Alas kwarto ng madaling araw nang gisingin ako ni Aling Berta upang maghanda para sa gaganaping salo-salo sa mansiyon ngayong araw. Ngayon ang ikalabing-pitong kaarawan ni Young Master Luke. Nalaman kong siya pala ang bunso sa kanilang Lima.
Naglagay kami ng mga palamuti sa bawat sulok ng mansiyon at ang iba naman ay nakatuka sa paglilinis at ang iba ay sa pagluluto.
"Ilang taon ka na, Ada?" Tanong ni Ruth sa'kin. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng kurtina.
"Bakit mo naitanong?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
"Huwag mo naman akong sagutin ng isa pang tanong!" Nakangusong sagot niya.
Natawa ako ng kaonti at tinignan siya.
"18 years old." Sagot ko at bumalik na sa pag-aayos ng kurtina.
"Ang bata mo pa pala. Alam mo, sa tingin ko ay galing ka sa mayamang pamilya. Kutis-porselana ka kasi." Puna niya sa kabuuan ko habang nananatili ang titig sa'kin.
Tanging ngiti lang ang sinagot ko kaya naman napatakip siya sa kaniyang bibig.
"Adopted ako, pero kahit kailan hindi pinaramdam ng mga magulang ko na hindi nila ako kadugo." Sagot ko habang nakangiti.
Nakatitig lang siya sa'kin. Naninikip na naman ang dibdib ko nang maalala kong paano pinatay ang mga magulang ko sa mismong harapan ko.
"Nag-aaral ka?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Dati, pero nahinto simula nang mamatay ang parents ko. Kailangan ko kasing magtago sa hindi ko malamang dahilan. Ngayon ko nga lang din napagtanto na sana ay hindi na ako nagtago at hinayaan na lang na patayin din ako," maikling kwento ko sa kaniya.
"Hindi pala nagkakalayo ang nangyari sa'tin eh. Ako mula naman sa mahirap na pamilya. Isang drug pusher ang parents ko. Simula ng ipinanganak ako ay nagbago ang pananaw nila sa buhay, na ititigil na nila ang nakagawiang trabaho kahit na malaki ang pa sweldo pero nagalit si Lord Amann dahil trinaydor siya ng mga magulang ko. Natakot ang mga magulang ko kaya ako ang ginawa nilang pambayad sa malaking pagkakautang nila kay Lord Amann," mahabang saad niya naman.
Napatigil kami sa pagkukwentuhan ng dumaan sa harapan namin si Young Master Seijun na nakasuot lamang ng shorts at may tuwalya sa kaniyang balikat.
"You." Sabi niya sabay turo sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at yumuko.
"Young Master, ano po iyon?" Tanong ko, sinusubukang maging magalang.
Lumapit siya sa'kin at mas lalo kong napagmasdan ang napaka-gwapo niyang mukha.
"Follow me outside!" Utos niya at nagpaunang lumabas.
Nang makalabas ay nakita ko siyang umupo habang nakatanaw sa pool na sinisikatan ng araw.
"Massage me." Utos ni Young Master Seijun kaya agad naman akong tumalima sa kaniyang utos. Dumapa siya kaya kita ko ang malaking dragon na tattoo niya sa likod.
Patagal nang patagal ay namumula ang mestizo niyang kutis dahil sa init ng araw habang ako ay tagaktak na ang pawis.
"I guess you're new here." Panimula niya.
"Opo, kahapon lang po ako nakarating dito," mahinang sagot ko.
"I guess 'cause, kahapon lang kita nakita." Sambit niya at humarap sa'kin.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka siya ngumisi.
"Dad, spare your life for only one reason. I am thinking that he might use you as a surrogate mother for his new child." Sambit niya habang umiling-iling.
Rumehistro ang gulat sa mukha ko matapos marinig iyon. Nakatitig pa rin siya sa'kin.
Maya-maya ay tumawa ito na ikinakunot ng aking noo.
"Just kidding, slave." Sambit niya at tumalon na agad sa pool.
Akmang tatalikod na sana ako nang tawagin niya akong muli.
"Come here, join me!" Saad niya habang nakasilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga mapupulang labi.
Sa hinuha ko ay kahit sino ang pinapatos ng lalaking ito. Isang babaero kung tawagin.
"May gagawin pa po ako, Young Master." Sagot ko at yumuko.
"Come on!" Sambit niya at tumawa. Binasa niya pa ako ng tubig.
Ngunit natigil iyon ng may nagsalita mula sa likuran namin.
"Spare her, Seijun. We have something to talk about." Sambit ng lalaking may malamig na boses.
Nang lingunin ko iyon ay si Young Master Evan pala. Nakasuot siya ng itim na shorts at may tuwalya ring nakasampay sa kaniyang balikat.
Nagkaabutan ang mga mata namin. Hinagod niya pataas ang mahabang buhok at nilampasan ako.
"What now, fox?" Sarkastikong tanong ni Seijun.
"Slave, get your ass out of here." Utos ni Evan sa akin kaya naman agad akong tumalima paalis. Ngunit bago ako tuluyang makaalis ay napatingin ako sa tattoo ni Young Master Evan na nasa batok niya.
It's a fox.
Sa pagsapit ng alas siyete ng gabi ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga bisita na halatang malalaking tao. Magagarbo ang kanilang mga kasuotan na animo'y mga hari at reyna sa isang kaharian.
Si Young Master Shin, nakasuot ng asul na suit.
Si Young Master Seijun na nakasuot ng suit na kakulay ng kaniyang buhok.
Si Young Master Shawn na nakasuot ng itim na suit.
Si Young Master Luke na nakasuot ng kulay kremang suit.
At si Young Master Evan na nakasuot ng kulay pulang suit.
Para silang mga diyos. Matatangkad, mga gwapo, at ang lalakas ng kanilang mga dating. Si Shawn ang madalas makipag-usap sa mga bisita ukol sa mga resorts na kanilang negosyo. Siya pala ang panganay sa lima kaya naman sa kasalukuyan, siya ang acting CEO . Napatingin ako sa pangalawa sa magkakapatid na si Young Master Shin. May mga kausap siyang mga lalaki na ubod din ng gwapo. Nagtatawanan sila habang may hawak na kopita. Ang pangatlo sa magkakapatid naman ay si Young Master Seijun. Hindi na ako nagulat nang makitang may kandong siyang dalawang kababaihan at nagtatawanan sila habang nagbubulungan.
Napailing-iling ako sa nasaksihan. Tama nga talaga ang hula ko na matinik sa babae ang isang iyon.
Ang bunsong si Young Master Luke na siyang dahilan kung bakit nagtitipon-tipon ang malalaking personalidad sa kanilang mansiyon na hindi ko akalain na labing-pitong taong gulang pa lamang. Siya ang pinakamaliit sa lima ngunit kung itatabi siya sa kaniyang mga kaedaran ay masasabing masyado siyang matangkad para sa kaniyang edad.
Sa sulok naman ay nakaupo ang lalaking may hawak na kopita na naglalaman ng wine. Mag-isa siya at walang pakialam sa paligid. Hinagod niya pataas ang iilang hibla ng kaniyang buhok na tumakas mula sa kaniyang pagkakatali.
Sa lahat ng magkakapatid ay siya ang nakakalamang pagdating sa hitsura. Masyadong perpekto ang kaniyang mukha at nakakadagdag sa kaniyang dating ang mahaba niyang buhok at kulay kapeng mga mata.
Nagulat ako nang magtama ang paningin namin. Agad akong nag-iwas ng tingin habang dala-dala ang mga pinggan na wala ng laman ngunit sa pagtalikod ko ay nakabangga ako ng babaeng may magarbong kasuotan.
"Oh my God!" Sigaw ng napakagandang babae. May kaunting mantsa sa puting-puti niyang damit.
"Sorry po, madam...Hindi ko po sinasadya!" Paghingi ko nang paumanhin ngunit mas lalo siyang nagalit. Gumawa ito ng eksena dahilan upang ang atensyon ng mga tao ay nasa amin na.
Akma niya akong pagbubuhatan ng kamay ng wala akong maramdaman. Nang magmulat ako ng mga mata ay nasa harapan ko si Young Master Evan. Hawak niya ang nanginginig na kamay ng babae.
"Get your hands off of our slave!" ma-awtoridad na sabi niya.
"How dare you, Evan?? She did something wrong to me, and now you're defending her?!" galit na galit na sabi ng babae.
"Margarette, enough!" Sigaw ng lalaking sa tingin ko ay nasa edad singkwenta pataas.
"What the heck, dad?!" galit na galit na sabi ng babae kaya naman kinaladkad lamang siya ng lalaking tinawag niya na Dad.
Nilapitan kami ni Young Master Shin at masama ang tingin nito sa'kin.
"What are you doing, Evan? You should have let Margarette slap that slave!" Sabi ni Shin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Kababakasan ang inis sa kaniyang ekspresyon.
Nanliit ako sa mga tingin niya. Buong buhay ko ay hindi ako minaliit ng kung sino man. Naramdaman kong nagsimulang manubig ang aking mga mata.
"Excuse po." Sabi ko at akmang aalis na nang hulihin ni Young Master Evan ang braso ko at walang salitang kinaladkad niya ako palayo sa party. Tinawag pa siya ng mga kapatid niya pero hindi siya lumingon.
Nakatitig lang ako sa kaniya at sa kamay naming dalawa na magkahawak. Nang marating namin ang sasakyan niya ay itinulak niya ako dahilan para madapa ako.
"You fucking careless!" Sambit niya habang nakatitig sa akin. Bakas ang inis sa kaniyang boses.
Nakita kong nagbago ng kaonti ang ekspresiyon niya na nagpahanga sa akin ng husto, dahil simula nang makarating ako sa mansyon ay ang blangkong eskspresyon sa kaniyang mukha ang palagi kong nasisilayan.
Hindi ako tumugon at nanatiling nakatitig lamang sa kaniya.
"Tsk!" inis niyang sabi nang makitang nakatitig ako sa kaniya. Binuksan niya ang sasakyan niya at pinapasok ako.
Nag-drive siya palayo hanggang sa narating namin ang tabing-dagat. Napansin kong medyo tipsy na siya kaya naman kinabahan ako.
"S-Salamat po sa pagtatanggol sa akin ka—" hindi ko na nagawang tapusin nang magsalita siya.
"I didn't defend you. I just used you to get rid of that party." Sambit niya gamit ang malamig na boses.
"A-Ah sorry po," ang tanging naisagot ko.
"Dad wants me to be engaged with Margarette, the woman we encountered earlier." Sabi niya.
Hinubad niya ang suot na coat at ginawa iyong sapin sa buhangin. Nakaupo lang ako sa tabi niya habang nakikiramdam sa paligid. Madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang aming tanglaw. Malamig din ang simoy ng hangin.
"M-Maganda naman po siya at m-mayaman. B-Bagay naman ho kayo." Saad ko. Hindi ko alam kung tama ba ang isinagot ko sa sinabi niya.
"I want to marry a woman that my heart wants. I don't want to rush marriage. Anyone can be married even though they are not devoted to each other. They can even bear a child without any affection," malamig niyang saad.
Napatango ako kasi parang may pinanghuhu- gutan siya.
Napatitig ako sa napakatangos niyang ilong, mahahaba, at malalantik na mga pilikmata. Nang humampas ang mahinang hangin ay inilipad nito ang iilang hibla ng kaniyang buhok.
Para siyang diyos, hindi ko mapigilang humanga.
"Just like what my dad and mom did. They don't even know each other, and here I am, kneeling in front of my Mom every day for her to accept me as her child, but she never did. Palagi niyang sinasabi na, I was just a fruit of a lifetime deal." Sambit niya sa mahinang boses at makalipas ang ilang minuto ay hindi na siya nagsalita. Nang tignan ko siya ay mahimbing na siyang natutulog.
Tunog ng iba't-ibang uri ng apparatus machine ang gumising sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad kong nasilayan ang puting kisame kasabay ng nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw na nakakabit doon."Reynan, gising na siya!" Narinig ko mula sa aking kanan ang tinig ng isang babae. "I'll call the doctors." Sagot ng boses ng isang lalaki.Nanatiling nakatulala ako sa kisame at hindi maggawang igalaw ang aking katawan. Ramdam ko rin ang swero na nakakabit sa aking isang kamay at iilang benda sa aking mukha. Malamig, amoy medisina, at sadyang maaliwalas ang paligid.Maya-maya ay narinig ko ang mga nagmamadaling yabag ng mga paa. Naramdaman ko na lamang na bahagya at puno ng pag-iingat na itinataas nila ang aking mga kamay upang masuri ako ng maayos."For almost a month, finally naggising na siya." ani ng isang doctor at muling isinuot ang kaniyang stethoscope.Anong nangyayari?Matapos ang mahaba nilang pag-uusap sa wari mag-asawang nasa aking gilid ay nagpaalam na sila sa isat
Ilang oras na lamang ay mag-uumaga na, ngunit hindi pa rin ako nakararamdam ng antok sa kabila ng pagod ng aking katawan. Hindi mawala-wala sa aking isipan ang katotohanang nakakubli, at hindi ko rin alam kung paano ko ito matutuklasan.Ano ang nangyayari sa akin?Bumangon ako at isinuot ang aking tsinelas. Hindi ko na rin inabalang itali ang buhok ko, hinayaan ko na lamang itong nakalugay. Nakasuot ako ng kremang pantulog habang binabaybay ang mahabang pasilyo pababa ng hagdanan.Maybe if I drink milk, I might fall asleep.Mabagal at may pag-iingat ang bawat hakbang ko. Tumungo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa dining hall at pinakiramdaman ang paligid.Mula sa nakabukas na sliding door ng pool area, naaninag ko ang pamilyar na anyo ng isang tao. Nakatalikod siya, may hawak na wine glass, at nakasuot ng puting pantulog habang nakatanaw sa malayo.Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang aking mga paa papalapit sa kanya. Wala akong nararamdaman
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pamamaril sa mansyon ni Lord Amann. Matapos kung mawalan ng malay sa araw na iyon ay natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa isang malambot na kama.Mabigat at masakit ang buong katawan ko. Nakapa ko pa na mayroong mga benda ang aking mukha, mga braso, mga binti, at may sweras din na nakakabit sa akin. Ayon kay Manang Berta ay halos bente-kwarto oras akong nakatulog.Kaonti lamang ang nakaligtas sa amin sa pagsabog at nagpapasalamat ako na kabilang doon sina Manang Berta, Ruth, Lourdes, at mahigit limang kasambahay. Sa kasamaang palad ay marami ang nasawi.Kasalukuyang nasa ospital pa si Young master Luke. Sina Young master Evan ay hindi raw masyadong napurohan dahil agad itong nakaiwas matapos ang paghagis ng granada.Napag-alaman na ang namamaril sa mansyon noon ay isa sa mga business partners ni Lord Amann. Si Lord Amann naman ay agad na lumikas at naririto kami ngayon sa isa sa mga hideout niya sa East. Tago, payapa, at wa
Abala kami nina Ruth at Lourdes sa paglalaba kasama ang iba pang kasambahay sa mansyon. Nabalitaan ko rin na naggising na si Young master Evan matapos itong mawalan ng malay, dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya matapos masaksak sa tagiliran. Mabuti na lang talaga at hindi natamaan ang internal organ na nasa gawing iyon.Habang yakap niya ako sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na lamang na bigla siyang nawalan ng malay. Habang akay-akay siya ay napapansin kong may mga dugong naiiwan sa sahig na nadadaanan namin. Huli ko nang napagtanto na nasaksak pala siya ng isa sa apat na lalaking armado na nakaharap niya matapos niya akong patakasin.Nalaman ko ring binaril niya ang mga iyon dahilan upang mapaslang ang mga ito. Silencer naman ang gamit niya na baril sa pagpaslang sa lalaking hila-hila ako sa buhok kaya hindi ako nakarinig ng tunog noon nang barilin niya ito.Si Lord Amann at si Young master Shawn ang kaniyang mga pangunahing blood donor. May mga ilan pa silang sinuhulan up
Maaga akong naggising dahil isa ako sa walong kasambahay na sasama sa underground transaction na gaganapin sa tagong emperyo ni Lord Amann. Kapwa nakasuot kami ng puti na pang-itaas at pang-ibaba, naka-face mask at gloves din. Sa unang tingin ay nagmumukha kaming mga nurses sa isang ospital."Don't you ever cry again." narinig ko ang boses ni Young master Evan nang mahuli ako sa pagpasok sa van na maghahatid sa amin. Nakasuot siya ng itim na suit na para bang dadalo sa isang malaking okasyon.Hindi na ako sumagot.Naalala ko na naman kasi ang huling tagpo namin noong isinama niya ako sa isa sa kanilang mga hideout. Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa biyahe at hindi ko rin maintindihan kung bakit sa mga oras na iyon, ay pakiramdam ko ay walang harang sa gitna namin. Para bang pantay ang antas ng aming buhay.Nakabalik kami noon sa laboratoryo ng walang imik at minsan ay nahuhuli kong tumitingin sa akin ngunit nawalan ako ng paki. Nasaktan ako ng labis sa mga tinuran niyang
Sabay-sabay kaming napalingon lahat nang marinig ang sigaw mula sa mga lalaking nakaitim. Halos isang libong pakete na ang na-packed namin ngunit malayo-layo pa sa nasabing quota. Napag-alaman ko rin mula sa narinig na pag-uusap na mga kliyente mula sa Nigeria, America, Thailand, at Vietnam ang mga nag-purchased. Sa katunayan ay may mga orders pa na hindi na-rereplyan.Malakas ang kitaan kaya hindi maubos-ubos ang kayamanan at pera ni Lord Amann."Kailangan namin ng isa sa inyo na sasama kay sir Evan sa secret hideout sa North para kumuha ng iilang mga kakailanganin pang ingredients dahil nagkaubusan," malakas ang boses na sabi ng lalaki.Sinuyod niya ang mga mata niya sa amin isa-isa at nahinto iyon nang sa akin na siya nakatingin. Nagulat ako nang ituro niya ako kaya natigil ako sa ginagawa."Bago ka rito?" Tanong niya dahilan upang mapatango ako.May kutob ako na baka ako ang piliin niyang pasamahin."Ikaw na ang sumama at nang maranasan mo." Sambit niya.Hindi agad ako nakagalaw sa