Abala kaming mga kasambahay sa kusina sapagkat ayon kay Manang Berta ay nais na magdaos ni Lord Amann ng kaonting salu-salo para sa successful underground transaction na isinagawa nina Young master Evan at Young master Shawn.
Apat na putahe ang niluluto namin ni Ruth. May menudo, lumpiang shanghai na paborito raw ni Young master Luke, Escabecheng Tilapia, at Adobo. Si Manang Berta na raw ang pinagdesisyon ni Lord Amann sa mga putahe. May iilang mga business personalities din na inimbitahan ang matanda upang makisalo sa kanila. Kabilang na doon ang soon to be fiancee ni Young master Evan at ang ama nito na matalik na kaibigan ni Lord Amann.
Maliban sa apat na putahe ay may isang lechon din na nakadapa sa mesa, dalawang desserts gaya ng mango tapioca at leche flan na si Manang Berta pa rin ang nagdesisyon.
Dalawang oras na lamang ay darating na ang mga bisita kaya kailangan na naming pagtulong-tulungan na ilabas ang mga softdrinks at mga alak. Isang payak na selebrasyon para sa patuloy na pagpasok ng pera sa kayamanan ni Lord Amann.
"Where's fox? I didn't see him around," nagtatakang tanong ni Young master Seijun.
Apat na araw ko rin siyang hindi nakita sapagkat kakarating niya pa lang galing Japan dahil binisita niya ang inang nagdaos ng kaarawan nito. Sa kanilang lima ay siya ang pinakamalapit sa ina at madalas na nakakabisita rito kahit na may pamilya na ito sa Japan.
"He went to Nadia's residence... You already know what he's been up to there." Sagot ni Young master Shin at nagkibit-balikat, saka nilapitan ang mga pagkain at tinignan ang mga iyon isa-isa.
"He's not joining the celebration? I heard from Kuya Shawn that he's the reason why the transaction was seamless," sabat ni Young master Luke habang pinapapak ang isang Lumpiang Shanghai.
"You know him, he hates celebration... Hindi ko alam kung kailan siya madadala sa pagmamaakawa sa Mommy niya." Sagot ni Young master Seijun habang ang mga mata ay nakatutok kay Young master Shin na kumakain na rin ng Lumpiang Shanghai tulad ni Young master Evan.
Nanatili ako sa likurang bahagi habang abala sa paglalagay ng mga softdrinks sa malalaking coolers.
"Sigurado po ba kayo Manang Berta na magugustuhan ni Lord Amann ang ganitong estilo ng handaan? Malalaking tao pa naman ang mga bisita." Bulong ni Ruth habang naglalagay ng bloke-blokeng ice sa malalaking coolers.
"Sa katunayan nga ay mas gusto niya ang ganito... Mas gusto niya rin ang mga pagkaing ako ang nagdedesisyon." Sagot ng matanda dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
Nahuli niyang nakatingin ako kaya nginitian niya ako na nginitian ko naman pabalik.
Maya-maya ay dumating na ang mga bisita suot ang mga casual attires nila. Alam nila na hindi engrande ang handaan at nais lamang na imbitahan sila ni Lord Amann sa success ng underground transaction na naisagawa. Tatlong business personalities ang inaabangan namin ngayon na katulad ding mayayaman at ang pinagkukunan ng salapi ay ang illegal business.
Si Don Marcos Xao, isang Filipino-Chinese na business tycoon at isa sa mga business partners ni Lord Amann sa kaniyang underground empire. Kasama nito ang kaniyang asawa na si Mariana Xao na katulad niya ay may Chinese descent din.
Si Don Apolinario Javier Alcaño, ang Daddy ni Margarette Alcaño. Isang kilalang pharmacist ang Don at isa ring business tycoon. Isa siya sa higit na pinagkakatiwalaan ni Lord Amann sa larangan ng pagnenegosyo. Nasa pagdiriwang din si Margarette na hindi maitatangging sobrang ganda at eleganteng tignan kahit sa casual clothes nito.
Ang huli ay si Doña Maria Alexandra Savido. Isa sa mga business partners ni Lord Amann sa kaniyang hypermarket business at sa kaniyang illegal business.
Nalaman ko ang lahat ng ito mula kay Ruth na likas na mas maraming alam kaysa sa amin ni Lourdes. Si Manang Berta naman ay kailanman ay hindi nag-disclosed ng mga impormasyon mula kay Lord Amann hanggang sa bunso nitong anak.
Masyado siyang tapat na tagapagsilbi na napag-alaman kong mahigit tatlong dekada na siyang naninilbihan sa mansyon. Kahit si Ruth at Lourdes ay hindi alam ang kwento ng buhay ni Manang Berta kasi masyado siyang malihim at maingat.
Nang marinig namin ang boses ni Margarette ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang direksyon. Kausap niya si Young master Shawn na abala sa kinakain.
"Where's Evan?" Tanong nito habang naglalakbay ang mga mata sa kabuuan ng malaking garden kung saan ginaganap ang salu-salo.
"He's not coming... Nasa bahay siya ng Mom niya." Sagot ni Young master Shawn.
"Water, please." Narinig kong utos ng isang lalaki na katabi ni Don Marcos kaya naman ay nagmadali akong lumapit at sinalinan siya ng tubig sa kaniyang babasaging baso.
Mas lalong kong naririnig sa mga oras na iyon ang pag-uusap nina Margarette at Young master Shawn.
"You mean, he's in Spain? or in New York?" Tanong ng babae at napahinto sa pagsubo ng balat ng letchon.
"Nadia's not living outside the country anymore. She's residing in Cebu," kalmadong sagot ni Young master Shawn.
Natahimik si Margarette at nagpatuloy sa pagkain. Ilang subo lamang ay tumigil siya at muling nagsalita.
"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko." Ngumuso siya habang may hawak na tinidor. "Kahit man lang dalawin ako sa bahay tuwing free time niya ay hindi niya magawa."
Hindi sumagot si Young master Shawn at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Natahimik ang mga bulungan sa hapag nang magsalita si Lord Amann na nasa pangulong upuan naka-ukopa
"My sons, Shawn and Evan went on an underground transaction for two weeks, and because of their hardwork, it went well... They even gained more partners and buyers not just in national level, but as well internationally," panimula ng matanda dahilan upang mapuno ng palakpakan ang hapag. Napangiti si Young master Shawn nang isa-isa siyang tingnan ng mga bisita at batiin ng mga ito.
"Where's your other son? Evan?" Tanong ni Doña Alexandra.
"She's right, I want to personally congratulate my future son-in-law." ani Don Apolinario.
"I heard that he's a big asset sa busines natin knowing that he's the one responsible for the taste of the drug na binabalik-balikan ng mga kliyente natin." si Don Marcos.
Huminga ng malalim si Lord Amann bago sumagot.
Hindi na bago sa kaniya na sa tuwing may ganitong salu-salo sa mansyon ay saka naman nawawala si Evan. Sa mga engrandeng salu-salo ay nagpapakita naman ngunit hindi rin nagtatagal at mas pinipili ang mas tahimik na lugar.
"Unfortunately, Evan's not around for he is running an errand as of now... But, I will surely send all of your regards to him and congratulatory messages as well." Sambit ni Lord Amann habang nakangiti.
Nahuli ng mga mata ko ang pagtitig sa akin ni Young master Luke at saka binalingan ang kapatid na si Young master Seijun na katabi lang din niya. Sabay silang ngumisi ng nakakaloko na agad ko namang nakuha ang ibig sabihin. Pinili ko na lamang na manatili sa kusina, maghugas ng mga pinggan at mga kaserola na ginamit kanina sa pagluluto.
Kinagabihan ay mahimbing na natutulog ang aking mga kasamahan sa kwarto. Suot ang puting pantulog ay bumaba ako papuntang kusina upang uminom ng tubig. Umabot ng alas diyes ng gabi ang salu-salo sa hapunan kaya naman ay pagod na pagod ang mga kasamahan ko sa matinding pagliligpit, paglilinis, at paghuhugas bago tumulak sa kwarto upang magpahinga na.
Tulog na rin ang mga anak ni Lord Amann na parehong nasa mansyon sa ngayong gabi. Ako na lamang ang hindi makatulog dahil sa dami ng aking mga iniisip. Gabi-gabi pa rin akong binabangungot ng pagkamatay ng aking mga magulang na hindi ko alam kung hanggang kailanman mawawaksi ng aking isipan.
Matapos makainom ng tubig ay akmang tutulak na ako paakyat nang mapansin ko na bahagyang nakabukas ang malaking sliding door sa may gazebo. Dahan-dahan akong lumapit at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Sa marmol na mesa ay nandoon ang isang bote ng tequilla, may iilang piraso ng lemon, at isang shot glass. Sa dulo ng mesa ay may tatlong marmol na upuan at doon ko nakita si Young master Evan, nakahiga, at tiyak na tulog na.
Hindi ko napigilan ang sariling lumapit at mapagmasdan ang kaniyang mapayapang itsura.
Pinagtabuyan na naman ba siya ng ina?
Gumalaw siya ng kaonti dahilan upang mapaatras naman ako. Ang ulo niya ay nakahiga pabaliktad kaya sa tuwing tumitingin ako sa kaniya ay ang mga paa niya ang una kong nakikita bago ang kaniyang mukha.
Mas lalo akong nagulat nang magmulat siya ng mga mata at agad na nagtama ang aming mga paningin ngunit hindi ako nakagalaw. Nanatiling ganoon ang posisyon namin hanggang sa hindi ko inaasahang bigla siyang tatayo at hinuli ako sa bewang.
Hindi ko iyon inaasahan kaya naman bahagya akong nagitla na alam kong napansin niya.
"Baby...," mahina ang boses na sambit niya.
Sa mga oras na iyon ay hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nalulunod sa mga mata niyang mapupungay.
Ang mas lalong hindi ko maintindihan ay sakit na dumaan sa aking dibdib nang marinig ang mga salitang naghatid ng kakaibang kilabot sa aking sistema.
"I missed you, baby... Why can't you remember me?" aniya, muling ipinikit ang kaniyang mata at marahang sumandal sa akin habang pinapanood ko ang malayang panlandas ng isang butil ng luha mula sa isa niyang mata.
Sabay-sabay kaming napalingon lahat nang marinig ang sigaw mula sa mga lalaking nakaitim. Halos isang libong pakete na ang na-packed namin ngunit malayo-layo pa sa nasabing quota. Napag-alaman ko rin mula sa narinig na pag-uusap na mga kliyente mula sa Nigeria, America, Thailand, at Vietnam ang mga nag-purchased. Sa katunayan ay may mga orders pa na hindi na-rereplyan.Malakas ang kitaan kaya hindi maubos-ubos ang kayamanan at pera ni Lord Amann."Kailangan namin ng isa sa inyo na sasama kay sir Evan sa secret hideout sa North para kumuha ng iilang mga kakailanganin pang ingredients dahil nagkaubusan," malakas ang boses na sabi ng lalaki.Sinuyod niya ang mga mata niya sa amin isa-isa at nahinto iyon nang sa akin na siya nakatingin. Nagulat ako nang ituro niya ako kaya natigil ako sa ginagawa."Bago ka rito?" Tanong niya dahilan upang mapatango ako.May kutob ako na baka ako ang piliin niyang pasamahin."Ikaw na ang sumama at nang maranasan mo." Sambit niya.Hindi agad ako nakagalaw sa
Naggising ako nang maramdaman ang mahinang pag-uga sa aking mga balikat ng kung sino man. Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang mukha ni Ruth. Basa rin ang buhok niya na halatang kakasuklay pa lamang. Pipitikin na sana niya ang noo ko nang hawakan ko ang kamay at agad na napabalikwas ng bangon."Tulog mantika ka kasi, Ada." Kumakamot na sabi ni Ruth.Naalala ko ang nangyari sa nagdaang gabi nang maabutan ko si Young master Evan sa gazebo. Ang tagpo namin nang bigla niyang hapitin ang aking baywang at sabihin ang mga katagang hindi ko inaasahan."Dalian mo Ada, kasi pinapatawag tayong lahat ni Lord Amann sa baba," dagdag ni Ruth na nagpabalik sa akin sa sandaling pagkawala sa ulirat.Napatingin ako sa orasan at napagtantong tatlong oras pa lamang ang aking itinulog. Ala una na ng madaling araw ako nakatulog kagabi matapos kong iwan si Young master Evan sa gazebo nang mapansin kong mahimbing na siyang natutulog sa aking dibdib habang nakaupo.Dahan-dahan ko siyang
Abala kaming mga kasambahay sa kusina sapagkat ayon kay Manang Berta ay nais na magdaos ni Lord Amann ng kaonting salu-salo para sa successful underground transaction na isinagawa nina Young master Evan at Young master Shawn.Apat na putahe ang niluluto namin ni Ruth. May menudo, lumpiang shanghai na paborito raw ni Young master Luke, Escabecheng Tilapia, at Adobo. Si Manang Berta na raw ang pinagdesisyon ni Lord Amann sa mga putahe. May iilang mga business personalities din na inimbitahan ang matanda upang makisalo sa kanila. Kabilang na doon ang soon to be fiancee ni Young master Evan at ang ama nito na matalik na kaibigan ni Lord Amann.Maliban sa apat na putahe ay may isang lechon din na nakadapa sa mesa, dalawang desserts gaya ng mango tapioca at leche flan na si Manang Berta pa rin ang nagdesisyon.Dalawang oras na lamang ay darating na ang mga bisita kaya kailangan na naming pagtulong-tulungan na ilabas ang mga softdrinks at mga alak. Isang payak na selebrasyon para sa patuloy
Dalawang linggo ko ng hindi nakikita si Young master Evan at ang kapatid nito na si Young master Shawn. Wala ni isa sa amin ang nakakaalama kung nasaan ang dalawang magkakapatid. Kung hindi ako nagkakamali ay baka ay may illegal transaction na naman silang ginagawa. Hindi na bago sa katulad nilang may ganoong linya ng trabaho. Maraming hinahawakan na negosyo si Lord Amann ngunit ang illegal niyang negosyo ang pinag-uugatan ng kaniyang kayamanang hindi maubos-ubos.Nang mapadaan ako sa silid-tanggapan ni Lord Amann ay narinig ko ang malakas niyang sigaw. Dali-dali akong hinila ni Lourdes sa gilid at sinenyasan na huwag munang magsasalita. Nakarating kami sa pintuan ng guest room na mahigit iilang hakbang lamang ang layo mula sa silid tanggapan ni Lord Amann.Kapwa kami may hawak na walis at basahan ni Lourdes at parehong kakagaling lamang maglinis ng mansyon. Napansin ko rin na hingal na hingal siya idagdag pa ang pawisan niyang noo at leeg."Anong nangyari sa'yo?" takang tanong ko ha
Hindi naggising si Young Master Evan.Nalasing talaga siya sa ininom na wine kanina, nagsarili kasi. Dahil antok na ako ay umusog ako ng kaonti. Ginawa kong sapin ang malapad na dahon ng saging at pumikit.Naggising ako nang makarinig ng tunog sa paligid. Napabalikwas ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin sa'kin ang isang lalaking may dalang lambat."Bakit ka riyan natutulog, ineng?" Tanong niya. Napatingin ako sa paligid. Umaga na at sa tingin ko ay bago pa lang nag alas sais.Wala na rin si Young Master Evan kaya nanlumo ako. Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong unipormeng pangkatulong. Ngunit nagulat ako nang may makapa sa bulsa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pera iyon at ang sapin ay hindi na dahon ng saging kun'di coat na iyon ni Evan."May nakita po ba kayong lalaki dito kanina habang natutulog ako?" Tanong ko sa mangingisda.Umiling-iling si Kuya at tumalikod."Sinipingan ka ng iyong nobyo sa tabing-dagat? Ang mga kabataan nga naman ngayon, wal
Alas kwarto ng madaling araw nang gisingin ako ni Aling Berta upang maghanda para sa gaganaping salo-salo sa mansiyon ngayong araw. Ngayon ang ikalabing-pitong kaarawan ni Young Master Luke. Nalaman kong siya pala ang bunso sa kanilang Lima.Naglagay kami ng mga palamuti sa bawat sulok ng mansiyon at ang iba naman ay nakatuka sa paglilinis at ang iba ay sa pagluluto."Ilang taon ka na, Ada?" Tanong ni Ruth sa'kin. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng kurtina."Bakit mo naitanong?" Tanong ko pabalik sa kaniya."Huwag mo naman akong sagutin ng isa pang tanong!" Nakangusong sagot niya.Natawa ako ng kaonti at tinignan siya."18 years old." Sagot ko at bumalik na sa pag-aayos ng kurtina."Ang bata mo pa pala. Alam mo, sa tingin ko ay galing ka sa mayamang pamilya. Kutis-porselana ka kasi." Puna niya sa kabuuan ko habang nananatili ang titig sa'kin.Tanging ngiti lang ang sinagot ko kaya naman napatakip siya sa kaniyang bibig."Adopted ako, pero kahit kailan hindi pinaramdam ng mga magulang ko n