Share

Chapter 6

Author: Diane Ruiz
last update publish date: 2026-09-17 23:29:35

TRISHA

Positive na naman. Kagaya ng una, pangalawa at pangatlo kong pagbubuntis.

Hirap kaming magkaanak ni Alex dahil sa napakaraming dahilan. Una, busy ang schedule niya at wala kaming masyadong oras kaya… ang bawat p********k namin ay kung hindi ako ang nag-initiate ay lasing naman siya kaya niya ako hinawakan.

Tatlong beses kaming nawalan ng anak. Iba’t-ibang dahilan.

Ang una ay naipanganak ko pa ngunit masyadong naging delikado para sa buhay naming mag-ina at kailangang mamili ni Alex kung sino ang ililigtas sa aming dalawa ng bata.

Naaalala kong pinakiusapan ko siya noon na iligtas ang anak namin ngunit ako ang pinili niya. Napakasakit na desisyon nun pero wala akong nagawa.

Ang pangalawa ay nalaglag bago ko pa isilang. Iyon na ang mga panahon na natuklasan kong may ibang babae si Alex at hindi ko nakayanan ang sama ng loob at stress. Sa labis na pagkawasak ng puso ko ay namatay ang anak namin sa loob ng sinapupunan ko.

Ngunit ang pangatlo ang pinaka masakit sa lahat. Ang buong akala ko, kapag nabuntis ako ulit ay mababawi ko si Alex mula sa kabit niya. Akala ko ay mas pipiliin niya ako kesa kay Leona.

Tandang-tanda ko pa ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Pumunta si Leona sa bahay namin, nagkasagutan kami at tinulak niya ako sa hagdan.

Nang magising ako sa Ospital ay wala na ang baby ko. Iniyak at sinigaw ko lahat kay Alex ng mga panahon na iyon ngunit imbis na kampihan niya ako ay sinisi niya pa ako dahil nakipag-away ako kay Leona.

At ngayon… buntis ako ulit at si Alex ang ama. Hinawakan ko ang aking sinapupunan at ipinangako kong hinding-hindi na ito mawawala pa ulit sa akin. Namatay na ang tatlo kong anak… hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ang pang-apat. Aalagaan ko ang sarili ko at tuluyan nang lalayo sa kanya at kay Tristan.

Ang buong akala ko ay makakapagsimula ako ng bagong buhay sa piling ni Tristan ngunit nagkamali ako. Siguro nga ay hindi kami itinadhana para sa isa’t-isa.

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang cellphone ko na nagri-ring.

Si Tristan ang tumatawag kaya agad kong sinagot ito.

“Hello, Honey, where are you?” bungad ni Tristan sa akin sa kabilang linya.

“Uhm, nandito pa rin ako sa Mall.” sabi ko.

“Sige, uhm, pa-out naman na ako sa office, pupuntahan kita dyan… magdinner tayo.”

“S-sige… ingat ka…”

“Ikaw rin, tatawag ako ulit kapag nandyan na ako.”

“Sa supermarket na lang tayo magkita, balak ko kasing mag grocery…”

“Okay, I love you.”

“I- I love you too…” nang mamatay ang tawag ay biglang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Tristan na buntis ako.

Kahit na kaya kong gawan ng paraan siguradong pag lumabas ang bata ay mapapansin niya rin na hindi niya kamukha at ayokong kamuhian niya ako. Ayokong lokohin si Tristan ngunit hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Should I give him up?

Napabuntong-hininga ako. Inayos ang sarili ko sa salamin. Naglagay ng press powder at lumabas ng restroom.

Kaagad akong dumiretso sa supermarket, kumuha ako ng cart at sinimulang itulak ito papasok.

Nagtingin-tingin ako sa paligid pero wala akong maisip na bilhin. Pakiramdam ko ay naguguluhan ang utak ko habang nag-iikot-ikot ako sa supermarket.

Nang makakita ako ng mga prutas ay naisip ko na. Buntis ako at hindi ko pwedeng pabayaan ang katawan ko kaya prutas agad ang una kong binili at inilagay sa cart.

Sumunod ang gatas, mga gulay at bumili rin ako ng tinapay.

Sa pag-iikot ko ay tumambad sa harapan ko ang napakagwapong mukha ni Tristan, nakangiti siya sa akin pagtingin ko sa kanya. Hinarangan niya ang pushcart ko.

“Ang dami niyan ah, mukhang mahilig kumain, mahal ko…”

“Ah, naisipan ko kasing mag meal prep.” palusot ko.

“Sige, kuha ka lang, walang problema.” sabi niya sabay hawak sa pushcart para siya na ang magtulak nito para sa akin.

Medyo mabigat na rin iyon, mahina ang katawan ko kaya hindi ko na gaanong kaya itulak pa sa dami ng nakalagay sa cart.

“Sa susunod, isama mo ako kung gusto mo mag grocery ng maramihan. Ayokong mahirapan ka…” sabi niya at ngumiti.

Talagang napaka gwapo ni Tristan lalo na kapag nakangiti. Palagi siya magiliw sa akin, maalaga, sweet at gentleman.

Mga bagay na matagal ko nang hindi nakikita kay Alex simula nang magkaroon siya ng kabit.

Dahil ang mga dating bagay na ginagawa niya para sa akin ay ginagawa niya na ngayon para sa ibang babae.

Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng buhay mag-asawa namin ni Tristan pero… masasabi kong napaka genuine niya sa pagtrato niya sa akin. Napakalinis ng intensyon at wala akong maipipintas. Ipinaparanas niya sa akin ang maginhawang buhay, buhay na napakalayo kay Alex ngunit napakalapit kay Tristan.

Magkaibang-magkaiba sila sa lahat ng bagay. Si Tristan, kahit na busy siya sa trabaho ay sinisigurado niyang makakabawi siya sa akin, hindi katulad ni Alex na hinahayaan akong magdinner at matulog mag-isa habang masama ang loob at umiiyak.

Mas lalo akong nakukumbinsi ngayon na nahanap ko na ang lalaking gusto ko talagang makasama habangbuhay ngunit… paano ko gagawin iyon kung buntis ako sa ex-husband ko. Napakasakit.

Akala ko makakatakas na ako sa sakit pero hindi pa pala… mas lalo lang nadagdagan dahil kay Tristan.

Ayoko siyang iwan… pero…

Mukhang wala akong choice.

Pagkatapos naming mag grocery ay kumain kami sa isang restaurant.

Gustong-gusto ko nang sabihin kay Tristan ang lahat ng mga oras na iyon… na kailangan kong makipaghiwalay sa kanya at i-give up ang marriage namin dahil buntis ako sa ex-husband ko.

Hinugot ko ang natitirang lakas ko, nag-inhale at exhale at saka sinabi, “Tristan, I have something to tell you…”

“Ako rin Trisha, may sasabihin…” sabi ni Tristan.

Na-curious ako bigla sa sasabihin niya kaya sinabi kong, “Sige, ikaw muna…”

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, “next month… ituloy na natin ang honeymoon trip natin.”

Napanganga ako sa gulat. Mukhang hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ngayon… sigurado akong masasaktan siya ng sobra at hindi ko rin kakayanin iyon.

Pinag-isipan kong mabuti nang gabing iyon kung kailan ko sasabihin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 6

    TRISHAPositive na naman. Kagaya ng una, pangalawa at pangatlo kong pagbubuntis. Hirap kaming magkaanak ni Alex dahil sa napakaraming dahilan. Una, busy ang schedule niya at wala kaming masyadong oras kaya… ang bawat pagtatalik namin ay kung hindi ako ang nag-initiate ay lasing naman siya kaya niya ako hinawakan. Tatlong beses kaming nawalan ng anak. Iba’t-ibang dahilan. Ang una ay naipanganak ko pa ngunit masyadong naging delikado para sa buhay naming mag-ina at kailangang mamili ni Alex kung sino ang ililigtas sa aming dalawa ng bata. Naaalala kong pinakiusapan ko siya noon na iligtas ang anak namin ngunit ako ang pinili niya. Napakasakit na desisyon nun pero wala akong nagawa. Ang pangalawa ay nalaglag bago ko pa isilang. Iyon na ang mga panahon na natuklasan kong may ibang babae si Alex at hindi ko nakayanan ang sama ng loob at stress. Sa labis na pagkawasak ng puso ko ay namatay ang anak namin sa loob ng sinapupunan ko. Ngunit ang pangatlo ang pinaka masakit sa lahat. Ang b

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 5

    TRISHANanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong panoorin ang video ngunit isinave ko lang iyon at inilagay ang phone ko sa bag ko. Syempre, kailangan ko ang mga ebidensya na iyon just in case lang para sa divorce namin. Inayos ko ang sarili ko at bumalik kay Tristan. Hindi niya pwedeng malaman na tinatrato pa rin ako ng ex-husband ko ng ganito kaya kailangan kong tapangan ang aking sarili. Mabilis lang lumipas ang mga araw. Ikinasal kami ni Tristan sa isang simbahan. Konti lang din ang bisita. Sa tingin ko ay nasa 50 pax lang. Ginawa nila itong private at talagang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang dumalo. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na inusisa. After all, uso naman ngayon ang mga intimate weddings kaya siguro ay ganoon lang din ang gusto ng pamilya ni Tristan. Sa reception ay simpleng handaan lang din ngunit mamahalin ang cake at sinigurado talaga na masarapat marami ang pagkain. Naalala kong nakadalawang plato pa si Tristan dahil masarap daw ang pa

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 4

    TRISHANaging masaya ang agahan namin ng oras na iyon. Masigla ang usapan at palitan ng mga ideas ng mga magulang namin ni Tristan ngunit… hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang kami lang dalawa kaya naman pagkatapos ng almusal ay niyaya ko siya sa garden. Bahay namin ‘to kaya natural lang na i-entertain ko siya at ako ang mag-asikaso sa kanya. Habang naglalakad-lakad kami ay sinimulan naming mag-usap. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Bakit mo ako hinintay? What's in it for you? you’re rich, you’re family is rich, anong kailangan mo sa akin?” sunud-sunod na tanong ko. Napakunot ang noo ni Tristan at tumingin sa akin, “Nothing. I just want your love. Ikaw ang babaeng gusto ko, Trisha.” Mukha namang convincing ang sinabi niya dahil napansin ko ang titig sa kanyang mga mata, seryoso ito. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Five years is no joke.” pananantiya ko. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin… Look, alam kong kakahiwalay niyo palang ng asawa m–” pinutol ko na ang mga

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 3

    TRISHAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. 5:00 a.m. palang kaya sinubukan kong magbihis at mag jogging sa labas para makapag isip-isip. Ang tagal ko nang hindi nagagawa iyon. Madalas hindi ako nakakapag-exercise dahil pag gising ko sa umaga ay palagi akong nagpe-prepare ng pagkain ni Alex pero ngayon… nakaramdam ako ng laya, hindi ko kailangang maghanda ng almusal niya. Hindi ko siya kailangang intindihin at magagawa ko lahat ng gusto ko. Naamoy ko ang sariwang hangin sa village, ang mga puno na sumasabay sa galaw ng hangin at nakita ko rin ang papasikat na araw. Napakagandang tanawin. Ito na ba ang simula ng isang bagong umaga para sa akin? para tahimik kong buuin ulit ang sarili ko? Ngunit… hindi ko pa man nae-enjoy ng masyado ang kalayaan ko ay mukhang mapapasubo na naman ako sa isa pang problema. Ako ang umuwi, ako ang kusang sumuko sa mga magulang ko kaya wala akong choice kundi pumayag sa arranged marriage. Isang panibagong kasal, isang panibagong asawa. Ano na naman kay

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 2

    TRISHAPagbukas ng pinto ay sumalubong kaagad sa akin ang mommy ko, “Trisha, anak…” pagkasabi niya niyon ay yumakap siya sa akin ng mahigpit. Limang taon din kaming hindi nagkita at halos maluha siya sa tuwa na naroon ako. “Victor, si Trisha! Nandito ang anak mong si Trisha!”Lumapit din sa amin ang tatay ko ng dahan-dahan. Hindi makapaniwalang bumalik na ang alibugha niyang anak na sumama sa isang lalaking hindi niya tanggap. “Anong ginagawa mo dito, Anak? Siya nga pala, nasaan ang asawa mong si Alex?” tanong ni mommy Sylvia. “Hiawalay na po kami ni Alex. Sa tingin ko tama po kayo noong una pa lang.” sabi ko at napabuntong-hininga. Totoong gustong magwala ng puso ko nang makita ko kung gaano ka-sweet si Alex sa kabit niyang si Leona at hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ko kung gaano siya pinahahalagahan nito. “Sa wakas ay nagising na ba ang suwail kong anak sa kahibangan?” tanong ni daddy. Yumuko ako. Alam kong wala akong karapatang sumagot. Mga magulang ko sila at…

  • Tanikalang Langit (SPG)   Chapter 1

    TRISHABata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na maging mabuti. Magalang, mapagpakumbaba, mabait sa kapwa at lahat na ng kagandahang asal na maituturo nila. Everyone expects me to behave, act like a decent woman and be obedient. Be a good daughter, a good daughter-in-law, a good sister, a good wife and a good mother ngunit… hindi nila alam ang aking masalimuot na buhay na siyang nagpalamig ng puso ko. Doon ko na-realize na pagod na akong maging mabuti sa mga taong tumatapak sa akin. At ngayon? sisiguraduhin kong lalaban na ako. Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ko. Isang malinaw na senyales– buntis ako.Ngunit… hindi ang asawa ko ang ama ng batang ipinagbubuntis ko… kundi ang stepbrother niya na ex-husband ko.***2 weeks earlier…“Sign.” iyon lang ang sinabi ni Alex habang malamig na nakatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa papel– divorce agreement. “Pirmahan mo na agad yan, wag ka nang magmatigas pa!” asi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status