Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2025-07-20 16:53:02

Naggising ako nang maramdaman ang mahinang pag-uga sa aking mga balikat ng kung sino man. Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mukha ni Ruth. Basa rin ang buhok niya na halatang kakasuklay pa lamang. Pipitikin na sana niya ang noo ko nang hawakan ko ang kamay at agad na napabalikwas ng bangon.

"Tulog mantika ka kasi, Ada." Kumakamot na sabi ni Ruth.

Naalala ko ang nangyari sa nagdaang gabi nang maabutan ko si Young master Evan sa gazebo. Ang tagpo namin nang bigla niyang hapitin ang aking baywang at sabihin ang mga katagang hindi ko inaasahan.

"Dalian mo Ada, kasi pinapatawag tayong lahat ni Lord Amann sa baba," dagdag ni Ruth na nagpabalik sa akin sa sandaling pagkawala sa ulirat.

Napatingin ako sa orasan at napagtantong tatlong oras pa lamang ang aking itinulog. Ala una na ng madaling araw ako nakatulog kagabi matapos kong iwan si Young master Evan sa gazebo nang mapansin kong mahimbing na siyang natutulog sa aking dibdib habang nakaupo.

Dahan-dahan ko siyang inihiga ng pahilata at dali-daling umakyat sa kwarto nang mapansin ko si Young master Seijun na bumaba rin mula sa kaniyang kwarto at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig. Pupungay-pungay pa ang mga mata nito suot ang pantulog na kasuotan. Nang makaalis siya ay dalos-dali akong umakyat ng silid at pinilit ang sariling matulog.

"R-Ruth, may tanong lang ako," panimula ko habang nagliligpit na ng higaan.

"Sige, ano ba 'yan?" Sagot niya na nagtatali na ng buhok.

"Nagdala na ba rito noon ng babae si Young master Evan?" Tanong ko, sinikap na huwag mautal at magtunog natural lamang.

Napangisi si Ruth at tinitigan ako ng may halong malisya dahilan upang samaan ko siya ng tingin.

"Crush mo ba siya kaya ka curious sa love life niya?" malisyosang tanong niya dahilan upang iwasan ko ang mapanuya niyang mga tingin.

"Nagtatanong lang naman... Siya kasi ang pinakakakaiba sa kanilang lima base sa napapansin ko," pinanatili ko ang pagiging kalmado habang patuloy na nagtutupi ng mga ginamit ko sa pagtulog.

"May punto ka naman." Tumango-tango siya bago nagsalita ulit. "Babaeng dinala?...Hmmm... May narinig ako dati na nagkaroon ng nobya iyang si Young master Evan pero hindi niya nadala rito dahil tutol si Lord Amann." Sagot niya dahilan upang mas lalong tumintindi ang kuryosidad na nararamdaman ko.

"Tutol?" Tanong ko, sa mga pagkakataong iyon ay tumayo na ako at hinagilap ang sabonera sa ilalim ng kama.

"Kaaway ni Lord Amann ang pamilya ng babae... Siguro mahigit limang taon na ang nakakalipas simula nang patayin ni Lord Amann ang mga magulang nito," kuwento ni Ruth na nagsisimula nang magsuot ng stocking at flat shoes niya. "Ayon, nadamay ang babae, nagpakalayo-layo sa tulong ni Young master Evan... Handa nga raw talikuran ni Young master ang pamilya niya para sa babaeng iyon kaya ang ginawa ni Lord Amann ay pinahanap niya ang babae sa mga tauhan niya, ngunit napag-alaman nila na na-amnesia pala ito at limitado lamang ang naaalala...Hanggang diyan lang naman ang nalalaman kong kuwento... Kung gusto mo nang buong-buo ay tanungin mo iyong kapatid ni Aila, si Suzette ba...Isa siya sa mga kasambahay ng babaeng karelasyon noon ni Young master Evan," mahabang sabi ni Ruth habang inaayos ang postura sa harap ng salamin.

"Pinatay ba ni Lord Amann ang babae?" Tanong ko, hindi ko na naitago ang interes.

"Hanggang doon nga lang ang alam kong kwento...Si Lourdes lang din naman ang nag-kwento sa akin niyan." Nakangusong sagot ni Ruth.

Naantala ang pagkukwentuhan namin nang biglang pumasok sa kwarto si Lourdes. Basa pa ang buhok at nakabihis na siya. Hindi pa nakakapagsuklay dahil may nakaikot pa na maliit na tuwalya sa buhok nito.

"Maligo ka na Ada, baka ay mapagalitan tayo ni Manang Berta." Sambit ni Lourdes dahilan upang dali-dali akong mapatayo at agad na nagtungo sa banyo para maligo.

Habang nagsasabon ay doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat.

Hindi totoong asexual si Young master Evan. Siguro ay ganoon lamang siya pero base sa kuwento ni Ruth ay may karanasan naman pala ito sa pakikipagrelasyon. Ang mga sinabi niya sa akin kagabi ay ang kaniya pala iyong nararamdaman.

Miss na miss na niya yata ang dating nobya idagdag pa ang katotohanang tutol ang Daddy niya sa relasyon nila, magkaaway ang mga pamilya nila at ang ama niya pa ang dahilan kaya nawalan ng mga magulang ang babae. Iniisip ko pa lamang ang bigat ng nararamdaman ni Young master Evan ay hindi ko mapigilang mapanikipan ng dibdib. Hindi rin lang iyon ang laman ng isip niya. Nais din niya ang pagtanggap at pagmamahal mula sa ina.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon siya kalamig.

Ngayon ay naiitindihan ko na kung bakit pinipili niya ang tahimik na lugar dahil mas nakakapaglakbay ang isipan niya.

Pero naiisip ko rin, paano kaya siya kung magmahal? 

Ngumingiti kaya siya? Nagkakabuhay kaya ang mga mata niya? 

Kasi simula nang mapadpad ako rito sa mansyon nila, ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita iyon.

Matapos ang ilang minutong pagligo at pagbibihis sa loob ng banyo ay lumabas na ako upang magtungo sa kwarto. Nagtaka pa ako nang makita ang mga itsura nilang lahat base sa ayos nila. Kapwang nakasuot sila ng itim na gloves at black na face mask. 

"Ada, ito ang sa'yo." Inabot sa akin ni Lourdes ang isang pares ng black gloves at face mask dahilan upang tapunan ko sila ng nagtatakang ekspresiyon.

"First time mo ito kaya wala kang ideya... Tayong lahat ay tutungo sa underground empire ni Lord Amann...Kailangan nating magsuot ng ganito dahil doon ay magrerepack tayo ng dr*ga...Nandoon na rin si Young master Evan kasama ang ibang mga eksperto sa paggawa nito," mahabang paliwanag ni Lourdes.

"T-Tayo?... mag-r-repack ng dr*ga? Bakit kailangang tayo pa?" Puno ng pagp-protesta na tanong ko.

"Dahil mga alipin nila tayo rito, may magagawa ba tayo? Kahit magtago tayo sa saan mang sulok ng mundo ay mahahanap din naman nila tayo... Baka nga ay hanapin lang at patayin agad kasi ano bang halaga ng katulad natin sa kanila?" Sagot niya sa kaswal na tono.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Napayuko ako habang pinagmamasdan ang mga bagay na ibinigay niya sa akin.

Totoong mga alipin kami nila dahil kami ang kabayaran sa atraso ng mga magulang namin pero hindi ko akalain na ganito pala ang paraan ng pagbabayad ng utang na iyon.

Maya-maya ay pumasok si Manang Berta sa pintuan, nakasuot na siya ng gaya sa amin at sinenyasan kami na magmadali dahil paalis na ang sasakyan namin. Agad din siyang bumaba upang magpunta sa ibang silid ng mga kasambahay sa mansyon na sasama rin.

"Ada, halika na." Hinawakan ni Lourdes ang isa kong kamay. Nang mapansing hindi ako gumagalaw ay huminga siya nang malalim at umupo sa tabi ko.

"Ada, halika na. Baka magalit si Lord Amann at si Manang Berta pa ang kagalitan," mahinahon ang boses na sabi niya.

Doon ako napatayo. Malamang sa malamang ay si Manang Berta ang masisisi dahil sa kaartehan ko na ayaw kong mangyari. Ayokong mandamay ng ibang tao.

Bumaba kaming tatlo ni Ruth at Lourdes sa may sala. Napansin namin na kami nalang ang hinihintay kaya nang makita nila na naroroon na kami ay nagsilabasan ang lahat sa trangkahan at inokupa ang tatlong itim na mga van na naghihintay sa labas nito.

Mga lalaking naka-itim ang siyang magmamaneho sa mga sasakyan. May mga baril sila sa tagiliran at mga wokie-talkie sa kani-kanilang mga bulsa. 

Naupo kaming tatlo sa harapan habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatahak ng sasakyan kung saan kami lulan. Hindi masyadong maaraw at maaliwas din ang paligid sa mga oras na iyon.

"Ada, kapag nakapasok na tayo roon ay huwag na huwag kang magsasalita." Habilin ni Ruth.

Hindi na ako nagtanong at tumango na lamang.

Dumaan kami sa isang liblib na kalsadang walang kabahayan na nadaraanan. Mga naglalakihang puno lamang ang naroroon na hindi ko napigilang tignan habang umaandar ang sasakyan palagpas. Tinahak din namin pagkatapos ang makipot na daan at pagkalagpas namin doon ay bumungad sa harap ng van ang napakalaking gate.

Al Monleon Rest House.

Upang mapagtakpan ang illegal na kalakalan ay ginawa nilang Rest House in disguise ang Emperyo ni Lord Amann kung saan ginagawa ang dr*ga. Mahirap itong tuntunin dahil sobrang liblib at hindi mag-aakala ang sino man na may nakatago pa lang mansyon dito.

Huminto ang van namin sa harapan ng malaking gate kaya iyon na ang hudyat upang magsilabasan kami sa loob. Binuksan ito at doon ay sabay kaming nagsipasukan.

Sumunod kami sa lalaking nauuna nang tahakin niya ang natatagong pintuan sa rumaragasang fountain. Itinaas ko ang manggas ng suot kong damit maging ang paghubad ng flat shoes ko upang makapasok roon. Parang isang tunnel ito nang masilayan ko matapos makapasok sa sikretong pintuan.

Ilang minutong lakaran ay narating namin ang napakalawak na laboratoryo. 

Tunog ng mga klase-klaseng mga machines ang maririnig at makikita sa paligid. Napalingon ako sa mga kasamahan ko na lumapit sa isang malaking garapon na may pinong-pino, puting-puti na parang asin. Kumikinang ito nang matamaan ng ilaw na nagmumula sa chandelier sa kisame.

Pinanood ko sila habang inilalagay sa maliliit na plastic na hindi rin pangkaraniwang klase. Parehong mga walang imik, tutok sa ginagawa, at pulido ang bawat kilos.

Matagal na nila itong ginagawa panigurado.

Ngunit nakuha ng atensiyon ko ang dalawang lalaking nag-uusap sa harapan ko. Purong mga Amerikano na parehong nakasuot ng lab coat.

"Evan just told me to rest and continue the process of making later." ani lalaking nakasalamin habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit.

"So we're expecting a lot of orders?" Tanong ng isang may kulay asul na mga mata.

"Yeah, I guess. Evan said that we need to hit the 2 Zillion quota." Sagot ng isa.

"Ada, halika rito." Narinig ko ang pagtawag ni Ruth kaya natanggal ang paningin ko sa dalawa. Dali-dali akong lumapit sa kaniya nang mapansin na nakatingin sa akin ang ibang kasamahan namin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng mga mata ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng lab coat.

Hinagod niya pataas ang iilang takas na mga hibla ng kaniyang hanggang balikat na buhok. Nakasuot siya ng salamin at kahit paman sa kalayuan ay alam kong ang mga mata niya ay nakatingin sa akin. Bagay na bagay din sa kaniya ang suot niya, mas lalong lumakas ang kaniyang dating at appeal para sa akin. Kahit na may kausap ay nakapako at pasulyap-sulyap siyang nakatingin.

He's really a Chemist and I think he only pursued that kind of career just to be his Dad's greatest asset. And to be a Chemist is to create a flavor of dr*g that can make their clients crave for it even more.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 7

    Sabay-sabay kaming napalingon lahat nang marinig ang sigaw mula sa mga lalaking nakaitim. Halos isang libong pakete na ang na-packed namin ngunit malayo-layo pa sa nasabing quota. Napag-alaman ko rin mula sa narinig na pag-uusap na mga kliyente mula sa Nigeria, America, Thailand, at Vietnam ang mga nag-purchased. Sa katunayan ay may mga orders pa na hindi na-rereplyan.Malakas ang kitaan kaya hindi maubos-ubos ang kayamanan at pera ni Lord Amann."Kailangan namin ng isa sa inyo na sasama kay sir Evan sa secret hideout sa North para kumuha ng iilang mga kakailanganin pang ingredients dahil nagkaubusan," malakas ang boses na sabi ng lalaki.Sinuyod niya ang mga mata niya sa amin isa-isa at nahinto iyon nang sa akin na siya nakatingin. Nagulat ako nang ituro niya ako kaya natigil ako sa ginagawa."Bago ka rito?" Tanong niya dahilan upang mapatango ako.May kutob ako na baka ako ang piliin niyang pasamahin."Ikaw na ang sumama at nang maranasan mo." Sambit niya.Hindi agad ako nakagalaw sa

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 6

    Naggising ako nang maramdaman ang mahinang pag-uga sa aking mga balikat ng kung sino man. Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mukha ni Ruth. Basa rin ang buhok niya na halatang kakasuklay pa lamang. Pipitikin na sana niya ang noo ko nang hawakan ko ang kamay at agad na napabalikwas ng bangon."Tulog mantika ka kasi, Ada." Kumakamot na sabi ni Ruth.Naalala ko ang nangyari sa nagdaang gabi nang maabutan ko si Young master Evan sa gazebo. Ang tagpo namin nang bigla niyang hapitin ang aking baywang at sabihin ang mga katagang hindi ko inaasahan."Dalian mo Ada, kasi pinapatawag tayong lahat ni Lord Amann sa baba," dagdag ni Ruth na nagpabalik sa akin sa sandaling pagkawala sa ulirat.Napatingin ako sa orasan at napagtantong tatlong oras pa lamang ang aking itinulog. Ala una na ng madaling araw ako nakatulog kagabi matapos kong iwan si Young master Evan sa gazebo nang mapansin kong mahimbing na siyang natutulog sa aking dibdib habang nakaupo.Dahan-dahan ko siyang

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 5

    Abala kaming mga kasambahay sa kusina sapagkat ayon kay Manang Berta ay nais na magdaos ni Lord Amann ng kaonting salu-salo para sa successful underground transaction na isinagawa nina Young master Evan at Young master Shawn.Apat na putahe ang niluluto namin ni Ruth. May menudo, lumpiang shanghai na paborito raw ni Young master Luke, Escabecheng Tilapia, at Adobo. Si Manang Berta na raw ang pinagdesisyon ni Lord Amann sa mga putahe. May iilang mga business personalities din na inimbitahan ang matanda upang makisalo sa kanila. Kabilang na doon ang soon to be fiancee ni Young master Evan at ang ama nito na matalik na kaibigan ni Lord Amann.Maliban sa apat na putahe ay may isang lechon din na nakadapa sa mesa, dalawang desserts gaya ng mango tapioca at leche flan na si Manang Berta pa rin ang nagdesisyon.Dalawang oras na lamang ay darating na ang mga bisita kaya kailangan na naming pagtulong-tulungan na ilabas ang mga softdrinks at mga alak. Isang payak na selebrasyon para sa patuloy

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 4

    Dalawang linggo ko ng hindi nakikita si Young master Evan at ang kapatid nito na si Young master Shawn. Wala ni isa sa amin ang nakakaalama kung nasaan ang dalawang magkakapatid. Kung hindi ako nagkakamali ay baka ay may illegal transaction na naman silang ginagawa. Hindi na bago sa katulad nilang may ganoong linya ng trabaho. Maraming hinahawakan na negosyo si Lord Amann ngunit ang illegal niyang negosyo ang pinag-uugatan ng kaniyang kayamanang hindi maubos-ubos.Nang mapadaan ako sa silid-tanggapan ni Lord Amann ay narinig ko ang malakas niyang sigaw. Dali-dali akong hinila ni Lourdes sa gilid at sinenyasan na huwag munang magsasalita. Nakarating kami sa pintuan ng guest room na mahigit iilang hakbang lamang ang layo mula sa silid tanggapan ni Lord Amann.Kapwa kami may hawak na walis at basahan ni Lourdes at parehong kakagaling lamang maglinis ng mansyon. Napansin ko rin na hingal na hingal siya idagdag pa ang pawisan niyang noo at leeg."Anong nangyari sa'yo?" takang tanong ko ha

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 3

    Hindi naggising si Young Master Evan.Nalasing talaga siya sa ininom na wine kanina, nagsarili kasi. Dahil antok na ako ay umusog ako ng kaonti. Ginawa kong sapin ang malapad na dahon ng saging at pumikit.Naggising ako nang makarinig ng tunog sa paligid. Napabalikwas ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin sa'kin ang isang lalaking may dalang lambat."Bakit ka riyan natutulog, ineng?" Tanong niya. Napatingin ako sa paligid. Umaga na at sa tingin ko ay bago pa lang nag alas sais.Wala na rin si Young Master Evan kaya nanlumo ako. Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong unipormeng pangkatulong. Ngunit nagulat ako nang may makapa sa bulsa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pera iyon at ang sapin ay hindi na dahon ng saging kun'di coat na iyon ni Evan."May nakita po ba kayong lalaki dito kanina habang natutulog ako?" Tanong ko sa mangingisda.Umiling-iling si Kuya at tumalikod."Sinipingan ka ng iyong nobyo sa tabing-dagat? Ang mga kabataan nga naman ngayon, wal

  • That Frigid Mafia!   CHAPTER 2

    Alas kwarto ng madaling araw nang gisingin ako ni Aling Berta upang maghanda para sa gaganaping salo-salo sa mansiyon ngayong araw. Ngayon ang ikalabing-pitong kaarawan ni Young Master Luke. Nalaman kong siya pala ang bunso sa kanilang Lima.Naglagay kami ng mga palamuti sa bawat sulok ng mansiyon at ang iba naman ay nakatuka sa paglilinis at ang iba ay sa pagluluto."Ilang taon ka na, Ada?" Tanong ni Ruth sa'kin. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng kurtina."Bakit mo naitanong?" Tanong ko pabalik sa kaniya."Huwag mo naman akong sagutin ng isa pang tanong!" Nakangusong sagot niya.Natawa ako ng kaonti at tinignan siya."18 years old." Sagot ko at bumalik na sa pag-aayos ng kurtina."Ang bata mo pa pala. Alam mo, sa tingin ko ay galing ka sa mayamang pamilya. Kutis-porselana ka kasi." Puna niya sa kabuuan ko habang nananatili ang titig sa'kin.Tanging ngiti lang ang sinagot ko kaya naman napatakip siya sa kaniyang bibig."Adopted ako, pero kahit kailan hindi pinaramdam ng mga magulang ko n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status