Soleia Eirlys Servania’s Point of View“What?!” pasigaw kong sambit, at basta na lamang napalingon sa aking likuran.Biglang tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha, pero ang nakagugulat pa ay ‘yong wala siyang suot na damit.Nakapikit ang kaniyang mga mata, at halatang gusto pang matulog, pero hindi ako nagkamamali na sa kaniya nanggaling ang boses na ‘yon.“Bakit ako nandito?” tanong ko na siyang nagpamulat naman sa kaniyang mga mata.“You obviously tempted the devil, woman. What do you expect? We’ll play?”Napakurap ako, at nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi. Nanlalaki ang aking mga mata, at hindi maiwasang mahigit ang aking hininga.“What did we do?” namamaos na boses kong tanong sa kaniya.Umangat naman ang sulok ng kaniyang labi, at hinigit ako lalo palapit sa kaniya. Bumigat din ang titig niya sa akin, at hindi ko naman mapigilan ang pag-awang aking labi.“Have you forgotten how you freaking beg for me to wreck you, miss?”Shit! So, totoo nga? Hindi ako nananagini
Last Updated : 2026-06-01 Read more