Chapter 8
(Megan POV)
“Miss Megan, maari ba naming makuha ang detalye sa dati niyang physician?” tanong sa akin ng Nurse. At kaagad naman nagflash sa isipan ko yung doktor at ang katuwang nito ay ang gwapong Nurse na si Miguel.
Binigay ko naman ang detalye tungkol sa doktor ni Papa, at maya-maya lang napatayo ako sa aking kina-uupuan ng may pumasok na mga doktor, at nakabuntot sa kanila si Miguel. Hindi na naman ako makapagsalita, lalo na ng binati ako nito ng isang ngiting, parang matutunaw ang buo kong pagkatao. Alam kong labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lang andito sa mamahaling hospital si Itay. Ngunit narinig ko sa usapan na mananatiling doktor ni itay ang ina-assist ni Miguel. Ibig bang sabihin nito, makikita ko parin si Miguel.
Maganda na hindi maganda… Nalilito ako sa pakiramdam kong ito. Masaya dahil makikita ko si Miguel, ngunit kung makita ko naman ang puso ko, hindi mapakali.
“Miss Megan.” Kuha ng attention ko ni Cindy, at mas lalong lumapit ito sa akin, para mahinang sabihin na… “Pinapatawag kayo at pinapa-uwi ng Old Master Quinn.”
May choice ba ako? Wala. Napatango ako, saka nga bago lumabas sa silid, napalingon muna ako kay itay. Nais ko sana sa pagmulat niya ako ang makita at makausap ko siya kaagad kung bakit nito itinago ang kanyang sitwasyon, ngunit hindi binigyan ako ng pagkakataon sa ngayon.
Naghihintay na sa labas ng hospital ang ilang sasakyan, at napabuntong-hininga ako. Akala mo naman kung sinong first lady ang susunduin nila. Nagsilingunan naman ang mga tao sa paligid ko, kung talaga bang ako ang sinusundo ng mga umag na ito.
Kailangan ko ata kaharapin si Tatang tungkol sa bagay na ito. Itigil niya ang tungkol sa sumusunod na bodyguards sa akin. Hindi ko naman iyan kailangan.
Muli nga akong nakabalik sa Mansion ni Tatang. Gaya ng una kong pagpunta dito, sinalubong ako ng mga nakahelerang tauhan at mga katulong. Hangang sa bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, at umangat ang aking paningin. Parang gusto ko ng tumakbo… Ngunit ang mga tao sa paligid ko parang sanay na sanay nang makarinig ng bagay na yun.
“Ano yun?” Tanong ko kay Mrs. Zu… “Kung hindi maling magtanong?”
“Si Master Damian, Miss Megan. Isang paraan niya upang iparinig ang kanyang pagrerebelde.”
“…” Hindi ako makapagsalita.
“Sumunod kayo sa akin, inaasahan kayo sa oras na ito ng Old Master Quinn.” Sabagay ganito naman talaga ang mga spoiled brat na hindi na nila pinaghihirapan ang mga bagay-bagay.
Muli kong nakaharap si Tatang, may mga kausap ito sa sofa, ngunit agad naman sila nagsitayo ng pumasok ako. Isa sa kanila si Secretary Lucas, at Metal.
“Sa ngayon hayaan niyo nga muna kaming magka-usap ng magiging daughter-in-law ko.” Dahil nga hindi naman natuloy ang kasal, kaya magiging na lang… Asa naman talaga ang matandang ito para maging daughter-in-law niya ako. Gagawin ko kaagad ang napagkasunduan namin.
Damian Quinn, tangapin mo na kasi ang pamamahala sa grupo ng tatay mo! Ano ba kasi ang problema ng umag na yun. Eh, kung tatangapin niya ang pamamahala, yung mahal niyang babae kaya na niyang pakasalan. Ano ba Damian, maging matalino ka naman. Ayoko ng madamay sa kalokohan na ito.
Lumabas naman ang mga kausap ni Tatang, at niyaya ako nitong maupo. Ngunit hindi ko inaasahan kung bakit niya ako pinapunta dito.
“Po? Nais niyo pong…” Gulat na gulat talaga ako sa nais na naman ipagawa sa akin ni Tatang.
“Naman iha. Hindi mo kailangan sa akin ipakita na na-eexcite ka na sa plano kong ito. Alam ko magugustuhan mo ito. Malinaw ang iyong narinig. I want you to move in and live with my son. Hindi ka naman lugi iha. Gwapo ang anak ko diba? Kagaya ko noong kabataan ko pa. Sa edad niyang yan, napakaraming babae ang nagkandarapa noon sa akin. Maswerte lang talaga yung ina ni Damian, mahal ko, at naging faithful nga ako sa kanya.” Pagmamayabang nga ni Tatang.
“Old Master Quinn, hindi naman yung appearance niya ang problema… Yung attitude niya. Kaya… Impossible na manirahan kami sa isang bubong… Baka kasi ano pa ang magawa niya sa akin. Baka di pa matapos ang dalawang buwan, malamig na akong bangkay na ihaharap sa inyo.” Sinabi ko ang katotohanan sa harapan nito, pero si Tatang… bigla na lang tumawa.
Sabagay ang pagtawa nakakatulong ng husto sa kalusugan. Happy hormones, at madami si Tatang niyan dahil nga sa hilig niyang mang-trip, at ngayon ako ang ginagawa niyang puppet na nalilibang siya ng husto.
At ng mahimasmasan.
“Gagawin mo iha ang sasabihin ko. At kapag sinabi ko ngang maninirahan ka kasama ang anak ko, wala kang ibang choice kundi tangapin yan. Parte yan ng pinag-usapan natin. Maninirahan ka sa loob ng dalawang buwan kasama ang anak ko. Heto… Kapag nagawa mo nga ang pinag-usapan natin na dapat ma-encourage mo ang anak ko na tangapin ang pamamahala ng organization, at hindi naman kayo nahulog sa isat’isa… Malayang-malaya ka na iha. Napakasimple lang diba para unawain.”
Agad akong umiling. Diyos ko po, yung bati kanina sa akin ng anak niya… Yung pakiramdam na ang kasama mo sa isang bahay na anytime maari ka niyang barilin, at takutin sa pamagitan ng baril, ay hindi ko na kaya.
“Basta ho, parang manganganib ang buhay ko. At bilang isang tao, natural lang na kumilos tayo na layuan ang bagay na maaring magsanhi ng ikakapanganib ng buhay natin.”
Napabuntong-hininga ang matanda. Tinitigan ako nito at parang pinag-aaralan ako… Hangang sa…
“Inihanda ko na ang lahat para sa inyong dalawa. Wag kang mag-alala iha, I’m not forcing you to sleep with him or anything like that. Pero kapag ginawa niyo yan at nahuli ko kayo… Didiretso na tayo sa simbahan.” At bigla na naman ito tumawa. “Napakagandang ideya yun.”
Hinding-hindi yan mangyayari Tatang.
“Ngunit iha, para nga may safely zone ka, I’ve prepared a two bedroom penthouse suite at the most prestigious and elite condominium in this country. At pangmamay-ari ko yun. Kaya wala naman problema. Kung hilain ka ni Damian, eh ibig sabihin nahulog na siya sayo. At kung ikaw naman ang nanghila kay Damian para gumawa ng apo ko, eh nahulog ka na din sa kanya. Simple, ang daan niyan papunta sa simbahan ulit. Anong sa tingin mo iha?” Ang ngiti ni Tatang napakatuso at masayang-masaya siya sa pangtitrip niyang ito.
Sabagay kung separate naman ang silid namin ng anak niya, ayos lang. Parang naninirahan lang ako sa isang bahay na mayroong lalaking ka housemate. Pwede ko naman kulungin ang sarili ko sa loob ng dalawang buwan sa silid, at tapos na nga ang usapan na ito. Walang mahuhulog sa bawat-isa sa amin. Saka may mga taong naninirahan ng ganoon, na wala namang intimacy na nangyari. At idagdag pa natin, si Damian Quinn ay mayroon nang mahal na babae… Kaya naman, malaki nga ang butas na pinaplano ni Tatang.
Game. Madali lang naman ito.
Napatango ako, at ang ngiting tuso ni Tatang umabot na nga hangang tenga nito.
“Ngunit dahil ayokong may katulong na namamagitan sa inyong dalawa ng anak ko habang nakatira kayo doon sa suite, may mga kailangan ka gawin para sa anak ko. Pasensya ka na iha, spoiled ang anak kong yan. At never natutong maglinis, magluto para sa kanyang sarili, at higit sa lahat kung minsan kailangan mo pa nga siya pagsabihan na ayusin ang kanyang sarili. Lumaki yan na halos katulong ang nasa paligid niya. Kaliwa-kanan ang utos ng anak kong yan.”
Sa marunong lang ata na humawak ng baril ang anak niyo, makipagbasagan ng ulo, at mangulo. Perfect para nga maging Mafia na lang siya habang buhay.
“Saka, susunod ka sa mga utos niyang usual naman na ginagawa sa loob ng bahay.”“Usual na ginagawa lang sa bahay. Normal things lang po ba talaga yan?”
“Oo, iha.”
“Eh paano kung gumawa ang anak niyo ng unreasonable request?”
“Unreasonable request, sinasabi mo bang baka galawin ka niya?” Ngumiti ang Tatang, at ako namula nga ako. “Gagalawin ka lang ng anak kong yan, kung may nararamdaman na siya sayo, iha. At kapag nangyari yan, patawad na lang at nahulog na ang anak ko sayo, eh sa simbahan na nga ang diretso ninyo.”
“Sabagay. Ngunit hindi po yan mangyayari.” Kampante kong tugon.
“Kung hindi yan ang ibig mong sabihin, simpleng tangi lang ang gawin mo. At ipapagawa mo na lang yan sa ibang tao.”
“Oh, sure po. Deal.” Madali lang naman na usapan ito eh at napangiti ako. Ngunit ang ngiti kong yun nabura kaagad ng...
“Ngayon din, lilipat na kayo sa penthouse unit na yun.” Parang nagkakasakit na ako sa mga ginagawa ng matandang ito, dahil sa… Ikakasal din kayo bukas, at ngayon naman… Lilipat na kami kaagad. Minamabilis ba niya ang oras?
“Teka lang po.” Para maging malinaw kailangan ko buksan ang issue na ito kay tanda. Napabuntong-hininga ako. “May minamahal na po ang anak niyo, at ang pangalan nga niya si Maddie Maddison. Siya po ang nais na pakasalan ng anak niyo. Wala na po sana kayong problema kung hahayaan niyo na lang sila na magsama at si Maddie na lang po ang kumbinsihin ninyo na kausapin tungkol sa pagtangap ng anak niyo sa organization niyo po.” At napakagat-labi ako.
Oo, hindi nga maganda kapag lumabas nga sa bibig ko ang mga salitang yan. Pero curious ako… Pinakita ko na ang ace cards ko kay Tatang na sigurado naman ako na… Ako ang panalo. Hinding-hindi kami mahuhulog ni Damian Quinn sa isat-isa.
“No. Maddie Maddison won’t marry my son. She can’t. Kaya nga andito ka iha… To destroy them.” Na parang may binabalak pa ang matandang ito, na hindi ko pa mabasa kung ano yun. “Butler Guan please escort her out.”
Bago pa man nga ako makatugon sa kanya.
“Miss Megan…” Napabuntong-hininga na lamang ako. At bahagyang nga napayuko sa harapan ni Tatang para bigyan ito ng galang.
“Aalis na po ako, Old Master Quinn.”
Two months. Sa loob ng two months kailangan ko lang pakisamahan ang anak ni Tatang, at pagkatapos ng dalawang buwan, makakabalik na ako sa dati kong normal na buhay. May free medical assistant si Papa, at wala na ngang babayaran ang mga lintik kong kapatid. Saka kapag nakausap ko naman ng maaga si Damian na itake over kaagad ang Organization ng kanyang ama… Eh, mapapa-aga akong maging malaya.
Yah, araw-araw kong kukumbinsihin ang sutil na Damian Quinn na yan.
Sa labas ng mansion, at sa likuran ako hinatid ng Butler Guan, ang malawak na kapatagan, may naghihintay na chopper doon. At halos tumakbo ako palayo ng… “Ang sasakyan na yan Miss Megan, ang maghahatid sa inyo sa penthouse.”
“Dyan ako sasakay?”
“Narinig mo naman diba, Miss Megan.” Sulpot ni Metal, at napangisi sa akin. “Kahit paano pala, babae ka parin. First time mo? Wag kang mag-alala sinabi ng Old Master Yao na buhay ka makakarating sa penthouse niyo ni Master Damian. Kaya wag kabahan at matakot.” Pagmamayabang ni Metal sa akin.
“Hindi makakasabay ngayon si Master Damian.” Napalingon naman ako, at si Secretary Lucas nga. Bahagyang ito yumuko sa akin bilang respeto. Inilahad sa akin ang kamay… “Lucas, Miss Megan, Executive Secretary ni Master Damian.”
Tinangap ko naman ang kamay niya para makipagkamay dito. “Susunod na lang daw mamaya si Master Damian.”
Kahit hindi na siya sumunod. Makipagtigasan siya sa kanyang ama, dahil may magagawa naman siya diba? Ilabas niya ang lahat na trantrums sa tatay niya! Mga mayayabang na inaabuso lang ang kapangyarihan ng pera.
Mayroon naman dibang sasakyan, pwede din naman yun lang ang maghatid sa akin, bakit ganito pang bagay? Ngunit wala parin akong magagawa. Ito ang kagustuhan nila eh.
Asar naman ako ng inalalayan ako ni Metal ng sumakay sa chopper, ngunit gaya ng dati nanahimik na lang ako sa sulok, since kailangan talaga nilang buhay ako makakapunta sa penthouse. Natatakot man, pero hindi ko na lang nilagyan ng boses, matatapos din naman ang kalbaryo na ito. Hangang sa binuksan ko ang aking mga mata dahil kanina pa kaming lumilipad, at tunog ng chopper ang sinusundan ng tibok ng puso ko. Sa aking pagmulat, nakita ko kaagad sa bintana ng piloto, ang napakataas na gusali… At parang doon ang punta namin.
Yun nga ang pinakasikat na penthouse sa buong bansa.
@Death Wish
Chapter 9(Megan POV)Hindi nga ako nagkamali. Lumanding kami sa gusaling yun, at sa rooftop… Sinalubong ako ng ilang mga tauhan ng pamilyang Quinn. Akala ko ba magiging independent ang paninirahan namin dito sa penthouse?Unang bumaba si Metal, habang yung Secretary naman ni Damian, nagpa-iwan dahil nga nagmamatigas nga ang lalaking yun sa kanyang ama. Kering-keri mo yan Damian. Sabihin mo at patunayan mo kung gaano mo kasi kamahal yang si Maddie Maddison mo.Eh bakit sa tuwing nailalathala ng isipan ko ang pangalan na yan, bakit kumukulo ang dugo ko? Hehehe. Ewan ko. Parang naging kaaway ko ata sa nauna kong buhay yang si Maddie Maddison.Sa pagbaba ko naman at inalok ni Metal ang kamay niya sa akin para alalayan ako, di ko na pinansin at nagkusa ako.“Thank you.” Pang-iinsulto ko sa kanya. Ngunit, parang mapapatalon ako sa gulat dahil si Cindy, ang sama nga ng paningin sa akin.“Andito ka pala.”“Sumunod kayo sa akin Miss Megan.” Walang emotion na sinabi niya, habang mas inis naman
Chapter 10 (Megan POV)Saka ako ba talaga ang kailangan na mag-umpisa na conversation namin?Sa Oo, Megan dahil kailangan mong kaibiganin ang lalaking yan. Mapapadali ang lahat ng ito kapag sumang-ayon siya na siya ang bahalang mamuno sa organization na iiwan ng kanyang ama.Sabagay. Ngumiti ako. “Hello, hindi tayo nagkakilala ng maayos.” Saka nilahad ko sa kanyang harapan ang kamay ko. “Ako si Megan Gomez, and it’s nice to meet you.”Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko, ngunit ang lalaking ito… Parang pinapahiya ako sa aking sarili. Hindi nito tinangap ang kamay ko, kaya inurong ko na lang.“Alam ko na ang pangalan mo, and I know that you don’t truly think that it’s nice to meet me. I could say the same thing. Tss. It’s bulshit meeting you.” Na hindi nga siya nagdalawang isip na sabihin yun sa akin.Ang ugali niya… Bakit hindi na lang siya sumabay sa agos? Kaya yung pilit kong ngiti, asar na napangisi.“Yap. Tama ka nga. Sa totoo lang din, kilala na kita. Kaya, mabuti pang kumain
Chapter 11 (Megan POV)“Ayos na ba ito?” Tanong ko sa kanya.Ngumiti siya na parang sinasabi na hindi nga ako marunong umintindi.“I want you naked.”“No.”“Do you want me to call them again? Nahihirapan ka ba masyado maghubad. Sure. Me—.”“Maghuhubad ako.”“Everything.”Mga mata niya nawiwili sa nakikita niyang hindi ako mapakali at nahihiya ako ng sobra, sa kailangan ko ngang gawin na maghubad sa kanyang harapan. Kaya naman ang pantalon kong kupas na… kailangan ko rin yun hubarin. Napakatahimik ng paligid. At ang tanging maririnig mo ang tunog ng orasan na hudyat na isang segundo na naman ang lumipas.Wala na akong nagawa kundi hubarin ang pantalon ko, at di ko namalayan tumulo na sa aking mga mata ang luhang hindi ko inaasahan. Sobra akong nagagalit ngayon sa nangyayari sa akin. At tanging pagluha lamang ang nagagawa ko.Sa harapan niya, naka-panty at bra na nga lang ako. Tuluyan akong niyakap ng malamig na hangin. Alam kong hindi dito magtatapos ang lahat, nagsisimula pa lang ang
Chapter 12 (Megan POV)Tinali ko ang aking buhok at naghanap nga ako ng damit na mas ikokomportable ko. Halos lahat ng damit sa walk-in closet ko, branded at napakamahal noon. Noon okey pa ang buhay namin, yung tatlo kong kapatid na babae mga shopping freak yun. Kaya alam kong ang mamahal ng mga branded na nandito.May nakuha akong pwede na maging blouse saka isang square pants na hindi nga pagkakamalan na pajama lang. Sa lagay ko ngang ito, hindi nga nagmumukhang fashionista. Pero cute parin.Bangunot man ang pinagdadaanan mo Megan ngayon, pero isipin mo na lang na matatapos din ito. Lahat mayroong katapusan, masaya man yan o kalungkutan.Binuksan ko na ang mga bintana ng silid ko at tinali ang mga kurtina. Maya-maya lang papasok na dito ang sinag ng araw, at mas nauna pa nga ako kay haring araw na magising. Panibagong araw para iwasan na mabali ang utos ni Damian, at ayoko na yun maulit pang nangyari kagabi. Sobrang hindi nakakatuwa.Napaunat ako ng aking mga kamay at kunwaring nap
Chapter 13 (Megan POV)Maaga nga ako natulog, pero nagising at Naalimpungatan sa ingay na naririnig ko. Grupo ng ilang tao na pumasok sa suite. May inaasahan ba akong isang banda na pumunta dito? Pero mali… Ang naririnig ko mga halakhak ng mga malalanding babae, ng makalapit na nga ako sa may pintuan. Sobrang Nakakabadtrip. Sa totoo lang hindi naman kami lumaking mga babaing kung tumawa sagad, lalo na kung di naman nakakatawa.Tsk. Anong klaseng mga bisita ba ito ni Damian? Bisita nga ba ni Damian?Kahit na nga, tiniis ko na lang ang ingay at pilit na gustong bumalik sa pagkakatulog. Ngunit, sinasagad talaga ako ng mga halakhak at hagikhik ng mga babaing parang nasa labas lang ng aking pinto. Hindi ito multo o pinaglalaruan lang ako ng maligno, alam kong mga totoo silang tao. Kaya naman nilakasan ko na ang aking loob na lumabas upang patahimikin ang mga taong yun. Ang ayoko sa lahat, yung na-iistorbo ang tulog ko.Magaling na Damian. Pagdating talaga sa pagiging demonyo nito nangung
Chapter 14 (Megan POV)Kung kukuha nga siya ng stylish para sa akin, okey lang, hindi naman ako ang mababawasan ng kayamanan diba?“Yun lang ba Master Damian? Since wala na yung mga maingay na mga babae, siguradong makakatulog na ako pagkatapos ngang makain ko itong ice cream. Want some?”“Tss. FYI, that’s mine.”“Uhmmm. Hahatian mo ba ako? Hahaha. Okey ibabalik ko na lang.”Ngunit namalayan ko na lang kinuha sa akin ni Mrs. Zu. Ngayon nasa dinig table kami at inihanda na nga yung ice cream sa harapan namin. Nagkatitigan kami ni Damian… Sigurado ba siyang kakainin niya yung ice cream kaagad na hindi pa siya kumakain ng hapunan?! Eh, magkakasakit siya kapag ginawa niya yan. Saka hating-gabi na. Kailangan niyang kumain ng maayos.“Master Damian…” Nang sasandukin na sana niya ang kanyang chocolate ice cream. Natigilan naman at umangat ang paningin sa akin. “Uhmm… Ano, talaga bang kakainin niyo na yan? Eh, hindi pa po kayo naghahapunan at baka magkasakit kayo.”Sabagay kung magkasakit si
Chapter 15(Megan POV)Sa mga mata ni Papa natutuwa siya na marinig yun. Ngunit sumabat na naman si Paul at binangit ang pangalan na hindi ko inaasahan na maririnig.“Kamusta na daw kayo ni Kuya Alfred, sabi ni Papa nitong nakapagsalita siya ng bahagyang.”Alfred. Natahimik ako. Ang unang lalaking manliligaw at sinagot ko naman. Sa akala ko kasing kaya niyang mapaghintay habang ginagawa nga ang bagay na manligaw… Ayun sumuko na lamang. Ahahaha. Edi wow, kung ganoon naman talaga ang lalaki hindi mapaghintay dapat sa kanila hinihiwalayan. Hindi yung binibigay ang gusto nila at tino-tolerate na lang. Kaya lang minahal ko din ang lalaking yun. Kaya nga nasasaktan din ako paano. Hiniwalayan niya ako na parang wala siyang pakialam. Kung nasaan man siya ngayon sana maayos lang ang kalagayan niya. Pasensya na kung hindi pa nga ako handa na isuko ang bagay na wala pa ngang basbas ang pagsasama namin.Minsan iniisip ko din kung naalala pa ba ako ng mokong na yun, kahit kunti man lang. Pero sa g
Death Wish Note: Apologize, dear Reader, I have lost the handwritten manuscript of the story and I decide to cut it here, and insert a new story, that surely you will love. I assure you, you will be. Prologue: His deadly gaze was fixed on the full moon. The moon is about to be covered by dark clouds.Nakatayo sa pinakamataas na gusali sa boung lungsod.Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya natutuwa sa paghihintay.Iniyuko ang paningin at pinagmasdan ang mga ilaw sa napaka-abalang paligid sa ibaba ng gusali.Ngunit ang mga mata nito ay taliwas sa nakikita. Lumilipad ang kanyang isipan.Napangisi na lamang siya.Ang mga pinaghihirapan ng mga tao sa paligid niya ay kapag ginusto nito makuha ang bunga, ay kukunin niya. Siya ang nilalang na walang sinasamba kahit ma-impluwensyang tao.Ginto, pilak, diamante at mga batong meron sa kanyang halaga ay mapapakanya.Lahat gusto niyang makuha. Lahat ng mga mamahaling bato ay kanya.Sa tagal niya sa larangan ng negosyo, pilit niyang pinupu