Share

CHAPTER FOUR

I thought my life was going to be hell, but what happened was far from what I expected. Hindi ko alam kung anong trick ang gagawin ni Karuiq at bakit ang layo sa inaasahan kong ugali niya ang pinapakita niya sa akin.

During my one week stay at his house, ang bait nito. Although, minsan hindi talaga maiwasang hindi siya magsungit. His it’s nature after all, being a grumpy man. At hindi rin naman madalas mag landas ang palad namin sa bahay niya. He’s always busy for some reason and I don’t care.

Busy ako ngayon kakapinta. Sa mga nag daang araw ay dito ko iginugol ang lahat ng oras ko. I miss paiting, I miss my love of life. Ito muna ang pagkakaabalaan ko bago ulit pumasok bukas.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay sa mga details sa painting ko ng biglang may pumasok sa k’warto kung saan nagsisilbing paint room. Ipina-renovate ito ni Karuiq para raw may sarili akong space rito sa bahay.

“Miss ano pong gusto niyong kainin?” tanong ni Floren, ang anak ng mayordoma rito. Halos kasing edad ko lang din ito, matanda lang ako ng isang taon sakaniya.

I didn’t mind her question. Ang ayaw ko kasi sa lahat ay ang naiistorbo ako sa pagpipinta, kahit pa saglit na segundo lang ay hindi ko maibibigay. Ayaw kong kinakausap ako.

Ramdam ko pa rin ang presensya na sa likuran ko. Hindi ko alam kung hinihintay ba niya ang sagot ko o pinapanuod niya ang pagpipinta ko.

A garden sunset wedding, that’s what I’m painting right now. I don’t know why I did paint this, ang sabi ko pa naman noon I won’t paint a wedding set dahil ang gusto ko ang unang ipipinta ko na wedding theme ay ang mismong ganap sa kasal ko.

Garden sunset wedding is my dream wedding, pangarap kong maikasal sa taong mahal ko at hindi kung kanino lang.

Napangiti ako ng malawak ng makita ang kinalabasan ng painting ko. Nagningning ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng bibig ko, napapalak-pak na lang ako dahil sa tuwa. Hindi ko inaasahan na magiging ganitong kaganda siya.

A girl walking on the aisle, papunta ito sa groom niya. And of course I am the bride who’s wearing her dream wedding gown. The flowers are mostly tulips— a purple tulips to be exact; that’s my favorite flower.

“Ang ganda po miss, dream wedding niyo po?” Nakangiti aking lumingon kay Floren sabay tango.

“Yes, and thank you.” sagot ko rito at tumingin ulit sa ginawa ko. Maingat ko iyong itinabi at kumuha ulit ng canvas para makapag pinta ulit.

“Ammm.. pasensya na po, oras na po ng meryenda pero hindi pa kayo nananghalian. Kumain na muna po kayo.” Nahihimigan ko na ng pag-aalala ang boses niya.

I frowned. Hindi ko tuloy alam kung kakain muna ako o itutuloy ang paggawa ulit ng bago. Pero mas pinili ko na lang ulit umupo sa harapan ng canvas na kinuha at inayos ko.

“Mama—”

“Ako ng bahala rito.” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa boses na ‘yon.

Pigilan ko man ang paglingon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi siya lingunin. And there I saw him, Karuiq is walking towards us holding a food tray with him; still wearing his business attire. Ngumuko naman sa Floren bago lumabas ng tuluyan sa k’warto.

Napasimangot na lang ako ng makitang ang daming pagkain na dala ni Karuiq. We’re still not close to each other, and speaking of close, hindi ko pa rin nakikita o natatawagan man lang si Dustan.

“Eat first, you can continue that later.” he said as he pulled a chair and seat beside me. Nilagay naman niya ang tray na may pagkain sakaniyang hita.

I don’t know if he’s trying his luck to get close with me. He’s being kind towards me, and I don’t why.

Hindi ko siya pinakinggan at nagsimula ng gumihit ng kung ano-ano. I can’t focus, my mind went blank because he’s here. Bigla akong na conscious sa kilos ko o gagawin ko. Kinabahan ako bigla, na biglang sa dami ng ideas na pumapasok sa isip ko ay hindi ko na maisip ang posibleng gawin.

Nagulat na lang ako at napaharap sakaniya ng inaamang niya sa bibig ko ang kutasara na may lamang pagkain.

“Continue what you’re doing, I’ll feed you.” Nakatingin ito sa akin habang sinasabi iyon.

Nagsalubong ang kilay ko habang nag papalit-palit ang tingin sa kutasarang nakaamang sa akin at sa mukha niyang seryosong nakatingin sa akin.

Tumango ito, “c’mon. Nalilipasan ka na ng gutom, that’s not good for your health. If I need to feed you up so that you can eat in time, I will do it.” seryoso nitong sabi. At alam kong kaya niya rin iyong gawin.

Wala akong nagawa kun’di isubo iyon. Ganon lang ang naging ayos namin, nag pipinta ako habang siya ay sinusubuan ako hanggang sa maubos ang dala niyang pagkain. This is the first time na kumain ako ng kasama siya.

We never eat together dahil ayaw kong nakikita ang itsura niya. Pagkatapos kainin ang dala niya for lunch ay ang panghimagas naman daw ang kainin ko. I don’t what to feel whenever he’s like this. Naninibago ako, hindi ito ang inaasahan ko na ugali niya sa akin.

Biglang nangasim ang itsura ko nang makita kung ano ang dala niya. “Macaroni salad,” wala sa sariling sabi ko. Nakita ko si Nanay Roset kanina na gumagawa non sa kusina.

Tumango ito, “yes, your favorite to eat after eating your rice meal.”

Huh? I cringed my nose, “my favorite?” I asked him—a confusion was written on my face. Hindi lang ako makapaniwala. I mean... Kailan pa?

Hindi ako makapaniwala na favorite ko pala ang macaroni salad lalo na kapag katapos kong kumain. I never like macaroni salad, I don’t like the taste of it; nasusuka ako tuwing natitikman iyon.

Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko sakaniya.

“Why? Gusto mo bang subuan pa kita?” tanong nito ng makitang nakatingin lang ako sa bowl ng macaroni salad.

Umiling ako, “no need.” tinusok-tusok ko lang ang laman ng bowl gamit ang tinidor.

“It’s your favorite, Anastasia, what’s wrong?”

Napintig naman ang tainga ko dahil sa pangalan na tinawag niya sa akin. Kung kanina hindi ko alam kung anong i-re-react ko sa salad, ngayon naman ay sa narinig kong sinabi niyang pangalan.

“Favorite pala ni Anastasia ang Macaroni salad? Karuiq, sorry to say but I’m not her, and I don’t like macaroni salad.” his jaw dropped. Nang tumingin ito ng maayos sa akin ay bigla na lang parang natauhan ito na hindi si Anastasia ang kaharap niya.

“I’m sorry, I did not... I’m. I just thought of Anastasia when I saw the macaroni salad. I didn’t mean to.” umiling ako at hinarap ang palad sa mukha niya.

“You don’t need to explain, I don’t need your explanation.”

“I’m not thinking about her,” depensa pa rin nito.

“I don’t care if you’re thinking about her or not.” pumikit ito ng mariin, “but if you ever really thinking na ako si Anastasia, stop it. Don’t be kind to me ng dahil lang naiisip mong ako si Anastasia.”

Nang tumayo ako ay tumayo rin siya at amba akong lalapitan pero nahinto rin sa pagtangka.

“You are thinking wrong, Crishiah.”

I scoffed, “talaga ba? Ano pa bang dahilan para maging mabait ka sa akin? Iyon lang naman ang nakikita kong dahilan.” umuwang ang bibig nito para sana mag salita pero itinikom lang din ulit iyon.

Itinaas ko ang ang hintuturo at tinuro siya. “Stop being kind to me. Stop thinking that I’m Anastasia.”

“I’m not thinking Ana. I’m thinking about you, naalala ko lang siya dahil sa macaroni salad. Wala siyang kinalaman sa ikinikilos ko!” he shouted.

“Bullsh*t!” I shouted back.

I rolled my eyes at iniwan siya roon.

So all this time kaya maayos ang pakikitungo niya sa akin ay naiisip niyang ako si Anastasia? Na kaya lang siya mabait sa akin ay akala niya ako ang girlfriend niya. Dahil ba nasa akin ang puso ni Anastasia kaya akala niya ako na rin iyong babaeng ‘yon?

Inis na pumasok ako sa kwarto niya at ni-lock ‘yon. ‘Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinext ang number ni Dustan. I don’t care what will happen after this, I’m going to see him. Argh! I need to let go of my frustration.

Pagbukas ko ng pinto ay nasa tapat na si Karuiq. Nilagpasan ko lang siya na parang wala siya roon, hindi naman niya ako tinawag o sinundan pa kaya baka ayos lang na aalis ako ngayon.

“We’re living together.” bumakas ang gulat sa mukha ni Dustan ng sabihin ko sakaniya iyon.

He combed his hair using his finger. “You’re not joking, are you?” naniniguradong ani nito.

I rolled my eyes. “Argh... Mukha ba akong nagbibiro? Of course I’m not joking.” sinimulan ko ng ikwento sakaniya simula noong una kaming nagkita hanggang sa lumipat kami sa bahay niya at ang pangyayari kanina.

Hindi ko lang sinabi ang about sa contract dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang isipin niya. Buti na lang talaga at wala siyang duty ngayon kaya nakapunta ako sa bahay niya na kung saan din ako nakatira dati.

Tuminga ito habang bahagyang nakanguso, “sa pagkakatanda ko naman wala kayong pagkakahawig ni Anstasia kahit na konti man lang. So, bakit naman maiisip ni Zeijan na ikaw siya.”

“Maybe because I have her heart nga, ‘di ba? Baka hindi pa rin maka-move on sa pagkamat*y ng girlfriend niya kaya iniisip o naiisip niya na ako si Ana.”

Tumango-tango naman si Dustan sa sinabi ko.

“P’wede rin. Hay nako, bakit kasi ganiyang klaseng mga tao na ang nakapaligid sa’yo ngayon. By the way, hindi ba siya magagalit sa’yo dahil nakipag kita ka sa akin ngayon?”

“Hindi,” hindi ko lang alam.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi pero maya-maya rin ay tumango. “Okay, kung iyan ang sinabi mo. Kapag sinaktan ka niya tawagan mo lang ako ‘agad.”

“To remind you hindi ko pa rin nakakalimutan ang advice ko sa’yo about sa in lo—”

Tinampal ko ang bibig niya para hindi na matuloy pa ang sasabihin. “Stop saying nonsense things again, Dustan.”

“Pero gwapo ba?”

I smirked, “well... Bakit, type mo ba?”

Bahagya nitong pinitik ang nuo ko dahil sa sinai ko. “You’re crazy. Naalala ko lang kung paano ka mabaliw sa mga pogi noon na nakikita mo nasa tv.”

Pati tuloy ako ay natawa dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman din tuloy, hindi kasi makalabas ng bahay noon at laging tv lang libangan ko.

Kaya kapag nakakakita ng pogi maliban kay Dustan ay iba talaga ang saya ko, may halo ng kilig.

“Syempre mga sikat na artista iyon. Hindi ako mababaliw kay Karuiq dahil wala naman siya sa TV.”

Confident ako ron, and to add na hindi siya ang tipo ko sa mga lalaki. I want a guy who’s like Dustan. A caring and gentleman. Si Karuiq, mapagpanggap lang iyon.

Hindi naman siya babait sa akin kung hindi niya naiisip na ako ang girlfriend niyang wala na. Bakit kasi hindi na lang sila lumimot at hindi iyong nang dadamay sila ng ibang tao.

“Crishiah!”

“Shit.” parehas pa kami ni Dustan na napatalon sa gulat nang kumalampag ng malakas ang gate niya.

“Who’s that?” tumayo si Dustan at saka dumeretso sa pinto para lumabas at tignan ang ta sa labas.

Mabilis din akong bumaba sa sofa at sumunod sakaniya. Pag labas ay bumungad sa akin si Dustan na nasa sahig habang hawak ang panga.

“Dustan,” akmang luluhod ako para alalayan siya nang may malakas na p’wersang humila sa akin palayo sakaniya.

“Ano ba?!” inis na tumingin ako sa gamuna noon.

Pero ‘agad ding napahinto, when met Karuiq's eyes burning in anger. Bigla akong kinabahan dahil ito ang unang beses na makita kong galit siya. Lagi siyang masungit pero never ko pa siyang nakitang magalit.

Umiwas ako ng tingin at hinigit ang braso ko, pero imbis na makawala ay mas lalo lang iyong humigpit. Napangiwi na lang ako dahil sa sakit na naramdaman sa higpit ng hawak niya.

“Let go of me.” I said without looking at him, hindi ko kayang tumingin sakaniya.

“Let go of her,” ngayon ay nakatayo na si Dustan sa harapan namin. Sinuklian niya ng masamang tingin si Karuiq.

“I will not let go of what I own. Never, Mr. Alarde.” Mas lalo akong hinila ni Karuiq papalapit sakaniya. Halos nakadikit na sa dibdib niya ang likod ko.

Dustan smirked. “You don’t own her, it’s just an arranged marriage—”

“Really?” Karuiq chuckled without humor.

Mas lalong humigpit ang hawak nito sa braso kaya hindi ko naiwasan d*****g.

“You’re hurting her!”

Karuiq tsked. Pahaplos nitong binitawan ang braso ko, akala ko ay tuluyan na ako makakawala sa hawak niya pero ang mga braso nito ay pumalipot naman sa baywang ko.

“I own her, and Crishiah know—”

“Uuwin na kami.” pagpuputol ko sa sasabihin ni Karuiq. Ayaw kong malaman ni Dustan ‘yon.

Nakita ko ang pag-aalangan ni Dustan pero wala ring nagawa at tumango.

Tumingin ito ng masama sa lalaking katabi ko, “hurt her and I will k*ll you.”

Narinig ko ang pag ngisi ni Karuiq sa likod ko.

“I will lock her up inside our house.” napasinghap na ako sa narinig habang si Dustan ay mas sumama ang timpla ng mukha.

“And if I found out that you two are contacting each other again... I will not think twice to erase your existence in this world, Mr. Alarde.” Karuiq said using his threatening voice.

I gasped and looked up to him. How can he say those words casually? Like he can really do that thing??

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status