Share

Chapter 4

Chapter 4

If there's one thing I learned in life, it is the need to train your mind to be stronger than your emotions or else you'll lose yourself everytime.

Umihip ang malamig na hangin habang patuloy lang ako sa paglalakad matapos kong iwanan si Harry sa loob ng restaurant.

My heart felt numb. Hindi ko ma-explain kung ga'no kabigat sa pakiramdam. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili, bumabalik parin ako sa fact na, wala na. Natapos na. Nawala na yung isang taong pinagsamahan namin sa ilang minutong pag-uusap lang sa loob ng restaurant.

Apart of me wants to stay, to beg his attention. Gano'n na siguro ako kadesperada na okay lang na gaguhin. Okay lang na masaktan basta't sa akin at sa akin pa rin siya. Ang tanga tanga ko. Naiinis ako sa kaniya pero mas nangingibabaw ang galit ko sa sarili.

Ano bang kulang ko? All my life I was proud of who I am. Kailan man hindi ako nagduda sa sarili ko dahil alam ko ang halaga ko pero ngayon, it looks like I'm broke to the point na hiyang hiya ako para sa sarili ko. Na kulang nalang mag makaawa para sa atensyon.

I should be better than this. This is not me. Nasanay akong sa akin ang atensyon ng lahat kahit hindi ko hingin pero pagdating kay Harry para akong pulubing nanglilimos ng atensyon.

I pity myself. The precious darling of the crowd and the consistent honor student Xiamara Joy Orprecio is now at her lowest.

So much shame.

Walang tigil na bumubuhos ang luha ko sa pisngi pero hindi ko na pinansin lahat ng nadadaanang taong nakatingin. They don't know my pain. No body knows how painful it was. Walang ibang nakakaintindi bukod sa'king sarili.

Caring about other's opinion is the least of my priority right now.

Mapait akong ngumiti ng maalala ang mga kaibigan. They should be here to comfort me. To share my pain pero alam ng sarili kong wala silang kasalanan. This is my fault so I need to swallow the bitter pill. Kagagawan ko naman ito. Pinili kong hindi sabihin dahil takot ako sa katotohanan.

Takot akong majudge.

Takot sa maririnig sa iba. Because all I think about is him and my feelings with him at pagkaraan ng isang taon, ayan, nilamon ako ng sariling katangan.

Sumikip lalo ang dibdib ko. I dont have someone beside me. Choice ko 'to eh, I choose to be away from my friends. Hindi ko sinabi ang saloobin ko. Walang ibang nakakaalam kung kundi ako. I choose to own this problem kaya ngayon solong solo ko rin yung sakit.

I cry and cry until my heart's out. Paniguradong pugto na ang mata ko kakaiyak habang mukhang tangang naglalakad ng mag isa sa kalsada. I don't know where will I go. May klase pa kami ng 1pm but I don't have the energy to face anyone with this kind of situation.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko nang mapunta ako sa mas maraming tao. Halos sumisinok-sinok na rin ako kakaiyak kaya pinilit kong patahanin ang sarili dahil may iilan nang tumitigil sa pag lalakad kakatingin sa akin.

As much as possible, I don't want to care but the idea that I'm wearing a uniform of my school and I have an ID, is making me insane. I'm broke but I don't want to go to principal's office or worst be viral on social media!

Napadpad ako sa palengke nang hindi ko napapansin. Hindi ko na alam kung naka ilang kilomentro na ang nalakad ko. Patuloy parin ang pag sinok ko na parang batang inagawan ng candy.

Kung kanina hindi ako nahihiyang makita ng mga tao sa itsura ko pero ngayon lang yata ako dinapuan ng hiya.

Sa gilid ng kilalang bookstore may nakita akong isang vending machine.

Immediately went to get some water.

Hinagilap ko ang wallet sa bulsa. I search for a 10 peso coin in my wallet pero panay singkenta at bente lang ang meron doon.

I stop and think about some coins that I mindlessly keep when I was too lazy to put it on my wallet. Sa gitna ng paghahanap, pinigilan kong suminok-sinok pero walang nangyare.

Finally a silver coin showed up in the secret pocket of my bag.

Agad kong hinulog ito at saka pinindot ang mineral water. Akala ko maiibsan na ang pag sinok sinok ko pero hindi ito nangyare nang ilang minuto na ang lumipas ngunit walang lumalabas na mineral water sa machine.

Feeling frustrated, I tried to knock the machine para mahulog. Sa una ay mahina hanggang lumakas na't lahat, wala pa rin.

Tumuloy tuloy ang sinok ko habang pinag papatuloy na hinahampas ang machine. I stared at the bottled water inside the machine as new batch of tears formed into my eyes.

Why can't I have it?

Suddenly it reminds me of Harry. Bumuhos lalo ang luha nang mapagtanto sa sariling talunan ako. Binigay ko ang natitirang bagay na meron ako ngunit sa huli, kulang parin. Hindi parin sapat.

"Give me the damn mineral water!" I angrily whispered to the machine.

"Come on, " I hissed. Patuloy ang pagkalampag.

Nang mawalan na ng pasensya, isang malakas na sipa ang natamo ng machine sa akin.

I held on the machine and hug it while crying. Thinking it was him who can't give back anything in return. The man who destroyed my self-esteem. The man who destroyed my personality.

Naupo ako sa tapat ng machine habang nakasandal dito. I feel so defeated. Daig ko pa ang hinulog sa dagat at nalunod na ng tuluyan.

"Why can't you give it to me?" I cried. May kung anong bumabara sa lalamunan ko dahilan ng pag kapiyok.

"I already gave everything. Please... Thats all I can give... "

"I don't deserve this... Please..." I whispered and cried again.

Nahinto lamang ako sa pag iyak nang madako ang paningin ko sa gilid ko.

A pair of branded shoes stopped beside me. I laguidly move my heads up to just to see a snobish awra of Nexus.

My mouth gaped at him. Why is he here? Anong ginagawa nya dito?

May inilahad syang malaking tumbler sakin.

"Stop crying infront of the machine. Just take this, " he said and my jaw dropped even more.

I was fully aware of what have I done infront of the machine but now I realized the crazy things I did and said infront of the hallway and he saw all of it!

Napatingin ako sa paligid at nakitang lantaran ang pagtingin at pagtawa ng ilan sa akin. Dahil sa kahihiyan na natamo mas lalo akong naiyak sa sarili.

Kung kanina ay tahimik lamang na umiiyak habang sinisinok, ngayon ay humahagulgol na dahil sa kahihiyan at pagkaawa sa sarili.

Naalarma siya at gulantang na lumapit pa sa akin. Yumuko siya at iniwestra ang tumbler.

"I said stop crying, " he panicly said.

"Drink this, " he added. Pero patuloy lang ako sa pag iyak.

He is the least person I expected to be here. Hindi kami close at ngayon niya lang ako kinausap ng hindi related sa school o sa gala ng kaibigan. But here he is, giving me his tumbler and trying to stop me from crying even if we're not that close.

I don't have someone beside me to share my pain but here he is. Kahit walang kaide-idea kung anong nakakaiyak sa machine na nagloloko. I don't know if he is weirded out dahil iniiyakan ko ang bottled water but at least, he is here.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. And as if it triggered something in me, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Tumayo ako at sa gulat niya ay napatayo na rin.

Hindi pa nga maayos sa paglakatayo ay agad ko siyang binalot ng yakap.

Patuloy akong umiyak sa dibdib niya. Halatang gukat na gukat siya sa nangyayare pero kalaunan ay hinawakan ako sa ulo. Gently patting my head.

Mas lalo akong na iyak. I didn't expect him to do that. Akala ko ay itutulak niya ako dahil hindi naman kami close para yumakap ako pero hindi. He comforted me like he understands my pain kahit ang alam nya'y mineral water ang iniiyakan.

Tumagal ang yakap ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagka-ilang dahil patuloy pa rin akong umiiyak.

"Hey, stop it. It's embarrasing, " he harshly said pero tuloy lang ako sa iyak.

Hinigpitan ko pa lalo ang pag yakap.

"Shut it up, now..."

"God, this is embarrassing, " he murmured.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mas lalong iiyak sa pinagsasabi niya dahil halatang hindi niya alam magcomfort ng umiiyak. I never saw him comforted any girl kahit pa sila Max, Ody at Freya na matagal niya nang kaibigan. I didn't say na ako palang pero nevertheless, I appreciate it.

Very much.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status