LOGINSoleia Eirlys Servania’s Point of View
Napakurap ako, at hindi makapagsalita, habang nakatitig lang sa kaniyang laptop na kung saan ay kitang-kita kung paano nila lagyan nang kung ano ang inumin ko, saka nila ibinigay sa akin.
Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi, at walang balak na magsalita.
Hindi naman siya nagsisinungaling sa akin, pero hindi ko man lang nagawang paniwalaan ‘yon.
Kaibigan ko kasi sila, at masakit sa akin ang pinagbibintangan sila sa bagay na hindi naman nila ginawa. Pero ngayon na nagawa kong makita ang katotohanan, nagsisi akong hindi ako naniwala kay Vaughn.
“What now? Iisipin mo pa ring nagsisinungaling ako?”
Doon ako napalingon kay Vaughn na ngayon ay nakatitig pa rin pala sa akin.
Inilihis ko kaagad ang aking mga mata nang nakaramdam ako ng hiya para sa aking sarili.
“Nasaan sila?”
“So, you still care about them, huh?”
Umiling ako, dahil hindi naman na talaga ako nakararamdam ng pag-aalala sa kanila kung gayon na nagawa nila ‘yon sa akin.
“Gusto ko lang silang komprontahin—”
“Then, what? They’re going to deny it?” tanong nito sa akin, pero hindi ako sumagot. “Cut your ties with them.”
Naikuyom ko ang aking kamay, ngunit hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nagpipigil ng emosyon, kahit na ang totoo ay naiiyak na talaga ako.
Ang sakit isipin na ‘yong mga itinuri kong kaibigan ang naging dahilan kung bakit muntikan nang may mangyaring masama sa akin.
“Vaughn, hindi ‘yon ganoon kadali. May pinagsamahan din naman kami—”
“It’s so easy for them to put an illegal drug in your drink yet you still care about your friendship with them? Really?”
Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, dahil kung tutuusin nga naman ay tama siya.
Siguro ay nahihirapan pa ako sa ngayon, pero aminado talaga akong masakit.
Tama rin naman lahat ng sinasabi ni Vaughn, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gusto ko pa rin silang kausapin.
“You’ll stay here for a while.”
Nag-angat naman kaagad ako ng tingin, habang siya naman ay nakatayo na, pero hindi siya nakatingin sa akin.
Doon ko napansin kung gaano siya kaguwapo. Na kahit naka-sideview siya, kitang-kita pa rin ang kaniyang kaguwapuhan.
Matangos ang kaniyang ilong, mahaba ang kaniyang pilik-mata, at prominente ang kaniyang panga.
Kitang-kita ko rin ang iilang balbas na patubo pa lamang, pero hindi naman ‘yon nakabawas ng kaniyang kaguwapuhan. Parang kung sakali man na humaba ‘yon, mas bagay sa kaniya.
Ang manly kasi niyang tingnan, eh. Kaya nga nakagugulat na nasa harapan ko siya kung gayon na halata namang nakatatakot siya.
‘Yong awra kasi niya, sobrang bigat. Parang ang hirap kausapin. Parang hirap pakisamahan, pero heto ako, hindi man lang napapansin na hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi niya.
“Bakit?” gulantang kong tanong sa kaniya. “Uuwi ako. Kailangan ako sa bahay.”
Napalingon siya sa akin, at sinuri ang aking katawan bago niya ibalik ang kaniyang mga mata sa akin. Umigting ang kaniyang panga, at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
“You’re wearing my shirt.”
Napaawang ang aking labi, at unti-unting nakaramdam nang kahihiyan para sa aking sarili.
Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko kung sakali?
“Just text them. Make an excuse so they wouldn’t get worried.”
Tumango na lamang ako, habang siya naman ay umalis na sa aking harapan.
Mabilis ko namang nahanap ang aking cellphone. Kaya kaagad akong nag-text kay Mama, dahil paniguradong hinahanap na niya ako.
Kung sana kasi ay hindi na ako sumama pa sa mga kaibigan ko kagabi, hindi sana ‘to mangyayari.
Sumagi tuloy sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Vaughn. Akala ko ay panaginip lang ‘yon, pero totoo pala talaga.
Nakaramdam naman ako nang mabigat na tingin mula sa malayo. Ramdam kong tinitingnan nito ang legs ko, at hindi ko alam kung bakit tila gumapang ang init sa aking katawan.
Mabuti na lamang, dahil tapos na akong mag-text. Kaya napalingon ako kay Vaughn na ngayon ay nakasandal sa pintuan ng banyo.
Nakahalukipkip siya, at madilim ang mga mata na ngayon ay nakatitig sa akin.
Hindi ko alam kung bakit, pero napalunok na lamang ako, at hindi magawang ilihis ang aking mga mata.
“Come here,” utos niya sa kabila ng kaba, at init na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Na kahit nakatitig lang siya sa akin, bakit pakiramdam ko ay kinokontrol niya ang katawan ko?
Inilapag ko ang cellphone sa kama, at mabilis na lumapit sa kaniya. Pero hindi ko inaasahan ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking leeg nang tumigil ako sa harapan niya.
“Good girl, huh?”
Napasinghap ako nang mapagtanto ang kaniyang ginawa, pero sumilay lamang ang ngisi sa kaniyang labi. Ipinulupot naman nito ang kaniyang bisig sa aking baywang para lang hapitin ako palapit sa kaniya.
Kaya nailapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib, habang hinahabol nang bahagya ang aking hininga.
Nakatingala ako sa kaniya, habang siya ay nakayuko nang kaunti. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako pinalapit sa kaniya, pero ang nakapagtataka ay kung bakit naman ako sumunod.
“Open your mouth.”
Napakurap ako. Parang hindi makapaniwala na sasabihin niya ang bagay na ‘yon.
“Bakit ko naman ‘yan gagawin?” namamaos na boses kong tanong sa kaniya.
“Just do it.”
Napalunok ako, at alam kong napansin niya ‘yon, dahil umigting muli ang kaniyang panga.
Kaya kahit na nagtataka ako, ibinuka ko ang aking bibig nang kaunti, at hinintay kung ano ang kaniyang gagawin.
Ngunit bago pa ako makapag-isip nang maayos, kaagad niyang tinawid ang espasyo sa pagitan namin, at basta na lamang ipinasok ang kaniyang dila sa aking bibig.
Napaungol naman ako, at hindi inaasahan ‘yon. Tumayo ang mga balahibo sa aking katawan, at nahigit ko rin ang aking hininga.
Ngunit aaminin kong mas lalong nag-init ang aking katawan sa hindi malamang dahilan.
Parang nawalan na rin ng silbi ang air conditioner, dahil sa nangyayari sa amin ngayon.
“Fuck!” he groaned when he finally found my tongue.
Nakipaglaro ‘yon sa akin, pero habang ginagawa niya ‘yon, unti-unting nawawala ang aking lakas, at tuluyan na lamang ipinikit ang aking mga mata para lang hayaan ang sarili na makipagsabayan sa kaniya.
Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewNakatitig lang ako kay Vaughn, at napaiisip kung bakit parang ang gaan yata ng kaniyang presensya ngayon. Nandoon pa rin naman ang bigat, pero hindi kagaya ng bigat na nakasanayan ko noong una ko siyang nakilala.“Bakit parang ang ganda ng mood mo?” tanong ko kay Vaughn nang tumigil kami sa isang pinto.Bitbit niya ang mga gamit ko sa kabila, habang ang isang bisig naman niya ay nakapulupot sa aking baywang.Napakurap ako, hindi mapigilang titigan ang multong ngisi na lumilitaw sa kaniyang labi.Napasulyap naman siya sa akin, at tinanggal ang pagkapulupot ng bisig niya sa aking baywang. Binuksan niya ang pinto, habang nakatitig sa akin.“What?”Kumunot ang aking noo, at nakatitig lamang nang mariin sa kaniya. Pilit ko siyang binabasa, ngunit wala akong makuhang sagot.“Ano ba kasi ang nangyayari?” pangungulit ko sa kaniya, hanggang sa natawa na lamang siya.Mas lalo akong naguluhan. Bakit kasi siya tumatawa kung hindi naman ako nagpapatawa?Halos
Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewHindi ko alam kung ilang beses ko bang ipapaalala sa kaniya ang tungkol sa pagiging personal assistant ko.Hindi ganito ang relasyon ng boss, at empleyado. Kaya hindi ko naintindihan si Vaughn kung bakit hindi niya makontrol ang sarili niya.Alam naming pareho kung ano ang mayroon kami. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay aabusuhin ko na ang lahat.“Sir,” pukaw ko sa atensyon niya, dahil panay lagay siya ng pagkain sa pinggan ko.Kasama namin sa hapag ang mga magulang niya, at ramdam ko ang tingin na ipinupukol nila sa amin.Wala lang nangahas na basagin ang katahimikang namayani. Kaya napalunok ako, at hinigpitan ang pagkahahawak sa aking tinidor.Sumulyap sa akin si Vaughn. Salubong ang kaniyang mga kilay, at tila hindi nagustuhan ang lumabas sa aking bibig.Hilaw lamang akong ngumiti sa kaniya, at sinubukang agawin sa kaniya ang serving spoon.“Kaya ko po,” mahinang sambit ko, sapat na para marinig niya.Ngunit nang kunin ko sa kaniya ang ser
Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewHindi ko naman maiwasang mapahugot nang malalim na hininga. Kasalukuyan akong nagtitipa ngayon sa laptop, pilit inaabala ang sarili ko sa pagtatrabaho, kahit wala naman akong trabaho talaga.Kaaalis lang ni Vaughn. Nagpunta na siya sa study room ng kaniyang ama, habang ako ay naiwan dito sa living room.May mga pagkain naman, pero parang hindi ko kayang kumain lalo pa’t naalala ko kung paano ipatong ni Vaughn ang kaniyang kamay sa aking hita.“Nakakahiya talaga,” bulong ko, at itinigil ang pagtitipa.Ipinikit ko nang mariin ang mga mata, at napahugot nang malalim na hininga. Kinagat ko rin nang bahagya ang aking ibabang labi, at napailing na lang.Alam ko naman na hindi ko dapat ‘yon ginagawang big deal, pero Mommy niya kasi ‘yon! Totoo rin naman kasing wala kaming relasyon ni Vaughn. Kaya nakaiinis lang na ganoon ang ginawa niya.Napahilamos na lamang ako ng aking mukha, at hindi mapigilang mapasulyap sa cellphone ni Vaughn. Ibinigay niya ‘yon s
Soleia Eirlys Servania’s Point of View“Vaughn,” bati nang isang ginang nang makarating kami sa kanilang living room.Lumapit naman kaagad si Vaughn sa kaniya, habang ako naman ay hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan lalo na nang magtama ang aming mga mata.Humalik si Vaughn sa kaniya, ngunit hindi kailanman inilihis ng babae ang kaniyang mga mata sa akin.Napalunok na lamang ako, at hindi mapigilan ang paghugot nang malalim na hininga para pakalmahin ang aking puso.“Who is she?” tanong niya nang makatayo nang maayos si Vaughn.Sumulyap naman sa akin si Vaughn, at nang napansin niyang hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan, lumapit siya sa akin.Nagawa pa niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang na siyang nagpalaglag naman ng aking panga.“Mom, she’s Soleia Eirlys Servania, my personal assistant.”Napakurap naman ako lalo na nang humaplos ang kaniyang kamay sa aking baywang. Hindi ko alam kung nagawa ba ‘yong tingnan ng kaniyang ina, pero nag-init ang aking mga pisngi
Soleia Eirlys Servania’s Point of View“Bakit kasama ako?” gulat na gulat kong tanong sa kaniya.Alam kong personal assistant lang naman ako ni Vaughn, at hindi naman talaga ako kasama kung hindi naman related sa trabaho ko ang ganoon.Sa kaniya mismo nanggaling na tungkol lang talaga sa trabaho namin ang ginagawa ko. Hindi kasali ‘yong pagluluto ng mga pagkain niya, o paghuhugas ng mga pinagkainan. Ngunit dahil ‘yon lang ang magiging kabayaran ko sa pagpapatira niya sa akin dito sa kaniyang condo, at hinahayaan akong kumain ng mga gusto ko. Pero ‘yong sasamahan ko siya sa pagpunta sa bahay nila? Ibang usapan na ‘yon.Hindi siya sumagot. Ang tanging naririnig lang talaga ngayon ay ang ingay ng blower. Paulit-ulit niyang pinadadasahan ang kaniyang kamay sa aking buhok. Nakatitig lang ako sa kaniyang repleksyon sa salamin, at hindi maiwasang mamangha lalo pa’t seryoso lamang siya sa kaniyang ginagawa.Hindi ko nga alam kung balak, o gusto pa niyang sagutin ang katanungan ko sa kaniya.
Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewSa tuwing nangangalay ako, siya ang mismong gumagalaw. Kung hindi man siya, ako ang iaangat, at ibaba niya.Totoo naman kasing nakangangalay ang aming ginagawa. Isa na rin siguro sa dahilan ay hindi ako sanay sa kaniya.Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi nang bigla na namang dumampi ang kaniyang kamay sa aking puwet.“Pagod ka na?” tanong niya sa akin na siyang nagpasinghap naman sa akin. “Sino ang nagsabi sa ‘yong puwede kang mapagod?”“Vaughn!”Malapit na ako. Ramdam ko ang pamilyar na kiliting namumuo sa aking puson. Pangalawang beses ko na ‘yon kung sakali man, habang si Vaughn, hindi pa niya naaabot ‘yon.“Pagod na ako,” reklamo ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Hindi naman ako nagsisinungaling. Ramdam ko pa ang hapdi ko, dahil nga sa nangyari sa amin kanina. Bakit naman kasi nasundan kaagad? Gusto ko lang naman siyang pakalmahin, ngunit dahil sa kaniyang kagustuhan na pahirapan ako, wala akong nagawa.“Ang hapdi ko na,” dagd
Soleia Eirlys Servania’s Point of View“What?!” pasigaw kong sambit, at basta na lamang napalingon sa aking likuran.Biglang tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha, pero ang nakagugulat pa ay ‘yong wala siyang suot na damit.Nakapikit ang kaniyang mga mata, at halatang gusto pang matulog, per
Soleia Eirlys Servania’s Point of View“Do you want me to make you come?” he asked while I was having a hard time processing everything.The feeling of his finger teasing my clitoris is getting me dizzy. I hate to admit it, but I’m fully aware of everything. I just don’t know how to control my body
Soleia Eirlys Servania’s Point of ViewNapahugot ako nang malalim na hininga. Sinusubukan kong pigilan ang antok na nararamdaman ko, habang nasa biyahe kami.Ang tanging mabisang solusyon lamang na naisip ko ay ang kurutin ang aking sarili. Effective naman, dahil sa tuwing babagsak ang talukap ng a
Soleia Eirlys Servania’s Point of View“Please….” I begged.Pikit-mata akong bumubulong sa kung kanino. Humihingi nang tulong sa bagay na hindi ko naman alam kung para saan ba ‘yon.Mabibigat ang aking hiningang humawak sa kaniyang matigas na dibdib upang kumuha ng lakas lalo na nang umikot ang aki







