Mag-log in"Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya.
Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "Paano niyo po-" "Alam ko, Amie. Kahit hindi mo ako nakikita, binabantayan kita. At ngayong graduate ka na, may kakayahan ka na tumulong sa farm. Halos tatlong buwan nang hindi namumulaklak ang mga lalagyan ng ating mga rare hybrids." "Po?!" napaharap siya sa kwarto. "Malapit nang malugi ang farm, Amie. Malaking kontrata sa ibang bansa ang nakatala rito, at kapag natuloy ang pagkalugi, babagsak ang lahat ng pinaghirapan namin... pati na ang kumpanyang pilit na itinataguyod ni Ezekiel." Kumurap ang mga mata niya sa narinig na pangalan. "Alam ko ang mga nangyari noong araw. Alam kong may matinding lamat at galit sa pagitan ninyo ng anak ko, at alam kong malaking sakripisyo para sa 'yo ang muling pagharap sa kanya." "Pero pakiusap, 'wag mo sanang hayaang mawala nang ganun na lang ang negosyo ng pamilya." Rinig niya ang malalim na hininga ng nasa kabilang linya. "Tulungan mo kami, Amie. Babayaran kita sa pinakamataas na halaga bilang Head Horticulturist ng farm, basta bumalik ka lang at isalba mo ang ating flower farm." Napatitig si Amie kung saan, hindi ito tungkol sa pera. Kahit walang ibayad ang Tito Gary niya. Gusto niya itong tulungan. Pero para tulungan ito, kailangan niyang bumalik sa masakit niyang nakaraan. Kinaumagahan, mataas ang araw sa Alcantara Farm. Abala ang lahat ng mga tauhan sa ilalim ng tirik na araw. Naliligo sa pawis ang mga tauhan habang tumatakbo bitbit ang mga timba ng tubig at suwero para sa lupa. Sa loob ng farm, nsa Greenhouse 3 kung saan naroon ang mga mamahaling hybrid roses at exotic bloom, umaalingawngaw ang sigawan at ingay ng mga nababasag na paso. "Huwag niyong didiligan 'yan! Lalo lang silang nangungunot kapag nababasa!" sigaw ni Kristoff habang mabilis na binabuklat ang isang buklet ng mga kemikal sa ibabaw ng mesa. Halata ang matinding galit at kaba sa mukha nito. Naka-kurba ang mga kilay nito habang pinagmamasdan ang hanay ng mga kulay-lilang orchid na kahapon lang ay namumukadkad, pero ngayon ay para nang mga sunog na papel na nakabitin sa sanga. "Kristoff! Tingnan mo 'to!" sigaw naman ni Sedie mula sa kabilang dulo ng greenhouse. Nakaluhod ito sa basang lupa, marumi ang dalawang kamay at punit-punit ang dulo ng apron. Mabilis na lumapit si Kristoff. "Ano 'yan, Sedie?" "Hindi lang ito sa isang plot!" Hahawakan sana ni Sedie ang tangkay ng isang itim na rosas pero mabilis itong naputol at naging abo mga daliri. Napasinghap ang dalaga at napaatras. "Kumakalat siya... Kristoff, para siyang peste na tumatawid sa hangin! Kahapon lang, roon lang sa dulo may dilaw na dahon. Ngayon, pati ang buong hanay ng Elysian Blooms, nangingitim na!" Nagsimulang magbulungan ang mga trabahante sa paligid. "Patay tayo kapag nalaman 'to ni Boss 'Kiel." "Malapit na ang deadline sa export! Milyon-milyon ang nawawala sa 'tin kada oras!" "Anong klase bang sakit 'yan? Bigla-bigla na lang nang-hahawa!" "Manahimik kayo!" utos ni Kristoff sa mga tauhan, pilit na pinatitigas ang boses kahit nararamdaman ang matinding panginginig sa sariling mga kamay. Bilang matalik na kaibigan at right-hand man ni Ezekiel, alam nito kung gaano katindi ang nakataya sa pananim na ito. "Ihiwalay niyo ang mga plot 4 at 5! Putulin niyo ang mga nahawaang sanga at i-sunugin niyo agad sa labas!" "Walang mangyayari kahit putulin natin 'yan!" sigaw ni Sedie, tumayo ito habang nanginginig ang boses sa galit at takot. "Ang ugat ang may problema, Kristoff! Ang lupa mismo ang kumakain sa kanila mula sa ilalim! Walang nakakaalam ng ganitong uri ng fungal infection sa farm na 'to." Nag-aalalang nagkatinginan ang lahat. Sa labas ng gate, ay may gumugulong na gulong ng maleta sa daan. Huminto iyon kasabay ang mga paa ni Amie. Isang hininga ang lumabas sa bibig niya at pingmasdan ang bagong kulay na gate kung saan siya huling kumapit noon. "Nandito ka na, Amie," kausap niya sa sarili. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib. "Kaya mo 'to." "Limang taon na ang lumipas. Sana nakalimutan na nila ang mga kagagahan ko noon," kahit abot-abot ang pag-aalala, hinila niya ang maleta at siya na mismo ang nagbukas ng gate. "T-tao po?" "T-tao po?" sunod-sunod niyang tawag habang marahan ang hakbang at napapatingin sa paligid. Pero masyadong tahimik sa loob. Huminto siya. "Nasaan kaya sila?" "Alam ba nilang darating ako kaya sila nagtago?" Napakunot-noo siya nang may marinig na ingay. "Diyos ko! Wala pa ring nangyayari! Bakit mas lalong nangungunot ang mga petals?!" sigaw ng isang tauhan. "Huwag mong didiligan! Sabi nang huwag didiligan, eh!" galit na ganti ng boses ni Kristoff mula sa loob. "Kapag nakita ito ni Boss Kiel, patay tayong lahat! Ihiwalay niyo 'yang bed number three!" "Kristoff! Hindi na humahabol ang paghihiwalay natin!" sagot naman ng boses ni Sedie na halatang nanginginig sa takot. "Kahapon lang, sa dulo lang may dilaw na dahon. Ngayon, pati ang buong hanay ng Elysian Blooms, nangingitim na! Kumakalat siya sa hangin o sa tubig!" "Anong klase bang peste 'yan?! Milyon-milyon ang nawawala sa 'tin kada oras!" hiyaw pa ng isang basag na boses ng matandang manggagawa. Mabilis na sinundan ng mga paa ni Amie ang mga nag-aalalang boses. Tinahak niya ang daan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng greenhouse. Bumungad sa kanya ang kaguluhan. Ang mga taong natataranta ay nagpapasikot-sikot bitbit ang mga timba at sprayers. Agad siyang sumingitsa gitna ng mga nagsisiksikang tauhan. Lumuhod siya sa basang lupa, hinawakan ang isa sa mga nangingitim na stem ng Elysian Bloom, pinagmasdan ang mga dahon, at inamoy ang lupa sa paligid nito. Napatigil ang ilang manggagawa sa pagtakbo nang makita ang isang hindi kilalang babae na matapang na humawak sa nahawaang pananim. Natigilan din sina Sedie at Kristoff. Tumingala si Amie habang hawak pa rin ang bulaklak, diretso ang tingin sa mga nakatayo sa paligid. "Hindi ito simpleng peste o tuyong lupa," seryosong pahayag niya. "May fungal root rot o Phytophthora infection na kumalat sa irrigation system niyo. Ang tubig na ginagamit niyo sa pagdidilig ang mismong nagpapakalat ng bakterya sa buong plot! Kailangan niyong patayin agad ang main water valve, i-isolate ang buong bed number three, at lagyan ng copper-based fungicide ang root zone bago pa makarating sa mga kalapit na greenhouse." Nang marinig ang boses at mga salitang iyon, nanlaki ang mga mata ni Sedie. Napasinghap iyo habang nakatitig sa mukha ng babaeng dumating. "A-Amie?!" hysterical na sigaw ni Sedie. Mabilis na lumapit si Sedie at mahigpit siyang niyakap Napaigtad nang kaunti si Amie bago gumanti ng yakap. Nanginginig ang balikat ni Sedie. "Diyos ko, Amie. ikaw nga! Bumalik ka!" pabulong na iyak ni Sedie nang magkahiwalay sila. Nagharap silang dalawa. "Sedie, mamaya na tayo mag-usap," mabilis at may pag-alalang awat niya habang hawak ang magkabilang balikat ng kaibigan. "Kailangan nating iligtas ang mga natitirang bulaklak. Patayin niyo muna ang patubig ngayon din!" Muli siyang bumaba at dumukwang para suriin ang ilalim ng panibagong paso. Nang biglang umalingawngaw ang isang malamig at baritonong boses mula sa p***o ng greenhouse. "Anong nangyayari rito?" Parang tinamaan ng kidlat si Amie. Natigilan ang kanyang kamay sa ibabaw ng bulaklak. Ang pamilyar at napakalalim na boses na iyon ay parang gumapang na kuryente sa buong katawan niya. "Boss Kiel," mabilis na bati ng mga tauhan habang nagmamadaling na nag-aawan ng daan. Naglakad pamasok si Ezekiel. Ang bawat hakbang ng sapatos nito sa basang semento ay mabigat at puno ng pagbabanta. Huminto ito sa gitna ng mga tao, malamig ang aura, at nakapamaywang habang inililibot ang tingin sa nasisirang farm. Doon ay napansin nito ang isang babaeng nakaluhod, nakatalikod, at hawak-hawak ang isa sa mga patay na bulaklak. Muling bumaling ang tingin ni Ezekiel sa mga tauhan, partikular kay Kristoff. Nagsalita si Kristoff habang pinapawisan ang noo. "Boss Kiel, kumakalat po ang sakit sa buong bed three. Pero sinasabi niya kung anong nangyari at kung paano mapipigil ang pagkalat sa iba pang mga bulaklak." Bumalik ang matalim at malamig na tingin ni Ezekiel sa babaeng nakatalikod pa rin. "At sino siya?" tanong ni Ezekiel sa isang tono na nakakapanginig ng laman. Natahimik ang buong greenhouse. Nagkatinginan sina Kristoff at Sedie, parehong hindi makaimik. "Si-si ano, po-" utal na subok ng isa sa mga tauhan. Dahan-dahan at marahang tumayo si Amie mula sa pagkakakaluhod sa lupa. Hawak pa rin ng kanyang nanginginig na kamay ang patay na bulaklak. Humarap siya nang mabagal para harapin ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata. Malamig, walang emosyon, at tila nanunusok ang mga mata ni Ezekiel habang nakatitig sa kanya. Napalunok siya at pilit na ibinababa ang kaba sa kanyang dibdib. Kumukurap-kurap ang mga mata niya habang nakatingin dito. "Kuya 'Kiel," mahina at halos pabulong niyang sambit. Agad na nagdilim ang mukha nito at lumapit. "Anong ginagawa ng salot na 'to dito?!" Napapikit siya at napataas ang mga balikat sa lakas ng boses nito.Pagbaba ni Amie mula sa hagdanan, mabilis niyang pinagpagan ang maong na pantalon at dire-diretsong tumakbo patungo sa Greenhouse 2. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit o mag-ayos ng sarili, nakatali pa rin ang panyo sa buhok niya at may kaunting mantsa pa ng alikabok sa kanyang pisngi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng greenhouse, bumungad agad sa kanya ang kaguluhan. "Dagdagan niyo pa ang tubig! Baka natutuyo lang ang lupa kaya nangingitim ang mga dahon!" sigaw ng isang matandang manggagawa habang nakahawak sa malaking hose. "Buhusan niyo ng matapang na pestisidyo! Baka may mga insektong kumakain sa ilalim!" ganti naman ng isa pa habang nagtatakbo bitbit ang timba ng kemikal. "Tigil! Tumigil ho kayo!" malakas at maawtoridad na sigaw ni Amie habang mabilis na sumisingit sa gitna ng nagkakagulong mga tauhan. Akmang ibubuhos na ng isang lalaki ang kemikal sa tapat ng pananim nang mabilis na agawin ni Amie ang timba at pabalang na ibinaba ito sa sementadong daa
Gumapang ang madilim at malamig na gabi sa buong flower farm. Sa pinakadulong sulok, umaalingawngaw ang huni ng mga kuliglig na humahalo sa ihip ng mahinang hanging sa mga natutuklap na yero ng abandonadong imbakan.Sa loob ng sirang bahay, nakaupo si Amie sa semento. Yakap-yakap niya ang kanyang dalawang tuhod habang nakasandal sa sulok kung saan nakatabi ang nag-iisang maleta.Malamig ang sahig, amoy lumang pataba at alikabok ang hangin, at walang kahit anong ilaw kundi ang manipis na liwanag ng buwan na tumatagos sa mga gawa-gawang butas ng bubong.Pilit niyang ipinipikit ang mga mata pero ayaw siyang dalawin ng antok. Bawat kaluskos sa labas ay nagpapaalala sa kanya na mag-isa siya malayo sa komportableng apartment niya sa Maynila."Hindi ka pwedeng magmokmok dito, Amie," pabulong niyang kausap sa sarili habang humihinga nang malalim. "Umuwi ka rito para magtrabaho, hindi para maiyak."Inabot niya ang backpack sa tabi ng maleta at inilabas mula roon ang isang maliit na sketch pad
Sa gitna ng malawak na sala, pabalik-balik ang mabibigat at mabilis na hakbang ni Ezekiel.Nanggagalaiti pa rin siya sa galit, puno ng pawis ang noo, at ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa magkabila niyang bulsa. Walang patid ang marahas niyang paghinga habang nakatitig sa ama na kalmadong nakaupo sa sulyap ng malaking sofa."Hindi ako makapaniwala sa inyo, Papa!" bulyaw niya habang hinahabol ang hininga. "Sa lahat ng taong pwedeng kukunin niyo para humawak ng flower farm, ang babaeng 'yan pa?! Nasisiraan na ba kayo ng bait?!""Ezekiel, huminahon ka at pakinggan mo ako-""Hindi, Papa!" putol ng binata habang iwinawagayway ang kamay sa ere.Bakas sa gwapong mukha nito ang labis na pagkadismaya. "Mamili na lang kayo ng iba! Maghanap kayo ng kahit sinong dalubhasa sa Maynila, sa ibang bansa, o kahit saang sulok ng Pilipinas! Magbayad tayo ng doble o triple, wala akong pakialam! Huwag lang ang salot na 'yan! Huwag lang ang babaeng sumira sa akin!"Dahan-dahang tumayo si Gary mula sa
Isang nagliliyab na galit at matinding tensyon ang bumalot sa buong paligid ng Greenhouse 3. Bago pa man makapagsalita muli si Amie habang hawak ang patay na bulaklak, mabilis siyang nilapitan ni Ezekiel.Hinalkit nito nang napakahigpit ang braso niya."Aray!" napasinghap siya sa matinding sakit.Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Ezekiel na halos ma-deforma sa matinding poot. Nakakuyom ang panga nito, nanginginig ang mga kalamnan sa mukha, at ang mga mata nitong dating may pakialam sa kanya ay pinalitan na ngayon ng naglalagablab na galit—galit na para bang gusto siyang patayin."Bitawan mo ako, Kuya 'Kiel!" sigaw niya, pero parang wala itong narinig.Pwersahan at walang habas siyang kinaladkad ni Ezekiel palabas ng greenhouse. Bawat hakbang nito ay mabigat at puno ng pagbabanta."Boss Kiel! Huwag po! Hayaan niyo naman makapagpaliwanag si Amie!" sigaw ni Kristoff habang pilit na humaharang at humahabol sa dalawa."Boss, pakiusap po! Si Amie 'yan! Na
"Amie?" dagdag ng nasa kabilang linya. Parang bumara ang lahat ng nasa lalamunan niya. "Amie, nandiyan ka ba?" Awtomatikong tumulo ang luha niya. "T-tito Gary?" "Yes, Amie," tila nakahinga nang maluwag ang nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" Pinunasan niya ang mga luha bago tumayo at tumapat sa bintana. "Amie?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Sorry, Tito. I'm sorry." "Shh... tama na, iha. Ayos lang ang lahat." Humalukipkip siya at tumanaw sa malayo. "Kumusta ka?" "A-ayos lang po, Tito," kahit limang taon na niya itong huling nakita pero parang kahapon pa lang ang pakiramdam niya. "Kayo po?" "Ito, tumatanda na," maliit itong tumawa. "Pero siguradong gwapo pa rin kayo." Nagkatawanan sila hanggang sa tumahimik sila pareho. "Kailangan kita, Amie." Natigilan siya. "Kailangan kita sa flower farm. Kailangan mong umuwi dahil. ikaw na lang ang natatanging pag-asa ng farm." "Tito, ano pong ibig niyong sabihin?" "Graduate ka ng, Horticulture, tama?" "P
Maliit na ngumiti si Amie habang pinagmamasdan ang luma at halos kumukupas ng picture. Picture iyon ng pamilya Alcantara, kasama siya. Pinunasan niya ang mga luha at tiningan ang paligid. Limang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng pinagsisihan niya. Ngayon, graduation niya ng collge sa kursong BS Agriculture major in Horticulture. At siya lang mag-isa habang ang nasa paligid niya ay kasa-kasama ang pamilya at nagpapa-picture. May inggit man sa mata habang nakatitig dito ay pilit siyang ngumiti. Limang taon, sanay na siyang mag-isa. At tingin niya, mas nagiging malakas siya dahil doon. "Amie, picture tayo!" nilingon niya ang kaibigan at kaklase na si Erin. "Sure," tinaas nito ang kamera at lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya at pinakita ang diploma. "Sama naman ako!" Nagkatawanan sila dahil mula sa likod ay inakbayan sila ni Kevin, pumagitna ito at ngumiti. Naka-ilang kislap ang kamera bago ibinaba ni Erin. "Ang sakit na ng panga ko," reklamo ni Kevin h







