Share

Chapter 3: BABYSITTING THE CEO PART II

Muli Akong naalimpungatan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kalahati ng mukha ko. Naririnig ko ulit ang panaka nakang pagtilaok ng manok at tahol ng aso. Umaga na pala.

Ilang segundo pa bago tuluyang nagising ang diwa ko. Nilibot ko agad ang tingin sa loob ng maliit na bahay na ‘to para hanapin ang babaeng ‘yon. Pagkatapos niyang umalis kahapon pagtapos niya akong palitan, bumalik rin siya pagkaraan ng ilang minuto. Hindi na niya ‘ko kinausap pagtapos no’n. Ewan ko bas a babaeng ‘yon, bigla na lang naging weird. natulog na lang tuloy ako tapos ginising na lang niya ako no’ng gabi na para kumain. Hindi ko na alam kung ano ba ‘yung pagkaing pinakain niya sakin pero hindi na ako nagtanong at kumain na lang dahil gutom na gutom na rin ako sa mga oras na ‘yon.

Pagtapos niya akong subuan dahil hindi pa rin ako makagalaw, natulog na lang ulit ako habang siya ay may ginawa pa. Mabuti na lang at may kuryente pala dito kahit papaano, nahirapan lang akong matulog dahil sa init at mga lamok.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status