Share

Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!
Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!
Author: Enchanting Mist

Chapter 1

Author: Enchanting Mist
Ang pitong taong kasal ni Diana Morales ay nagbunga ng isang supling. Limang taong gulang na ngayon ang bata. Ngunit ni minsan ay hindi ito nalaman ng kanyang asawa at wala siyang balak ipaalam dito ang tungkol sa kanilang anak.

Hindi niya binigyan si Erik Santos ng pagkakataong maging ama.

Habang nagpapahinga sa gitna ng kanyang night duty, pinakinggan ni Diana ang voice message ng anak niyang lihim na pinalalaki sa karatig-probinsiya.

“Mommy, bakit hindi ko pa po nakikita si Daddy? Patay na po ba siya?”

Seryosong napaisip si Diana.

Hindi pa.

Pero parang ganoon na rin.

Kamakailan, nagsimula nang magkaroon ng sariling mga tanong at pag-iisip ang batang si Malia. Sa kanyang munting isipan ay may isang bagay na gumugulo sa kanya.

Hindi pa niya kailanman nakita ang kanyang tunay na ama.

At habang lumalaki ang kanyang kuryosidad, napaisip si Diana kung dapat na ba niyang sabihin kay Erik ang katotohanan.

Ang katotohanang mayroon silang limang taong gulang na anak na babae.

Tutal, malalampasan na nito ang mahirap na yugto ng pagpapalaki ng sanggol at magiging ama na lang agad sa isang batang kahit papaano ay may sarili nang pag-iisip.

Pagkatapos isara ang chat nila ng anak, kinuwenta ni Diana ang natitirang oras.

Parang tatlong buwan na lang ang natitira sa kanila ni Erik.

Matapos pag-isipan ang mga salitang kanyang sasabihin, nag-type siya ng mensahe sa Messenger ng kanyang asawa. Napatitig siya panandalian sa chat box na halos walang laman dahil bihira silang mag-usap.

“Kung sakaling may anak tayo, ikaw ba ay...”

Hindi pa niya naipapadala ang mensahe nang biglang bumukas ang pinto.

“Doktora Morales, may emergency patient po!” nagmamadaling sabi ng isang batang nurse.

“What happened?” agad niyang tanong.

"The patient may be in the early stages of pregnancy and had vigorous sexual intercourse. Posible pong pumutok ang kanyang corpus luteum.”

Agad pinatay ni Diana ang screen ng kanyang cellphone. Tumayo siya at mabilis na sumunod sa nurse.

“You're not supposed to have sex during early pregnancy! Basic knowledge iyon. Hindi ba sila makapaghintay?”

Ngunit nang hilahin ng nurse ang kurtina ng kama at makita niya kung sino ang pasyente, natigil siya sa pagsasalita.

Dalawang segundo siyang natigilan bago nagulat na tawagin ang pangalan ng babae.

“Mary Ann Paterno?”

Hindi siya maaaring magkamali, ang babaeng pasyente at ang magiging hipag ng kanyang asawa.

Napahinto rin si Mary Ann nang makita si Diana ngunit hindi ito sumagot.

Mabilis na sinuri ni Diana ang sitwasyon.

Si Mary Ann ay fiancée ng pinsan ni Erik.

Ngunit limang buwan na ang nakalipas mula nang makulong ang lalaking iyon dahil sa problema sa accounting ng kumpanya at nasentensiyahan ng isa't kalahating taong pagkakakulong.

Hindi pa maumbok ang tiyan ni Mary Ann noong mga panahong iyon. Kung buntis man siya nung makulong ang kasintahan, dapat malaki na ang tiyan nito ngayon.

Kung ganoon...

Kanino ang batang dinadala niya?

Gayunman, hindi ugali ni Diana ang mangialam sa pribadong buhay ng iba. Isinantabi niya ang mga iniisip at agad na isinuot niya ang medical gloves.

“Breath. Let me check you first.”

Subalit naalarma si Mary Ann at halatang hindi natuwang makita siya. Agad itong bumangon at nagwika:

“Hindi na kailangan. Lilipat na lang ako sa ibang ospital.”

Napasulyap ang nurse kay Diana nang may pag-aalala.

“Kung ayaw mong magkaroon ng komplikasyon, humiga ka muna. Hayaan mong matingnan kita. Basic check-up lang naman,” mahinahong sabi ni Diana.

Napakunot-noo si Mary Ann.

Hindi niya gusto ang kalmadong asal ni Diana.

Walang nasayang na salita si Diana. Bilang doktor, hindi niya maaaring ipagpaliban ang kalagayan ng pasyente, lalo na sa ganito kaselan na sitwasyon.

Yumuko siya upang simulan ang pagsusuri.

Ngunit agad siyang tinabig ni Mary Ann.

Pak!

Malakas ang tama ng kamay nito sa kanya. Masakit.

Tiningnan ni Diana ang likod ng kanyang kamay na namumula dahil sa lakas nangg pagtabig nito.

Bago pa siya makapag-react, biglang lumambot ang boses ni Mary Ann habang nakatingin sa likuran ng doktor.

“Erik...”

Nang marinig ang pamilyar na pangalan, agad napalingon si Diana.

Isang matangkad at gwapong lalaki ang naglalakad papalapit sa kinaroroonan nila.

Nakasabit ang kanyang coat sa kanyang braso, bawat hakbang niya ay nagbibigay ng kakaiba at mamahaling presensya sa buong ospital.

Hindi maitatagong galing siya sa isang mayaman at prominenteng pamilya. Ang bawat kilos niya ay pawang kilos ng isang may dugong bughaw.

Paglapit nito ay nagtagpo sandali ang kanilang mga mata, ngunit sandali lamang.

Walang emosyon itong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Parang hindi sila magkakilala.

Diretso itong tumayo sa kabilang gilid ng kama.

“Kamusta ka?” tanong nito kay Mary Ann. May bahid ng pag-aalala sa malamig nitong boses.

Hindi kailanman inasahan ni Diana na ang taong sumama kay Mary Ann sa ospital ay ang kanyang sariling asawa na pitong taon niyang itinago sa publiko.

Habang pinagmamasdan niya si Erik na buong atensyong nakatuon kay Mary Ann, napaisip siya.

Nakita kaya nito ang sampal na tinanggap niya kanina?

Samantala, nang magpakita ng pag-aalala si Erik kay Mary Ann, palihim namang sumulyap ang babae kay Diana.

Pagkatapos ay tumingala ito sa lalaki at malambing na nagsabi:

“Alam mo naman, di ba? Talagang sasakit ang tiyan ko sa nangyari kaya ako napunta rito.”

Agad na naintindihan ng mga staff ang ipinahihiwatig ng mga salitang iyon.

Hindi ba't para na rin nitong sinasabing ang lalaking kaharap nila ang kasama niya sa kakaibang “escapade” na ginawa nila sa kama?

Hindi ito itinanggi ni Erik.

Wala rin siyang paliwanag.

Natulala si Diana.

Pinanood niya kung paano nito inalagaan at pinrotektahan ang babaeng dapat sana'y magiging hipag nito.

Kahit hindi pala emosyonal si Erik at likas na sensitibo sa ang mga babae, may exception sa rule nito.

Kay Mary Ann. Lumalambot ang ugali nito pagdating sa babae.

Paano niya hindi mapapansin ang kakaibang relasyon ng dalawa?Bulag lang ang hindi makakaisip na may ugnayan sila.

Lalo na't alam ng ni Erik ang dahilan ng pagpunta ni Mary Ann sa emergency room. Hindi ito simpleng pagsakit lamang ng tiyan.

Sa sandaling iyon, tila nagyelo ang buong katawan ni Diana.

Noon, iniisip niyang likas lang talagang suplado si Erik.

Ngayon, naunawaan niya ang katotohanan.

Hindi dahil hindi ito marunong magmahal, o kaya naman ay hindi marunong mag-alaga.

Iba lang ang gusto niyang alagaan.

At may minamahal siyang ibang babae.

Obvious naman na si Mary Ann iyon.

Hindi na kailangan ng mental gymnastics upang pag-aralan ang sitwasyon nila.

Kahit sino ay makakahula kung sino ang kasama ni Mary Ann nang gawin ang mga mapangahas na bagay na iyon sa kama na naging dahilan ng kanyang pagpapaospital.

Nang mapansing hindi siya gumagalaw, saka lamang tumingin si Erik sa kanya.

Para itong matalim na karayom na nagpabalik sa kanyang ulirat.

Bahagyang nanginginig ang kamay niyang nakasuot pa rin ng gloves.

Parang ngayon pa lamang tumatalab ang sakit ng sampal.

Napangiti siya nang mapait sa sarili.

May silbi pa bang kumpirmahin ang isang bagay na halos lantad naman na?

“Erik,” sabi ni Mary Ann, “gusto kong lumipat ng ospital. Dalhin mo ako sa mas kilalang ospital.”

“Sige,” walang pag-aalinlangang sagot nito.

Para bang anumang hiling ni Mary Ann ay handa nitong tuparin.

Malalim ang samahan nilang dalawa. Halatang close na close sila.

At bilang asawang minsang nagmahal nang buong puso sa lalaking iyon, ramdam na ramdam ni Diana ang diperensya sa pakikitungo nito sa kanya.

Parang unti-unting pinupunit ang kanyang puso.

At ang sinabi ni Mary Ann tungkol sa “mas kilalang ospital” ay malinaw na pang-iinsulto rin sa kanyang kakayahan bilang doktor.

Maayos na inayos ni Erik ang lahat.

Mula simula hanggang dulo, hindi siya nito kinausap kahit isang beses.

Wala ring bakas ng hiya.

Hanggang sa makaalis ang dalawa sa silid.

Matagal pa ring hindi nakabawi si Diana sa kanyang nakita.

Samantala, nagsimula nang magtsismisan ang mga kasamahan niya.

“Naku! Ang wild talaga ng mga babae ngayon!”

Kumikinang ang mga mata ng batang nurse.

“Pero grabe, sobrang gwapo ng lalaki. Nakakapanlambot ng tuhod! Mukhang magaling din talaga siya sa ganoong bagay.”

Nakayuko si Diana habang dahan-dahang inaalis ang kanyang gloves.

“Talaga ba?” walang gana niyang sagot.

Hindi napansin ng nurse ang kakaibang tono niya.

Sa halip ay bigla itong nagtanong:

“Doc Diana, matagal ka na ring kasal, di ba? Pero bakit hindi ka pa namin nababalitaan na nagkaanak ka na?”

Itinapon ni Diana ang gloves sa basurahan.

Pagkatapos ay kalmado niyang sinabi:

“May erectile dysfunction ang asawa ko. Obviously, hindi ako mabubuntis dahil do’n.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
ANOTHER MANIPULATED AND TOXIC STORY!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 100

    Dahil sa sinabi ni Francisco, sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Erik.Napatingin naman si Diana kay Francisco. Naunawaan niya agad ang ibig nitong sabihin. Pinoprotektahan siya nito.Iniiwas siyang maging sentro ng atensyon at mapilitang siya mismo ang magbunyag ng tunay na pagkakakilanlan ni Erik, na tiyak na ikagagalit nito.Sa halip, ibinalik nito ang tanong sa mismong taong sangkot.Kung paano sasagot si Erik..."Kailangan ko bang pagtuunan ng pansin ang mga bagay na gaya niyan?"Kalma at walang emosyon ang boses ng lalaki, ngunit iba-iba ang naging kahulugan nito sa bawat nakarinig.Nagkatinginan ang ilang lalaki mula sa pharmacology department bago biglang natauhan."Tama nga naman. Sa estado ni President Santos, bakit niya papansinin ang mga taong walang kinalaman sa kanya?"Ngunit alam ni Diana ang tunay na ibig sabihin.Sa isang simpleng sagot, muli niyang itinanggi ang relasyon nilang dalawa, pinutol ang anumang pagkakataon niyang ibunyag ang katotohanan tungkol kay Mar

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 99

    Pagkakita ng team mula sa Bonifacio University kay Mary Ann, agad silang natuwa at sinalubong siya."Miss Mary Ann, ayos lang na nahuli kayo. Dapat nga kami ang magpasalamat sa boyfriend mo sa pag-sponsor ng activity na ito.""Tama! Kung hindi dahil sa'yo, hindi namin matatanggap ang ganito kalaking bonus.""Sa totoo lang, para ka na ring boss's wife ng kumpanya," pabirong pambobola ng isa.Hindi ba naman?Si President Santos ang nag-sponsor ng buong biyahe para kay Mary Ann. Kung tutuusin, siya na ang kanilang pinakamataas na boss at pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.Kaya karapat-dapat lang na tawagin si Mary Ann na "boss's wife."Tinakpan ni Mary Ann ang bibig habang mahinhin na ngumiti. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mata."Naku, sobra naman kayo. Huwag na kayong maging pormal."Nakasandal lamang si Diana sa upuan. Para siyang isang estrangherong tahimik na nanonood habang pinupuri ng lahat ang isang relasyon na bunga ng pagtataksil.Hindi sinasadyang napunta ang kanya

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 98

    Hindi na inisip pa ni Diana kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin kay Erik ang nakagawiang matulog silang magkatabi bilang mag-asawa. Ang nasa isip lamang niya ay ang mga larawang kusang sumulpot sa kanyang isipan at ang mga iyon ang nagpabaliktad ng kanyang sikmura.Bigla siyang tumalikod at yumuko sa harap ng basurahan."Uwek..."Dalawang beses siyang nasuka nang walang lumabas. Pisikal na reaksyon iyon ng kanyang katawan. Sa tuwing naiisip niya ang relasyon nina Erik at Mary Ann, hindi niya mapigilan ang pagduduwal.Paglabas ni Erik mula sa banyo, iyon mismo ang nadatnan niya. Tahimik siyang tumingin kay Diana. Maitim at walang mabasang emosyon ang kanyang mga mata.Unti-unting bumaba ang tingin niya sa tiyan nito."Buntis ka ba?"Umayos ng upo si Diana.May bahagya pang pamumula sa kanyang mukha."Hindi."Hindi naman niya maaaring sabihin na nasusuka siya dahil sa mga larawang naiisip niya tungkol sa ginagawa ng dalawang iyon. Tahimik na ibinalik ni Erik ang kanyang tingin

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 97

    Umupo si Erik sa leather sofa at sinulyapan ang maleta niyang nakalapag sa carpet."Anong ipinunta mo rito?"Napahigpit ang labi ni Diana."Para sa inspeksiyon sa base ng mga halamang-gamot na kailangan namin sa research."Bahagyang itinaas ng lalaki ang mahahabang pilikmata at ngumiti nang mapakla."Kung trabaho ang dahilan ng pagpunta mo, saan kita nilinlang?"Napatahimik si Diana. Bihira silang mag-away ni Erik. Ngunit alam niyang ang bibig nito ang pinakamahirap kalabanin. Kapag gusto nitong mangharang ng argumento, wala kang maisasagot.Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit pinilit nitong isama siya sa pagdiriwang ng Bagong Taon kasama ang pamilya Santos.Ganito ba sila kasaya bilang mag-asawa?Hindi ba sobra na ang pagpapanggap?Napabuntong-hininga siya bago nagtanong,"Saan ka matutulog ngayong gabi?"May buwanang dalaw siya nung araw na iyon. Masakit ang puson niya at wala siyang lakas para makipagtalo. Kaya iyon na lamang ang naitanong niya.Nakayuko si Erik habang nagre-r

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 96

    Buti na lamang at mabait ang ugali ni Mary Ann at hindi na pinatulan si Diana.Kung hindi, sa impluwensiya ni Mary Ann sa internet, malamang na bina-bash na si Diana hanggang hindi na ito makapagpakita sa publiko.Maaaring noong una, nagkaroon nga ng pagtingin si Carlos kay Diana sa unang pagkikita.Pero ngayon, hinding-hindi na siya muling mabibighani sa cheap na babaeng iyon.Pagbalik ni Diana sa Mariano Medical Group, agad siyang nagkulong sa laboratoryo upang magsagawa ng pharmacological analysis. Pinilit niyang ilubog ang sarili sa trabaho upang hindi na muling mag-isip ng kung anu-ano.Sa pinagsamang laboratoryo ng Mariano Medical Group at Bonifacio University, siya na ngayon ang punong responsable sa buong proyekto.Malaki ang pananagutan niya.Kailangan niyang mangasiwa sa pagbuo ng gamot, bantayan ang progreso ng proyekto, kontrolin ang mga panganib sa plano, at makipag-ugnayan sa clinical trials at drug registration bago maglunsad ng anumang recoomendation. Sapat na ang mga

  • Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!   Kabanata 95

    Maraming tao ang naglalakad sa loob ng pribadong museo. Pagkatapos mabili ni Erik ang antigong lock, agad siyang bumaba. Hindi na nagdalawang-isip si Diana at mabilis na sumunod."Erik, sandali!"Kahit naka-high heels siya at halos patakbong naglalakad, hirap pa rin siyang habulin ang mahahabang hakbang ng lalaki.Pagdating sa ibaba ng hagdan, huminto si Erik at humarap sa kanya. Kasabay noon, huminto rin ang sasakyan sa harapan niya.Bumaba si Karina David at binuksan ang pintuan ng kotse. Hindi nakita ni Diana si Mary Ann. Wala na siyang oras para isipin iyon. Tinitigan niya nang diretso ang malamig at malalim nitong mga mata."Ang antigong lock na iyon ay pag-aari ng pamilya Morales. Dote iyon ng lola ko."Tumango lamang si Erik."Mm. Oh, tapos?"Walang kahit katiting na pagbabago sa kanyang ekspresyon. Kitang-kita ni Diana... Hindi man lang nito iniisip na mali ang ibigay ang dote ng kanyang lola kay Mary Ann. Parang natural lamang iyon at iyon ang lalong sumugat sa kanyang puso.G

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status