Masuk“Lock the door.”
Pinaikot niya ang kaniyang upuan para makaharap sa akin. Sumunod ako, marahang isinara iyon, pero hindi ako agad lumapit. Sa halip, nakasandal lang ako sa pinto at pinagmamasdan siya.
“What is it, professor? Or should I say, uncle?” Matapang kong tanong habang naka pamewang.
“Sit down, kailangan nating pag usapan ang academic behavior mo.” Utos niya habang niluluwagan ang necktie na suot.
Bored akong naupo sa upuan sa gilid ng desk niya habang pinapanood niya ako. Uncle Easton is not my biological uncle, inampon lang siya ng aking Grandpa nang namatay si Grandma para nabawasan ang lungkot . Kaya technically, hindi kami magkadugo.
Ever since bata pa ako, iba na talaga ‘yong presensiya niya. ‘Yong tipo ng lalaking kahit wala namang ginagawa, mapapatitig ka pa rin.
“Academic behavior?” Taas-kilay kong tanong. “As far as I recall, wala naman po akong ginagawang masama ha?”
“You were being too friendly during class hours,” aniya, habang tinatanggal ang reading glasses niya. “We do not tolerate any forms of distraction during class.”
Pinilit kong ngumiti. “I wasn’t doing anything wrong, Professor. Nakikipag kaibigan lang po ako para madali akong maka-adjust sa bago kong university. Shouldn’t you support your niece po?”
Tumaas ang kilay niya, at saka tumayo. “Flirting with your seatmate isn’t being friendly, Eloisa.”
“Part of university experience, I guess.” Nagkibit balikat ako, patuloy siyang inaasar. “Oh, then is flirting with a professor acceptable?”
“Don’t fucking test me, Eloisa!” Galit na galit niyang sambit sabay kalampag ng dalawang kamay niya sa mesa. “Tatlong beses ka nang na-expel. If it happens again, hindi kita maipapagtanggol sa magulang mo sa ugali mong ‘yan.”
Imbes na matakot, mas lalo lang ako nakakaramdam ng thrill. “Then watch me close, Professor. Don’t let me out of your sight.”
Napabuga siya ng hangin, pilit na pinapakalma ang sarili. “Don’t make me raise my voice again.”
I smiled, eyes locked on him. “Oh, I actually like your voice when you do.”
Mukhang hindi niya inaaasahan ang aking sagot dahil saglit siyang natigilan. Parang gusto na niyang sabunutan ang sarili o kaya’y maglakad palabas ng opisina. Ngunit pinili na lamang niyang ipikit ang mga mata at huminga nang malalim.
“Mag aral ka nang mabuti, Eloisa. Hindi ‘yong sinasayang mo pera ng mga magulang mo! Imbes na matagal ka nang naka-graduate, heto ka pa rin, paulit-ulit na lumalabag sa rules. Ikaw pa naman tagapag-mana ni Kuya.” Kahit pa kalmado na ngayon ang kaniyang boses, bakas pa rin sa kaniyang mukha ang kaniyang galit. Lumalabas na ang ugat sa kaniyang sentido at bahagyang namumula ang kaniyang mukha.
I'm starting to feel something, what the heck.
I can't help but to cross my legs. Alam ko napansin niya ‘yon dahil napako ang kaniyang tingin sa aking hita. Pa-simple ko namang tinaas ng konti ang dulo ng aking skirt para mas lalong maipakita ang makinis kong hita.
He clenched his jaw. “Tandaan mo, pamangkin kita pero dito, I’m your professor. You follow my rules. Is that understood?”
Natawa ako nang mahina. “And if I break them, professor?”
“Then, I’ll make sure you’ll regret it.” Buong lalim niyang wika. “You may go.”
Tumayo ako at sinukbit ang bag sa aking balikat. “Good bye, professor.” Ngumiti ako ng ubod ng tamis bago tuluyang tumalikod at lumabas.
Pagka-uwi ko, kaagad ako nakatanggap ng text message mula kay Drake, ‘yong tumabi sa akin kanina at nag-invite sa akin sa isang party.
See you later, gorgeous!
Mabilis akong nag-shower at nag-ayos. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Simple lang aking piniling outfit of the night, pink fitted sleeveless top na pinares ko sa isang puting short skirt na may slit sa gilid.
At ngayon, kinukulot ko ang dulo ng aking buhok. Wala naman sila Mama at Papa ngayon dahil may dinner night sila kasama ng kanilang mga investors which means, malaya ako ngayong gabi.
Pagkatapos kong magkulot, kinuha ko ang maliit na tube ng red lipstick at marahang ipinahid sa labi. Kung gaano kainit ang titig ni Uncle kanina, ganun din kainit ang gusto kong iparamdam ngayong gabi. Grabe ang bitin effect ni Uncle kanina kaya naman ngayong gabi ako babawi.
“Perfect,” sabi ko, tumingin sa sarili kong repleksyon. “Tonight, ipapakita ko sa lahat that I follow no rules!”
Kinuha ko ang bag ko at ang phone. Plano ko mag-Uber tonight dahil kasama nila Papa si Manong Pip, si Manang Evy lang ngayon ang kasama ko dito sa mansion.
Habang pababa ako ng hagdan, nadatnan ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang pagkanta niya. Bago pa man ako tuluyang makalabas, nabaling ang atensyon niya sa akin.
“Eloisa!”
Napahinto ako. Oh no.
“Yes, my sweet Manang?” Paglalambing ko sa kaniya. Close kami ni Manang dahil halos siya ang nag alaga sa akin mula pagkabata hanggang ngayon.
“Naku, anak ng tokwa kang bata ka! Saan ka na naman pupunta n’yan? Alas-otso na ng gabi!” May kunot na noo niyang sermon habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
“Makiki-party lang, Manang! Classmate’s birthday.” Matipid kong sagot at yumakap sa kaniya.
“Party?” Umangat ang kilay niya. “Ganyan ba ang suot mo sa party? Aba’y kulang na lang tawagin kang artista sa pelikula!”
Napatawa ako nang mahina at umalis na sa pagkakayakap. “‘E ‘di tama lang, Manang. Pang main character ang beauty ko ngayong gabi.”
Umiling ito, halatang pa akong sermunan lalo pero pinipigilan ang sarili. “Anong sasabihin ko kay Sir kapag nalaman ni—”
“Wala naman sila ‘di ba?” Mabilis kong sabat, habang naglalakad na papunta sa pinto. “Promise, babalik ako bago mag-alas dos. They would even know.”
“Eloisa!” sigaw niya ulit, pero nakatakas na ako nang tuluyan.
Ngumiti ako habang sumasakay sa Uber, ramdam ko ang adrenaline na dumadaloy sa dugo ko. Ngayong gabi, walang makakapigil sa bagsik ng isang Eloisa Concepcion, all out na ito!Hindi ko sinabi kay Mama.Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil, hindi ko alam kung paano. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya na may isang taong nagpapadala sa akin ng anonymous messages? Isang taong alam ang relasyong itinago namin ni Easton? Ni hindi nga alam ni Mama ang relasyon namin at wala akong balak na malaman pa niya.“Ma, mauuna na po ako sa taas at medyo masakit po ulo ko.” Paalam ko kay Mama habang busy siya sa pag abot ng mga pinamili namin para kayla Manang at Manong. Agad naman siyang tumango. “Sige, anak. Magpahinga ka.”Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko agad ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Doon ko lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Dahan-dahan kong hinayaan ang katawan ko dumulas pababa hanggang sa maupo sa sahig. “Ano nang gagawin ko…” mahinang bulong ko habang sinabunutan ang sarili ko. Ano pa bang kailangan nila kung wala naman na kami ni Easton? Bakit hindi na lang nila ako lubayan at hayaan ang sarili kong magluksa nang tahimik?Sino naman ang
“Sobrang saya ko, anak. Hindi ko aakalaing dadating ang ganitong araw na makakapag-mall tayo at wala akong iniisip.” Ngumiti si Mama habang mahigpit na hawak ang braso ko, parang takot na baka bigla akong maglaho kapag binitiwan niya. Nakasunod lang ang dalawang bodyguard namin sa likod na bitbit ang mga pinamili namin. Pinagmasdan ko ang mukha ni Mama at kitang kita ang gaan ng kaniyang kilos—‘yong klase ng gaan na matagal ko nang hindi nakikita.“Deserve mo ‘to, Ma,” sagot ko, pilit na pinapasigla ang tono ng aking boses. “Tagal mo ring hindi nagpapahinga.”Simula no’ng pinagkasunduan si Easton at Arissa, hindi na masyadong namoblema si Mama sa kumpanya. Maski si Grandpa ay may plano nang bumalik ulit ng probinsya dahil nami-miss na raw niya si Grandma. Sa kabila ng lahat, masaya ako para sa kanila dahil hindi na nila kailangang magpakapagod. “Hindi lang ito pahinga, Eloisa.” Nakangiting saad ni Mama habang papasok kami sa isang boutique na matagal nang gusto ni Mama. “Pakiramdam
“Sis, wala pa naman tayong quiz at exam ah? Bakit kanina ka pa basa ng basa dyan?” Kanina pa ako nakatutok sa notes ko habang ang ipad ko naman ay nasa harap ko. Ang totoo ay kabisado ko na nga lahat ng aking mga binabasa dahil kagabi pa ako nababad dito. Ito lang kasi ang napili kong paraan para madaling magkunwaring abala kaysa isipin ang unofficial breakup ko.Matatawag bang breakup ‘yon kung hindi naman niya sinabi ang katagang, “Let’s break up,” or kaya “It’s not you, it’s me,” tulad ng nababasa ko sa mga libro at nakikita sa mga pelikula? Mas mahirap pa pala ang ganito. Hindi ko masabi kung may karapatan akong umiyak o dapat kong kapalan ang mukha ko at nanindigan na ayos lang kami.“Ah, wala lang. Ayoko lang kasi matabunan ng mga babasahin.”Sabay na nilingon nila Trisha at Krisha si Drake sa aking tabi na parang hindi kumbinsido sa sagot ko. Parang gusto ko tuloy magtampo sa kanila. Talagang kay Drake pa sila nagtatanong porket matalino ha. Binaba ni Drake ang kaniyang rea
Tinulak ako ni Drake na siyang nagpabalik sa ‘kin sa realidad. “Sandali lang, Eloisa. Alam mo namang mali ito. Huwag kang magpadala sa emosyon mo.”Inayos ko ang aking upo at nanatiling nakatulala sa nangyari. What the f*ck did I just do? Bakit mo ‘yon ginawa, Eloisa, hindi ka ba nag iisip?!Hinimas niya ang tuktok ng aking buhok. “Hanggang comfort lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo, walang comflirt.” Ngumisi siya at binuhay na ulit ang makina ng kaniyang kotse. “Ayokong mabugbog ng uncle mo.”Umirap ako sa hangin dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito! “Wala naman ‘yon pakialam sa ‘kin,” malamig kong tugon.“That’s not true.” Ang mata ni Drake ay nanatili sa daan, ngunit parang nagdadalawang-isip. Humigpit pa ang hawak nito sa manibela bago pa siya muling nagsalita. “Kung walang pakialam… ang boyfriend mo, hindi niya papatayin gamit ng kaniyang mata ang mga lalaking lumalapit sa ‘yo. Ilang beses na nga siguro ako napatay no’n sa
“Kaya sobrang saya ko dahil napagkasunduan na ng dalawang pamilya na ipakasal kayo..”“What?” Hindi ko napigilan ang aking gulat, wala akong pakialam kung nakatingin silang apat sa ‘kin. “Ano pong ibig niyong sabihin, Grandpa?”Nagkatinginan pa si Arissa at si Grandpa bago nagsalita si Grandpa. Ibig sabihin napag usapan na nila ito bago pa nila kami nakarating dito. “Ginawa namin ang lahat para isalba ang kumpanya at malaking bagay din ang ginawa ng mga Raquin sa ‘tin pero hindi pa rin ‘yon sapat… Nabalitaan ni Arissa ang nangyayari kaya nais niyang tumulong sa ‘tin.” “P-pero…” halos bulong ko. Ayoko! Wala na bang ibang paraan para maisalba ‘yang kumpanya na ‘yan? Hindi ba dapat ang Papa ko ang magbabayad dito? Bakit kailangan madamay pa si Easton na nananahimik lang?“Kailangan na natin ng mabilis na solusyon na tanging si Arissa lamang ang makakapagbigay.” Matigas na pagkakasabi ni Grandpa. “Kaya Easton, nakatakda kang ikasal kay Arissa.”Tahimik lang si Easton habang ako naman ay
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila Mama. Panay ang haplos ni Easton sa hita ko habang nasa byahe. Pinipilit pa nga ni Easton na pinapalitan niya ng heavy tint ang kaniyang kotse kaya walang makakakita ng nangyayari sa loob. Pero ayoko masira ang ayos ko kaya mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin kahit mahirap kalabanin ang tukso. Bahala siya sa buhay niya. Siya na nga ang pinaka pinoprotektahan dito pero parang siya pa ang hindi nag iingat.Pinagbuksan kami ng lalaki ng pintuan kaya ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. Maraming tao ngayon sa restaurant na mukhang mga yayamanin din. Tumingin kami sa paligid hanggang sa nakita namin sila Grandpa at Mama sa sulok na table kaya roon kami dumiretso ni Easton. Ngunit nawala agad ang ngiti ko nang makita kong may mga kasama pala sila. Hindi ako nasabihan na may ibang tao pa pala.“What is she doing here?” pabulong ko na tanong kay Easton habang papalapit kami sa table. Naiimbyerna ako habang nakiki







