuwarto ng aking mga magulang ay agad rin akong napa
Daniexsa's POV DAHIL inabot na kami ng gabi dahil sa kung saan-saan gustong pumunta ni Natalie na hindi naman matanggihan ni Mr. Riego at Cairo, wala din akong ibang pagpipilian kundi ang sumama sa kanila. Hindi ko nga magawang mag enjoy dahil sa presensya nitong si Mr. Riego na tahimik ngunit animo'y palaging galit at masama ang titig sa akin! Akala n'ya ba hindi ko napapansin? Tsk. "Kuya Pierro, please ihatid mo na si Daniexsa! Kay Cairo na lang ako sasabay sa pag-uwi!" Suhestiyon pa ng magaling kong kaibigan at kanina ko pa napapansin na ponagtutulakan n'ya ako sa butihin n'yang kapatid. Kahit na nasa ilang distansya sa amin si Mr. Riego ay alam kong naririnig kami nito at ang mga sinasabi ni Natalie. I sigh, "No, it's fine with me na mag-taxi na lang. Isa pa, may dadaanan pa ako ngayon kaya ayos lang naman!" I lied. Ang totoo n'yan ay gusto ko lang makaiwas kay Mr. Riego dahil hindi ako kumportable na kasama ito. Hindi nga ako kumportable sa kaniya kahit kasama ko s
Daniexsa's POV NAPAHINTO ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses rito malapit sa control room. Dahan dahan kong sinilip ang pinto at doon ay kitang-kita ko ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatayo sa loob. [Don't worry! I'll make sure na malinis ang ginawa kong trabaho! Wala akong iniwang bakas. Isa pa, hindi naman sila maghihinala na ako ang gumawa sa krimen na kinakaharap ngayon ni Mr. Riego! Bagay lang sa kaniya ang mabato ng mga paratang!] Naningkit ang aking mga mata dahil sa aking narinig, sinasabi ko na nga ba... Wala talagang mapagkakatiwalaan kahit saan ako magpunta. [I'll go ahead, baka magtaka sila kung bakit wala ako sa pwesto ko sa oras ng trabaho..] Dali dali kong tinungo ang kabilang kuwarto kung saan doon lamang maaaring makapagpa-photo copy nang mas marami. Sinilip ko pa ito sa isang maliit na siwang ng bintana at nagpalinga-linga muna ito sa buong paligid bago tuluyang lumabas. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang
DANIEXSA'S POV LUMIPAS ang trenta minutos ay s'ya namang pagdating ni Officer Feliciano sa opisina ni Mr. Riego. Bahagya pa itong tumango sa akin kaya naman ganoon rin ang ginawa ko dahil pakiramdam ko hindi pa man nag-uumpisang mag-usap ang dalawa ay may tensyon na agad ang namuo sa buong paligid. "Salamat sa pagpapaunlak mo sa akin ngayon, Mr. Riego. Ikinalulugod kong maging panauhin mo sa araw na ito." Mababakas ang paggalang nito sa aking binatang amo na kasalukuyang sumisimsim ng kape na kakagawa ko lamang habang prente itong nakamasid sa kaniyang importanteng panauhin. Relax na relax lamang ito at walang mababakas na kahit na anong emosyon sa kaniyang guwapong mukha. Para bang sanay na sanay na itong itago ang totoong emosyon sa bawat taong nakakaharap kaya hindi na nakakapagduda pa. "Do you want anything? Coffee, juice, water or wine?" Hindi pinansin ni Mr. Riego ang pormal nitong pagbati sa kaniya imbes ay nakuha pa nitong itanong kung may nais bang inumi
Daniexsa's POV WEEKS had passed and luckily, I am able to cope up with different work tasks I need to pull up each day. As of now ay kaliwa't kanan ang aking trabaho dahil nga abalang-abala ako sa bawat papeles at schedule na kailangan kong ayusin. May bali-balita kasing darating ngayon si Mr. Riego mula sa business trip nito sa galing sa ibang bansa. At talaga namang halos lahat ng empleyado ay hindi makuha magrelax sa kani-kanilang kinauupuan habang tinatapos ang kanilang trabaho. Marami na rin akong kilalang mga katrabaho sa kompanya, natural lang na may iba't-ibang ugali ang bawat taong narito at hindi naman ako nandito upang alamin ang bawat ginagawa nila. Narito ako upang gawin ang misyon ko ng malinis at maayos. Matapos kong maibigay kay Mrs. Sison ang bawat listahan ng schedule ng meeting ay dumiretso na ako sa restroom upang makapaghugas ng kamay at makapaghilamos. Ang akala ko ay magiging madali ang lahat para sa akin kapag nakapasok na ako sa kompanya ng mga Riego, ngun
Daniexsa's POV SA sobrang excited kong makapasok ay literal napaaga ako rito sa opisina. May mangilan-ngilang empleyado na rin namang nandito at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa parking lot. Napag-alamang hindi naman pala parte ng kompanya ang babaeng namatay kahapon, ngunit ang nakakapagtaka lang ay bakit naman namatay ang dalawang lalaki sa control room? Napabuga na lamang ako ng hangin mula sa aking bibig bago pinakatitigan ang mga tambak na papeles sa aking harapan. Inisa-isa ko lamang ito at pirma pala ni Mr. Riego ang kailangan para sa mga papeles na ito. "You are?" Halos mapatalon ako sa aking kinauupan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Awtomatiko akong napatingin rito at agad naman itong ngumiti. Mahina itong natawa marahil sa naging reaksyon ko at agad na lumapit sa akin. "I'm sorry, hindi ko ginustong gulatin ka.," Natatawa pa nitong paumanhin kaya naman hindi ko malaman kung ano ba'ng dapat na maging reaksyon. "I am Wayden Briones, nice meeting y
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments