Share

Chapter 8

Chapter 8

Wednesday came. Hindi ko na halos na mamalayan ang araw dahil tutok sa mga sangkaterbang reviewer na nadadatnan ko sa apartment at sa mga sinabay na projects.

Sabi ko noon, magandang nagiging busy ako sa pag aaral dahil sa gano'n, wala akong time para isipin lahat ng sakit ng pinagdaanan ko.

I have no time to wallow in all of the words that Harry have thrown to me. Hindi nakakapasok sa isip kong umiyak at pagsisihan lahat ng desisyon ko dahil kailangan kong mag-aral pero ngayon parang sobra na.

Napatingin ako sa nagkalat na highlighter, scratch at mga post-it sa study table ko. I inhaled deeply. Mag-aala una na ng umaga pero hindi pa ako tapos sa Concept paper ko sa Economics.

I promise myself na gagawin ko agad lahat ng requirements right away pagkatapos ibigay pero hindi rin. Kahit nagawa ko na ang iba, mahirap pa rin pala kung mismong teacher na ang nag papahirap sayo lalo na pag dagsa ang requirements.

Minsan nakakaasar na dahil kung kailan mag eexam saka lang sasabihin ang requirement para sa subject na iyon at ang pasahan ay sa mismong exam na agad. Nakaka-stress pero wala akong magagawa. Kailangan ko 'to eh. Gawin ko man o hindi, grades ko 'yon. Susuweldo pa rin ang mga guro kahit anong mangyare.

Nang pumasok sa school napagtanto kong hindi lang pala ako ang nagmumuryot sa sobrang stress dahil pagkaupo ko pa lang sa upuan ay panay busangot at mga ulong nakamudmod sa mga libro ang aking nakita.

I pursed my lips. Hindi lang ako ang nahihirapan kaya dapat kong pag butihan. Hindi lang ako ang may problema. Lahat ng tao may sari sariling pinagdadaanan sa buhay, dipende nalamang kung paano ito harapin.

And just because I'm still not ready for it, I'll find my own escape. And studying hard is my way to escape from it temporarily.

I smiled and went to my friends while they're busy reviewing their handouts.

Dumating ang huwebes nang pagod at puyat ako kakagawa ng projects at pag rereview. Ito ang huling araw ng pagrereview dahil bukas ang exam. Ibig sabihin din no'n ay bukas din ang pasahan ng mga projects.

Punyeta talaga.

I sighed and saw Nexus walking along the hallway. Plantsadong plantsado ang kanyang polo tulad ng dati. Maayos ding nakahapit sa kanyang katawan ito ang ang kanyang itim na slacks. Makintab din ang kanyang black shoes na halatang sagana sa kiwi.

Wow. Shine na shine talaga noh?

Nagawi ang mga mata ko sa kanyang mukha. Napasimangot ako ng makita ang usual niyang hairstyle.

Punyetang buhay 'to. Bakit siya, ang fresh fresh pa rin ng itsura at nagawa pa ring i-brush up ng maayos ang buhok? Samantalang ako, mukha akong batang nilunod sa balon. Ni hindi na maharap mag suklay ng buhok sa sobrang stress. Ang unfair talaga ng buhay!

Napatingin siya sa gawi ko nang magkasalubong kami. Papunta kasi akong specialized subject ko na nangyaring first subject ko ngayong araw at tingin ko gano'n din sya.

"They're planning a dinner tonight, " sabi niya nang huminto sa'king harap.

Kagaya ng dati mag-uusap lang kami kung may planong gumala o kahit anong bagay na konektado sa lakad ng barkada.

Sanay naman na ako. It's either siya ang mag iinform o ako. Ganoon lang parati.

Napahinto rin ako at napaisip. I still have 2 subjects to review--well nareview ko na actually pero hindi pa rin ako kuntento tapos i-proproofread ko pa yung mga ginawa kong papers. I mentally noted all the things I need to do at home. Hayss, iniisip ko palang para na akong pinapatay!

Hindi pa ako nakakasagot nang magsalita muli sya.

"Quit reviewing. It's already enough, " aniya na parang nahulaan ang plano kong sabihin.

"Pero kasi--" he cut me off.

"That's the purpose of the dinner tonight. To rest our minds before the exam, " he said as he construe the essence of the night out.

"Oo na. Oo na, " pang babara ko. Too frustrated that I forgot that it's Nexus I'm talking to.

He lips went to a grim line. Huli na para mabawi ko pa ang sinabi ko, I stared at him as I begun to explain my sudden attitude. "Eh kasi naman... sayo siguro, okay na. Pero sa'kin hindi, " hinaing ko, this time sa mas kalmado at seryosong tono. Totoo naman kasi. Never naman kasi siyang na hassle pag-exam. Lahat ng related sa school, mapa quiz, seatwork, projects and exam laging walang kaefo-effort niyang nagagawa at napapasa ahead of the deadline. Take note nae-ace niya pa lahat. Kala mo assignment lang 'yon sa kaniya eh.

Ginawa ko yung mga projects kasabay ng pagrereview kaya hindi sapat sa'kin yung normal lang na review. Dapat talaga 'thorough'. Sa tipo ba naman ng mga teacher ko sa ilang subject? Feeling ko maaga na akong mamamatay sa sobrang daming demand.

"Imagine, I have thesis revisions this week tapos kasabay pa ng deadline ng mga specialized, ga'no naman kalupit--"

He rolled his eyes, looking irritated and bored. Talagang walang pasensya 'tong gagong' to. "Just say if you're coming or not. Hindi kita pipilitin. "

Napaawang ang bibig ko. Hindi na ako nakapagsalita nang tuluyan na siyang umalis sa harap ko.

What a snot!

I stomp my feet in anger.

Dapat sanay na ako sa pagiging suplado niya pero ewan ko. Feeling ko kailan man hindi ako masasanay kahit alam kong gano'n na siya talaga. Yung kahit dapat sanay ka na sa kasungitan niya dahil araw araw gano'n ang asta niya pero hindi. Dahil sa kasutilan at masamang tabas ng dila nya, hindi ko pa rin mapigilang mapikon.

Grr. Gigil na gigil talaga ako sa yelong 'yan! Hinding hindi talaga ako pupunta!

"...and she's here!! " Max cheerfully announced my sudden entrance.

Gulat akong napahinto sa kinatatayuan ko matapos akong dumating sa restaurant na tinext nila sa' kin.

Yeah. You heard it right.

I came.

I sighed and went beside Ody.

"You're a bit late than I expected, " Ody noticed while eating pasta. Napatingin ako sakanya dahil sa narinig. Hindi ba...

And my eyes landed on Nexus. He's silently eating his pizza while I heard Jasper and Wesley's complain about me being late.

Hindi ko sila pinansin. I remain staring at him until probably he sense the weight of my stares and finally looked at me.

He chewed his pizza slowly, like taunting me. I tried to communicate with my questioning eyes but all I get was a blank expression on his face.

Kala ko ba sinabi niya na hindi ako pupunta? So all this time, nag-eexpect silang dumating ako? Kasi hindi naman sinabi ni Nexus?

And now it makes sense, I guess sinadya niyang hindi sabihin para ratratin ako nila Ody ng text! Syempre wala akong choice kundi pumunta dahil papagalitan nila ako pag nalaman nila ang dahilan ko. Ugh. My God Nexus sarap mong sakalin!

I gave him a glare. His brows rose. Giving me an amused expression.

I looked at my friends and they are all enjoying their food.

Bumaling ang atensyon sa'kin ni Ody.

"What? 'Di ka pa oorder?" she asked and called a waiter. Tumahimik na lamang ako.

I feel like I just lost my apetite. Looking at Nexus' eyes make me want to stab it with my fork.

"I really thought hindi ka na makakapunta. Sa dami raw ba naman ng requirements niyo hindi na ako magtataka bakit hindi kita makausap buong araw sa school," Max said.

"Right, narinig ko nga kila Claia," freya agreed. "I really thought you couldn't go tonight, " she added with a little bit sadness in her voice.

Napakurap ako. I felt guilty.

I know we're all busy but I didn't mean to be very busy that I am not aware of my surrounding. Pero kasi, bakit kasi ngayon pa nag-aya ng ganito kung kailan exam na bukas!?

Come on guys, we should be studying our ass out!

I should be scolding them to study rather than hanging out but because I don't want them to think differently of me and it seems like they badly wanted this night to happen, I lied.

"Of course not. Why would I?" Alanganin akong tumawa. Trying to laugh like it's a ridiculous idea kahit mas gugutuhin kong manatili sa boarding at magpakalunod sa lahat ng reviewer ko kesa mag chill dito at maparanoid para bukas.

Gosh. What have I done? Sinabi ko ba talaga yun?

Naputol ang pag-iisip ko nang may tumikhim. And I swear malapit na akong maubusan ng timpi nang lingunin ko si Nexus na may multo ng ngiti sa kaniyang mata.

Inis ko siyang tingnan. He only showed his loopsided smile. Damn it! Sarap saksakin ng tinidor.

Tinaasan ko lang ito ng kilay.

Nakatingin ito sa'kin habang may paghahamon sa mata. I can almost imagine what those eyes were telling.

"Eating words weren't fun you know?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status