Share

Chapter 2: BABYSITTING THE CEO PART I

Nasaan na kaya ang babaeng ‘yon, kanina pa siya umalis hanggang ngayon wala pa rin siya. Gano’n ba kalayo ang tindahan dito? Anong klaseng lugar ba ‘to at sobrang layo sa kabihasnan.

Napahinga na lang ako nang malalim. Kung titingnan ang sikat nang araw na nanggagaling sa labas, siguradong nasa mga alas-tres na rin ng hapon. Pero kahit na mababa na ang araw, sobrang init pa rin dito sa loob ng bahay na ‘to.

Ang kaninang damit ko na basa dahil sa ulan halos tuyo na sa sobrang init. Kanina ko pa rin nararamdaman ang pagtulo ng pawis sa ulo ko. Ano ba naman ‘to, nagsisimula na akong mangati, gusto ko nang maligo at magpalit ng damit.

Napamura na lang ako sa isip nang maalala kong wala nga pala akong damit na pang palit. Hoo! Isa na namang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko na ma-imagine kung ano pang mas malalang hirap ang dadanasin ko dahil sa pagtakas ko.

“Sir Paulo!”

Nabaling ang tingin ko sa pinto nang marinig ko na ang boses niya. Katapat lang din kasi ng pinto palabas ang higaan kung saan ako nakahiga. Mabuti naman at nandito na siya, akala ko natabunan na siya ng gamot na binili niya, eh.

“Mabuti naman at nandito ka pa,” patuloy niya habang lumalapit sa akin. Humahangos pa siya at medyo magulo rin ang mahaba niyang buhok na ngayon ay tuyo na. Para siyang galing sa isang karera.

“Ano bang akala mo, makakatakbo ako paalis sa sitwasyon kong ‘to?” walang emosyong sagot ko sa kaniya.

Gusto ko namang hindi magmukhang masungit, pero nag-aaringit talaga ang sakit ng braso, binti at ulo ko ngayon.

Parang hindi naman niya ‘yon narinig. Binaba niya ‘yong binili niyang gamot sa higaan sa tabi ko. Inayos at sinuklay suklay muna niya ang buhok niya gamit ang kamay saka naupo ulit sa tabi ko.

“Pasensya na natagalan ako, malayo kasi talaga ang bilihan dito. Pain reliever lang ang nabili ko, ok na ‘to para maibsan ‘yong sakit na nararamdaman mo pansamantala.” Dinampot niya ulit yung gamot na binili niya saka binuksan.

“Teka kukuha ako ng tubig.” Mabilis siyang tumayo. Mayamaya lang nasa harap ko na ulit siya habang may hawak na isang baso ng tubig. 

Hindi ako ulit umimik, sa itsura pa lang ng bahay na ‘to sigurado akong hindi mineral water ang tubig na gusto niyang ipainom sa akin.

Napatigil rin siya dahil sa itsura ko. Saglit na nagpapalit palit yung tingin niya sa hawak niyang baso at sa akin. Mayamaya lang mukhang na-gets na niya yung ibig sabihin ng itsura ko.

“Ay oo nga pala,” napasapo siya sa mukha niya, hindi pa rin binibitawan ‘yung baso.

“What?” tanong ko.

“Mukha ka nga pa lang mayaman, ‘wag ka pong mag-alala malinis naman ‘tong tubig dito. Mas mataas pa nga ang posibilidad na mamatay ka sa mga sugat at pilay mo kesa sa pag-inom ng tubig na ‘to eh,” natatawang anas niya. Bahagya rin siyang nakangiti na parang nang-aasar dahil sa naging reaksyon ko.

Aba, malay ko ba. Saka, sadyang maselan at hindi lang sanay ang tiyan ko sa hindi malinis na tubig.

Sandali pa akong napatigil pero dahil sa patindi nang patinding sakit ng buo kong katawan, wala na akong nagawa kundi tanggapin na lang yung tubig na inabot niya. Dahil halos hindi ko nga mailgalaw ang kanang braso ko, tinulungan na niya akong uminom ng gamot at inangat ang ulo ko para makainom ako nang maayos.

“Salamat…” nanghihinang sabi ko sa kaniya.

Ibinaba niya ulit ‘yung baso sa higaan, naupo ulit at ngumiti sakin. Mukha naman siyang mabait, parang nangungusap ang mga mata niya. Ibang iba ang itsura niya kanina na mukhang takot na takot kumpara ngayon sa itsura niyang mas kalmado na.

“Walang ano man, ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ka na muntik mamatay, pasensya na.  Habang hindi mo pa kaya, susubukan muna kitang alagaan pero hindi ako sigurado…” tumigil siya saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

“Mukha kasing malala ang lagay mo, hihingi ako ng tulong sa bayan para madala ka sa ospital, para na rin ma-contact ang kamag-anak mo.”

“Wag!” hindi ko na napigilan ang bibig ko. Nagulat siya patri na rin ako sa biglang pagsigaw ko, nakakainis.

“H-Ha? Bakit?”

“I mean, hindi na kailangan, sigurado akong gagaling rin ako dito. At saka…” napatigil ako.

Ano ba, Danerie! Kailangan mong makaisip ng magandang dahilan dahil baka maghinala na siya sayo.

Nakatingin lang siya sa akin gamit ang mukhang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Bahala na nga, mukha namang utu-uto ‘tong babaeng ‘to.

“Kasi… ‘di ba nga wala akong maalala. Siguradong mahihirapan lang kayong hanapin sila o malaman kung sino ako. Siguro mabuti kung dito muna ako hanggang sa bumalik ang ala-ala ko.”

Hindi ko na alam kung kapani-paniwala ba ang dahilan ko.

Tumingin lang siya sakin habang nag-iisip.

“Hmm, oo nga. Pero kapag inabot pa ng ilang araw at hindi ka nagiging maayos, wala na akong magagawa. Ayoko namang mamatay ka dito, ayoko maging criminal.”

Hoo! Nakahinga ako nang maluwag don ah.

Wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos no’n, sobrang awkward ng katahimikan. Nakaupo pa rin siya sa tabi ko pero bahagya nang nakatagilid paharap sa dingding. Gusto ko na lang sanang manatiling tahihim pero bigla akong may naalala. Hindi ko na talaga kayang magtagal pa sa suot kong ‘to.

“Uhm…” simula ko.

Mabilis siyang lumingon sakin.

“Bakit? May masakit ba?” alalang tanong niya.

“H-Hindi, ano kasi…”

Nahihiya talaga kong magsabi. Pero no choice naman.

“Ano?”

“Pwede mo ba kong paliguan?”

‘Yon na agad ang nasabi ko, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na hindi ko na kayang magtagal suot ang damit na ‘to at hindi ko na rin matagalan ang lagkit dahil sa pawis ko.

“H-Ha?” utal na tanong niya na parang hindi narinig ang sinabi ko. Kitang kita ko ang bahagyang paglaki ng ata niya dahil sa gulat.

Hindi ko siya masisisi, kahit ako nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko eh.

“Hindi ko alam kung paano sasabihin, sorry. Pawis na pawis na kasi ako tapos natuyo na rin sa katawan ko ‘tong damit na suot ko. Nangangati nako, lalo akong hindi komportable, dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ko.” Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nahiya nang ganito. Ngayon lang ako humingi ng ganitong pabor tapos dito pa sa taong hindi ko namna kilala.

Hindi siya agad nagsalita, hindi rin ako makatingin nang maayos sa kaniya. Parang pina-process pa ng utak niya yung sinabi ko.

“Teka… ano… paano ba…” palinga linga siya habang nag-iisip ng gagawin.

“Tingin ko hindi ka pa pwedeng maligo dahil sa lagay mo, ano na lang… pupunasan na lang kita  para makapag palit ka ng damit, teka lang.” Pakatapos niyang sabihin ytun dali dali siyang tumayo.

Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi na nagbalak magsalita, bahala na kung nong gagawin niya. Ang gusto ko lang talaga ngayon maging komportable kahit papano ang pakiramdam ko.

Pumunta siya sa parang lababo. Nagsalin siya ng tubig galing sa isang maliit na timba papunta sa parang isang malaking bowl na stainless. Pagkatapos binuksan naman niya ang kulang blue na drawer gawa sa plastic. Mukha na yung luma dahil halos nag-fade na ang kulay at sira na rin ang hawakan sa pagbukas. Halos hindi pa nga niya mabuksan no’ng una.

Isang puting bimpo ang nilabas niya doon at ilang mga damit pagkatapos kinuha na niya ulit yung bowl na may tubig saka lumapit ulit at naupo sa tabi ko. Nanatili akong nakahiga, halos hindi ko na talaga maigalaw ang katawan ko.

“Eto, pupunasan ko na lang ang katawan mo, mabuti na lang may naiwan pang mga lumang damit dito ang tatay ko” sabi niya pero hindi siya agd nagsimulang kumilos.

Tila iniisip pa niya kung saan siya magsisimula.

“Ahm… kaya mo bang tanggalin ‘yang damit mo?” nag-aalangang tanong iya.

“What do you think?” sarcastic na tanong ko.

Malamang hindi, ni hindi ko nga maiangat ang isang kamay ko at pakiramdam ko konting galaw ko lang mapapasigaw na ako sa sakit.

“O-Okay,” hindi na maipinta ang mukha niya ngayon. Mukha siyang tense na tense at kinakabahan.

“Ikaw na magtanggal, please, sobrang sakit talaga ng katawan ko,” pagmamakaawa ko.

“Osige.”

Halatang nanginginig ang kamay niya nang simulant niyang tanggalin sa pagkakatali ang necktie na suot ko. Madali lang niya yung natanggal. Pagkatapos dahan dahan niyang sinimulang alisin ang coat ng tuxedo ko.

“A-Aray, dahan dahan.” Npangiwi ako sa sobrang sakit nang i-bend ko ang braso ko.

“Pasensya na!” Lalo tuloy siyang nag-panic.

Nagpatuloy siya at halos inabot ng kimang minuto bago niya tuluyang naalis ang coat sa katawan ko.

“Okay ka lang ba?” concern na tanong niya sakin. Halos nakangirit lang kasi ako dahil sa sakit.

“Oo, please pakibilisan na lang.”

Sinunod naman niya yung sinabi ko. Gamit ang nanginginig niyang mga kamay isa isa niyang tinanggal ang butones ng puting polo ko. Nang tuluyan na niyang matanggal lahat biglang nanlaki ang mata tapos biglang nag-iwas ng tingin.

"What?"

"A-Ah, ano..."

Ano na naman bang problema ng babaeng 'to?

"Ano na?" inip na sabi ko.

”Oo, eto na..."

Huminga siya nang malalim saka muling humarap sakin pero hindi pa rin siya makatingin nang diretso. Bigla bigla na lang siyang nagiging weird.

Unti unti niyang inalis ang polo ko saka ako sinuotan ng isang lumang t-shirt. Kulay Maroon yun pero halos kupas na rin ang kulay. Mukha namang malinis ang damit na to kahit hindi maganda tingnan. Sobrang laki rin sakin pero wala nakong balak magreklamo.

"Okay na ba?" mabilis na tanong niya nang matapos siyang isuot sakin yung damit.

"Nope."

"Ha?!"

Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya. Teka, mapag-tripan nga 'tong babaeng to.

"Palitan mo rin yung pants ko."

Halos malaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. Kung hindi lang sasakit ang katawan ko ay hahalakhak talaga ako ng tawa sa itsura niya. Priceless!

"A-Ayoko!"

I smirked. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?"

"Wala, nagbibiro lang ako. Okay na 'to, komportable na ang pakiramdam ko. Salamat."

Parang biglang lumiwanag yung mukha niya sa sinabi ko. Bumuntong hininga rin siya. Hay nako, mga babae talaga.

Hindi na siya nagsalita. Tumango lang siya sakin saka dali daling tumalikod at lumabas ng pinto.

Oh, san yun pupunta?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status