Share

Chapter 3

Daniexsa's POV 

LUMIPAS ang mga araw at mas naging abala ako lalo na noong pumutok ang balita dahil sa sunod sunod na pagkakawala nang mga kabataan.

Alam kong trabaho na iyon nang kapulisan ngunit hindi ko pa rin maiwasang h'wag makialam. 

     "Agent Gunner?" Napahinto ako nang makasalubong ang kinikilala naming boss rito sa Defense Resources Organization. 

Palabas na ito sa kaniyang opisina kaya naman wala na akong inaksayang panahon pa upang makausap ito. 

     "Mabuti naman at dumating ka. May maganda akong trabahong ibibigay sayo." Makahulugan nitong saad at nagkalad na naman ito pabalik sa kanyang opisina kaya sumunod na rin ako upang makausap ito. 

     "Please, have a sit." Aniya at naupo ako. Pinakatitigan ko itong mabuti ngunit talagang hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang totoong pagkatao nito.

Maging s'ya ay nakasuot nang maskara. S'ya ang ang nagbibigay sa amin ng mga dapat gawin, at iba naman ang nagmominitor sa trabaho namin kung natapos ba namin ito ng maayos o hindi. 

Inilapag nito ang isang larawan ng lalaking nakasuot ng tuxedo. Mukha itong mayaman at mataas ang katayuan sa buhay. 

     "This is Pierro Raizon Riego. The CEO of Maxsteel Corporation." Rinig kong saad nito at pinakatitigan kong mabuti ang itsura nang lalaki. 

Kinakabisado ko ang bawat detalye sa kabuuan nito at agad akong napatingin kay Mr. Cortez. 

     "What about him?" Balik kong tanong at alam kong sa mga oras na ito ay namutawi na ang ngisi sa kaniyang labi. 

Alam n'ya kung paano kukunin ang atensyon ko. Alam n'ya kung ano ang mga interes ko kaya gagawa s'ya nang paraan upang manatili ako sa organisasyong ito. 

     "I know you want to be on TOP, agent Gunner." Aniya at binigyang diin pa ang salitang TOP. "That's why, I'm giving you all the privilege to do this mission." Mababakas ang pagkasabik sa boses nito kaya maging ako ay nakaramdam nang pananabik. 

Finally, I can have my own damn mission na mas may thrill! Hindi iyong parang laro laro lamang ang ginagawa. 

     "What am I supposed to do then?" Umarko ang aking kilay nang marinig itong mahinang natawa sa aking tanong. 

     "Protect him and at the same time don't ever trust him. Isa s'ya sa pinaghihinalaang bigating drug lord rito sa pilipinas. Alam mong isa ito sa pinakamatagal na nating inaasam. Sa oras na mapatunayan nating isa nga s'ya sa mga drug lord, this is your chance to be a top agent." 

Nakaramdam ako nang pananabik sa aking misyon. Parang gusto ko na ngang umpisahan ang plano at tapusin ito ng ganoon kadali. 

     "Ako na ang bahala." Kumpiyansa kong tugon at napatango naman ito bilang pagsang-ayon. 

Bago pa man ako makalabas ng tuluyan sa opisina ni Mr. Cortez, may isang kataga itong iniwan na mas tumatak sa aking isipan. 

     "Don't let yourself fall into the trap, Agent Gunner. Don't allow yourself to be decieve by this game. Because if you allow it, you'll soon meet your own grave." Makahulugan nitong saad. "So, be careful." 

Nang makalabas ako ng opisina nito ay nakita ko pa ang ilang agent na narito upang magsagawa ng report. Napatingin ako sa isang napakalaking screen at mga pangalan ng mga agents ang makikita roon kasama na ang rangko ng mga ito. 

Nang makauwi ako sa bahay ay nangunot ang noo ko nang hindi ko makita sina mamang at papang sa bahay. Nilibot ko na ang buong kabahayan ngunit hindi ko pa rin sila mahagilap kaya inilabas ko na lang cellphone ko upang tawagan sila ngunit panay ring lamang ito. 

Nagkibit-balikat na lamang ako at dumiretso sa aking kuwarto. Agad kong binuksan ang aking laptop at doon ay hinanap ang pangalang binanggit ni Mr. Cortez. 

Pierro Raizon Riego. 

Napakunot ang noo ko nang halos wala akong mabasang impormasyon patungkol sa taong ito. Posible kayang may katotohanan ang aligasyon patungkol sa taong ito? Hindi nga kaya s'ya ang drug lord na hindi mapuksa puksa nang kapulisan? 

Kung ganoon, mas kailangan kong mag ingat. 

Muli na naman akong nagtipa sa aking laptop at kasunod no'n ay ang pangalan ng kompanya naman nito ang aking hinanap. 

Agad namang lumabas ang opisyal nitong mga larawan at maging ang mismong kompletong impormasyon patungkol sa kompanya. 

Maxsteel Corporation owned by the CEO and Billionaire, Pierro Raizon Riego. It has a thousand branches all over the world and the most trusted company. 

Napatango ako sa aking nabasa. Ayon pa rito ay malapit nang ipagdiwang ang ika-70th anibersaryo ng kompanya. 

Wala rin akong makitang larawan ni Mr. Riego rito sa internet. Isa-isa kong tiningnan ang listahan ng iba't-ibang branch nito sa bawat panig ng lugar. 

Ayon pa rito ay mahigit isang milyon ang kayang kitain nito sa isang buwan na ikinanlaki ng mga mata ko. 

So, talagang ganoon nga kayaman ang taong ito?! Idagdag pa ang mga ipinagbabawal na gamot nito kaya malamang ay mas dadami ang pera nito. Kahit ata ay matulog na lang s'ya ng buong isang taon paggising n'ya ay bilyonaryo pa rin s'ya! 

Napahinto ako nang mabasa ang isang artikulo. Pangalan ito nang nasabing kompanya ngunit hindi iyon ang nakakuha sa aking atensyon. 

"Secretary for hire?" 

Nangungunot noo kong basa at kalauna'y nagpangiti sa akin. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talagang pinagbibigyan ako na mapadali ang trabaho kong ito. 

Kaagad akong gumawa ng resume. May nakalagay ring contact information sa nasabing artikulo at kung kaninong email ko ito ipapasa. Matapos kong gawin ang aking pang malakasang resume ay agad ko itong ipinasa. 

Nag-unat pa ako ng aking mga kamay dahil ramdam ko na ang pangangawit nang mga ito. 

Makalipas ang isang araw ay agad akong nakatanggap mula sa Maxsteel corporation patungkol sa aking resume. Ayon pa sa kanila ay personal nila akong  inaanyayahan sa kanilang kompanya para sa aking final interview. 

MAXSTEEL CORPORATION. Itinago ko ang pagkamangha dahil sa ganda ng paligid. Halos malula ako sa sobrang linis at sobrang taas ng gusali! Hindi lang iyon, talagang hightech na ang kagamitan nila rito kumpara roon sa huling kompanyang pinasukan ko. 

     "Miss Alcantara?" 

Agad akong napatayo nang makita ang isang ginang na nasa aking harapan. Pormal na pormal ang dating nito ngunit napakasopistikada. May suot itong salamin. Hindi ito ganoon katangkad at medyo may katabaan ang pangangatawan nito. Maputi ang balat at may malaking nunal sa kanang pisngi. 

     "I'm Gretta Sison. Ako ang nakausap mo kahapon patungkol sa iyong aplikasyon." Seryoso nitong sabi kaya bahagya na lamang akong napangiti. "Follow me." Aniya at bahagya na lamang akong tumango. 

Nang makapasok kami sa isang opisina ay naupo ito sa swivel chair at matamang nakamasid sa akin. Tiningnan pa ako nito magmula ulo hanggang paa at bahagya tumaas ang isang kilay. 

     "So, you're twenty-five-year old? Do you have a boyfriend or.. ka-fling?" Tanong nito na ikinagulat ko. 

Bahagyang napaawang ang aking bibig ngunit nang makabawi ay agad na lamang akong ngumiti. 

     "Kailangan ko ba... Talagang sagutin iyan?" Nakangiti kong tanong kahit na ang awkward ng sitwasyon ko ngayon. 

     "Yes!" Tipid nitong sagot at inayos pa ang kanyang salamin. 

     "Wala akong boyfriend at mas lalong wala akong-"

     "Alright. Congratulations! You are now part of Maxsteel Corporation!" Aniya at napanganga naman ako sa narinig. 

Ganoon lang? Wala man lang thrill o nakakakabang tanungan? 

    "Mag uumpisa ka bukas. And take note, ayaw ni Mr. Riego nang mahilig mangialam. Ayaw n'ya ng palpak at mas lalong ayaw n'ya nang natutulog sa oras ng trabaho. Do you understand, Miss Alcantara?" Balik nito at walang kamatayang tango naman ang aking naging tugon. 

Nang makarating ako sa parking lot ay napahinto ako nang makarinig ako ng mahinang kaluskos. Napatingin ako sa iba't-ibang parte ng parking lot at sinabayan pa ito ng pagpatay sindi. 

     "T-Tulong.." 

Mas naging alerto ako nang makarinig ng mahinang boses at dahan dahan akong naglakad at kaliwa't kanan ang aking pagtingin sa aking dinadaanan. 

     "T-Tulong! T-Tulungan n'yo ak-"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang babaeng nakahandusay na sa sahig at duguan pa ang bandang leeg nito. Ang isang mata nito ay nakaluwa na at mukhang sinadyang dukutin habang ang isang daliri nito ay nasa kanyang uluhan! 

Agad akong tumakbo pabalik sa loob ng kompanya at tamang tama dahil nakita ko ang isang guwardiya. 

Ayaw pa nitong maniwala sa aking sinabi ngunit agad kong hinatak ito. Maging si Mrs. Sison ay napasunod rin sa amin dahil mabilis na kumalat ang balita sa loob ng kompanya! 

     "Oh, my gosh! Call the police!" Sigaw nito at akmang lalapitan ko ang babae nang pigilan ako ni Mrs. Sison.         "What the hell you're doing?! H'wag mong hahawakan ang biktima!" Sigaw nito at napahinto naman ako sa narinig. 

She's right. Isa pa, hindi dapat ako magpakitang gilas rito. Lalo na at maraming tao ang nakamasid sa paligid. 

Mas dumami pa ang mga empleyadong nakiusisa. Ang iba ay nasusuka pa sa nadatnan at maya maya ay dumating ang isang lalaki na nakasuot ng puting polo. 

Matangkad ito at halata ang magandang pangangatawan. Nakatali ang medyo mahaba nitong buhok saka sinipat ang biktima sa sahig at saka inilabas ang kanyang cellphone. 

Ilang minuto pa ay dumating na rin ang ilang pulis upang mag imbestiga at isinakay na sa ambulansya ang babae! 

     "Miss Alcantara, maaari ka ba naming kausapin para lang sa ilang mga katanungan?" 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status