Sorry! Natapat ng mahal na araw HAHAHAH Iniksian ko na lang tuloy hahah. Nakonsensya ako.
JALENE“BABY!”Hindi ko pinansin ang tawag ni Frank sa akin. Ngayon naalala na niya ang endearment niya sa akin, pero nitong mga nakaraang buwan, nakalimutan niya.Binilisan ko pa ang lakad ko para makalayo sa kanya, pero naabutan niya ako nang papalabas na ako ng ospital na iyon.“Excuse me?” pagtataray ko sa kanya. Kasunod niyon ang pagtanggal ko ng kamay niya sa aking pulsuhan.“Let me explain.”“No need, Frank.” Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ka worth it na ipaglaban. Kaya makakaasa kang hindi matutuloy ang kaso sa kaibigan mong doktor para makapagpatingin ka sa kanya hanggang sa magising ka na lang na wala na kami ng mga anak mo.”“N-no. That won’t happen.”Akmang bubuka ang labi ko nang unahan niya ako.“Alam ko na ang lahat, baby. I’m sorry.”“Nag-sorry ka? Anong alam mo na ang lahat? Eh ano ’yong narinig ko, huh? At pwede ba, ‘wag kang mag-sorry sa akin dahil wala kang kasalanan sa akin. Kay Kassandra ka mag-sorry ngayon dahil iniwan mo siya ngayon. Baka mamaya tawagan ka ni
FRANKNAPAANGAT ako nang tingin para basahin ang nakalagay sa signage ng lugar na sinabi ni Jalene sa text. Clinic?Bakit kaya? Nagpapatingin din ba si Jalene dahil sa stress sa akin? Dahil ba sa kasalanan ko? Umakyat ako sa 3rd floor kung saan naroon ang clinic. May upuan sa labas kaya naupo ako roon. Hindi ko siya makita sa glass wall kaya wala pa siguro siya. Hihintayin ko lang si Jalene rito. Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Jalene kaya nainip na ako.Paano kung iniwan na talaga niya ako?Akmang tatawagan ko si Jalene nang mag-pop up ang pangalan ni Kassandra. Tumatawag siya. Hindi ko na siya nabalikan kanina kaya sinagot ko iyon. Gusto niyang makipagkita sa opisina ni dok ngayon. Hindi ko alam kung bakit.“Hi, it’s urgent. Pwede ka ba ngayon?”“I’m trying to find my wife. Would it be alright if we do this tomorrow instead?” pakiusap niya.“It’s about Jalene.”Natigilan ako. “What about her?”“Sa office na lang ni Doc. She needs us.”Dahil tungkol kay Jalene ang pag-uusa
JALENE“ANO ba ang kailangan kong gawin?” tanong ko kay Philip pagkaupo na pagkaupo.Dapat kikitain ko si Frank ngayon. Pero mas kailangan ako ni Philip dahil nga sa kasong naisampa na sa doktor na iyon.“Better brace yourself. She’s about to get served the complaint, and that means we’ll be summoned too.”“Balak ko pa naman sanang umuwi para makapagpahinga mga problema ko ngayon. Pero sige, hindi na lang muna para matapos na itong problema naming mag-asawa.”Matagal pa kaming nag-usap ni Philip dahil sa mga pinakita niya sa akin. Bukas raw ay makikipagkita ito sa mga nabiktima ng doktor na iyon. Inuna lang niya akong kitain dahil nga sa may anak raw ako na binabantayan.“Ingat,” anito nang ipagbukas ako ni Philip ng pintuan ng sasakyang nai-book ko.“Salamat,” ani ko sa kanya.Hindi naman ako galing sa bahay kaya wala akong sasakyan. Naiwan ko ang mga bata sa bahay nila Warren kaya ako lang mag-isa ngayon.Late na ako sa usapan namin ni Frank kaya nagmadali ako papunta sa lugar na si
JALENE“ANONG ginagawa mo rito?” tanong ko kay Kassandra.“Frank invited me. Bored daw siya kaya sabi ko ngayong weekend. Right, Frank?” sabay baling niya sa asawa ko.Naikuyom ko ang kamay ko sa narinig.“Jalene, let me explain. May pinaguusapan—”“Lumabas ka kung ayaw mong kaladkarin kita hanggang gate,” banta ko.“Wow. Pag-aari mo ‘to?”“Tingin mo?” Nakataas ang kilay ko. Wala kaming prenup agreement ni Frank. Basta pag-aari niya, pag-aari ko. Ngayon, kung ide-deny ni Frank ang bagay na ito, ibang usapan na.“Si Frank ang nagyaya sa akin dito kaya siya lang ang pwedeng magpaalis sa akin.”Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Kassandra. Tumingin ako kay Frank. “Mamili ka, Frank. Palalabasin mo siya o ako ang lalabas?” seryosong tanong ko.“J-Jalene…”“Frank!” Tumaas na ang boses ko. “Fine. Ihahatid ko lang siya ng Manila.”Natawa ako sa sinabi niya. “Gusto mo siyang ihatid tapos maiiwan ako dito?”“Ako ang nagsama sa kanya rito kaya ako rin dapat ang maghatid sa kanya. Mag-uusap
JALENEHindi na ako nakatiis, tumalikod ako after kong kunan sila ng litrato at video. Alam kong makikita ni Frank iyon kaya nai-save ko sa isang online storage.Pasado alas dose na nakauwi si Frank. Gising pa ako nang mahiga siya sa tabi ko. Nakatalikod ako noon sa kanya.Dati-rati, yayakap nang mahigpit siya sa akin bago matulog, pero ngayon, wala na.Naulit kinabukasan iyon at sinundan ko ulit. Same location. At kagaya kagabi, kinuhaan ko sila ng litrato at video.Naabutan ako ni Frank pag-uwi niya. Sa pagkakataong ito, inabot siya ng ala una y medya.“Late na. Bakit hindi ka pa natutulog?”“Nililibang ko lang sarili ko dahil hindi na ako nakatulog after kong magising sa pagkakabangungot.”“Tungkol saan ang napanaginipan mo?” Naupo siya sa tabi ko kaya hinarap ko siya.“Nawala ka raw sa amin ng mga anak mo,” kunwa’y sabi ko. “Sumama ka raw sa ibang babae, Frank.”Kita ko ang paglunok niya. Nahirapan pa yata siya kaya napahawak siya sa dibdib niya.“H-hindi mangyayari iyon, Jalene.”
JALENEAGAD na inangat ko ang damit ko para padedehin si Francelle nang umiyak siya. Naglakad ako at naupo ako sa couch saka sumandal para hindi ako mangalay. Antok na antok pa ako noon.Tumingin ako sa magarang wall clock, pasado alas dos na ng madaling araw pala.Akmang ipipikit ko ang mata ko nang may umilaw sa center table. Cellphone pala iyon. Hindi ko napansin dahil na kay France ang atensyon ko. Muling umilaw iyon. Sa pag-aakalang cellphone ko, kinuha ko iyon. Dahan-dahan pa ang naging kilos ko dahil gumalaw nga si Francelle na noo’y dumedede sa akin.Napakunot ako ng noo nang unang makita ang notification.Kass? As in Kassandra ba?Dahil hindi naman mahaba ang text niya, basa ko agad ang laman ng mensahe niya dahil sa preview. Tinatanong nito kung tuloy daw sa weekend.Tumingin ako kay Frank na noo’y himbing na himbing sa pagtulog.Saan ang punta nila?Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa text na iyon. Nasundan pa iyon ng “text me agad if nabasa mo ito” kaya naman kung anu