Share

Chapter 9

Chapter 9

Kung noon, naniniwala ako sa pangako ni mommy na tuwing katapusan ay darating si Daddy at lalabas kami at pupunta sa gusto kong puntahan, ngayon hindi na. Malinaw na sa'kin kung bakit tuwing anibersaryo nila mommy at daddy ay uuwing lasing si mommy na minsan ay inuumaga pa ng dating.

I used to be blind and deaf that time kasi bata pa ako. Wala pa akong alam. Hindi ko pa maintindihan lahat. Noon iyon. Kaya ngayon nagiging motivation ko ang mag aral ng mabuti upang kahit gano'n ang kinahinatnan, matutupad ko ang pangarap ni mommy, ang humarap kay daddy at masabing naitaguyod at napag-aral niya akong mag-isa nang hindi humihingi ng tulong sa kaniya.

Kung dati, inspirado ako tuwing babanggitin ni mommy si daddy, kung paano sa tingin niya matutuwa si daddy kapag mataas ang grade ko. Ngayon alam ko na. That was only an excuse and a lie to keep me motivated, believing that my daddy would be happy even if is just a lie, she just don't want me to hate my own father. And I don't hate her for that, I couldn't blame her because I realized her pain and how broke she was when Daddy left us. That's why I had to lived to her expectation just so she can finalky face my father with pride.

Kaya naman kinabukasan kabado akong umupo sa upuan ko habang hinihintay namin ang proctor sa unang subject na ie-exam namin.

I reviewed all the subjects thoroughly and made sure na walang term akong malilimutan pero hindi pa rin ako mapakali.

I could still feel like I need to scan my notes more. Pero nang malala ko ang paalala nila Ody kagabi na huwag magreview few minutes before exam, wala na akong nagawa.

But still my hand is itching to get my notes from my bag, lalo na't mukhang matatagalan ang proctor na dumating. My gad, sayang oras!

I roam my eyes to my classmates and they all take their seats calmly. Paisang isang nagsisidatingan ang mga classmates ko sa strand pero mukhang wala silang balak mag halughog muli ng libro para mag review. Confident na confident sila sa kanilang sarili.

I sighed. Sana kagaya rin nila ako.

I shooked my head. Joy, hindi mo 'to first time na mag eexam! Umayos ka nga!

Kung nandito lang singuro sila Ody malamang pinagalitan na ako ng mga iyon. Magkakahiwalay kasi kami ng room na pinag e-exam-an since per strand ang pagkakaayos sa exam namin ng common subjects. Limang common subject ang exam ngayong maga at lima rin sa hapon para sa specialized.

Our dean cannot tolerate cheaters' strategy that's why he made sure na magkakasama ang mag kastrand sa isang examination room pagcommon subjects at per column ay magkakaibang subjects ang binibigay, gano'n din sa speacialized.

Since magkakaiba-iba kami ng strand, inaayos nilang mabuti ang seating arrangements at sinigurong walang estudyanteng magkakatabi na parehas ng subjects dahil may iilang specialized na merge sa ibang strand para daw makaiwas sa kopyahan. I can mentally recite what he always says whenever our exam is near.

"You came here to learn. Not to impressed your parents with your high grades, " he always sermons.

Ganyan sila kahigpit sa exam dito. Kaya ako na kahit hindi naman nangongopya ay hindi maiwasang kabahan sa tindi ng pagsususlit na binibigay ng school. I don't know but everytime cheating cross my mind, dinadalaw na agad ako ng konsensya. Naalala ko pa nung minsan lang akong nagtanong sa katabi ko because I'm confuse of what format the test paper is refering to, kinagabihan hindi na ako nakatulog dahil sa pag paparinig ng proctor na may nangongopya daw. I don't know if it's me but I'm guilty anyway, kaya simula noon hindi ko na maatim na magtanong ng kahit ano pati sa proctor. Hindi rin naman kasi sila nag e-entertain ng tanong.

Few moments after, dumating din ang proctor namin. Hindi ko alam kung paano ko nagawang pakalmahin ang sarili ko all throughout the exam. Basta ang alam ko lang kung anong una kong naisip na sagot, iyon na agad. That's always the number 1 rule. Your first instinct is sometimes the right one. Inaral ko naman lahat iyon pero minsan talaga nagbibigay sila ng mga tanong na wala doon sa literal na pinag-aralan mo. It's like they're testing your application skills. Kumbaga nasa pag aanalyze na lang at kung pa'no mo iaaply ang mga method.

I inhaled deeply. Kaya ko 'to!

"Sa wakas!" hiyaw ni Jasper sabay tapik kay Wesley na busy sa pagkalikot ng phone.

"Tangina!" Wesley spat tsaka inis na napakamot sa ulo. " 30, 000 na ako eh bwisit ka!"

Napalingon ako sa aking kanan nang magsimulang mag-angiran ang dalawa kong katabi. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway at dahil tapos na ang exam sa lahat ng subjects, heto sila at nakakahinga na ng maluwag mula sa kalbaryo ng exam--well, more like ako lang pala, simula at pagka tapos ng exam, relax na relax lang lagi sila. I shooked my head.

You did great joy, stop worrying.

I snaped out when an arm snake around my shoulders.

"Gosh, Pol-Scie totally knocks me down! Tara kain tayo!" Max exaggeratedly laughed.

Nilingon niya ako at naghintay ng sagot.

I looked at Ody. Agad naman siyang tumango." I'm up, " she agreed. Nag balik naman agad ang tingin sa'kin ni Max.

Tatanggi sana ako nang biglang nagsalita yung dalawa sa kanan ko.

"Ano yan?" maingay na saad ni Jasper habang akbay-akbay kay Wesley. Nasa likod namin sila at lumapit nang may marinig. "Kung chibugan 'yan, sama ako!"

"Tss, kagulo mo!" Inis na sabi ni Wesley tsaka tinanggal ang pag kakaakbay ni Jasper sa kanya. Busy-ng busy kasi itong naglalaro sa kaniyang phone.

Hayy. I wish I could relax like him. Yung tipong wala na ulit iisipin pag uwi. But I know myself, puros exam pa rin ang tatakbo sa isip ko hanggang sa pagtulog. Parang may after shock ba.

"Hindi daw sasama si Wesley, " sumbong ni Jasper habang tumatawa.

Sinapak naman agad ni Wesley sa tiyan. Umirap lang ito at tuminggin kay Max na natatawa sa kanila.

"Basta libre mo ah, " ani Wesley.

Nagpigil ng tawa si Max. Wesley eyed her. "May pinag iipunan akong bagong set ng Play Station!" he demanded like a child, almost crying.

Tuluyan ng natawa si Max. "Oo nga! Kuripot mo talaga. "

"Joy, ikaw hindi ka--" Max was cutted off when the voice of Jasper lingered on the corridor.

"Nexus!" pagtatawag niya nang matamaan si Nexus na kalalabas lang sa huling exam niya.

Lumingon ito at supladong isinukbit ang bag. Tumingin lang ito sa'min habang hinihintay kaming makarating sa pwesto niya.

Jasper approached him. "Kain daw tayo. Treat ni Max. "

Hindi agad ito nakasagot. Tumingin ito sa akin. Akala ko simpleng sulyap lang ngunit nagulat ako ng magtagal. Feeling uncomfortable, I averted my eyes to him, worried that others could notice his stares.

"Don't worry. Hanggang past 9 lang tayo. Sasabay ko na lang si Joy para hindi na kayo hassle pag-uwi." Ody said and that immediately cut his stares. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako pero nang mabanggit ako ni Ody bumalik lang ang tingin niya sa akin.

"Though, parang wala yata sa mood si Joy para sumama, " Max said looking at me.

Agad akong napatingin kila Ody.

What? Does it really that obvious? I mentally slap my head.

I looked at Nexus and he seems like he's challenging me with his stares.

Kino-corner mo ba ako ha, Nexus?

"Joy, ano? Hindi ka sasama?" nalilitong tanong pa ni Jasper.

"H-ha!?" I stuttered. Bumigat ang tingin sa akin ni Nexus and added nervousness to my system. Para akong criminal na minamatyagan ng mga pulis. Bakit ba ganito makatingin 'tong lalaking' to? It's not like I commit a crime. My gosh, seriously? Why can't he stop staring at me?

"Let her be." Nexus suddenly spoked after an awkward silence. He liked his lips and looked at me in the eye. "Maybe she doesn't want to go with us" he added, meaningfully.

Agad akong naalarma sa kanyang sinabi. Really Nexus? I almost spat. Gulat namang tumingin sa'kin sila Jasper na akala mo sobrang na offend sa maaaring dahilan kung bakit ayaw kong sumama.

I glared at Nexus. That's not true!

He only sneered at me.

"I-It's not like that.. It's---"

Ughh!

I gave up. "Fine. " 

Max gave me a wide smile.

"Let's goo!!!" she cheerfully grabbed us.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status