Share

Chapter 5

Author: sheenxinxin
last update publish date: 2025-10-16 10:59:39

(Uno’s POV)

“Pasensya ka na sa anak ko, Selene.” Dad said to her.

Agad din siyang tumingin kay Dad pero walang kahit anong emosyon ang muka niya kagaya kanina.

“So serious, just like my universe before. If I were you, I wouldn't show that if a Delacroix like me were around. Because when we Delacroix, says mine, it's ours,” Dad said that makes everyone fall into a deep silence.

“Walanghiya ka talaga, gusto mo pang maging katulad mo iyang mga anak mo. Don’t mind him Selene, say no when you felt like it,” sermon ni Mom kay Dad na agad na ikinatawa ng lahat.

Tila hindi naman naapektuhan ang katabi ko sa sinabi ni Dad at ni Mom tahimik lang siyang nakaupo at sumandal pa siya kaya natawa na lang si Tres na katabi niya.

“Buti hindi ka napipikon sa mga ganitong asaran?” Tres ask her.

“Sanayan lang,” Selene answered, and then she smirked at him.

Lalong natawa si Tres sa kanya, kaya muli akong umiwas ng tingin sa kanila. Damn! Bakit ba hindi ko maiwasang mapatingin at makinig sa kanila? What the hell is happening to me?

“Ang daya mo naman Selene! Ang mga katulad ba ni kuya Tres ang tipo mo? Kapag kami ang kausap mo ang sungit-sungit mo pero sa kanya ang bait mo.” agad na reklamo ni Clark.

“Hindi ako nakikipag-usap sa puro pag-ibig ang nasa utak, mag-aral na nga lang kayo. Ang babata niyo pa kasi pero puro na kayo kaartehan,” singhal ni Selene kay Clark na agad na ikinatawa ng lahat.

“Go Selene, I like you na talaga. Isampal mo sa anak ko ang kalandian niya, manang-mana kasi ‘yan sa ama niya pasensya ka na.” tita Cathy said na lalong ikinatawa ng lahat.

“Damn, that was so legit, go girl!” Fifth also said.

Napuno na lang din naman ng tawanan ang lahat habang tahimik pa rin ang katabi ko. Ako na lang din ang tumayo para tingnan kung tapos na ang niluluto nila manang. Saktong-sakto naman na naghahain na sila kaya sinabi ko na lang din na dito kakain ang mga bisita ni Fourth.

“Delikado ka.”

Agad akong napalingon sa nagsalita sa likuran ko saka ko nakita si Lionel at Dos. They walk through me kaya lumabas na lang din agad ako sa kitchen door papunta sa backyard namin at sumunod naman agad sila.

“Ang mga tingin mo delikado ‘yan Uno,” Lionel continued.

“Ipapaalala ko lang bro, you should stop if Fourth really likes her,” Dos also said.

Napatingin agad akong muli sa dalawa saka ako napabuntunghininga.

“You knew me, I wont fall that easily, hindi rin ako ang tatalo sa sarili kong kapatid,” I answered.

“Is she the reason why you were smirking that day in the Dean's office? Iyong babaeng katulad ni Tita?” Lionel asks again.

Agad akong napatango sa kanya na lalong ikinabahala ng muka niya, mas kumabog naman ang dibdib ko ng mas malakas dahil alam ko na delikado ako. Tama sila, delikado ako, hindi ko na rin kasi namamalayan na nakatingin ako sa kanya.

Isa pa, iyong mga tingin ni Dad sa akin, I knew ako ang pinatutungkulan niya ng sabihin niyang when we say mine its ours. That is bullshit, ayokong lumala ito. Kaylan ko lang siya nakita at nakilala pero ganito na agad tumibok ang puso ko pagdating sa kanya.

Kaylan ko lang siya nakita pero pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala, pakiramdam ko ay alam na alam ng sistema ko kapag nandyan siya. Hindi ko maiwasan, tumitibok palagi ng malakas ang puso ko when she’s around. Bagay na hindi mo naman talaga dapat nararamdaman sa unang pagkikita pa lang.

I’m not dumb, if its not love or any bullshit then what is it? Do I have an illness? Am I sick? For the whole twenty-five years of my existence ngayon lang tumibok ng ganito ang puso ko maliban na lang kapag kinakabahan ako sa galit ni Mom.

Ngayon ko lang naramdaman na kabahan kapag malapit ang isang tao sa akin partikular na siya, I even dreamed of her. Bullshit, even her perfume and natural scent I love it all. She’s gorgeous, she’s lovely and deadly. Damn, bakit ganito ako? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa siya dumating?

Bakit sa kanya pa tumibok ang abnormal na puso ko? Maybe love really is unpredictable, marahil ay sinusubok niya ako kung kaya ko ba talagang panindigan ang pagiging susunod na Boss ng organization.

Sinusubok marahil ako ng kung sinuman dahil alam niyang ginusto ko lang na pumalit kay Dad pero ibang bagay naman talaga ang gusto ko. Baka alam nila na gusto ko lang namang iligtas sa responsibilidad ang mga kapatid ko kaya gusto kong ako ang pumalit kay Dad.

This is really insane, bakit naman ngayon pa? This isn’t right. Ako ang panganay, kaylangan kong magsakripisyo. I won't let my siblings suffer just like how we suffered before. I’ll make sure these feelings will stop and die, I’ll make sure that these feelings will never stop me from being what I need to be.

Hindi katulad niya ang dapat kong makasama sa buhay, I needed someone like my Mom but is used to be in our world. I knew that simple kind of relastionship ay para lang sa mga kapatid ko, pero sa akin ay iba dapat, ibang mundo ang nakalaan sa akin kaya iba dapat ang tahakin kong landas.

I am ready for this, I work hard to be where I am right now. Hindi pwedeng dahil lang sa ganito masira ang lahat. She really is like Mom base sa mga kwento ni Dad sa amin noon, she really is like Mom base sa pagkakakilala ko sa kanya pero hindi siya pwedeng mapasa-akin.

Fourth like her, doon pa lang ay hindi ko na siya pwedeng gustuhin. She don’t want wealthy man like me, she wanted a simple life na hindi ko maibibigay, iyon pa lang hindi na pwede.

“Fix yourself, start avoiding her from now on,” Dos said again.

Napatango na lang ako lalo na ng tapikin niya ang balikat ko saka kami muling pumasok sa kusina para kumain.

(Isabella’s POV)

“Isabella, can you let Selene sit beside Fifth for now? Gusto ko siyang makatabi,” tita Cleo said to me dahilan para matigilan ako sa pag-upo sa tabi ni Fifth.

Agad naman akong napangiti sa kanya saka ako tumango para ipakitang okay lang sa akin ang sinabi niya, umisod na lang din ako para makaupo si Tita, Selene at Fifth bago ako.

“Ang saya naman, ang dami lalo natin,” Laurice said.

Sa laki ng dining area ng bahay nina Tita ay nagkasya kami, maging ang mahabang dining table nila ay nagkulang, kaya dinugtungan pa iyon ng mga maids nila. Naupo naman sa center seat si Tito, nasa kanan niya sina Uno, Dos, Tres, Fourth, at kuya Lionel, kasunod ang mga Daddy at Mommy namin.

Sa kaliwa naman ni tito Phoenix nakaupo si tita Cleo kasunod si Selene, Fifth, ako at ang mga anak ng mga Tito at Tita namin, sa dulo naman nakaupo sila Joanna at Tyler katabi nina Kaleel.

“What do you wanna eat, Selene?” Tita Cleo ask her.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin na naman sa kanila, ako kasi ang madalas niyang ginaganyan noon maliban sa mga anak niya at kay Kuya. Sa totoo lang ay kanina pa ako nakakahalata sa kanila, kakaiba kasi sila tumingin kay Selene, lalong-lalo na si Uno.

Malagkit sila tumingin na hindi ko naman nakikita sa kanila palagi, nakangiti lang din naman kasi sila sa amin. At isa pa, si Uno, ako nga ay hindi niya matitigan pero iba siya pagdating kay Selene. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang tinititigan niya si Selene mula pa kanina.

“M-mom? C-can I do that?” agad na sabad ni Fourth kay tita Cleo.

Agad namang napatingin si Tita sa kanya at agad na natahimik ang lahat, nasa kanila na naman ang atensyon. Agad ding tumayo si Fourth saka siya lumapit kay Selene.

“Dont eat that,” agad niyang saway kay Selene saka niya pinagpalit ang plato nilang dalawa, “Selene? Tanggihan mo si Mom, didiretso ka sa hospital kapag hindi mo ginawa iyon,” Fourth said again.

Agad niya ring inilayo ang ibang pagkain sa harapan ni Selene saka niya inilapit ang iba.

“Mom? No pickles, seafoods and chicken for Selene. Allergy siya doon at kapag nakatikim siya noon kahit kaunti ay nawawalan agad siya ng malay. Tried and tested namin ‘yon,” muling paalala ni Fourth kay Tita na ang huling sinabi ay sinabayan pa nina Joanna at Tyler.

“Mrs. Delacroix? Pakialamero pala itong anak mo ano? Sasabihin ko na sana kaso nangunguna pa siya sa akin eh,” Selene said dahilan para magtawanan agad ang mga kasama namin.

“Hoy pareng Fourth, akala ko ba ay hindi mo crush ang Selene namin. Bakit dinidiskartehan mo iyan? Tabi, kami na,” agad na angal ni Kaleel kay Fourth na tinawanan lang din namin.

“Manahimik ka nga, kaya ka tinatawag na bata eh,” agad na sagot ni Fourth sa kanya na ikinatawa lang lalo namin.

Natahimik naman agad sina Kaleel doon habang busy si Fourth sa pagsisilbi kay Selene.

“Okay na Fourd Thyrrone,” Selene said again na agad ding ikinatawa ni Fourth.

“Selene Alejandra, eat well,” Fourth just said.

Matapos niyang gawin iyon ay bumalik na siya sa kinauupuan niya saka niya hinayaan si Tita at Selene doon.

“Alam mo anak, Uno and his father is allergic to pickles also, Tres is allergic to seafoods and Dos is allergic to chicken, magkakasundo pala kayo ng mga iyan sa pagkain,” Tita said to Selene.

Lalo akong napatingin sa kanila dahil sa tinawag niya kay Selene. Bagay na pinapangarap ko ring itawag niya sa akin noon pa man.

“Mom is right, sissy. Wait? Are you allergic on any alcoholic drinks? Specifically beer?” Fifth ask.

She call Selene the name that I wanted her to call me. Pinilit ko na lang na umiwas ng tingin sa kanila at kumain, gusto ko na lang na hindi pansinin ang mga nakikita at naririnig ko pero hindi ko maiwasan. Matagal ko ng inaasam na mapansin ako ni Uno pero kay Selene niya ibinigay ang pansin na iyon. Matagal ko ng inaasam na tawagin akong anak ni Tita at kapatid ni Fifth pero si Selene ang tinawag nila ng ganoon.

She’s beautiful, smart and the type na gugustuhin ng lahat. And I know I am also, pero hindi kami magka-pareho sa ibang bagay. Hindi ako katulad ni Tita, unlike her. Doon ako talo, hindi ko maiwasang hindi magselos. Noong una ay ayos lang ang lahat pero parang hindi na ngayon. Masakit makitang magbago ang lahat right in front of your eyes, pero may magagawa ba ako doon? Wala.

Matapos naming kumain ay agad ring nagpaalam ang mga kasama namin even our parents, nagyaya na rin kasing umuwi si Mom and Dad kaya uuwi na rin kami ni Kuya. Selene and her friends on the other hand will still stay dahil sa research papers nila.

“Kuya?” I called kuya Lionel bago siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.

Agad naman siyang napatingin sa akin, seryoso siya. Mukang alam na niya ang iniisip ko, agad akong lumapit sa kanya at agad niya rin naman akong hinila sa may veranda ng second floor namin.

Nasa kwarto na sina Mom kaya alam namin na hindi na nila kami maririnig. Sabay kaming napatanaw ni Kuya sa mansion nina Uno, nananatili kasing kalapit ng bahay namin ang bahay nila.

“Uno likes her, kung iyon ang itatanong mo. But I knew him, hindi noon tataluhin ang kapatid niya, he will not pursue her kung totoong gusto ni Fourth si Selene,” kuya said to me.

“Everyone likes her Kuya,” I said and he just pat my head so I just sigh at him.

“Isabella? Stop it, I knew it hurts but stop it habang maaga pa. Masasaktan ka lang, I knew him. Kapatid lang ang turing niya sa’yo, hindi ko siya pwedeng pilitin na gustuhin ka huwag ka lang masaktan. Magkaibigan kami at magkapatid, kapatid kita pero kilala ko siya.”

Napaiyak ako sa sinabi ni Kuya sa akin and he just hug me so tight. Mula noon siya lang ang kakampi ko, siya ang palagi kong nasasabihan ng nararamdaman ko mula noon hanggang ngayon. Hindi kasi alam nina Mom and Dad na gusto ko si Uno, hindi rin nila pwedeng malaman iyon.

Magkakapatid ang turingan nila, isa pa tita Cleo don’t want arrange marriages and reto sa mga anak niya sa amin. Gusto ni Tita na hindi isa sa amin ang magustuhan ng mga anak niya at doon pa lang ay talo na ako.

“Stop it now, ikaw lang ang tuluyang masasaktan Isabella. Ikaw lang at wala ng iba,” Kuya said again.

Pero paano ba patigilin ang nararamdaman ko? Paano ko ba ititigil ang pagkagusto ko sa kanya? Bata pa lang ako alam ko ng siya na ang gusto ko, paano ko patitigilin ang puso ko sa pagmamahal sa kanya kung buong buhay ko ay siya lang ang minahal ko. Paano?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 105

    (Fifth’s POV)Makakahalata sina Selene at Archer. Sigurado akong mahahalata nila na hindi simple ang pagkawala ng dalawa. At the same time, kailangan naming lumipat sa mas secure na venue. Alam kong iisipin nila na hindi coincidence lang ito. Lalo na at kami ang naiwan ngayon.“Make sure they evacuated the area,” kuya Uno said to Fourth, and she immediately left with Kaleel to make sure na walang naiwang tao dito.“Aisha immediately defused the bomb in the north.” Balita ko sa mga kasama ko na agad na napalingon sa akin. “Luna’s working on the bomb on the south, at nasa east si Arche. Aisha’s going to the next location, which is the west.”“How about Art and Tres?” kuya Uno asked kaya agad akong napailing.“Still negative,” I answered. 

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 104

    (Fourth’s POV)When Selene left, Kuya Lionel immediately got Archer away. Lumabas muna sila sa kabilang side ng garden, kung saan hindi sila makikita ni Artemis. Sa kusina naman pumasok si Selene, and Kuya Uno immediately followed her, kaya naiwan na naman kami.“Okay, pagpasensyahan na natin sila. Alam kong hindi dapat ganito palagi, pero wala tayong magagawa, buntis. Alam niyo na hormones,” tita Leanna said to us.Hindi pa man kami nakaka-rekober ay siya namang baba ni Kuya Tres mula sa taas. He’s busy. Diretso siya sa glass wall. Saktong nakasalubong niya si Artemis na papunta na sana dito, pero may kausap siya. She does not look okay until kuya Tres takes the call.Hindi nagtagal ay bumalik na rin sina Ate Archer at Kuya Lionel, kasunod din nilang dumating sina Selene at Kuya Uno, pero sabay-sabay lang din silang napalingon sa mga nasa labas. Kuya Tres is still talking on the phone, and Artemis just waved her hand to Selene and ate Archer the moment she saw them.Nawala ang seryos

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 103

    (Fourth’s POV)Matapos ang araw na mag-walk out sina Selene sa family gathering. Wala na ring araw na nakita namin na hindi sila abala. They are all busy, pero hindi kami kasali doon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin namin nagagawa ang surprise baby shower dahil parang wala silang mood doon, kasi masyado silang abala.Madalas silang magkakasama. Madalas para bang marami silang pinag-uusapan na mahalaga. Madalas na nasa bahay ng mga Valle sina Kuya Uno at Kuya Tres, dahil naroon si Archer at Selene. At doon din madalas ang diretso ni Artemis. Minsan may pagkakataon na narito sila sa mansion, pero abala pa rin sila.Kakaiba iyon, hindi iyon simple lang. Walang sinasabi sina Mom and Dad about it, pero narinig ko minsan na tungkol sa organization ang pinag-uusapan at sa trabaho nila. Kaya madalas na narito ang kambal kasama namin.“Abala na naman iyong tatlo ah,” bati ko kay Kuya Dos na kasama namin ngayon sa sala ng mansion.Siya ang acting CEO ng company ngayon, pero wala kaming nari

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 102

    (Selene’s POV)“Ang bilis mo namang gumawa ng arrangement,” puna ko kay Tres na abala sa paghahanda kasama nina Uno at Lionel, habang si Artemis naman ay abala sa pag-iikot sa taniman ng Azalea.“Gusto ko nga sanang ipakita sa kanya ang campsite na ito as a surprise. I didn’t know na madadala ko siya dito dahil inaalo ko na naman siya,” Tres said, saka siya naupo kasama namin.Abala kami ngayon sa pag-aayos ng pagkain sa mahabang mesa sa ilalim ng punong mangga sa sentro ng campsite. Habang si Artemis ay kasama ang caretaker ng site at abala sila sa pag-iikot.“Pasensya ka na ha. Alam kong nahihirapan ka rin. At katulad nitong bunso ko; alam kong sa kanya ka lang nakatingin, just like how she is to me. At alam ko na nahihirapan ka rin na pakisamahan ang mga kapatid namin, lalo na sa ganitong sitwasyon, lalo na ang pumagitna. Habaan mo pa ang pasensya mo, ha?”“It’s okay, as long as she’s the one I’m looking to walang problema,” Tres assured me, kaya agad akong napangiti.“I’m sure nas

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 101

    (Selene’s POV)“Are you okay?” Archer, ask Artemis na agad ko ring ikinalingon sa kanila dahil kami pa rin ang magkakasama.She looks pale; this is not good. I knew it had something to do with her wounds.“We need to do something. She needed that shot. I told you, let’s go to your doctor,” I said to Archer, saka ko binalingan si Artemis.“Kaylangan nating gumawa ng paraan,” Archer also said.“Ako na lang,” Artemis just said, “Madali lang akong makakaalis, kayo ay hindi.”“Okay, let’s have a plan. Nasabihan ko na ang doktor mo. Kailangan ko na lang sabihin sa kanya kung saan kayo magkikita,” I said again.“We needed an alternative plan, hindi ako puwedeng pumunta sa clinic niya and I can’t go to my place dahil alam ‘yon ng lahat. Hindi rin puwede sa office,” Artemis said, na agad ding nakapagpatigil sa akin.Kinakabahan na rin ako, dahil tama siya. Saka ko naisip ang condo ni Archer.“My condo.”“Archer’s condo.”Sabay naming sabi ni Archer sa kanya.“Okay, may dahilan na ako. Mauuna n

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 100

    (Selene’s POV)“Target approaching,” I said via earpiece while Artemis was still busy pretending to buy a unit sa condo na kinaroroonan niya ngayon.Malapit ito sa trabaho niya, at malapit ito sa ice cream store na gusto naming puntahan. We bought ice cream first at sa sasakyan na lang namin iyon kinain habang nagtatrabaho. We planned to make her pretend na kukuha siya ng unit dito, dahil may sapat naman siyang dahilan. This is indeed near her company, kaya hindi maghihinala ang mga tao.Our target is Juan Samonte, a prominent business tycoon, na siyang may-ari ng condo unit na ito. He’s here. Bago lang ang building na ito and he’s one of the tenants, kaya makikita mo talaga siya dito. Like today, kakadating lang niya at papasok na siya sa building.He doesn’t belong in an organization, but he’s secretly proposing harm to the Delacroix, at ganito ang ginagawa namin kapag ang mga taong nagdudulot ng panganib ay hindi natinag sa mga unang hakbang. He’s hard. He even hired syndicates and

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 19

    (Selene’s POV)Agad na nilamon ng kaba ang sistema ko nang makita ko ang pamilyar na mukha sa akin. Agad din naman akong napabangon habang seryoso lang siyang nakatingin sa akin.“You seem so shocked

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 14

    (Selene’s POV)Binalot ko nang maayos ang paa ko para hindi ako masaktan sa paglalakad. I even pra

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 12

    (Selene’s POV)Agad akong napalingon sa pinto ng kwartong kinaroroonan ko nang marinig kong bumukas iyon. Agad din naman akong nginitian nang pumasok kaya napangiti na lang din ako sa kanya, kahit na nahihiya ako sa kanila.“Are you hungry? How are you?” Tita asks me.“Okay na po ako ngayon, Tita. H

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 11

    (Isabella’s POV)Agad kaming napalingon sa hallway papunta dito sa sala ng mansion nina Tita Cleo nang marinig namin ang mga papalapit na yabag. Agad din namang bumungad sa amin sina Uno, Dos, Tres at Kuya Lionel na kanina pa rin namin hinihintay. Kay Fourth lang kasi namin nabalitaan ang nangyari s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status