Share

Kabanata 7

Halos wala pang isang oras ay tumigil na ang sinasakyan namin. Mula sa dulo ay umusog ako upang sumilip sa tinted na bintana nito para makita ang sinasabi nilang kompanya ng mga Vanhouger. Nanliliit ang mata ko iyong tinitigan at kalaunan ay napanganga ako at nanlaki ang mga mata.

"Hala?! E, dito ako nag-apply noong isang araw, ah!" Naibulalas ko habang nakanganga parin na nakatitig roon.

Napakalaki niyon at hindi mo pa lang nalalapitan ay alam na bigatin talaga ang may-ari. Malawak ang estruktura na may nakalagay na 'DE VNHGRS' sa itaas ng entrada ng kompanya. Gusto kong kutusan ang aking sarili.

Bakit ba hindi ko agad napansin 'yon? Inalis lang nila iyong vowels, e!

Narinig kong binuksan na ni Kelvin ang pinto at lumabas na siya doon samantalang ako ay naestatwa na lamang habang nalilito sa nakikita. Nagpakurap-kurap nalang ako nang makita s'yang kumakatok sa bintanang katapat ng mukha ko habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Nagmadali ko naman binuksan ang pinto nang matauha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status